CHAPTER 15: BREAKDOWN

Emily's POV
Putek 'tong mga kaibigan ko. Kakaparty lang kahapon day out naman ngayon. "Sino naman dudugasan niyo ngayon?" Tanong ko. Dahil kinwento sakin ni Ivan na dinugasan daw nila si Ken nung bumili kami ng project. Masyado naman kasing supporter ng love team namin ni Ken. KELY daw tawag nila. "Ikaw. Ikaw may birthday eh." Sagot ni Lean. "Ang tanong may madudugas ba?" Sagot ko. "Meron!" Sagot ni Sandra. "Wow! Sa mukha kong 'to mukha bang may madudugas kayo." Sagot ko. "Uy! Tigilan niyo nga si Emily. Mag ambagan na lang tayo tutal naman kayo nakaisip eh." Saway ni Andy. "Sama mo pa 'tong sila Ken para may manlilibre." Sagot naman ni Zoe. "Girls day out ngayon Zoe. Kasama na nga natin sila kahapon isasama pa ngayon." Komento naman ni Lean. "HAHAHAHA. Sorry natambakan ng mga gawain sa SC eh. Pati utak ko naiwan na ata sa opisina ko." Sagot niya. "Hayst. Sige ako na sa movie. Kawawa naman kayo eh." Napipilitang sagot ko. "Kami na sa pagkain." Sagot ni Sandra. "Di tayo nakapag usap ng maayos kahapon kasi kasama natin yung ginoong mahal ni Emily at ginoong nagmamahal kay Emily." Komento ni Lean. "Wow ginoo! Big word!" Komento ko. "Sana all na lang." Komento ni Ivan. "Hayst. Ivan kung mahal lang hinahanap mo ayun oh! Pila ka." Sagot ni Sandra habang tinuturo yung bilihan ng mga pagkain. "HA HA HA Sandra nakakatawa." Sagot niya. "Mais mo Sandra!" Asar ko. "Ops ops! Baka magka developan kayo niyan!" Asar ni Lean sa kanila. "Ako?! Madedevelop diyan?! Mais na nga maingay pa!" Sagot ni Ivan. "Ako?! Madedevelop din diyan?! Seryoso na nga masungit pa! Mag exist muna lahat ng fictional character bago ko magustuhan yan!" Asik ni Sandra. "Guys! Alam niyo ba yung the more you hate the more you love!" Asar sa kanila ni Ken. "Oo nga! Ganyan nagsimula Lolo at Lola ko!" Asar ko rin sa kanila. Tiningnan lang ako ng masama ni Ivan at Sandra. "HAHAHAHAH. Pikon naman kayo pareho. Talagang bagay nga kayo! Parehong pikon!" Asar sa kanila ni Lean. Bumalik na kami sa mga classroom namin dahil magsisimula na ang huling klase sa umaga. Sa hapon daw kasi ay announcement ng mga kasali sa cotillion at rehearsal. Ilang araw na lang kasi at teenage ball na. Hindi pa namin alam kung masquerade ball o hindi. Ngayon pa lang din yung announcement. "Ok class pagkatapos ng lunch niyo dumeretso na kayo sa quadrangle dahil dun mag aanounce ng mga kasali sa cotillion. Para di na mahirapan sa pagtawag sa inyo ang mga advisers niyo. You may take your lunch." Bilin samin ni Miss Pau. CE teacher namin. Sabay-sabay kami nila Lean lumabas ilang segundo lang nang lumabas na rin sila Andy. "Putakti! Kinakabahan ako sa mga kasali si cotillion!" Pagra-rant ni Andy. "Ako man nga eh! Feeling ko kasali ko!" Sagot ko. "Wag kayong kabahan. Kung mapili man kayo may rehearsal naman." Pagpapatatag ni Ken samin. "Nakakaba kaya!" Sabay naming reklamo ni Andy. Dahil pareho kaming nasa alanganin ngayon dahil pareho kaming nanalo sa school events. Pinagbasihan ata nila yung achievements ng mga estudyante. Pareho kaming may achievements ni Andy. "Hayst. Ayoko kumain." Ani ko ng makaupo kami sa table sa cafeteria. "Ako din. Ayoko." Sang ayon ni Andy. "Kumain nga kayo! Masama yan sa katawan!" Saway ni Ken samin. "Ken dito ka sa sapatos namin. Di ka kaya madepress!" Masungit na sagot ko. "Kumain ka. Kahit hindi kanin. Please. Baka mamaya mahilo ka niyan." Sagot niya. Wow concerned ang bebe ko. Pero bawal marupok. "Ayoko. Wala ko sa mood kumain ngayon." Sagot ko. "Emily hindi dinadaan sa mood ang pagkain. Kumain ka na please..." Sagot niya. "Bahala ka oorder kita kahit ayaw mo." Dagdag niya pa. "Geh lang." Sagot ko. Argh! Ang rupok ko! Ayoko na! Kakasabi ko lang kaninang bawal marupok eh! Kainis! "Oh ikaw Andy? Di ka talaga kakain? Masama sa katawan yan." Baling ni Sandra sa kanya. "Narinig ko na kay Ken yan. Umorder ka na lang din ng sakin. Ayoko ng kanin ah." Sagot niya. Naiwan kaming dalawa dito sa table dahil nakapila pa sila Zoe at Lean. "Hayst. Paano kapag kasali ako? Hindi ako sanay magsayaw." Pagra-rant ko. "Hay. Bahala na si Lord." Sagot ni Andy. Talagang bahala na si Lord. Jusmeyo marimar naman. Parang ayoko nang matapos tong lunch. Kinakabahan ako sa mangyayari. "Oh. Kain ka na. Wag ka nang kabahan. Nandyan lang ako. Sumusuporta sayo." Bati ni Ken ng makabalik sa table namin. Burger, fries at sundae ang inorder niya. Water lang ang drinks masyado kasing observant sa health ko. Kala mo namang healthy living. Tignan mo't isang bulto ng kanin kinakain tapos coke pa ang drinks. Di naman tumataba kakapuyat. Para di masayang  yung binili niya kumain na ako. Panay lang ang buntong hininga ko habang papunta kami sa quadrangle. "Hoy! Nailabas mo na ata lahat ng linalanghap mong hangin habang papunta tayo dito eh! Tama na yan!" Saway ni Ivan dahil kahit nakaupo na kami bumubuntong hininga pa rin ako. Hindi ko nakatabi si Ken dahil hinatak kaagad siya ng mga kaibigan niya sa first section. Bwisit na to! Si Ana pa ang katabi! Matalim ang tingin ko sa gawi nila. "Kung makakapatay lang ang tingin kanina pa nakabulagta jan si Ken at Ana noh." Asar ni Lean. "Eh ano gusto niyo gawin ko? Pachill chill lang habang yung future ko nilalandi dun sa harap?" Sagot ko. Bwisit! Napakalandi! Kapit pa ng kapit kay Ken. Di man lang umiiwas ang Ken. Putek! Pag di ako nakapag timpi babatuhin ko na yan. Argh! Landi! Nawala ang tingin ko sa kanila nang may tumayo sa stage. Dun ko na lang ibinaling ang atensyon ko. "Ok. Good afternoon students. Today we're going to announce the chosen students who will join the cotillion on the teenage masquerade ball." Anunsyo ng guro sa harapan. Dun na nagumpisang manlamig ang kamay ko nang magbanggit na siya ng mga pangalan. "Emily Savvanah Howards and Ivan Daniel." Sabi ng guro na nakatingin sa gawi namin. At yun na nga nilingon ako ni Ken. "Ok lang yan Ems tayo naman partner eh." Bulong sakin ni Ivan. "Paano magiging ok yun? Di ako sumasayaw." Sagot ko. "Kaya nga may rehearsal diba?" Sagot niya. Di na ko nagpatalo sa mokong na 'to. Sa day out na lang ako mamaya magrarant. After ng movie na papanoorin namin. "Ma'am why am I not joining the cotillion?" Tanong ni Ana. Siya lang kasi ang nagsasalita kaya rinig dito. "Why Miss Arthur? Is there a problem?" Tanong sa kanya ng guro. "Yes. Miss Howards shouldn't be there. She knows nothing about dancing." Sagot niya. "Thats not the qualifications when we choose the students. Thats the purpose of rehearsal to teach them." Sagot ng gurong nagbasa ng mga pangalan kanina. Sino ba siya para sabihan akong wala akong alam sa pagsayaw? "Ems pigilan mo ko kundi babatuhin ko yan ng libro." Bulong ni Lean. "Stop Lean. Ako nga baka masabunutan ko yan." Bulong naman ni Sandra. "Ivan palit tayo." Ani naman ni Andy. Nagpalit sila ni Ivan. "Puta Ems. Wala siyang karapatang ganyanin ka. Sasabunutan ko yan." Bulong naman ni Andy. "Oi tigilan niyo yan. Hayaan niyo siyang magsasalita diyan. Finalized naman na yung list na yan kaya hindi na siya madadagdag." Sagot ko. "Then add my name and Ken's name on the list." Bumalik sa harapan ang atensyon ko nang marinig ko iyon. "The list is finalized Miss Arthur. You can't add other names there." Sagot niya. Biguang umupo sa pwesto niya si Ana. "Sabi sa inyo eh. Di na yun mababago." Bulong ko. "Hayaan niyo na yun. Mas maganda naman si Ems kesa sa bruhidang yun." Bulong ni Zoe sa tabi ni Andy. Nagpalit sila ni Ivan. "Any questions, violent reactions and complaints?" Tanong ng guro. Walang sumagot sa mga estudyante. "Well then you may go. Get your things on your classrooms and go home." Sagot niya. Agad nagkaingay ang quadrangle. Maaga pa naman kaya marami kaming magagawa bago pumunta sa mall. Nang makalabas ako ay agad akong inakbayan ni Ken. Ni hindi ko man lang napansin. "Oh? Bakit ka nandito? Tapos na ba kayo maglandian ni Ana?" Tanong ko. "Selos naman baby ko. Hindi ah. Siya lang yung humahawak sakin. Tsaka pinagsabihan ko na siya sa ginawa niya kanina." Sagot niya. "Talaga lang apaka kapal ng mukha ng bestfriend mo ah. Napahiya ako sa ginawa niya." Sagot ko. "Ayieeee! Sana all!" Sigawan ng mga kaibigan kong timang. Hay nako. Paniguradong aasarin ako ng mga yan sa day out mamaya. "Ingat kayo sa gala niyo ah. Wag papagabi sa daan tapos chat kayo sa gc kapag nakauwi na kayo. Ingatan niyo si Emily." Bilin ni Ken nang maihatid kami sa may gate. Aantayin niya daw yung mga kaibigan niya kaya mamaya pa uuwi. "Wag kang lalandi ah." Paalam ko naman sa kanya. "Oo. Ingat." Sagot niya. Naku Ken malaman laman ko lang na lumalandi ka paliliparin kita palabas ng mundo. "Mall na ba kagad o sa kapitolyo muna?" Tanong ni Lean. "Natural sa mall na para maaga makauwi. Magmomovie pa tayo noh!" Sagot ko. "Oh ano? Arat na ano pang tinatayo-tayo niyo jan?" Aya naman samin ni Zoe. Maleficent mistress of evil. Ang pinanuod namin. Ngayon nandito kami sa DQ para mag ice cream. "Nainis ako kanina bwisit! Wala naman siyang karapatang magsabi ng ganon!" Pagrarant ko habang naglalakad kami paakyat sa dorm. "Oo nga eh! Malapit na ko tumayo kanina kung di pa rin siya tumigil!" Sang ayon ni Sandra. "Pabayaan mo na. Papansin lang yun kay Ken kasi alam niyang ikaw yung liniligawan." Komento naman ni Lean. "Palibhasa Miss Papansin 2020." Sagot naman ni Andy.  "HAHAAHHAHA. Dramang pang kanto awards." Sagot ko. Umakyat muna kami sa mga kwarto namin para magbihis. Agad kong binuksan ang cellphone ko.

Me:
Nakauwi na kami guys.

Ken:
7:00 pm na oh! Bakit ngayon lang?!

Me:
Kasi nanuod kami movie tsaka naglibot pa sa mall.

Ken:
May pasok bukas! Wag ka nang magpuyat.

Me:
Opo.
Matapos nun ay naligo na ko at nagbihis para kumain. Nang makababa ako ay nakangiti ng makahulugan ang mga kaibigan ko. "Anong nginingiti-ngiti niyo jan ha?" Tanong ko. "Nakita namin yung sa gc. Ayieeeee!" Asar ni Lean. Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa asar niya. Mabuti na lang at di na sinundan pa ni Sandra. Kundi ewan ko na. Baka mabaliw na ko nito. Di na namin kinailangan magsaing dahil may carbonarra pang natira sa ref. Ininit na lang yun para yun na lang ang maging dinner namin. Busog pa naman kami sa snacks namin kanina. Matapos kumain ay nagsi akyat kami para kunin ang mga gamit namin at sabay-sabay na nag aral. May assignment kami sa math. Umupo na ako sa sahig. Inipit ko ang buhok ko para di ako naiinitan habang nag aaral. Binuklat ko na ang pahina ng notebook kung saan ko isinulat ang assignment pati na rin ang libro kung nasan ang mga samples nito. Naririnig kong nagriring yung phone ni Sandra at nakareceive kami ng messenger calls. Napakamot ako sa ulo. Alam ko kung sino sasagot nito. Si Ken at Ivan. Yung dalawang math wizards ng tropa namin. Andito naman si Lean eh. "Whats sup Ken?" Bati ni Sandra. Nilagay niya sa tripod yung phone niya at tinapat iyon samin. "Sup Ken." Bati nila. Hindi ako bumati dahil abala ko sa pag intindi ng libro ko. "Ano bang kailangan niyo? Nag aaral ako eh." Sagot niya. "Ede yung asaignment natin. Tulungan mo naman kami." Sagot ni Sandra. "Sup?" Bati naman ni Ivan na kakasagot lang ng tawag. "Tulungan niyo kami sa assignment sa math." Sagot niya kay Ivan. "Ayan si Emily oh tapos si Lean. Bakit kami pa binobother niyo?" Tanong ni Ivan. "Oo nga naman. Nag aaral din kami oh!" Sang ayon ni Ken. "Naku Ken tulungan mo na at pinagaaralan ko pa 'to." Sagot ko. "Oh sige babe. Para sayo." Sagot niya. "Ano bang tanong diyan Sandra?" Tanong ni Ken sa kanya. "Oh Zoe. Anong problema mo diyan sa assignment mo?" Tanong naman ni Ivan nang mapansing namomoroblema din si Zoe sa mga naiwan niyang assignment. "Ang hirap." Sagot niya. "Ano ba yun?" Tanong ko. "Ito oh." Sagot niya sabay pakita sakin ng notebook niya. Science. Physics. Agad akong tumayo para kuhanin sa taas ang calculator ko. "Ganito lang yan." Sagot ko. Pinakita ko sa kanya kung paano ginagamit yung formula na itinuro sa amin. "Thanks." Sagot niya. Bumalik na ko sa pwesto ko. Nang napalingon ako sa gawi ng phone ni Sandra ay nakita kong abala si Ken sa paggawa ng assignment din namin. Bumalik na ko sa pagiintindi ng math namin. Napahawak na lang ako sa sentido ko at nagsimula nang magcompute. Panay lang ang buntong hininga ko habang sinusundan ang solutions sa libro. Nakahinga lang ako ng maluwag nang matapos ko ang unang problem. Napadukdok na lang ako sa lamesang nasa harapan ko sa sobrang pagod sa pagsosolve. May isa pa. Hindi pa naman late pero nakatulog ako habang nakadukdok sa lamesa.

Sandra's POV
Knock out si Emily. Isang math problem lang pala magpapabigay sa babae na yan. Pinagmamasdan lang siya ni Ken. "Natapos niya ba?" Tanong ni Ken. "Hindi. It takes 1 night and 1 morning pag nagsosolve yan. Parang biglang inaantok kapag nagsosolve ng equation sa math." Paliwanag ko. "Late na rin kasi. 9 na kaya siguro napagod." Sagot niya. Pinagpatuloy namin nila Lean ang paggawa ng assignment. Si Lean na ang nagtuloy ng assignment niya. "Sige na Sands. Ayusin niyo na siya. See you tomorrow." Paalam ni Ken bago umalis sa call. Kanina pa umalis si Ivan sa call nung natapos ko ang assignment ko. "Ems. Ems. Akyat ka na." Pag gisng ko sa kanya. "Hm. Yung assignment ko!" Napabalikwas siya nang maalala yung assignment namin. "Tinapos na ni Lean. Akyat ka na. Ako na maglilinis ng mga pinagkainan natin." Sagot ko. Nagsnacks din kasi kami ng kaunti para mas makapagisip kami. Tinapon ko ang mga pinagbalatan ng mga sitsirya at mga bansong ginamit namin para sa juice. Sanay na kaming ganun si Emily kapag may assignment sa math. Ayaw niya talaga ng math ever since. Talagang isang gabi't isang umaga niya ginagawa yun dahil napapagod daw yung pakiramdam niya kapag gumagawa ng mga math problems. Kaya nung wala pa si Lean at di pa kami close nila Ivan youtube talaga ang sandigan namin nila Zoe dahil ayaw na naming pahirapan pa si Emily. Nakita namin yung strugles niya para lang mapakilala ang sarili niya sa mundo. Naalala ko pa kung paano siya nagpakalunod sa pag aaral. Puro siya aral aral at aral. Walang nasa ibang na sa isip kundi pag aaral. Nung time na yun dumating si Ken sa buhay niya at hindi na lang pag aaral ang inatupag niya. Pati na rin ang pag discover sa feelings niya para kay Ken. Masaya ko na hindi na siya tulad noon na kulang na lang magsalamin sa mata para maging nerd. Tambayan ang library at walang inatupag kundi ang mag aral ng mag aral. Siguro kung hindi kami nagkita kita baka naging ganun na nga siya. Kinaumagahan ay maaga akong naghanda ng breakfast. Late nanaman ata natulog si Lean kaya di nakagising ng maaga. Siya na lang paguurungin ko. Kinatpk ko na ang mga kwarto nila para makakain na ng agahan dahil maaga pa kaming papasok. Nang makaupo sila lahat ay nagsimula na kaming kumain. "Lean, thank you kasi tinapos mo yung assignment mo." Pagpapasalamat ni Emily. "Sus. Wala yun. Ganon naman magkakaibigan diba??" Sagot niya. "Hoy! Baka nakakalimutan mong ikaw maguurong ngayong araw dahil nakalimutan mong gumising ng maaga." Pagpapaalala ko. "Ok, ok. Chill." Sagot niya. Mabilis naming tinapos ang pagkain at nagsepilyo na. Matapos namin magsepilyo ay tapos na ding mag urong si Lean. "Tara na. Malalate na tayo." Aya ko. Bigat na bigat na tumayo si Emily na akala mong pinagsakluban ng langit at lupa. "Anong problema mo? Nagawa naman yung assignment mo wah." Tanong ko. Dahil pansin kong ang bigat bigat ng itsura niya. "Ayoko ng araw ko ngayon. Kasi simula na ng rehearsal." Sagot niya. "Oo nga. Sabi din sa gc namin yun eh." Sagot ko. Panigurado kinakabahan 'to. Hanggang makapasok kami sa gate ng school tulala siya. Dumeretso siya sa room nila at kami rin ay dumeretso na. Late dumating si Ken. Ano naman kaya problema nito? Mukha pang puyat. Paniguradong parang may misa mamaya sa table namin dahil sa itsura ni Ken. "Huy! Bakit ganyan itsura mo? Yari ka kay Emily pag nakita kang ganyan." Bati ko ng makaupo siya sa tabi ko. "Nag rank kami ng mga tropa ko. Kaya late na ko nakatulog. Pagkatapos natin magusap nag aya na sila." Sagot niya. "Maghanda ka nang magpaliwanag sa baby mo nako." Sagot ko. Bumaling na ako sa harapan dahil dumating na ang teacher namin. Si Sir Airon ang teacher namin. "Natapos niyo ba yung assignment niyo?" Tanong niya. "Yes Sir." Sagot nila. "Pass your notebooks forward." Sagot niya. Agad naman naming pinasa yug mga notebook namin. Tumalikod na siya samin at nagsulat ng math problem sa board. Nakikinig lang ako sa sinasabi niya para di na nagkakahirapan pag may assignment. Tapos itong si Ken alang ginawa kundi magcellphone ni hindi nga ata nakikinig eh. "Ken! Anong ginagawa mo?" Saway sa kanya ni Sir. Napansin na rin niya ata na wala sa mundo si Ken. "A-ano po... W-wala p-po." Kinakabahang sagot niya. Tsk! Talagang may misa mamaya sa lamesa namin dahil sa mokong na 'to. "Gusto mo lumabas?! Salita ako ng salita dito tapos cellphone ka jan ng cellphone! Tapos kapag bumagsak ako sisihin!" Sermon sa kanya ni Sir. Umupo na siya matapos masermonan ni Sir. Nilabas niya na lang yung notebook niya at nagsulat na lang ng sinusulat ni Sir sa board. Badtrip naman oh! Magsesermon panigurado si Emily pag nalaman niya 'to. Ako namumoroblema sa lalaki na 'to eh. Nagkatinginan kami nila Andy. Sabay sabay na lang kaming napailing dahil paniguradong sasabog sa galit si Emily nito. Late na nga nasermonan pa at mukhang puyat pa. Triple kill na 'tong lalaking 'to. Hayst. Bahala sila. Naunang lumabas sila Lean kaya paniguradong nasa canteen na sila. Tama nga ang hinala ko. Nalaman kaagad ni Emily ang nangyari. Hindi ko alam kung paano o sinong nagkwento. Napakadilim ng tingin niya sa Ipad niya na parang may ginawang kasalanan. Naku kung nakakasira ng Ipad yung tingin niya kanina pa basag basag yung Ipad na yan.

Emily's POV
Kanina napadaan ako sa may tapat ng room nila Ken dahil kakausapin na kami para sa upcoming cotillion. Nakita kong nakatayo siya at sinesermonan ni Sir Airone. Mukha pang puyat ang mokong. Nakakainis. Kala ko nung natapos yung call natulog na. Siya 'tong nagsabing wag magpupuyat pero siya ang puyat. Kanina rin namin nalaman ang mga partners namin. Si Ivan ang nakapartner ko. Ok na rin yun dahil ka close ko. Sa Ipad lang ako nakabaling ng tingin dahil nanunuod ako ng writing tips at kung paano matatapos ang story mo. Nakaheadset ako kaya di ko pinapansin si Lean. Nang matapos ang video na pinapanuod ko ay binuksan ko na ang wattpad app sa Ipad at nagtype na ng chapter. Love songs ang pinatugtog ko para kapag gumagawa ako ng kilig scenes nakakatulong. Umupo na sa harapan ko si Sandra at Ken, sa tabi ko naman si Andy at sa kabilang dulo si Zoe. Di ako nag order ng pagkain dahil ayoko. Nakakawalang ganang kumain. "Ano Ken? Chill ka lang jan? Naririnig ko yung sermon ni Sir sa corridor kanina. Ano bang ginagawa mo?! Mukha ka pang puyat oh!" Sermon ko. Kala mo sasalubungin kita ng magandang bati ngayong araw ah. Badtrip na nga ko binadtrip mo pa ko lalo. "Sorry na babe. Yung mga tropa ko kasi kinulit akong maglaro kagabi. Tapos kanina naman time ng math ginugulo nila yung messenger ko." Paliwanag niya. "Naku Ken! Ayusin mo yan at mabibiwisit mo ko. Sinasabi ko sayo. Sira na nga araw ko dahil ngayon magsisimula yung rehearsal ng cotillion sinira mo pa lalo." Sagot ko.

Ken's POV
Badtrip naman oh! Sila Alex kasi eh. Napakakukulit. Nakalimutan kong ngayon nga pala yung simula ng rehearsal ng cotillion na yan kaya bad trip na badtrip siya. Dinagdagan pa ni Ana. Nakakabwisit na! Ayoko na! Hindi ako kinausap ni Emily buong recess. Kaya parang nalugi yung itsura ko nung umakyat ako. "Anong nangyari sayo pre?" Tanong ni Alex. "Pre LQ yan." Si Carl ang sumagot sa tanong ni Alex. "Bwisit kayo. Nagalit tuloy sakin si Emily. Ang ingay niyo sa messenger nung math time namin. Narinig ni Emily yung sermon." Sagot ko. "Oh bakit ganyan itsura mo Ken?" Tanong ni Ana ng lumapit siya sa amin. "Ang kulit niyong tatlo! Magsama-sama nga kayo! Nakakabwisit!" Sagot ko tsaka lumakad na papunta sa room namin. Nakasalubong ko si Emily na nakajogging pants na at white shirt. Deretso siyang pumasok sa room at kinuha ang mga gamit niya at dumeretso na sa daan papunta sa events hall. Manunuod na lang ako ng practice nila mamaya. Tatlong subject na lang naman eh. Matapos ang huling klase ay mabilis akong naglocker at nagmamadaling dumeretso sa events hall. Pinabayaan ko na sila Alex dun. Bwisit na yan. Nang makapasok ako sa events hall ay nagsasayaw na sila. So close by Jon Mclaughin yung sinasayaw. Kapartner niya si Ivan. Naka heels na siya ngayon. Nakatupi yung dulo ng jogging pants para di maapakan yung heels. Mababa lang naman dahil masyado na siyang matangkad kung gagamit pa siya ng mas mataas. Pumwesto na lang ako sa malayo sa kanya para di na mag init ang ulo. Nakakaselos pero kailangan magtiis kasi parte yun ng pagmamahal. Kahit masakit na iba ang kasayaw niya sa ball ok lang. Kasi teachers naman nagdesisyon nun pero di ko hahayaang hindi ko siya maisayaw sa araw na yun. Nang patapos na ang practice nila ay umalis na ko para hindi niya ako makita. Sigaw ng ate ko ang bumungad sakin pagkauwi ko. "Ate! Ang ingay mo!" Saway ko. "Ken! Dumating na yung damit na susuotin mo sa ball! Ang gandaaaa!!" Sigaw niya. "Oo na ate! Manahimik ka na diyan!" Sagot ko. Agad akong umakyat sa kwarto para icheck yung damit na isusuot ko. Lavender yung shade ng coat ko. Sabi kasi nila Sandra purple daw yung shade ng suot ni Emily. Di ko pa nakikita. Agad akong nagchat sa gc namin.

Me:
Nakuha ko na yung damit ko na susuotin para sa ball.

Andy:
Oh nice..

Sandra:
Bukas pa lang kami maghahanap eh.

Emily:
Oo nga bukas pa kami..

Me:
Sino kasama niyo?

Emily:
Kami-kami lang.

Me:
Pwede sumama??

Emily:
Hindi. Sa ball na lang tayo magkaalaman ng damit na susuotin.

Me:
Gara naman. Pero sige..

Nagbihis na ko at umidlip. Wala naman kaming assignment ngayon kaya pwede nang umidlip. "Hoy Ken! Bangon na! Gabi na!" Sigaw ni Ate. "Ate naman! Natutulog pa ko!" Sagot ko. "Isa." Bilang niya. "Oo oo. Baba na dun. May gagawin lang ako. Layas!" Pagtaboy ko sa kanya. Kasi naman basta-basta na lang pumapasok. Nakakabwisit. Nagulat ako nang nakaspam ang pangalan ko sa gc namin.

Andy:
@Ken
@Ken
@Ken

Me:
Bakit po?

Andy:
Emily is having her breakdown. Idk why. But she keeps on calling your name in her sleep. Can you come over to wake her up?

Me:
Ok. Nagising niyo na ba siya?

Andy:
Oo pero natulog ulit siya tapos umiiyak na siya ngayon.

Me:
Ok. Otw na ko.

Mabilis akong nagsuot ng hoodie. "Mama! May emergency yung girlfriend ko! Kailangan niya ko! Jan lang sa school namin!" Sigaw ko bago ko lumabas. Agad akong pumara ng tricycle para magpahatid sa Franklin U. Humahangos akong umakyat sa dormitory nila. "Ano nangyari?" Nag aalalang tanong ko nang makitang nasa sofa si Emily at umiiyak habang tulog. "Ems. Ems." Tawag ko sa kanya. "Ken!" Sigaw niya. Nang makita niya ko napahigpit ng yakap niya. Umiiyak pa siya sa balikat ko. "Shhhh. Panaginip lang yun. Nandito lang ako. I won't leave." Sagot ko. "Don't leave please..." Nagmamakaawang sagot niya. "Yes I won't leave." Sagot ko. Hinatid ko siya sa kwarto niya at pinatulog. Her face is pale. "Nagdinner na kayo?" Tanong ko kila Andy. "Oo. After dinner natulog siya jan sa sofa tapos nagising siya. Sabi niya binangungot daw siya tapos pagkainom niya ng tubig natulog ulit siya tapos yan. Di nanamin siya magising kasi everytime hahawakan namin siya nagreresist siya." Sagot ni Sandra. "Does she have medicine?" Tanong ko. "Wala. Tapos na. Pinatigil na din siya ng mom niya uminom ng pills kasi makakasira sa kidney niya. Nightmares lang yun kaya siya naging ganun ka emotional. Malay mo included ka sa dream niya kaya ganun siya kahigpit yumakap sayo." Sagot ni Andy. "Hindi naman na kailangan ng pills dun no?" Tanong ko. Nagaalala talaga ko para sa kanya. Nahihirapan din akong makitang ganyan siya. Masakit syempre yung babaeng mahal mo nagkakaganun. "Oo hindi. Thanks. Uwi ka na. Kami nang bahala. Ingat." Sagot ni Andy. Hinatid nila ko hanggabg sa gate ng Franklin. Nang dumating ako sa bahay tapos na sila mag dinner. Kumuha na lang ako ng dinner ko dahil tapos na sila. Nang matapos ay nakipag laro pa ko ng ml kila Alex. Kahit nabibwisit ako sa mga unggoy na 'to eh wala tayong magagawa. Gabi na ko nakatulog. Yari nanaman ako nito kay Emily.

Emily's POV
"Yes I won't leave.." Yun ang narinig ko kay Ken. Hindi ako sigurado kung sa panaginip o totoo. Basta pagkagising ko nasa kwarto na ko. Di ko alam kung paano ko nakarating dito. Naligo na ako. Whole day practice ngayon. Yari nanaman ang math ko neto. Pilit kong inaalala ang nangyari pero di ko matandaan. Yung weird dream ko lang yung naalala ko. Ken is being killed by someone. Tapos nung sumigaw ako ng 'Ken' he was kneeling beside me. Naamoy ko pa yung pabango niya. "Uh guys. Pumunta kagabi si Ken dito?" Tanong ko. "Oh. Wala kang natatandaan?" Tanong ni Zoe. "Wala eh. Natandaan ko lang may kaboses ni Ken na nagsabing 'Yes I won't leave.' Tapos di ko na alam kung paano ko lumipat sa kwarto ko." Sagot ko. "Ginigising ka namin kasi umiiyak ka habang tulog tapos paulit ulit mo lang sinasabi Ken kaya tinawagan namin si Ken. Pumunta siya dito tapos nung siya yung gumising sayo nagising ka na. Tapos hinatid ka niya sa kwarto mo." Paliwanag ni Sandra. "What the fuck?! Totoo?!" Tanong ko. "Yes. Its not a dream." Sagot ni Andy. Shit naman! Anong ginawa ko? Di naman ako uminom ng alak. Bakit di ko maalala. Matapos naming kumain ay sabay-sabay na kaming pumasok sa school. Nakasalubong ko si Ken. "Morning." Bati niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Thank you. Sorry sa istorbo." Ani ko habang nakayakap ako sa kanya. "Wag ka na sana managinip ulit ng ganun pinag alala mo ko." Sagot niya bago ako niyakap pabalik. "Oo hindi na nga sana." Sagot ko. Humiwalay ako ng yakap sa kanya. Kinuha niya ang bag ko at binitbit ito. "Whole day practice namin ngayon. Lunch niyo lang ako makakasama kasi mag-e-early break kami." Paalam ko. "Ok. Ingat ka baka matapilok ka sa heels mo wah." Bilin ni Ken. "Oo. Mag iingat talaga ko at ilang araw na lang. Maghahanap pa kami ng damit mamaya." Sagot ko. Dumiretso na ko sa room namin. Matapos ang morning devotion ay pinatawag na kami para sa practice.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top