CHAPTER 19: PREPARATION
Emily's POV
Maaga akong ginising ng Mommy ko dahil papaspa daw ako nila Tita Mhel. Kahit ayoko magpaspa kailangan kasi minsan lang naman sa highschool life mo ang mag prom night. Mabilis akong naligo at nagbihis. White crop top at high wasted shorts ang sinuot ko. Pinartneran ko ito ng white sneakers. Pagbaba ko nasa baba na rin sila Tita Mhel. "Good Morning Ems. Kain ka na. Magpapaspa pa tayo." Bati ni Tita Jo. "Good morning po. Kumain na po ba si Nanay?" Bati ko. "Oo tapos na. Nakatulog din agad at nagpuyatan daw sila ni Ate Marie." Sagot niya. "HAHAHAHAHA. Mabuti na lang sa taas ako natulog. Hindi na ko nakisali sa puyatan nila." Sagot ko. Umupo na ako sa hapag at kumuha na ng agahan. Habang kumakain ako vibrate ng vibrate yung cellphone ko. Siguro gising na yung mga timang kong kaibigan. "Ayusin ko po muna yung gamit ko sa taas tas baba na po ako." Paalam ko matapos kumain. Bumalik ako sa taas at kinuha yung sling bag na dadalin ko. Laman nun ang wallet at yung He's into Her Book 1 ko para di ako mabored habang nasa spa. Naglip tint ako ng kaunti. Nang makababa ako ay agad akong binati ni Tita Jo. "Ganda ni Ate ah! Magsspa lang yan pero parang makikipag date." Aniya. "HAHAHAHA. Natutunan ko lang po mag ayos dahil magaling mang surprise si Ken." Sagot ko. "Sino naman yun?" Tanong niya. "Special someone ko po." Sagot ko. "Naku hindi Jo! Manliligaw niya yun. Dinala niya dito sa bahay kahapon." Singit ni Tita Marie. "Aya! Ems ah! May manliligaw ka na pala ah." Asar naman ni Tita Jo. "AHAHAHHAHAHA. 3 contests po ang nachampion ko. Baka nabihag ng mga tula ko. HAHAHAHAH." Sagot ko. "Wow nabihag. Gwapo ba?" Tanong niya. "Opo HAHAHAHAHAH." Sagot ko. "Aba magkekwentuhan na lang ba kayo diyan? Baka gusto niyo nang kumilos diyan at magpapaspa kayo hano? Baka akala niyong napakabilis duon." Sermon ni Tita Mhel na nakasakay na sa kotse. "Si Manang naman. Iniinterview ko lang naman si Ems eh. Ay nako Ate aalis na nga kami't nagagalit na 'tong si Manang." Paalam ni Tita Jo. "Bye Mi!" Paalam ko. Tulog naman si Nanay kaya di na ko nakapag paalam. Agad akong pumunta sa backseat ng sasakyan at prenteng umupo. Kanina pa nagvavibrate ang cellphone ko kaya binuksan ko ito.
Ken:
Morning guys! Nagreready na ba kayo?
Sandra:
Oo. Nasa spa na nga ko ngayon eh.
Andy.:
Yes sir.
Ivan:
Late yung tuxedo ko amp!
Lean:
Andito ko sa mall ngayon naghahanap ng sapatos tas dederetso na ko sa spa.
Ken:
Sleeping beuty pa ata si @Emily
Me:
Oi! Hindi ah! Gising na ko. Late lang ako nagreply kasi kumakain ako. Papunta na kaya kong spa!
Ken:
Mabuti yan. Nang magmukha kang tao.
Me:
Kala mo kapag nakita mo ko mamaya sa ball baka mapanganga ka diyan.
Ken:
Oh sige! Lets see!
Andy:
@Sandra sana mapanganga mo rin si @Ivan mamaya.
Ivan:
Hindi.
Sandra:
Wala kong pakialam sa yelo na yan!
Ivan:
Ka nagkakamali @Andy.
Ken:
Ayieeeeee! Saivan for the win!!!!!
Me:
Sandra ka pala Ivan ah!
Ivan:
Nganga ko kasi sobrang panget niya. Bwahahahahah!
Me:
Ang harsh mo naman kay Sandra. @Sandra ok lang yan. Marami pang iba jan.
Sandra:
Pangit man sa iyong paningin naniniwala akong si Ana'y mas pangit pa rin!
Ken:
Harsh niyo kay Ana. Pero tama ka.
Zoe:
@Ken iwas-iwasan mo nga yung panget na yun! Di kayo bagay!
Ken:
Uy nagparamdam si Vice President. Oo! May ibang rason lang kasi ko kaya kailangan kong dikitan yun.
Nakarating na kami sa spa. Bumaba na ako at sumunod kila Tita Jo. Habang nakikipag usap sila sa cashier ay umupo muna ako sa waiting area nila. "Emily! Lika na!" Tawag ni Tita Jo sa akin. Sumunod na lang ako sa kanya at inasist ako ng isang tauhan ng spa papunta sa isang kwarto. Nilagyan ako ng mask sa mukha at pipino sa mata.
Sandra's POV
Binubuwisit talaga ko mga kaibigan ko! Ilang beses ko ba sasabihing di ko gusto ang yelo na yun!Hindi ko nga ba gusto? Hindi ko na maipagkaila sa sarili kong gusto ko na siya pero siya ba? Ganun din ba nararamdaman niya? Ay nako! Bakit ba siya iniisip ko kung dapat mas mag pay attention ako sa upcoming ball! Nagpapapedicure na ko ngayon dahil natapos na ang manicure. Pagkatapos ko magpapedicure ay pupunta na ko sa shoe store kasi wala pa kong sapatos. Late ko na nasabi kay Mama na wala pang katernong sapatos yung damit ko. Simpleng blue off shoulder gown lang yung nabili ko dahil yun lang yung inabot ng ipon ko. Si Ems ang may pinaka magarbong gown samin dahil siya ang pinakamasipag mag ipon. Suportado pa siya ng Tita at mga pinsan niya. Siguro dito din sa mall na 'to magpapaspa si Ems kasi may hahanapin pa daw siya. Sigurado kasama niya yung mga tita niya. Kinalabit ako ng ateng manicurista dahil busy ako sa pagbabasa ng wattpad. "Tapos na po Miss." Aniya. "Ah thank you po." Sagot ko at sinuot na ang sandals ko. Naglakad na ako palabas ng spa habang nagchachat sa Mama ko na tapos na ako sa spa. Hindi ko inaasahang may mabangga akong malaking lalaki. Natapon sa kanya yung milktea na iniinom niya. "The Heck! Nagmamadali ako! Tas tatapunan mo ko!" Aniya. Tiningala ko siya at nakita kong si Ivan ito. "Sorry. Di kita napansi- Ivan?!"Pagkukunwari kong nagulat. "Sandra?! Bakit ka nandito? Diba dapat nag aayos ka sa inyo?" Aniya. "Bakit? Bawal na ba? Ikaw bakit ka nandito? Diba dapat hinihintay mo yung tuxedo mo?" Sagot ko. "Oo bawal mais dito. At tsaka kanina pa dumating yung tuxedo ko kaya wala na kong iintayin." Sagot niya. "Kung bawal mais dito bawal din yelo noh! Lalamigin yung mga tao kapag nandito ka!" Singhal ko. "At least may comfort sayo macocornyhan lang sila!" Protesta niya. "Ano naman kung macornyhan sila! At least hindi sila giniginaw!" Sagot ko. "At least di ako cornying tulad mo!" Sagot niya. "At least di ako malamig na tulad mo!" Sagot ko. "Ito namang mais con yelo na 'to hangagang dito ba naman sa mall." Saway ni Ken. Nagulat ako sa presensya ng tao na 'to. Bigla bigla na lang lumilitaw parang kabuti. Siguro iniistalk si Emily. "Bakit ka nandito?!" Tanong ni Ivan. "Wala maghahanap ako sapatos. Akala ko pa naman sa loob lang kayo ng school nagababangayan pati ba naman sa labas ng school magbabangayan kayo." Sagot niya. "Hay bahala kayo diyan. Maghahanap na ko ng sapatos ko at magpapamake up pa ko." Paalam ko. Umalis na ko sa harapan nila at pumunta na sa department store. Naghanap ako ng kulay blue na heels para pares sa kulay ng gown ko. Nang makahanap na ako ay nagsukat muna ako at nagbayad na sa counter. Pauwi na ko ng makasabay ko sa exit ng mall si Yelo also known as Ivan. Inirapan ko lang siya at dumeretso na sa pila ng tricycle. "Red diamond subdivision po." Sabi ko sa tricycle driver. Agad niyang inistart ang makina ng motor at pinaandar na ito papunta sa subdivision namin. "Kaliwa po." Ani ko ng makapasok kami sa entrance ng subdivision. "Tabi na lang po." Sabi ko sa driver ng makita ko ang tapat ng bahay namin. Nagbayad ako at pumasok na sa bahay. Nakita ko si Ate Shane prententeng nakaupo sa sofa namin. "Naku Ate. Sorry. May nakita kasi kong ulupong sa mall kaya nagtagal ako. Pasensya na talaga ate." Bati ko. "Ok lang Sandra. Magbihis ka na para hindi maging sagabal yung hairstyle mo sa pagsusuot ng damit mo." Sagot niya. "Sige po ate." Sagot ko. Agad akong umakyat sa taas at nagbihis nung gown ko. Bumaba ako at nasilayan ang panlalaki ng mata nila Mama at ng mga kapatid ko. "Ganda naman ni Ate Sandra!" Ani ni Alex. "HAHAHAHA. Oo nga. Wala pang make up yan ah!" Ani naman ni Alexa. Hindi ko na sila pinansin at umupo na sa make up chair ni Ate Shane. Professional hair and make up artist kasi siya kaya kumpleto siya ng gamit. Nagsimula na siya sa pagmemake up sakin. Dumating na rin ang kasama niyang mag aayos ng buhok ko. Nang matapos ang buhok ko ay half bun lang siya pero may style. Nang matapos ang buhok ko make up naman ang sinimulan sa akin.
Andy's POV
I don't like make ups but I need to because i don't wanna be seen at the prom like a zombie. My aunt hired some make up artists and hair stylists. Nagbihis muna ko ng gown ko para daw hindi na yun maging sagabal sa pagsusuot kapag naayos na ang make up at buhok ko. Nagsimula na silang mag make up sakin. Nawiwirduhan ako tuwing nilalagay nila yung mga cream para sa mukha. Nagstart na ang hairstylist na galawin ang buhok ko at ang isa naman ay nagsimula nang magmake up sakin. Nagphone na lang ako habang nagmemake up.
Me:
I hate this shit!
Emily:
HAHAHAHAHAHAHA. Ok lang yan Andy. Nagstart na ba sila sa make up mo?
Me:
Yes. They are weird.
Sandra:
Tiisin mo na lang. Ngayon lang naman yan eh.
Ken:
Oo nga. Ngayon ka lang naman magmemake up kaya mag tiis ka na lang.
Ivan:
Pwede ka naman di magmake up papuntang prom yun nga lang tatawanan ka ng mga tao.
Me:
Kaya nga i shoud deal with this nang hindi ako pagtawanan ng mga tao.
Emily:
Got to go. Pauwi pa lang ako from spa.
Me:
Okiii! Bye!
Emily:
Bye!
Nilagay ko na lang ang earpods ko at nakinig na lang sa music para di mabored habang minimake upan ako. Nagvibrate ang phone ko. I saw Ken's name so I immediately open his message.
Ken:
Alam mo na gagawin mo ah.
Me:
Don't worry. Makakasayaw mo si Ems.
Ken:
Nagsend na ba siya sa inyo ng picture ng gown niya?
Me:
Di pa. Baka mamaya kapag naka ayos na siya.
Ken:
Send mo sakin para alam ko kung ano suot niya mamaya. Ayaw niya ipakita yung gown sakin eh.
Me:
Don't worry I got you.
Ken:
HAHAHAHAHAHA. Mag make up ka na nga jan!
I told them to make it simple. I don't want to look really elegant. I just want it simple because I'm not the girly type of girl so I ended up with a bun. It is curled at the end part of my hair so that it will not look too lame. They are done styling me so they decided to do the finishing touches.
Emily's POV
Matapos ang tatlo't kalahating oras natapos na ang pagsspa ko. Mabuti't pagkauwi namin ay dumating na ang hair and make up artist na hinire ni Mommy. Si Kuya Jeff. Siya rin yung nagmake up sakin nung sumagala ko. Maganda naman kinalabasan that time pero paano ngayon? Nakaka kaba ngayon dahil nandun si Ken. Ah basta gusto ko ako pinaka maganda mamayang gabi. Gusto ko ako lang titingnan ni Ken kahit nakamaskara. Well I hope makilala niya ko. Wala pa naman akong balak magpakita ng gown kahit kila Andy. "Emily! Ano pa bang tinutunganga mo diyan? Magbihis ka na! Nang mamake upan ka na!" Ani Tita Marie. "Ay. Sige maliligo muna ko. Dadalin ko na ba sa cr yung gown ko?" Sagot ko. "Natural mente hindi! Sa tingin mo kasya yung manequin nun sa cr?!" Sagot niya. Tinalikuran ko na lang siya at umakyat na sa kwarto ko para kunin yung robe at mga necesities sa katawan ko. Dinala ko na lang sa cr yung mga panloob ko. Pinalagay na daw ni Mommy yung manequin sa kwarto nila para dun na lang daw ako magbihis at para hindi na ko mahirapan sa pagbaba. Naka set up na sa garahe yung make up set. Mabilis lang ako naligo dahil wala namang kailangan kuskusin dahil nakuskos ko na kanina. Sinuot ko na lang ang robe ko at naglakad na papunta sa kwarto dahil dalawa ang pintuan papunta sa kwarto. Sa back door ng kwarto ako dumaan para hindi takaw eksena sa labas. Nang makapasok ako nakita ko na ang gown na isusuot ko. Napaka ganda. Nakakabighaning tignan. Agad akong nagbihis. Worth it naman yung perang ginastos ko para dito. Ang sinagot lang nila Mommy at Tita Mhel ay sapatos at hair and make up. Sana maganda ang kalabasan ng cotillion mamaya. Tinulungan ako ni Mommy na magbihis. Nang makapag bihis ako ay agad na akong lumabas. Lahat sila nilingon ako pati na rin ang mga taong napadaan lang sa tapat ng bahay namin ay napahinto. Parang huminto ang mundo nila ng makita ko. Jusmeyo marimar guys! Ako lang 'to yung iniirap irapan niyo. "Ganda ni Ems ah!" Bati ni Tita Mhel. "Wala pang make up yan." Segunda ni Tita Jo. "Paano pa pag namake upan na yan." Segunda naman ni Tita Marie. Umupo na ko sa make up chair at nagsimula na si Kuya Jeff na ayusin ang buhok ko. Pina half bun ko na lang at pinakulot sa dulo dahil may binili akong butterfly hair pin na kamukha nung damit ko. Nang maayos niya ang buhok ko ay kinabit niya sa bun yung hair pin. Kinulot niya din yung dulo ng buhok ko para mas mahigh light yung pin at mas may style. "Oh pak! Ganda! Manang mana ka kay Madam!" Aniya ng matapos ang buhok ko. "HAHAHAHAHAHAH. Ah Kuya Jeff wag masyadong magarbo yung make up ko kasi mahuhulas din at sasayaw ako sa cotillion." Sagot ko. "Cotillion?!" Sabay na ani ni Tita Marie at Mommy. "Ay di ko pala nasabi. Kaya napaka ganda nung gown ko kasi kasali ako sa cotillion. Yun yung pasabog ko. Ako yung nasa gitna nung dancers kaya kailangan na maganda ko at ang gown ko." Sagot ko. Kahit na ala namang connect yung cotillion sa pagpili ko ng gown. Sadyang nagandahan lang ako sa gown na yun. "Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Pagalit na tanong ni Mommy. "Surprise!!" Sagot ko. "Ay nako. Galingan mo na lang mamaya sa pagsayaw." Sagot naman ni Tita Marie. "Baka magmukha kang stick!" Asar naman ni Kuya Mark. Ewan ko kung bakit nakarating yan dito eh dapat nasa Pampangga yan dahil walang kasama yung anak niya. "Ay nako Kuya Mark. Bakit ka ba nandito? Diba dapat kasama mo si Baby May?" Sagot ko. "Nabalitaan ko kasing prom night mo ngayon kaya ako nandito. Tsaka ako maghahatid sayo school mo noh!" Sagot niya. Ah kaya naman pala. Siguro inabisuhan siya ni Tita Mhel. Nagsimula na siyang make upan ako. 5 pm ng matapos magmake up si Kuya Jeff. 6 pm pa ang call time. May isang oras pa ko para magpicture. Matapos magpicture picture ay nagsend ako ng picture sa gc namin. Naisip ko na paano ko titingnan ni Ken kung di niya naman alam suot ko kaya nagsend na lang ako.
Ken's POV
Matagal ko nang plinano 'to. Simula mag announce na ng mga kasali sa cotillion. Palihim akong nanunuod ng practice nila para alam ko yung steps. Minsan pinapa video ko kay Kuya Kenneth para mapag aralan ko yung sayaw kapag di ako nakakapunta dahil sa mga quizes. Kaya nung na sprain siya at binuhat ni Ivan selos na selos ako. Gusto ko ako yung nasa pwesto niya. Gusto ko ako yung nag aalalaga at nag aalala sa kanya. Ako lang. Ayoko na may ibang nag aalala para sa kanya. Nang mabuo ko na ang plano kinuntsaba ko si Andy para makasayaw ko si Emily. Pumupuslit pa si Andy sa tabi ko kapag klase para lang mapagusapan namin yung plano. Win win situation 'to para kay Emily at Sandra dahil may pagkakataon na si Sandra na iparamdam kay Ivan ang nararamdaman niya at makakasayaw naman ako ni Emily sa prom. Nang pumunta ko sa mall para maghanap ng sapatos ay nakita kong nagbabangayan nanaman si Sandra at Ivan. Nililingon na sila ng mga tao kaya sinaway ko na. Nung umalis na si Sandra ay pumunta na ako ng shoe store. Ewan ko kung san pumunta yung mokong na yun ng mawala ako sa harapan niya. Sabi ni Emily nandito din daw siya sa mall. Siguro nasa spa. Mabilis lang ako nakahanap ng sapatos na babagay sa susuotin ko. Bumili lang ako ng milktea at umuwi na. "Ken, gusto ko si Ana makasayaw mo mamayang gabi." Utos ni Mama nang makarating ako dito sa bahay. Its always been like that for the past seven years of my life. I am always forced to be with Ana. Every gatherings and family dinners I should always be with her. Para daw assured sa mga business partner nila and family namin yung wedding namin. Nung makilala ko si Ems nagkaroon ng dahilan upang makawala sa fixed marriage na ito. Hindi 'to alam ng mga kaibigan ko. Mabuti na yun na wala silang alam sa gulo ng buhay ko. Wala naman din akong magagawa kung malaman nila ang mga ito. Low profile ako kaunti lang ang nakakaalam na engaged ako kay Ana. Kinausap ko naman na siya na dapat sa harap lang ng mga magulang namin ang umarteng engaged kami pero pag sa school dapat civil kami. Tumango na lang ako sa kanya at pumunta na sa kwarto ko. 3 pm na ng makauwi ako kaya kinailangan ko ulit na maligo dahil 6 pm ang call time. Nang makaligo ako at makapagbihis ay chineck ko agad ang cellphone ko dahil baka nagsend na ng picture si Andy ng gown ni Emily.
Emily Savvanah Howards sent a photo.
Agad ko iyong binuksan at bumungad sakin ang mala miss universe na ganda ni Emily suot ang kanyang lavender gown na may mga burdang paru-paro. Kalahati lang ang nakaipon na buhok at may hair pin na butterfly. Napaka ganda. Tamang tama sa kutis niyang morena yung kulay nung gown.
Emily:
Excuse me dadaan ang pinaka maganda sa Franklin U.
Sandra:
Daan ka na. Pang Miss Universe ang ganda.
Andy:
Di na ko magtataka pag ikaw yung Prom Queen.
Me:
Ganda naman ng prinsesa ko. Pwede nang pagawan ng kastilyo.
Emily:
Oo kastilyong buhangin pwede na.
Me:
Si Babe naman di sineseryoso sinasabi ko. Baka mamaya magkatotoo yan.
Ivan:
Respeto naman po sa mga single boss Ken.
Me:
Manong ligawan na si Sandra ng di ka nagkakaganyan!
Ivan:
Soon.
Sandra:
No need. Sapat na sakin si Deib Lohr.
Emily:
Weh? Minsan kaya kitang narinig magsleep talk. Sabi mo "Ivan Love you"
Andy:
Oo nga.
Zoe:
Oo nga Sandra. Bagay kayo ni Ivan.
Lean:
Ligawan na yan! Wag nang magpaligoy-ligoy pa.
Ivan:
Soon kapag pumuti na yung uwak ang ibig kong sabihin. O kaya pag may naka discover na ng dulo ng universe.
Me:
See you later na lang. Alis na ko. Excited yung mga magulang ko kahit ako naman yung magpoprom.
Emily:
Ako maya-maya pa ko aalis kasi 7 pa naman start.
Me:
Ingat kayo papunta. Gtg. Chat chat na lang.
Kaya ako maaga pinaalis ni Mama dahil kasabay ko si Ana. Putcha sana di ako makita ni Emily. 5:30 ako umalis ng bahay kaya paniguradong 6 pm nasa school na ko. Sana mauna ko kay Emily. Ayokong bigyan siya ng dahilan na mag selos ng kay aga aga. Alam kong magseselos siya dahil dinoktor yung listahan ng tables kaya magkaiba kami. Alam ko na from the start yun. Mama never let be myself in public. Kay Emily lang at sa mga kaibigan namin ako nagiging totoo. Soon pag nakilala niyo si Emily di niyo na masasabing mas better si Ana. Kasi kapag pinagtabi sila lamang na talaga si Emily. Sumakay na ako sa kotse dahil hadaling hadali si Ana. Ayun ang ayoko sa babaeng 'to hinahadali ako. "I have one favor for today." Panimula ko. "I can do anything for you." Sagot niya. "Ayokong bibiwisitin mo si Emily ngayong gabi." Sagot ko. "O-of c-course if t-thats w-what y-you want." Nag aalinlangang sagot niya. "Bakit di mo masagot ng maayos?" Tanong ko. "Of course if thats what you want." Pag uulit niya. Tinanguan ko lang siya at nag earpods na para di na siya makapag bukas pa ng conversation.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top