CHAPTER 14: HAPPY BIRTHDAY EMILY!!!!
Emily's POV
Nakakagulat yung tanong sakin ng teacher kanina. Di naman kasi namin yun teacher kaya di ko kilala. Ang weird ng tanong niya. Nakaka confuse. Paano niya ko natanong ng ganun?? Di naman namin siya teacher. Nang matapos ang klase namin ay agad nagparecess ang teacher namin dahil may kung anong gathering daw. May kinalaman ata sa upcoming na prom. Ewan ko. Basta may gathering lutang ako kanina kaya di ko naintindihan yung sinasabi ng teacher namin. Umorder ako ng fries at coke para sa aking recess. Umupo na ko sa isang table dahil nauna kong bumaba. Nag earphones ako tulad ng nakagawian. Habang inaantay sila tinatype ko sa Ipad ko yung isang chapter ng libro ko. Iniwan ko kila Kuya Mark yung laptop kasi gagamitin daw niya. Ewan ko kung ano yung gagawin niya. Pinadala niya na lang sakin yung Ipad ni Kreisler para daw nakakapag update pa rin ako kahit wala na yung laptop. Nakauwi kasi ko dun nung isang linggo dahil hinahanap daw ako ni Nanay. Habang nag tatype ako sa Ipad may umupo sa harapan ko. Inangatan ko ito ng tingin. Nang makita kong si Ken ito ay ibinalik ko na lang sa Ipad ang atensyon ko. Iniwan niya lang ang gamit niya sa inupuan niya kanina at pumila na para umorder. Tahimik lang akong kumakain dun habang nagtatype. Dumating sila Andy at iniwan ang mga gamit nila at pumila na. Si Ivan out of no where nanaman . Di ko nakakausap dahil palaging offline. Absent ang mokong ngayon. Ewan ko kung ano nangyari. Parang kahapon lang magkasama kami tapos ngayon absent na. Tahimik akong nagtatype hanggang sa maupo sila sa mga pwesto nila. Naglapag si Ken sa harapan ko ng sundae. "Oh Ems. Alam ko namang favorite mo yang sundae eh." Aniya habang inaabot sakin ang sundae. "Thank you." Sagot ko. Kinakain ko ang sundae habang nagchecheck ng mga spelling. Hinubad ko na ang earphones na nakalagay sa tenga ko. "Ano yan??" Tanong ni Ken. "Novel." Sagot ko. "Tungkol saan??" Tanong niya. "Tungkol sa love." Sagot ko. "Para kanino??" Tanong niya. "Para sayo." Sagot ko. Agad akong naglagay ng earphones para di ko na marinig ang komento niya. Nagring ang bell hudyat ng pagtatapos ng recess. Agad kong niligpit ang mga gamit ko at nauna nang maglakad dahil matapang ang next subject namin. Buong klase ay tahimik tuwing english time namin dahil matapang ang teacher. Matapos ng klaseng yun ay dumeretso na ako sa canteen. "Carbonarra nga po." Ani ko sa kahera. "60 pesos nak." Sagot niya. "Eto po." Nagbigay ako ng 60 pesos. Kinuha ko na rin ang order ko. Umupo na ulit ako sa isang table dahil apaka babagal nila maglakad jusme. Katulad ng ginawa ko kanina ay inabala ko na ang sarili ko sa pagtatype ng chapter. Nagsidatingan na sila kaya tinanggal ko na yung earphones ko at ibinulsa na ang phone ko. Inabala ko na ang sarili ko sa pagbabasa ng aupload kong chapter. Abala ko sa pagbabasa ng may kumuha ng Ipad ko. "Tama na yan. Kumain ka muna." Ani ni Ken. "Akina Ken! Tapos na ko kumain." Sagot ko. "Tapos na ba talaga?? Eh bakit parang di mo pa nahahawakan yung tinidor ng carbonarra??" Sagot niya. "Eh akina na yan! Kakain na ko!" Sagot ko. "Kunin mo muna." Sagot niya. Tinago niya ito sa likuran niya. "Akina Ken!" Sigaw ko sa kanya. "Easy eto na. Kumain ka na." Sagot niya sabay abot ng Ipad. "Oo kakain na." Sagot ko. Pinatay ko ito at inilagay sa bag ko. "Anong chapter ka na ba Emily??" Tanong ni Sandra. "60 ata. Ewan ko nakalimutan ko na." Sagot ko. "Mag uupdate ka mamaya??" Tanong naman ni Andy. "Ngayon ko sana ipopost binabasa ko na lang eh umepal tong mokong na 'to kaya di ko natapos." Sagot ko. "Eh mas importante pa ba yan kesa sa pagkain mo??" Sagot naman ni Ken. "Oo. Naghihintay kaya yung tatlong libong tao." Sagot ko. "Eh kaya ka ba pakainin ng tatlong libo na yon??" Sagot niya. "Hindi. Pero sila yung nagbigay ng way para maabot ko yung isa sa mga pangarap ko." Sagot ko. "Ano ba yung pangarap mo??" Tanong niya. "Maging isang famous writer." Sagot ko. "Hindi ka pa ba famous sa lagay na yan??" Tanong niya. "Hindi pa. Kasi kung famous na ko ede sana na publish na 'to." Sagot ko. "Nga pala Sandra. Ang weird ng teacher niyo kanina. Wala kong choice kaya sinagot ko na lang ang tanong niya eh. Ano ba yun? Bakit nagtanong siya ng ganun sakin??" Tanong ko kay Sandra. "Eh eto kasing si Ken tinanong siya kung ano unang pumapasok sa isip niya kapag naririnig yung word na 'love' tapos ang sinagot ba naman pangalan mo. Tapos tinanong siya kung bakit. Sagot niya eh binago mo daw yung buhay niya. Tinuruan mo daw siya mangarap at magpakaseryoso sa mga babae." Sagot niya. Natigilan ako sa sinabi niya. "Talaga ba Ken??" Tanong ko. "Oo. Totoo yun." Sagot niya. "HAAHAHAHAH. Eh bakit may Ana??" Tanong ni Lean. "HEHEHEH. Kaya nga nagsorry diba Lean?? Kaya nga nagka iyakan kaninang umaga diba??" Sagot niya kay Lean. "Ah oo nga pala. Kaya pala ganun yung mata niya kanina." Sagot ni Lean. Nasa kalagitnaan ng pagkekwento si Sandra nang dumating ang grupo nila Ana sa tapat ng table namin. "Ah Ken pwede sumabay? Wala kasing ibang table eh." Bati niya. Agad nagiba ang timpla ko. Lumamig ang tingin ko kay Ken. Kinuha ko na ang Ipad ko sa bag at naglagay ng earphones. Si Andy naman ay kinuha ang libro niya at nag earphones din. Sila Sandra at Lean naman ay umalis para ata umorder ng dagdag na chips. "Ah s-sige." Naiilang na sagot ni Ken. Agad namang umupo si Ana sa tabi ni Ken at sa tabi naman ni Andy ang isa niyang kasama sa tapat ko naman umupo ang isa pa. Kinalabit ako ni Andy. "Nanadya Ems." Bulong niya. "HEHEHEH. Ako na bahala mamaya." Sagot ko. Tinanggal ko ang earphones ko at binalingan sila ng pansin. "Bakit ka ba nandito? Laki-laki ng cafeteria dito ka nagsusumiksik. Daming free table oh!" Malamig kong ani. "And why do you care?? Kay Ken naman ako nagpaalam. Hindi sayo so bakit may opinion ka?? No one ask for your opinion." Sagot niya. At talagang binibwisit ako. Wag mong intayin makita yung public school side ko. "Excuse me. Its not opinion its fact. Kasabay din kami ni Ken kaya paki consider yung existence namin." Sagot ko. "Wala kong pake sa existence niyo." Sagot niya. "Well I don't care on your existence too." Malamig kong sagot sabay tayo. "Uy Ems wait!" Sigaw ni Andy. Agad siyang humabol sakin. Tang ina. Ganda na sana ng lunch ko sinira pa ng babae na yun. Dumeretso na lang ako sa garden dahil yun lang naman ang nakakapagparelax sakin.
Sandra's POV
Ano kaya nangyari sa table namin?? Bigla na lang kasing tumayo si Emily. Umorder lang kami ni Lean ng chips nawala na ang dalawa. Sinagot ng magvavibrate kong phone ang tanong sa isipan ko. Tumatawag si Emily. "Hello? San ka??" Tanong ko. "Nandito kami ni Andy sa garden. Bili kayo chips tapos drinks. Dito ko tatapusin yung nasira kong lunch." Sagot niya. "Sige. Bye." Sagot ko. Binaba ko na ang tawag at binalingan ng pansin si Lean. "Lean chips daw tsaka drinks." Ani ko. "Ok. Ano daw nangyari?" Tanong niya. "Nasira daw lunch ni Emily nasa garden daw sila." Sagot ko. "Ok." Sagot niya. Nang makuha ni Lean ang mga order ay bumalik na kami sa table namin para kuhanin ang mga gamit namin. "San kayo pupunta??" Tanong ni Ken nang makitang nililigpit namin ang mga gamit namin. "Kay Emily. Nasira daw lunch niya eh." Sagot ko. "Nako tinoyo nanaman. Sige susunod ako mamaya." Sagot niya. "Geh. Una na kami at baka sumasabog na sa galit yung babae na yun." Sagot ko. Tinanguan niya lang kami. Bwisit naman kasi sumabay pa yong mahadera na yun. Dami-dami nga namang table tapos samin pa sasabay. Hinayupak talaga. Bwisit. Nang dumating kami sa garden ay nakaupo si Emily sa bermuda grass at binubunot-bunot ito. "Eto na Ems." Bati namin. "Thanks." Sagot niya. Kumuha siya ng isang chips at softdrinks. "Nakakainis. Daming table satin pa talaga sumabay." Aniya. "Oo nga eh. Landi putek!" Sagot naman ni Lean. "Naku kung hindi ako nakapagtimpi kalbo na yun." Sagot ko. "Nakakainis talaga yung Ana na yun. Palaging umeepal sa mga ginagawa ng student council porque nandun lang si Mark." Sagot ni Zoe. "Mark?! Yung treasurer niyo??" Pangungumpirma ni Andy. "Oo. Palagi yong umeepal tuwing nagdedesign kami kasama si Mark." Sagot niya. "Landi talaga. Ngayon naman si Ken. Parang nasusuka ko ah." Sagot ni Emily. "Doble-doble putek. May Ken na may Mark pa." Sagot ko. "Nahalikan na nga ni Ken lumandi pa sa iba." Sagot ni Lean. "Hi guys!" Bati ni Ken. "Bakit ka nandito? Bakit di mo kasama yung Ana na yun??" Tanong ni Emily sa kanya. "Ayoko. Tsaka alam kong tinotoyo ka nanaman kaya eto ice cream pampalamig ng ulo." Sagot niya. "Thanks." Sagot niya. Agad niyang binalik sa Ipad ang atensyon niya. Malapit na magkatuluyan si Emily tsaka yung Ipad konti na lang. "Teh! Eto kami para kausapin mo wag puro Ipad nako! Magkakatuluyan kayo ng Ipad mo niyan eh!" Saway ko dahil palaging dinadaan sa Ipad ang problema. "Eh ano gusto mo gawin ko?? Tsaka baka may masabi lang ako. Nabugbog na nga ng mura yung hangin pagdating ko dito baka gusto niyong kayo din." Sagot niya. "Eh kaya nga kami nandito para di ka nagsasalita diyan na parang baliw." Sagot ni Lean. "I don't say bad words when Ken is around. Mabait ako ngayon HAHAHAHAHA." Sagot niya. "HAHAHAHAH. Hindi mo kailangan magpretend kapag ako kaharap mo kasi kaya ko iaccept yung flaws mo. Kasi kahit ganun pa yung bibig mo walang magbabago mahal pa rin kita." Sagot ni Ken sa kanya. "Ayieeeeeeee!!!!" Asaran namin. Hindi makapagsalita si Emily at ngingiti-ngiting bumaling sa Ipad niya. Kilig na kilig 'to deep inside. Tinatago niya lang sa pagbusy-busyhan.
Emily's POV
Naku eto nanaman po kami sa banatan na nakakalusaw ng galit at tapang. Nawala yung galit ko eh. Naging kilig HAHAAHHAHA. Naspeechless na lang ako eh. Tinago ko na ang Ipad ko dahil natapos ko nang iedit ang chapter na ginagawa ko. "Napublish ko na. Basahin niyo na lang." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan. "Nagdeday dream nanaman si Ems jusme. Nakatingin sa mga puno. Puno ata kausap." Asar ni Lean. "Bakit ba kesa naman mukha ni Ana titigan ko ede nabangas yon!" Sagot ko. "Di mo na kailangan bangasin yung mukha nun kasi sayo lang ako." Sagot naman ni Ken. "Naku Ken manahimik ka diyan. Lalo akong nawawalan ng sasabihin eh." Sagot ko. 2 araw na lang birthday ko na. Ano kaya mangyayari? Sana naman walang prank! Ano kayang plano ng mga timangs na 'to. "Guys! Two days na lang birthday ko na. Nanawagan ako ng surprise HAHAHAHAHA." Masayang ani ko. "Nako Emily mangarap ka na lang muna ah. Wala pa kaming mapapang surprise eh." Sagot ni Lean. "Yung kahit man lang gulatin niyo ko sa corridor ng dorm ok na ko." Sagot ko. Masaya nanaman talaga ko kahit nga lang batiin ako ni Ken ng Happy Birthday ok na ko eh. Sobrang saya ko na. Matapos ang masayang kwentuhan namin sa garden ay bumalik na kami sa mga room namin. "Ngayong araw na 'to inaatasan ko kayong gumawa ng isang tula. Malaya at walang sukat bawal ang maruruming salita. Matapos ang tatlumpung minuto ay magsisimula na kayong magbigkas sa harapan." Utos samin ng teacher. Kaya gumawa na ako. Wala pa atang fifteen minutes tapos na ko eh. "Binibini maari ko na po bang ibigkas ang aking piyesa?" Tanong ko. "Mabilis kang natalos binibini.Maari ka nang magsimula." Sagot niya sakin.
"Ken
Tatlong letra dahilan ng labis na pagkaba
Kakaibang kaba ang dinudulot sa puso ko tuwing naririnig ang pangalan niya
Parang nagkakaaroon ng paru-paro sa tuwing nariyan siya
Ngiti pa lang niya araw ko'y kumpleto na
Humihinto ang pag ikot ng mundo sa twing nariyan siya
Dagdagan pa ng kakaibang kilos niya tuwing ako ang kasama niya
Labis ang aking saya sa twing nasisilayan siya
Kakaibang ngiti sa aking labi ang dinadala
Sana hindi na ito matapos pa
Dahil ako'y labis na sumaya sa piling niya
Wala pa mang label kaming dalawa
Pero nararamdaman kong ito'y nalalapit na
Nalalapit nang may masasabing kaming dalawa." Nang matapos ko ang tula ay nag angat na ko ng tingin sa kanila. Nagulat ako ng nasa may pintuan si Ken at titig na titig sakin. "Tapos na po ang aking piyesa binibini." Anunsyo ko. "Emily ikaw ay hinahanap ng ginoong nasa tapat ng pinto. Masyado mong dinamdam ang iyong pagbigkas dahil hindi mo narinig ang aking pagtawag." Sagot niya. "Paumanhin po. Akin na pong bibigyan ng pansin ang ginoong nasa tapat ng pintuan." Sagot ko. Agad akong lumapit sa kanya. "Ano kailangan mo??" Tanong ko. "Ikaw kailangan ko." Sagot niya. "Seryoso Ken ano??" Sagot ko. "Bond paper at lapis. Masyado silang masipag para magdala." Sagot niya. "Sige wait lang." Sagot ko. Agad akong kumuha ng limang pirasong bond paper at isang lapis at ibinigay yun sa kanya. "Balik mo sakin yung lapis ah. Wala na kong ibang lapis." Bilin ko. "Oo." Sagot niya. Agad siyang pumasok sa room nila at ako rin ay pumasok na. Matapos ang filipino class ay EP pero wala daw ang teacher namin kaya pwede na kaming magliwaliw. Kaya ang ginawa ko sa isang oras na spare ay nagpunta ko sa library para magtanong kung mayroon silang kopya ng Noli Me Tangere dahil trip kong magbasa nito. "Ma'am may Noli Me Tangere po ba kayong book??" Tanong ko sa librarian. "Ah meron. Sandali kukunin ko." Sagot niya. Lumapit siya sa maliit na book shelves at kinuha ang di kalumaang libro. "Eto oh. Pakisulat na lang ang pangalan mo jan sa log book." Utos niya. Agad naman akong tumalima sa utos niya. Nang makuha ang libro ay umupo na ako sa isa sa mga table at nagbasa. Halos isang oras na akong nagbabasa nang biglang magring ang phone ko. Nakita ko ang name ni Ken. Agad ko itong sinagot. "Hello?" Bati ko. "Nasan ka? Nandito kami sa tapat ng room niyo. Iniwan mo daw si Lean eh." Sagot niya. "Ah nandito ko sa library nagbabasa ng Noli. Puntahan niyo na lang ako dito." Sagot ko. "Sige. Bye." Sagot niya. "Geh bye." Sagot ko tsaka ibinaba ang tawag. Nilagyan ko ng tanda ang page na binabasa ko. Binalik ko ito sa librarian. "Thank you po." Ani ko habang binabalik ang libro. Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Lumabas na ako ng library saktong paglabas ko ay naroon na sila sa tapat nito. "Mababaliw kami kakahanap sayo. Di ka nagpaalam." Sermon ni Sandra. "Alalang-alala sayo si Ken." Dagdag ni Andy. "Parang pinagsakluban ng langit at lupa yung itsura ni Ken nung nakita niyang di kita kasama eh." Dagdag ni Lean. "Kulang na lang baliktarin niya yung buong building natin mahanap ka lang." Dahdag ni Zoe. "Ano bang pumasok sa kokote mo at di ka nagpaalam??" Sermon naman ni Ken. "Hindi pa ba kayo nasanay sakin?? Na bigla bigla na lang naglalaho na parang bula? Tsaka bawal na bang makalimot??" Sagot ko. Para kasing mga pari kung magsermon. "At tsaka hindi kayo pari para magsermon hano." Dagdag ko pa. "Oo na. Tara na uwi na tayo." Aya ni Sandra. Agad naming tinahak ang daan palabas ng school. "Bye Ken. Ingats." Paalam ko ng makarating kami sa gate. "Geh geh bye." Sagot niya. Lumakad na kami papunta sa dorm. Agad akong nagbihis. "Guys labas lang ako. May bibilin lang ako." Paalam ko. "Ano bibilin mo??" Tanong ni Andy. "Cake ko. Sasalubungin ko birthday ko bukas eh. Samahan niyo ba ko??" Tanong ko. "Gehhh! Gameeee!!!" Sagot naman ni Sandra. "Geh geh. Gagabihin na ko." Sagot ko. Agad akong lumabas para hindi na ko gabihin. Nakita ko si Ivan nakatambay sa may mga bench sa tapat ng dorm. "Oi Ivan!" Bati ko. "Oi Ems! Kamusta? Ok na kayo ni Ken?" Tanong niya. "Oo. Ikaw bakit ka absent?" Sagot ko. "Nasa hospital kasi yung kapatid ko kaya pumunta ko dun kahapon kasi hinahanap daw ako." Sagot niya. "Ah get well soon sa kapatid mo." Sagot ko. "San ka pupunta? Mukhang bihis na bihis ka." Sagot niya. "Jan lang bibili kong cake kasi birthday ko na sa Sunday. Sasalubungin ko bukas ng madaling araw." Sagot ko. "Bakit ngayon ka bibili pwede namang bukas?" Tanong niya. "Eh tulog ako buong araw bukas eh. Para masave ko yung energy sa pag abang ng birthday ko." Sagot ko. "Ahhh. Sige na lumakad ka na gabi na. Sorry di kita masasamahan sasamahan ko pa kasi kapatid ko." Paalam niya. "Sige. Lamats." Sagot ko. Naglakad na ako dahil may malapit naman na red ribbon dito. "Ah miss yung chocolate cake niyo po." Ani ko sa kahera. "Ah sige anong ilalagay?" Tanong niya. "Happy sweet sixteen Emily Savvanah." Sagot ko. Agad niyang inayos ang cake na inorder ko. "Eto miss. 800 pesos." Sagot niya. "Eto po." Ani ko sabay abot ng 1k. Sinuklian niya ako ng 200 pesos. Nang makuha ang cake ay sumakay na ako sa tricycle pabalik sa dorm dahil gabi na rin. Nang makabalik ako ay nilagay ko sa fridge yung cake. "Wag niyo gagalawin yung cake bukas pa yan." Bilin ko. "Oo. As if naman magagalaw namin diba?" Sagot ni Lean. "HAHAHAAHHAA. Oo nga. Movie na lang tayo bukas habang nagkacount down ka." Ani ni Andy. "Geh." Sagot ko. Matapos nun ay nagbihis na ako ng pambahay. Kumain kami ng dinner. Pinuyat ko talaga ang sarili ko ngayon para makatulog ako buong araw bukas.
Sandra's POV
Kanina naisip namin nila Ken na isurprise siya. "Paano kaya natin isusurprise yang babae na yan?? Nilalamon ng pagpaparinig niya ng surprise yung newsfeed ko." Reklamo ko. "Ede si Ken. Jusko Sandra. Si Ken lang ang paraan para mapaalis natin siya sa dorm at maayos ang surprise." Sagot ni Lean. "Hindi. May lakad yan. Kakain daw sila sa labas ng family niya tapos may kukunin daw siya sa pinsan niya." Sagot ni Andy. "Bakit ang dami mong alam kay Ems?" Tanong ni Zoe. "Kasi sakin siya nagoopen up. Ewan ko kung bakit di siya nagoopen sa inyo." Sagot niya. "Ganto na lang antayin natin kung kailan siya maglalaho dito sa dorm tsaka natin ayusin lahat." Suhestiyon ni Lean. "Tama tama." Sang ayon ko. "Bukas Lean at Zoe kayo na bumili ng mga pang design tapos kami ni Sandra ang bahala sa pagdedesign si Ken daw sasagot sa cake eh. Ewan ko kung ano lalagay niya dun." Sagot ni Andy. "Ah sige. Alam ko na. Sabihin natin kay Emily di natin siya masasamahan sumalubong ng birthday niya kasi may mga gagawin tayo. Tapos kinabukasan aayusin natin yung surprise niya habang nasa lakad niya siya." Komento ulit ni Lean. "Ands puntahan mo siya sabihin mo di natin siya masasamahan sumalubong ng birthday niya." Anyaya ko. Agad na tumayo si Andy at pumunta sa tapat ng pinto ng kwarto ni Emily.
Andy's POV
This is the hardest thing I will do for a friend. Kinakabahan ako. Baka masaktan ko yung feelings niya.
*knock knock*
"Ems? Ah sorry ano di ka namin masasamahan sumalubong ng birthday mo may gagawin kasi kami eh. Sorry talaga." Bati ko. "Ah sige ok lang. I understand." Sagot niya. Bakas ang frustration sa boses niya. "Sige. Sorry talaga." Sagot ko. Sinarado ko na ang pinto. "Ok na guys. Eh paano si Ken? Nakausap niyo na ba??" Tanong ko. "Oo sabi namin wag niyang batiin si Emily." Sagot ni Lean. "Ahh. Nakabili na daw ba siya ng cake?" Tanong ko. "Hindi pa daw. Bukas pa." Sagot niya. Matapos pag usapan ang mga gagawin bukas ay natulog na kami. Nang magising ako ay wala na sila Lean at Zoe. Bumili na ata ng mga pang design. Wala din si Emily sa dining tulog pa ata. "Sands nasan yung mga tao?" Tanong ko. "Si Zoe at Lean nakaalis na si Ems di pa bumababa." Sagot niya. "Ah. Ano breakfast natin?" Tanong ko. "Eto fried rice at bacon." Sagot niya. Kumuha na ako ng plate at nanandok ng kakainin. "Ikaw Sands di ka pa kakain??" Tanong ko. "Hindi tapos na ako." Sagot niya. Nasa kalagitnaan ako ng marinig kong may bumababa sa hagdan. Nilingon ko ito at nakita kong si Emily. "Morning." Malatang bati niya. "Anyare sa mata mo?" Tanong ni Sandra sa kanya. "Oo nga boi. Bakit namamaga yan?" Tanong ko. "Wala." Sagot niya. Kumuha na din siya ng plate at nilagyan ito ng pagkain. Tahimik lang siya hanggang matapos kumain. "Sands paki hugasan na almg yung pinagkainan ko. Inaantok pa kasi ako. Matutulog na ulit ako." Aniya bago umalis sa dining. "Anyare kaya?" Tanong ni Sandra. "Yung sinabi ko ata kagabi. HEHEHE." Sagot ko. "Malamang. Parang mugto yung mata eh." Sagot niya. Umakyat na rin ako sa kwarto ko para ipagpatuloy yung ineedit naming video para kay Emily. May dadalin daw na projector si Ivan eh. Si Ivan na daw bahala sa food. Planado na ang lahat execution na lang ang kulang. Sana mapasaya namin siya sa simpleng surprise na gagawin namin.
Emily's POV
Nanawa ako ngayon sa descendants of the sun. Pinapanuod ko na lang ulit eh. Magcecelebrate nanaman ako mag isa katulad last year. Kala ko naman sasamahan ako nila Andy pero mali ako. Ang iyakin ko pagalis ni Andy kagabi naiyak ako. Tinago ko na lang sa pag ngiti kanina ng bumaba ako. Siguro epekto ng puyat kaya malata ang bati ko kanina. Naligo na ako at nagbihis dahil may bibilin daw sakin si Kuya Mark. Ewan ko kung ano. "Alis na ko guys. May bibilin lang ako. Yung cake ko sana mauwian ko pang buo kasi magcecelebrate ako mamaya." Paalam ko. "Geh ingat." Sagot ni Sandra. Naglakad na ako palabas papunta sa gate dahil nandun na sila Kuya Mark at Kreisler. "Oi Kuya! Kamusta?" Bati ko. "Ok naman. Nasa mall na sila Nanay inaantay tayo." Sagot niya. "Ah sige. Tara na." Ani ko. Sumakay na kami sa kotse niya. Nagpunta kami sa Kenny Rogers na kainan. Kumpleto nga sila dun. Pati si Ate Gabrielle at ang baby nila naroon din. "Advance happy birthday Ems." Bati ni Tita Mhel. "Thank you po." Sagot ko. "Advance happy birthday Ems." Bati naman ni Ate Gabrielle. "Thanks Ate." Sagot ko. "Advance happy birthday Emily." Bati naman ni Nanay. "Thanks nay." Sagot ko. Nagsiupo na kami at nagsimula nang kumain. "Kuya Mark kailan mo ba babalik yung laptop ko? Nahihirapan kasi ako magpublish sa Ipad." Tanong ko. "Mamaya daanan natin tas hahatid na kita sa dorm niyo." Sagot niya. "Sige." Sagot ko. "Anong gusto mong regalo?" Tanong ni Tita Mhel. "Libro po." Sagot ko. "Ah sige. Si kuya mo nang bahala dun." Sagot niya. "Ok po." Sagot ko. "Bilisan mong kumain jan tapos pumunta ka na ng National Bookstore pumili ka na ng libro dun." Utos ni Kuya. "Ok." Sagot ko. Mabilis akong kumain. Nang matapos ako ay nagpaalam na ako sa kanilang magpupunta ako ng NBS. Si Tita Mhel daw maguuwi kay Nanay at Ate Gabrielle kaya walang poproblemahin si Kuya Mark kundi si Kreisler. Nagpunta ko sa wattpad books section. Naghanap ako ng book na I love you since 1892. Nagpicture ako sa harap ng mga shelves at sinend ito sa gc namin.
Me:
@Sandra bibili ko libro
Sandra:
Sana all!!!
Andy:
Sana all may libro.
Ivan:
Oi men. Wag mo kalimutang bumili ng ballpen dahil baka nawalan ka nanaman. Wag puro libro ah.
Ken:
Wag puro libro baka mamaya ipagpalit mo na ko sa taong nasa libro.
Me:
Opo. Ako nga dapat kabahan eh. Baka ipagpalit mo ko kay Ana.
Ken:
Di kita pagpapalit sa tigidig na yun.
Me:
Geh po maya na. Pipili na ko libro baka mapurnada pa yung paglibre sakin ng pinsan ko.
Ken:
Ingat. Enjoy your day.
Me:
Geh thanks.
Bumalik na ako sa pagpili ng librong bibilin ko. "Eto kuya." Pinakita ko kay Kuya Mark yung libro na gusto kong bilin. "Yan lang?" Tanong niya. Kinuha ko yung book na Every beast needs a beauty. "Yan na talaga yun Kuya ala nang iba." Sagot ko. Pumila kami sa counter at nagbayad. Matapos nun ay dinaanan namin ang laptop sa bahay nila. Nang makarating sa dorm. "Bye kuya. Thank you. Ingat." Paalam ko. "Ingat." Sagot niya. Bumaba na ako sa kotse at dumeretso na sa dorm. "Sup guys!" Bati ko. "Ilan nabili mong libro?" Curios na tanong ni Sandra. "Kumpleto ko yung ILY since 1892 tapos may every beast needs a beauty." Sagot ko. "Ahh. Adobo lunch." Sagot niya. "Ah sige pero di na ko maglalunch. Nag lunch na kasi kami." Sagot ko. "Sige. Pahinga ka na." Sagot niya. Tinanguan ko lang siya at pumasok na sa kwarto. Nagbihis ako at natulog na ulit. Nang magising ako ng 6:30 pm ay mabilis akong kumain. Kinuha ko na sa ref yung cake na binili ko. Inunbox ko na ito at binitbit papasok sa kwarto ko. Inabala ko ang sarili ko sa kung ano anong bagay habang naghihintay ng 12 am. Nagpapatugtog lang ako ng mga kanta. Tapos nagsusulat ako ng chapter ng book ko. 11 pm. 1 hour na lang. 11:50 pm. 10 minutes na lang. 5,4,3,2,1. "HAPPY BIRTHDAY SELF!!!!!" Sigaw ko sa loob ng kwarto. Sinindihan ko ang kandila sa cake. 'Sana magkaroon ako ng successful future at sana mapasakin na si Ken.' Yan ang hiling ko. Nagchat ako sa gc namin.
Me:
Happy birthday Self!!!
Ivan:
Happy sweet sixteen Emily. Hope you find your happiness in life because god knows how much I want that for you.
Me:
Thanks Ivan.
Matapos ay niligpit ko na ang cake. Nilagay ko na ito sa fridge. Nang maayos ko na ito ay natulog na ako. Maghahanda daw bukas si Mommy kaya kailangan kong umuwi. Sabi niya hapon na lang daw ako umuwi ng dorm. Nang magising ako kinaumagahan ay naligo agad ako para makapag handa sa pagpunta sa bahay. Nang makapag bihis na ay bumaba na ako. "Happy birthday Ems." Bati ni Sandra. "Thanks. Ano uuwi muna ko ngayon mamayang hapon na lang ako babalik." Paalam ko. "Ha? Bakit?" Tanong niya. "May handaan kasi sa bahay eh. Magdadala na lang ako dito." Sagot ko. "Ahhh sige." Sagot niya. "Alis na ko ah. Ikaw na lang magsabi sa kanila." Bilin ko. Tinanguan niya lang ako. Pinasundo ako ni Mommy kay Kuya Jo eh. "Happy Birthday Emily." Bati niya. "Thank you po. Nagluluto na po ba sila dun?" Tanong ko. "Ah oo." Sagot niya. Sumakay na ako sa tricycle. "Suppppp!! Miiii!!!" Bati ko. "Happy birthday nak." Bati niya. "Thank you mi." Sagot ko. "Nagluluto pa lang kami eh. Gusto mo tumulong?" Tanong niya. "Sige mi. Anong gagawin ko?" Tanong ko. "Eto hihiwain mo lang. Para yan sa pancit eh." Sagot niya. "Ok." Sagot ko. Hiniwa ko ang repolyo at ang iba pang mga gulay para sa mga lulutuin nila. Nang matapos ko ang mga ito ay tumulong na rin ako sa pag gigisa. Natapos kami ng bandang lunch time. Nag ayos kami sa labas ng isang boodle fight. "1!2!3! Happy! Birthday!" Sigawan ng matatanda. Nginitian ko na lang sila at nagsimula nang kumain.
Ken's POV
Lunch time na nung magchat sila sa gc namin na umalis si Emily kaninang umaga kaya nagsimula na sila sa pagaayos.
Me:
Nag aayos na ba kayo jan sa dorm?
Sandra:
Oo. Tapos na yung design. Pagkain at cake na lang yung kulang.
Me:
Sige bibili na ko cake. May binili bang cake si Emily?
Andy:
Meron. Chocolate. Pinakialaman ko kasi yung ref niya eh.
Me:
Chocolate na lang din bibilin ko. Ayaw nun sa mocha cake eh.
Sandra:
Bahala ka. Tayo din naman kakain eh.
Me:
Ano ba yan Sandra. Pagkain agad.
Sandra:
I'm advance thinker you know.
Me:
Geh mamaya na lang. Bibili pa kong cake.
Naligo ako at nagbihis. "Ma alis na po ako." Paalam ko. "San ka pupunta? Linggo ngayon." Sagot niya. "Birthday po ng girlfriend ko." Sagot ko. "Naku naman Ken! Pang ilan na ba yan? Sinabi nang si Ana na lang ang girlfriendin mo eh. Para di ka papalit-palit ng babae." Komento niya. "Ayoko kay Ana. Tsaka Ma mas matino si Emily kesa kay Ana. Sige na Ma alis na ko. Inaantay na ko ng mga kaibigan niya eh." Sagot ko. "Ingat ka." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. Pumunta ko sa malapit na red ribbon dahil yun lang naman ang cake store na alam ko na malapit sa dorm nila. "Chocolate cake po." Ani ko sa kahera. "Ano pong ilalagay?" Tanong niya. "I'm sorry." Sagot ko. "Ano po?" Tanong niya. "I'm sorry yung ilalagay sa cake." Sagot ko. "Ah sige po." Sagot niya. Ilang minuto lang akong naghintay. "Eto po sir. 800 po." Ani ng kahera. "Thank you." Sagot ko. 3 pm na. Chinat ko sila.
Me:
Otw na ko. Nasan na daw si Emily?
Sandra:
Bilisan mo pauwi na rin siya.
Me:
Ok.
Nagtricycle na ako papunta sa dorm nila. Nang pumasok ako kumpleto na sila. Ako na lang ang kulang. Nilagay ko sa lamesa ang cake. "Ken! Kunin mo na yung cake! Anjan na siya sa baba!" Utos ni Lean. Syempre inayos ko muna sarili ko bago ko hawakan yung cake. Dim ang lights at parang walang tao. Bumukas ang pinto. "Sup g-guys??? San kayo? Hoy!" Bati ni Emily ng makapasok. Binuksan niya ang ilaw at lumantad kami. "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday to you." Kantahan namin. "Guys naman eh!" Reklamo niya. Naiiyak na siya sa saya. "Happy birthday. I'm sorry." Bati ko sa kanya. "HAHAHAHA. Thanks." Sagot niya. "Oh eto yung cake mo blow your candle. Nangangawit na ko." Reklamo ko. "HAHAHAHAHAH." Tawa niya sabay pikit ng mata at hinipan ang kandila. "Anong wish mo?" Tanong ko. "Na mapasakin ka. HAHAHAHAHA." Sagot niya. "Your wish is my command. I'm yours." Sagot ko. "Tama na yan! Kumain na tayo." Saway ni Ivan. "Tara. May pagkain din akong dala." Sagot niya. Nagpunta kami sa dining. May carbonarra tapos may salad pa. Credits to Ivan talaga. Mas mayaman pa sakin ang mokong na yun. "Wait guys kukunin ko lang yung cake na binili ko." Paalam niya. "Geh. Baka mag diabetes na kami niyan ah." Sagot ni Lean. "HAHAAHHA. Eh sa bumili pa ko ng cake na akala ko makakain kahapon kasi kala ko sasamahan niyo ko. Pinaiyak niyo kaya ko kagabi." Sagot niya. "Kunin mo na. Sorry na." Sagot ni Lean. "HAHAHAHAHA." Tawa niya tapos umakyat na siya. Nang bumaba siya ay dala niya na ang cake na may number 16. Kapareho ng sakin. Ang nakalagay naman ay happy sweet sixteen Emily Savvanah. "Ayan oh. Ere na lang munang cake ko ang kanin natin. Parehas naman ng flavor eh different message lang." Aniya. "Yung sakin kasi I'm expressing how sorry I am. Tapos yung sayo expressing how happy you are today." Sagot ko. "Eh bakit ba kasi I'm sorry yung nakalagay jan?" Tanong niya. "Kasi pinaiyak kita. And ayoko ng umiiyak ka dahil sakin." Sagot ko. Kumain na kami ng mga handa niya. "Nga pala Ems may isa pa kaming surprise sayo." Ani Andy. "Weh?" Tanong niya. "Oo meron. Pagkakain natin." Sagot ni Andy. Masayang asaran at biruan ang nangyari sa hapag kainan namin. Sobrang fullfilled na ko makita ko lang na nakangiti si Emily. Kahit nasaktan ko siya hindi ko pa rin kayang hindi siya nakikitang masaya.
Emily's POV
Naiyak ako sa surprise ng mga 'to. Di ko alam na nagpaplano pala sila. Masaya na ko sa celebration na 'to. Walang pag lagyan ang saya sa puso ko. Akala ko hindi na nila ko pagbibigyan eh. Lalo lang tuloy akong napamahal sa kanila. Lalo akong nasurprise nang makita ko si Ken kanina hawak ang cake at nakangiti sa akin. Nang pumasok ako kanina di ko napansin yung projector. Kaya nagtaka ko kung ano purpose non. "Ano na guys? Kanina pa ko naghihintay oh." Reklamo ko. Dahil kanina pagkatapos namin kumain ng dessert ay pinaupo nila ko sa sofa. "Chill. Wait ka lang." Sagot ni Lean. "Oo na." Napipilitang sagot ko. Kinonect na ni Andy ang laptop niya sa projector. Sinet up niya yung laptop sa malaking screen.
Now playing: Dance Monkey Tones and I
"Oi Ems! Sixteen ka na. Umayos ka na. Stay strong sa friendship natin kahit bago pa lang tayong magkaibigan. Wag ka magpapabaya sa health mo dahil mababaliw si Ken kakaisip sa health mo. Stay healthy and love you as a friend. Oh Ken as a friend lang yun wag ka magseselos ah." Nagplay ang video ni Ivan na nagmemessage.
"Ems I'm so proud of you. Sa mga narating mo ang saya ko para sayo. Sorry sa mga nasabi ko nung nagmalupitang away tayo. Sorry kung nasaktan ko yung feelings mo. Mahal na mahal kita. Wag ka mag alala mahal ka ni Ken." Message naman ni Andy.
"Happy birthday Emily. Mahal na mahal kita alam mo yan. Proud ako sayo na unti-unti mo nang naabot yung mga pangarap mo. Happy birthday ulit. Love youu!" Si Zoe.
"Emily, happy birtday. Thank you dahil di mo ako nilayuan kahit naissue tayong magjowa HAHAHAHA. Alam ko namang kay Ken ka lang eh kaya di ako attracted sayo. HAHAHAHAHAHA. Happy Birthday ulit. Love you as a friend." Si Lean ang second to the last na nagmessage.
"Happy birhday Babe. Di Joke! Happy birthday Emily. Proud ako sayo. Always be strong physically and emotionally. Wag ka na magselos kay Ana kasi sayo lang ako. Kahit ipagpalit mo pa ako sa mga taong nasa libro mahal pa rin kita. Remember that I'm always here for you kahit si Ivan ang laging hinahanap mo. Mahal na mahal kita. Happy birthday prinsesa ko." Si Ken ang huling nagmessage. Naluha at natawa ko sa mga message nila. "HAHAHAHAHA. Thank you guys!" Ani ko. Isa isa ko silang niyakap. "HAHAAHHA. Dapat kay Sandra at Andy ka magthank you kasi sila talaga nag edit ng video na yan. Nagsend lang kami." Sagot ni Lean. "Thank you pa din." Sagot ko. Ang saya ko sa araw na ito. "Ice cream tayo! Meron sa ref!" Aya ni Sandra. "Sige!" Sagot ko. Nauna na kong pumunta sa kusina para kumuha ng mga baso. "Ah guys sorry kailangan ko na umalis." Paalam ni Ivan. "Ay sige. Ingat." Sagot ko. "Happy birthday Ems." Sagot niya sabay beso sakin. Tumalim naman ang tingin ni Ken samin. "Ops! Friendly kiss lang yun Ken easy lang." Ani ko. "Ako lang pwede humalik sayo!" Sagot niya. "Nako ewan ko sayo." Sagot ko. Umalis na si Ivan. Inayos ko na ang mga baso at kutsara. Dinala ko na ito sa center table sa sala. "Kuha na kayo baso niyo." Ani ko kila Andy. "Oh eto na yung ice cream." Aniya nang dumating siya sa sala. Sabay-sabay kaming kumain ng ice cream. Nang matapos ay niligpit na ni Sandra yung mga pinagkainan namin. "Ah guys uwi na rin ako. Hinahanap na ko ng Mama ko eh." Paalam ni Ken. "Ah sige. Ingat ah. Baka maligaw ka pa. Mapunta ka sakin." Sagot ko. "Wag ka mag alala kung maligaw man ako sayo at sayo pa rin ako pupunta. Sige na uuwi na ko. Happy birthday Ems." Paalam niya. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa pisngi. Nang makaalis si Ken ay tinulungan ko na silang iligpit yung mga pinagkainan. Si Andy ang nagligpit ng projector na ginamit kanina. "Guys balik ko lang 'to sa dorm nila Ivan." Paalam niya. "Sige kami na bahala dito." Sagot ko. Dahil kasalukuyan kong inaayos ang mga unan sa sofa namin. Lumabas na siya dala ang projector. Yung screen kay Ivan din daw yun pero babalikan na lang. Ng maayos ko ang mga gamit sa sala ay pumunta na ako sa kusina para tumulong sa pagliligpit ng mga pagkain. Nailipat na ni Lean sa mga tupper ware yung mga ulam. Ilalagay na langsa ref. Inuna kong ilagay sa itaas na part ang cake ko na binili ni Ken. Naubos namin yung isang cake yung binili ko. Nang masiguradong maayos na ang lahat ay nagpaalam na akong aakyat dahil napagod ako sa mga ginawa ko ngayon. Sobrang saya ng birthday ko. Nagpapasalamat talaga ko na may mga kaibigan ako na katulad nila eh. Kahit nag aaway eh masaya pa rin. Apaka swerte ko sa mga dormates ko. Nagupload ako ng mga photo sa fb ko. Maraming nagparating ng pagbati. Nagthank you lang ako sa kanila at nagpahinga na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top