CHAPTER 17: KISS

Ken's POV
Lumabas si Kyle yung younger brother ko sa kwarto ko pagkakain ko dahil nauna na siyang matapos kumain. "Hoy Kyle! Baka may ginawa ka sa phone ko ah!" Sigaw ko ng papasok na siya sa kwarto niya. Alam niya kasi yung password ng phone ko. Mabuti nga't di ako sinusumbong kila Mama na may wallpaper akong babae. Si Emily kasi ang wallpaper ko sa phone at laptop. "Wala Kuya! Nag ml lang ako!" Sigaw niya bago pumasok sa kwarto. Kaya pumasok na rin ako ng kwarto ko. Chineck ko nga kung wala nga ba talagang ginawa pero nagkamali ako. Binuksan ko ang messenger ko dahil ugali ng bata na yun na kalutkutin ang messenger ko. Jusko nakita ko sa unahan ng chat list ko si Emily. Kyle naman! Dami daming pwedeng ichat bakit si Ems pa? King ina oh! Lumabas ako ng kwarto at kinatok ang kwarto niya. "Hoy Kyle! Bakit may chinat ka nanaman sa messenger ko?!" Sigaw ko sa kanya. "Ha? Sinong chinat?" Tanong niya. "Wag ka nang magmaang maangan diyan dahil nakita ko yung chat list ko. Ano crush mo nanaman yung nililigawan ko?! Baka sapakin na kita!" Sigaw ko. Ilang ulit nang nangyayari yun dahil palagi kong avatar sa ml yung mga nagiging crush ko pero si Emily lang ang ginawa kong wallpaper sa laptop at phone ko. "Hindi Kuya. Nagandahan lang ako." Sagot niya. "Siguraduhin mo kundi yari ka sakin." Pagbabanta ko. "Ken! Ano ba yang sigawan na yan?!" Sigaw naman ni Mama mula sa baba. "Wala po! Paki alamero lang 'tong si Kyle! Pinakialaman cellphone ko!" Sagot ko. Inambaan ko muna siya ng suntok bago lumabas ng kwarto niya at bumalik na ko sa kwarto ko. Binuksan ko ang laptop ko para mag online sa application ng school. Nag lectures ako at nag advance review sa math. Matapos mag review ay nag phone na lang ako. Nag chat si Ana sakin.

Ana:
Ken, our homework in math is too hard. I don't know what to do.

Me:
I'm busy. Go get yourself a tutor. Hindi ako palaging available pag kailangan mo.

Ana:
Pero kapag kay Emily kahit busy ka ok lang. Bakit kapag ako laging busy ka?

Me:
Eh anong gagawin ko? Busy ako eh.

Ana:
Ok. Sa ibang araw na lang.

Sineen ko na lang ito dahil ayoko nang humaba pa ang usapan namin. Ayoko nang madagdagan pa ng dahilan para magselos lalo si Emily. Alam kong hindi yun dahil tono ng pagtatanong ko dahil yun sa kamay kong inilagay ni Ana sa mukha niya. Pagkatapos ko kayang hawakan si Ana hinugasan ko yung kamay ko at inalcohulan ko ng mabuti. Gaspang kaya kadiri. Hanggang sa makatulog ako si Emily ang nasa isip ko. Iniisip ko kung paano kami magkakabati. Feeling ko siya na ang para sakin dahil siya lang ang nakapagpabagal ng tibok ng puso ko. Kapag nakikita ko siya parang humihinto ang ikot ng mundo at siya lang ang nakikita ko. Mahal ko na ata talaga siya. Kinabukasan ginising ako ng maaga ni Ate dahil may bisita daw ako. "Ate! Sino ba yung bisita na yan?! Sabihin mo panira siya ng tulog!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan dala ang bag ko.  "What Ken?" Ani ng boses ng taong pinaka ayoko. Nang makarating ako sa dining area ay agad akong hinalikan sa pisngi ni Ana. "Argh! Bakit ka ba nandito?! Panira kayo ng umaga! LQ na nga kami sasama pa kayo!" Inis na sabi ko bago ko tumalikod sa kanila. "Sabi ko sayo Ate eh ayaw ni Kuya ng nandito siya." Bulong ni Kyle kay Ate. "Isa pang bulong Kyle. Makakatikim ka ng sapak sakin." Nakatalikod kong ani bago ako naglakad palabas. "Ken! Have your manners! May bisita ka!" Rinig kong sigaw ni Mama nung nasa sala na ko. "Malelate na po ako sorry." Sagot ko. Tsaka naglakad na palabas ng bahay.  Nag earphones na lang ako habang naglalakad papuntang school dahil walking distance lang naman. Nakakainis! Palagi na lang namin pinag aawayan si Ana. Iiwas na nga ko sa kanya ng maligawan ko ng maayos si Emily. Badtrip! Tahimik akong dumeretso sa pila para bumili ng makakain para kahit papaano ay hindi ako hihilo hilo sa klase. Bumili na lang ako ng burger at hot choco para mabigat sa tiyan. Mabuti nga't may breakfast meal ang canteen. "Oh bro! Mag isa ka. Nasan yung prinsesa mo?" Bati ni Carl. Kaibigan ko mula sa first section. "Wala! Dahil nanaman kay Ana!" Sagot ko. "Hayaan mo na. Ako na lang kakausap para tigilan ka." Sagot niya. Ng maubos ko ang pagkain ay tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan ko. Malamig ang pakikitungo ko sa lahat ng tao pati kila Sandra sa sobrang badtrip ko. Tahimik lang ako buong pang umagang klase dahil nga sa halik ni Ana. Sinadya kong hindi sumabay kila Carl dahil alam kong kasabay nila si Ana. Umupo ako malapit sa table nila Emily. Naghood ako at nag earphones para hindi mapansin. Mabuti at natapos ang recess ng hindi nagpapakita si Ana. Taitim ang buong recess ko. Nang pagawin kami ng essay ay marami naman akong naisulat pero nakukulangan pa rin ako sa ipinasa ko. It reminds me of Emily. I miss her so much. Pero ala kailangan niya mag isip kaya hinayaan ko na lang siya kahit namimiss ko na siya. Nang maglunch ay pumwesto ako sa table sa may harap ng table nila Emily mga isang table lang ang pagitan. Tahimik akong kumakain ng burger at pasulyap sulyap lang kay Emily nang biglang may nagtanggal ng hood ko at saktong pagharap ko sa nagtanggal ng hood ko ay ang pagdampi ng labi ni Ana. Nang humarap ako ay nakita kong nakaharap din sa amin si Emily at bumalatay sa kanyang magandang mata ang sakit na naramdaman sa nakita. "Fuck it! How many times do I need to tell you to stop?! Or do I need to elaborate it to you?! Kanina ka pang umaga!" Sigaw ko tsaka siya tinalikuran. Tinitingnan kaming tatlo ng mga tao dito sa cafeteria. Padabog kong kinuha yung bag ko at lumabas ng cafeteria. Hinanap ko si Ems. Naisip kong ichat sila Sandra dahil baka nagpaalam sa kanila.

Me:
San pumunta si Emily?

Sandra:
May sprain paa nun Ken baka akala mo normal yung paa niya. Nandun sa rooftop iniiyak lahat ng sakit na nararamdaman.

Andy:
Bro... Mag usap kayo. Kanina umiiyak yun dahil sa nabalitaan niya sa family niya.

Ivan:
Ken. Kung sasaktan mo lang siya tigil mo na.

Lean:
Maraming tinatago sayo yung babae na yan kaya kung dadagdagan mo lang yung sakit na nararanasan niya wag ka nang pumasok pa sa buhay niya.
Sineen ko lang lahat sila at nagmamadali akong umakyat sa rooftop. Nakita ko siya dun umiiyak. "Tang ina! Lahat na lang ba ng mahal ko kailangan saktan ako?"Sigaw niya. "Hanggang kailan ba ko sasaktan ni Ken?! Napapagod na ko!" Sigaw niya pa. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano na siya nasasaktan. Napaluha na lang ako dahil sa sakit na nakikita ko sa mga mata ng babaeng mahal ko. Doble doble na siguro ang sakit na binibitbit niya nadagdagan ko pa. Pinagmamasdan ko lang siya. Umupo siya sa sahig at may kinuha sa bag niya. Nakita kong cutter yun. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at tinabig ng malakas yung kamay niya para tumalsik yung cutter. Hinila ko yung kanang pulsuhan niya at dinala sa mga bisig ko. "Ano ba?! Epal ka! Ayoko na ng sakit! Sawa na ko!" Aniya habang pumipiglas sa yakap ko. "Sorry Ems. Sorry. Kasi nasaktan kita. Iiwasan ko na siya promise. Sorry." Sagot ko. Tumigil na siya kakapiglas at umiyak sa aking balikat. "Yoko na Ken. Away pa sila ng away eh malala na yung lola ko." Humihikbing aniya. "Shhhh. That's why I'm here just tell me everything and I will make it for you. You don't need to suffer alone because I'm with you. I will never leave you. Stop crying. It hurts." Sagot ko. "Just let me cry today please. Ang bigat na eh." Sagot niya sa pagitan ng mga hikbi. Napaupo na ko sa sahig sa sobrang higpit ng yakap niya sakin at nabasa na rin yung jacket ko ng mga luha niya. "Shhhh. Tama na." Ani ko. Kinuha ko sa bag ko yung water bottle na palagi kong nilalagay sa bag in case of emergency. "Oh inom ka muna baka naubos na yung tubig mo sa katawan." Ani ko habang inaabot ang bote. "Thanks." Sagot niya. Ininom niya yung tubig dun at inayos niya yung buhok niya. "Lika na. Baka tapos na yung lunch." Aya niya. "Sige lets go." Sagot ko. Binitbit ko na yung bag niya. Inalalayan ko siya patayo dahil nahihirapan siya sa paa niya. Naka tsinelas na lang siya ngayon dahil sa benda nung paa niya. Inalalayan ko na din siya pababa. Nag cr muna siya para maghilamos. Paglabas niya ay presintable na ang itsura niya kahit mugto pa ang mga mata. "Lets go." Aniya. Nauna na siyang maglakad sakin kaya mabilis akong sumunod sa kanya. Inalalayan ko siya paakyat sa hagdan papunta sa room namin. Hinatid ko siya sa room nila. Ang sama ng tingin ni Lean at Ivan sakin. Tinaasan ko lang sila ng kilay. Pagbukas ko naman ng room ay nagsigawan naman sila. "Ayieeeeeeeee! Ken!!!!" Sigaw nila. "Bakit?" Malamig na tanong ko sa kanila. "May Ana na may Emily pa. Sino kaya dito satin??" Sagot ng isa naming pabidang kaklase. "Manahimik nga kayo. Wala kayong pake sa lovelife ko." Malamig kong sagot. Umupo na ko sa upuan ko at nag earphones para di ko marinig yung mga bunganga nila.

Emily's POV
Kaninang umaga nakatanggap ako ng text kay Kuya Mark na nasa hospital daw si Nanay kaya napaluha na lang ako habang kumakain kami. "Bakit Ems? Si Ken nanaman ba?" Nag aalalang tanong ni Andy. "H-hindi. Y-yung l-lola k-ko n-nasa h-hospital. P-pinag aawayan p-pa n-nila k-kung i-idialysis y-yung l-lola k-ko." Humihikbing sagot ko. "Shhhh. Chill. Fix yourself. Kalma. Pasok na tayo sa school. Wag mo muna sila isipin." Sagot ni Lean. Hindi ako nakakain ng maayos ng breakfast dahil dun sa balita. Buong pang umagang klase ay tahimik ako. Ng mag lunch ay umorder ako ng carbonara at sundae. Tahimik lang ako habang kumakain. Gumawi ang tingin ko sa lalaking nakahood tinanggal ni Ana ang hood niya at tumambad ang mukha ni Ken. Paglingon niya ay saktong pagdampi ng labi ni Ana sa pisngi niya. "Fuck it! How many times do I need to tell you to stop?! Or do I need to elaborate it to you?! Kanina ka pang umaga!" Sigaw ni Ken sa kanya. Tumayo na ko dahil namamalisbis nanaman ang mga luha ko. "Wag niyo ko susundan. I want to be alone. Nasa rooftop lang ako." Paalam ko. Kahit masakit ang paa ko sinikap kong maglakad ng mabilis. Sinikap kong umakyat sa rooftop ng school. "Tang ina! Lahat na lang ba ng mahal ko kailangan saktan ako?!" Sigaw ko. Pati ba naman si Ken dadagdag pa? "Hanggang kailan ba ko sasaktan ni Ken?! Napapagod na ko!" Sigaw ko pa. Umaasang sasagutin ako ng magandang tanawin. Umaasang sana naririnig din ako ni Ken para malaman niyang nasasaktan ako. Para malaman niyang di lang siya yung pinoproblema ko. Binaba ko ang bag ko sa sahig at kinuha ko sa pencil case ko ang cutter. Inangat ko na ang talim nito pero bago ko pa ito maitarak sa pulsuhan ko may tumabig na sa kamay ko. Kasabay nun ay paghila niya sa kamay ko at pagtama sa dibdib niya. "Ano ba?! Epal ka! Ayoko na ng sakit! Sawa na ko!" Singhal ko sa yumakap sakin. "Sorry Ems. Sorry. Kasi nasaktan kita promise iiwasan ko na siya. Sorry." Sagot ni Ken. Nang marealize ko na siya pala yung yumakap sakin napayakap na lang rin ako sa kanya. "Yoko na Ken. Away sila ng away eh malala na nga yung lola ko." Wala sa loob kong sabi. "Shhhh. That's why I'm here just tell me everything and I will make it for you. You don't need to suffer alone beacuse I'm with you.  I will never leave you. Stop crying . It hurts." Sagot niya. "Just let me cry today please. Ang bigat eh." Sagot ko. Thirty minutes ata akong umiiyak sa balikat niya. "Shhh. Tama na." Aniya. "Oh inom ka muna baka naubos na yung tubig sa katawan mo." Aniya pa habang inaabot sa akin ang bote ng tubig. "Thanks." Sagot ko. Ininom ko ang tubig at inayos ang nagulong buhok ko tsaka siya inayang bumaba na. Todo alalay siya sa akin ng pababa kami. Nag cr muna ako para maghilamos. "Lets go." Aya ko sa kanya. Inalalayan niya ako paakyat sa hagdan papunta sa room namin. Hinatid niya ko sa room namin. Saktong pagpasok ko ang pagsigaw ng mga kaklase ko. "Ayieeeeeeeeee!!!!! Kennnnnn!!!" Sigawan nila. "Bakit?" Malamig na tanong ko. "Nakita namin yung kanina ah! Anong ginawa niyo ni Ken? Pagtayo mo kasi sumunod siya eh!" Sagot ng chsimosang kaklase ko. "Eh ano bang pake niyo?" Malamig kong tanong. Natahimik sila lahat kaya umupo na ko sa tabi ni Lean. Nang matahimik sila ay kabilang room naman ang umingay. Paniguradong si Ken ang dahilan nun.  Dumating na ang teacher namin sa pang hapong klase kaya hindi na kami nakapag usap ni Lean. Ng magpagawa ng essay ay nag earphones ako para mas makatulong sa pag iisip. Mas focused ako kapag nagsusulat ng naka earphones. Hindi naman kami sinasaway ng teacher dahil tahimik naman kami. Hanggang matapos ang klase ay tahimik lang ako. "Ems. Nag usap na kayo ni Ken?" Tanong ni Lean. "Mm. Nagsorry siya sakin. Alam mo kung hindi siya nakarating sa rooftop patay na ko ngayon." Sagot ko. "Ha?! Bakit?!" Nag aalalang tanong naman ni Ivan. "Nag babalak kasi kong maglaslas kanina." Sagot ko. "Ikaw talaga! Tatakbo na sana kami kaso pinigilan kami ni Andy dahil nandun na daw si Ken." Sagot ni Lean. "Mmm. Lika na uwi na tayo. Hindi na gaano masakit yung paa ko. Hindi na nagmamanhid pag nag iistep ako." Sagot ko. Inayos niya ng mabilisan mga gamit at sabay-sabay kaming lumabas. Inantay namin sila Andy sa tapat ng room nila. Nakaharap ako sa railings ng corridor nila at nakatanaw sa mga building ng biglang may umakbay sakin. "Nag usap na kayo ni Ken?" Excited na tanong ni Sandra. "Oo. Kung di siya sumunod dun patay na ko ngayon." Sagot ko. "Bakit?!" Nag aalalang tanong naman ni Andy. "Sa bahay na lang tayo mag usap about dun." Sagot ko. "Ems!" Tawag ni Ken. "Oh bakit?" Baling ko sa kanya. "May I take you on a date tomorrow?" Tanong niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba at kilig na rin. "A-ah sige. Hanggang 5 pm lang ako kasi kailangan ako sa bahay eh." Sagot ko. "Ok. Hahatid kita sa inyo after ng date natin." Sagot niya. Tinanguan ko na lang siya at tumalikod na. Ngayon kinakabahan ako dahil kumpleto sila sa bahay ngayon. Si Kuya Mark pa lang ang nakakakilala kay Ken. Nang makarating sa bahay ay agad akong umakyat at nagbihis. Tinanggal ko na din ang benda ng paa ko dahil ok na naman. Makakalakad na ko ng walang benda sa paa kaya pwede na ko magsapatos pero bawal pa rin ang heels. Nang makababa ako ay naghahain na si Sandra. "Ayan na ang reyna! Ano kaya magaganap bukas?" Mapang asar na tanong ni Sandra. "Wala! Nakakaba kaya kasi mamimeet ni Ken yung family ko. Si Kuya Mark pa lang nakakakilala kay Ken. Nandun yung Tita Mhel ko tapos nandun pa si Tita Marie tas yung mommy ko. Baka nga magalit pa sakin yun kasi may manliligaw na ko." Sagot ko. "Parang mamanhikan si Ken sa inyo HAHAHAHA." Ani Lean. "Tanga! Yung pamamanhikan may mga magulang! Tsaka unfair kaya! Si Kuya Kenneth lang kilala ko sa mga kapatid niya." Sagot ko. "HAHAHAHA. Ok lang yan. Kaya mo yan. Kaya ka naman atang ipaglaban ni Ken eh." Sagot ni Sandra. "Alam niyo kumain na tayo." Sagot ko. Pumunta na kami sa dining area. Puno ng asaran ang lamesa namin. Natatawa na lang ako. Kinakabahan ako kung paano ko ipapakilala si Ken sa kanila.  Nang umakyat ako ay nagchat ako kay Ivan na pwede na ko mag practice di nga lang nakaheels. Kinaumagahan ay mabilis akong nag ayos ng sarili. Nagbaon ako ng bagong shirt pero di na white. Magpapalit na lang ako after rehearsal para naman di ako amoy pawis sa date namin. Nang makababa ako ay nakahain na ang mga pagkain. "Morning!" Bati ko. "Energetic ah! Mukhang excited." Ani Sandra. ""Ayieeee. Ems!" Asar naman ni Zoe. "Jusko. Kinakabahan kaya ko!" Sagot ko. Di ko na alam kung paano ko ipakikilala si Ken. Nang matapos kumain ay nag ready na kami sa pagpasok sa school. Ito nanaman ang mga mapanuring tingin ng mga tao. "Deretso na ko sa events hall dahil pwede na ko mag practice. Di nga lang nakaheels." Paalam ko. "Ah sige. Nachat mo na ba si Ivan about sa pagbabalik mo sa practice??" Tanong ni Lean. "Oo. Nasa events hall na daw siya." Sagot ko. "Ah sige ako na lang magsasabi kay Sir." Sagot niya. "Thanks! Mamaya na lang uwian!" Paalam ko. "As if naman magkikita tayo ng uwian noh!" Pahabol ni Sandra. "Magkikita pa naman tayo sa dorm eh!" Sagot ko.  Dumeretso na ako sa events hall para sa practice.

Sandra's POV
Late pumasok si Ken at may dala itong bouquet of roses na napakarami. Di lang ata isang dosena yun. "Oh Ken sino liligawan mo?" Tanong ng ka close ni Ken na kaklase namin. "Wala." Sagot niya. "Weh?" Di makapaniwalang tanong ng iba pa naming kaklase. "Eh bakit ba curios kayo?" Sagot niya. Malakas ang kutob ko na kay Emily niya ibibigay yun dahil may date sila ngayon. Hindi naman nagdate ang dalawa na yun ng walang pa bouquet si Ken eh. Naupo na siya sa tabi ko. "Ganda ba?" Tanong niya. "Kay Emily yon noh?" Sagot ko. "Oo HAHAHA." Sagot niya. "Hindi mali ang kutob ko. Kailan nga ulit kayo nagdate ng walang bouquet?" Tanong ko. "Hmmm??? Walang date na hindi ko siya binigyan ng bouquet." Sagot niya. "HAHAHAHAH. Mali ako ng tanong. Kailan kayo next na magdedate??" Tanong ko. "Di ko pa alam pero siguro after ng ball. Tapos dun ko na rin siya official na tatanongin kung pwede manligaw. Liligawan ko muna pamilya niya bago siya." Sagot niya. "Wow.... Sana lahat." Sagot ko. Nakakainggit naman ang dalawa na 'to. Mapapasana all ka na lang kasi bihira na yung lalaking ganito. Yung lalaking liligawan muna pamilya mo bago ikaw. Hindi na kami nakapagusap pa dahil dumating na ang aming subject teacher. "Oh! Who owns that bouquet?" Tanong ng teacher namin. "Ma'am si Ken po!" Sagot ng bibida bida naming kaklase. "For who?" Baling niya kay Ken. "For my special someone Miss." Sagot naman ni Ken. "Oh. I see. Beacuse its too many." Sagot niya. Ngiti lang ang isinagot ni Ken at pinagpatuloy ang ginagawa. Tahimik na ulit kami. Nagvibrate ang phone ko kaya pasikreto ko itong sinilip.

Emily:
Nauna na ko kumain ng snacks kaya di ako makakasabay. Eat well. Love you all.

Nauna na pala so mamaya pa maibibigay ni Ken yung bouquet. Parang si Dao Ming Si at Shan Cai lang ang peg. Nakakakilig! Sana si Ivan din maging ganon sakin. Charot! Pero sa totoo lang nafafall na ko HAHAHAHAHA. Gwapo naman kasi eh. Parang nahanap ko na yung Deib Lohr ng buhay ko. Ng mag recess ay kami lang nila Lean ang sabay sabay naglunch. Syempre kasabay namin si Ken. "Ano plano niyo mamaya Ken?" Tanong ni Andy. "Ah movie date lang. Kasi ihahatid ko pa siya sa kanila. Magpapakilala na din ako sa family niya eh." Sagot niya.  Hayst sarap siguro ligawan ng isang Ken. Sana ganun din si Ivan. Walang takot sa magulang ko. Ipakilala niya sarili niya as manliligaw ko. Sana all talaga. Marami na silang pinag uusapan pero di pa rin ako makasunod dahil iniimagine ko si Emily at Ken. "Hoy Sandra!" Tawag ni Ivan sa atensyon ko. "Ha? Ano? Bakit?" Sagot ko. "Ahm tatlong beses ka na naming tinatawag tulala ka pa din diyan." Sagot niya. "Ah sorry. Iniisip ko lang kasi paano kaya kung ako yung ligawan ni Ken? Ganun din kaya siya sa parents ko?" Sagot ko. "Sus. Wag mo nang pangarapin si Ken. Nandito naman ako para manligaw sayo eh." Sagot niya. Natahimik ako. "H-ha?" Sagot ko dahil sadyang nakakagulat ang sagot ng mokong na 'to. "Halaman!" Sagot niya. "Tsh! Kunyari pa kayong dalawa eh! Ligawan mo na kasi Ivan wag torpe!" Singit ni Lean. "Joke lang syempre! Kayo naman masyado niyong sineseryoso yung mga sinasabi ko!" Sagot ni Ivan. "Asa pa kayong magugustuhan ko yan! Buhayin niyo muna si Deib Lohr bago ko magustuhan yan!" Sagot ko naman. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang sila ay nagkekwentuhan. Ng bumalik kami sa room ay nawala na ang bouquet na binili ni Ken. Nilingon ko siya nakita ko ang nagaalab na galit sa kanyang mga mata. Kinalabog niya yung pintuan na kulang na lang masira ito. "Tang ina niyo! Labas niyo yung bulaklak! Wala ba talaga kayong magawa?!" Sigaw niya sa mga kaklase namin. "Hindi namin tinago yung bouquet. Pumasok dito si Ana tapos basta na lang kinuha yung bulaklak." Sagot ng isa naming kaklase. Padabog na sinarado ni Ken ang pinto. Naupo na ako sa pwesto ko.

Ken's POV
Agad agad akong pumunta sa room ng first section. Marahan kong kinatok ang pintuan nila kahit na nag aalab na talaga ang galit sa loob ko. Panira talaga si Ana kahit kailan. Pinagbuksan ako ng pinto ng tropa ni Ana. "Oh Ana. Ken is looking for you ata. By the way Ken your so sweet." Bati niya sakin. "Oi nasan yung kaibigan mo?!" Pagalit kong tanong. "Yes? Why?" Tanong ni Ana. "Nasan yung bouquet ha? Hindi para sayo yun. Para kay Emily yun. Ikaw na mismo gumagawa ng ikapapahiya mo." Sagot ko. Pinagtinginan kami ng mga kaklase niya dahil sa narinig. "I'm sorry. I thought its mine." Sagot niya. "And why would I give you flowers huh?" Sagot ko. "B-beca-cause y-you l-like m-me." Sagot niya. "You wish! Where's the bouquet?!" Sagot ko. "W-wait. I'll get it." Sagot niya. Pumasok muli siya sa room at binalik sa akin ang bouquet. "Remember this Ken. Sakin ka rin babagsak kapag nagsawa ka na kay Emily." Pagababanta niya. "Let's see." Sagot ko. Kala mo namang babagsak talaga ko sayo. Gusto ka lang ng magulang ko pero pag nakilala nila si Emily magbabago ang ikot ng mundo. Matapos ko makuha ang bouquet ay bumalik na ako sa classroom namin. "Buti nakuha mo pang buo yan." Bulong ni Sandra. "Sus. Ako pa." Sagot ko. Hindi na kami nakapag usap pa dahil dumating na ang teacher namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top