CHAPTER 13: ANOTHER WAR???
Emily's POV
Isang linggo kaming nagiiwasang tatlo. Hindi pa rin umuuwi sa dorm si Andy at si Zoe naman ay palaging nasa kwarto dinner lang lumalabas. Di ko pa rin kinakausap si Ken. Palaging si Ivan ang kasabay ko sa pagkain sa school. Kasama sina Ali at John. Palagi ko lang silang pinapanuod sa malayo tulad ngayon. Masayang naguusap sila Ivan at Ali at ako naman ay pinapanood lang sila Andy sa malayo. Nakakamiss din sila. Bigla namang dumating ang Ken kasama yung dalawa niyang pinsan at isang babae. "Ivan. Ivan." Tawag ko sa atensyon niya. "Ano?" Tanong niya. "Look." Sagot ko. Agad naman siyang lumingon sa dereksyon na tinitingnan ko. "Nalingat ka lang may iba na. Upakan ko na ba??" Tanong niya. "Wag let me deal it." Sagot ko. Tumayo ako dala ang gamit ko. "Ah guys. Isang linggo na rin akong hindi nakasabay sa inyo eh pwede sumabay??" Tanong ko. "Oh Emily. Tara dito ka sa tabi ko." Sagot ni Lean. "Thank you." Sagot ko. At pumwesto na ako sa tabi niya. "So nalingat lang ako may umaaligid na agad." Pag paparinig ko kay Ken. "Ah guys si Ana barkada ko. Tapos si Jenn at Josh. Pinsan ko." Pakilala niya. "Ah I know you. Your Alyiana Nicole Arthur. From the first section. Top notcher, manunulat at representative ng school sa upcoming competion ng school right??" Sagot ko. "Yes. And you are??" Tanong niya. "Oh you don't know me? What a surprise. Everyone knows me. Well I'm Emily Savvanah Howards. Overall champion of quiz bee, spoken poetry and essay writing contest." Pagpapakilala ko. Kumukulo na ang dugo ko sa babae na 'to. Nakakainis. "May nagseselos." Ani ni Sandra."Sandra. Nagpakilala lang ako sa kanya sa wika ng alam ng lahat. Ayokong palalimin ang pananagalog ko dahil baka mamaya manose bleed ang binibining nasa harapan mo."Sagot ko. Nagsalpak na lang ako ng earphones at nagcellphone na lang. Kinalabit ako ni Lean. "Oh bakit??" Tanong ko. "Naku gwardyahan mo si Ken at baka madagit pa ng babae na yun. Mukhang marupok 'tong lalaki na to kaya magingat ka." Sagot niya. Tinanguan ko na lang siya at pinagmasdan ang dalawa na umoorder. Parang pinipiraso sa sakit ang puso ko. Ang saya niya sa piling ni Ana tapos akong nililigawan niya di niya matingnan. Tapos may misunderstanding pa kami nila Andy kaya lalong masakit. "Hm. Andy. Pwede ba tayo nila Zoe magusap mamayang lunch??" Tanong ko. "Ah sige. Sa garden na lang." Sagot niya. "Ok. Una na ko ah. See you later." Paalam ko. "Oi san ka pupunta?" Tanong ni Lean. "Magpapahangin. Chineck ko lang kayo. Sige see you later." Sagot ko. Nagpunta ko sa garden ng school at dun ko nilabas yung luha na kanina ko pa pinipigil.
Sandra's POV
Nang umalis si Emily ay umupo na si Ken sa pwesto niya katabi si Ana. Ewan ko kung san nakarating yung dalawang pinsan niya. "Oh nasan si Emily??" Tanong niya. "Ayon lumayas na. Binigyan kayo ng privacy ni Ana." Sagot ni Lean. "Ha? Bakit naman??" Tanong niya. "Alam mo Ken ewan ko kung lutang ka o sadyang manhid ka talaga eh. Di mo ba napapansin?? Nagseselos si Emily." Sagot ko. "Alam mo kahit may misunderstanding kami nun nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya. Alam ko na mas doble yung nararamdaman niyang sakit ngayon kasi nakita ka niya with Ana." Sagot ni Andy. "Alam niyo guys kumain na lang tayo. Wag niyo nang pag usapan yung taong wala dito. Nakakasira ng mood." Singit ng mahaderang babae na yun. Hindi na kami umimik pa at nagtuloy na lang sa pagkain. "Sandra pag pumunta kami ni Zoe sa garden wag muna kayo sumama. Pag uusapan namin nila Emily yung naging problema namin." Ani ni Andy nang makapasok kami sa room. "Ok. Sa canteen na lang kami." Sagot ko. Hindi na kami nakapag usap pa dahil dumating na ang teacher namin. Hinatid pa talaga ni Ken ang mahaderang babae na yon. Parang walang pakiramdam.
Emily's POV
Matapos magpahangin at iiyak lahat ng nararamdaman ko sa garden ay umakyat na ako sa pagaakalang di ko na sila makikita. Pero nagkamali ako. Magkasama si Ken at Ana hinatid pa ni Ken si Ana sa classroom nila. Hindi ko na lang pinansin ang dalawa at dumeretso na ako sa room namin. Barkada pero may pahatid-hatid pa sa room si Ivan nga kahit bestfriend ako hindi ako hinahatid maliban na lang kapag kami ang magkasama. Kala ko ba ako yung nililigawan?? Eh bakit parang si Ana na yung nililigawan?? "Huy. Bakit namamaga mata mo??" Tanong ni Lean. "Wala. Bumigay eh. Sakit boi. Tapos kanina nakita ko pa si Ken hinatid si Ana sa room nila." Sagot ko. "Ok lang yan. Diba aayusin niyo ni Andy yung problema niyo mamaya?? Oh edi mababawasan yung bigat na nararamdaman mo." Sagot niya. "Oo." Sagot ko. Hindi na kami nakapag usap pa dahil dumating na ang teacher. Makalipas ang isang oras ay nag anunsyo na ng lunch break. Agad akong lumabas para pumunta sa garden dahil dun ang usapan namin. Naisipan kong magchat sa gc namin.
Me:
@Andy nandito na ko. Inaantay ko kayo.
Andy:
Papunta na kami.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may naramdaman akong tumabi sa akin sa bench na kinauupuan ko. "Oh kamusta??" Tanong ni Andy. "Eto namimiss kayo. Sakit men. Sumabay pa si Ken." Sagot ko. "Sorry. Tinago namin sayo." Sagot niya. "Ok lang. Naintindihan ko na. With the help of Ivan, Sandra and Lean. Mas naintindihan ko kayo." Sagot ko. "Sorry pa rin. Kasi nasaktan ka namin." Sagot niya. "Apology accepted. I miss you." Sagot ko. Sabay yakap sa kanya. "I miss you too." Sagot niya. Nag group hug kaming tatlo. Napagdesisyunan namin na pumunta na sa canteen para kumain. "Order na ko. Kayo ba??" Tanong ko. "Mamaya na lang. Sasagutin na muna namin si Sandra para di ka na mamroblema mamaya." Sagot ni Zoe. "Ahh sige. Bili ko na lang kayo." Sagot ko. "Ate ice cream nga po isang pine tapos dalawang hotdog with bun." Sagot ko sa kahera. "200 po." Sagot niya. Nagbigay ako ng 200 sa kanya. Inayos niya ang mga inorder ko at nilagay sa tray. Nang maayos ito ay agad na akong naglakad papunta sa table namin pero agad nagbago ang mood ko nang makita ko dun si Ana. Ngumiti na lang ako ng plastic para di halatang nasasaktan. "Andy oh. Inorder ko na kayo ni Zoe para di na kayo tumayo." Bati ko. "Thanks. Babayaran ka na lang namin mamaya." Sagot ni Zoe. "Oh your here. What brings you here??" Tanong ni Ana sakin. "Ah so hindi na pala ko pwede sumabay sa mga kaibigan ko?? Sa pagkakaalam ko kasi mga kaibigan ko sila eh." Sagot ko. "Oh sorry I forgot. Tagal mo kasing hindi sila kasabay eh kaya nakakagulat." Sagot niya. Hindi ko na siya sinagot at umupo sa tabi ni Andy. "Savage mo kanina ah." Bulong niya. "Syempre. Pinaparating ko lang kay Ken na ayokong may umaaligid dito kasi sa mundong ginagalawan ko walang Ana na nag eexist." Sagot ko. Hindi na ako umimik pa at kumain na lang ng ice cream. Abala ko sa pagkain ng biglang may nagtakip ng mata ko. "Ivan! Isa! Dalawa!" Sagot ko. "Serious mo naman. Ngiti ngiti din pag may time." Sagot niya. "Paano ko ngingiti kung kasama ko yung isa jan na napaka manhid??" Sagot ko. "Eh kasi naman bakit di mo ko tinawag??" Tanong niya. "Kasama ko sila Andy kanina may pinagusapan kami." Sagot ko. "Ahh. Ano hatid ba kita mamaya??" Tanong niya. "Wag na. Baka may magselos eh." Sagot ko. "Ahhh sige. Chineck lang kita. Ayokong umiiyak ka. Nakita kita kanina sa garden eh." Sagot niya. "Oo na lumayas ka na." Sagot ko. Agad naman siyang tatawa-tawang umalis. Nagbalik na lang ako sa pagkain ng ice cream. Di ko na sila pinansin. Sa sobrang tahimik naisipan ni Sandra na magsalita. "Ken ano ba ginagawa niyan dito?? Kasi sa pagkakaalam ko kasi tayo tayo lang magkakasabay." Tanong niya kay Ken. "Ano kasi eh. Ala kasi siyang kasabay. Tsaka ok lang naman ata kay Emily eh." Sagot niya. "Yan? Mukha ba yang ok ha?! Makakadalawang pine na ng ice cream yan. Mukha bang ok yung ganon?!" Sagot niya. "Sandra. Tama na. Ok lang. Alis na lang ako." Sagot ko. "Better. Para wala nang tinititigan si Ken." Sagot ng impakta.
Hindi ko siya binalingan at umalis na ako.
Andy's POV
When Emily left Ken also left and Ana followed her. Kami naman nila Zoe sinundan namin si Emily. Alam na alam namin kung san siya nagpunta. Nang makapunta kami sa garden ay nandun siya katabi si Ivan sa isang bench. Nakasandal sa balikat ni Ivan si Emily at dun umiiyak. "Oh eto na pala sila Andy eh." Aniya nang makalapit kami. Nilingon ako ni Emily. "Sorry. Nakikita niyo kong ganito. Masyado lang masakit na makita si Ken kasama si Ana. HAAHHAHA. Pero ok na ko. Nalabas ko na lahat. Ice cream lang katapat nito. Napaasa nanaman ako HAHAHAHAHAH." Sagot niya. Halata mo sa tawa niya na hindi yun totoo. Siguro sobrang nasasaktan na 'to dahil sa nangyari. "Ano pa inaantay mo?? Hanapin mo na si Ken at yung mahaderang babae na yun para mabawi mo na si Ken." Sagot ni Lean. "Tsaka na. Hayaan natin si Ken makiramdam kasi kung seryoso siya sakin mararamdaman niya 'to at di niya gugustuhin na makita kong nagkakaganito." Sagot niya. "Tara akyat na tayo. Matatapos na yung lunch oh. May afternoon prayer pa." Aya ko sa kanila. Tumayo si Emily sa bench at nauna na saming maglakad. Maghihilamos ata. "Paano kaya natin mapapagaan yung loob ni Emily??" Tanong ko sa kanila. "Libre nating ice cream tapos idate natin siya sa malapit na park." Sagot ni Ivan. "Oo nga noh. Ice cream lang makakapagpasaya sa babae na yun." Sagot ko. "Sige sige gawin natin mamaya." Sagot ni Sandra. "Basta ambagan na lamg tayo sa 1 gallon ng ice cream." Sagot naman ni Lean. "Game!" Sagot namin. Sabay-sabay kaming umakyat. Matapos ang afternoon prayer ay pumasok na ang teacher namin.
Emily's POV
Mabuti at hindi ako nalate. Naunang umakyat sila Lean. Nakita ko pa kasi si Ken na hinatid ulit si Ana sa room nila. Syempre ako 'tong si TANGA pinanuod pa sila bago lumakad. Jusme sinaktan ko lang rin sarili ko. Pumasok na ko sa room. Walang pumapasok sa utak ko buong last subject. Puro ang imahe ni Ken at Ana lang ang nasa utak ko. Hanggang sa nag uwian. "Ems!" Bati ni Ivan sabay akbay sakin. "Ano? Ayoko makipagkulitan ngayon. Badtrip ako." Sagot ko. "Ice cream daw tayo nila Andy. Ayaw kasi namin ng ganyan ka eh." Sagot niya. "Libre niyo ba??" Tanong ko. "Oo! Kaya tara na. Lean! Let's go!" Aya ni Ivan sa kanya. "Sige sige. Una na kayo. Susunod ako." Sagot niya. "Sige." Sagot ni Ivan. "Tara. Susunod na lang daw si Lean satin." Sagot niya. "Ok. Tara!" Sagot ko. Madaya kaming nagkekwentuhan nila Andy habang palabas ng school. Nakasunod na samin si Lean. Habang palabas kami nakita ko si Ken hinatid si Ana sa kotse. Hinalikan niya ito sa pisngi bago sumakay. "Ah guys u-uwi n-na l-lang a-ako." Paalam ko sabay takbo papunta sa dormitory. "Emily! Wait!" Sigaw ni Ivan pero di ko na sila pinakinggan. Tumakbo ako papunta sa dormitory. Dumeretso ko sa kwarto ko para dun iiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko. Anong kulang sa sarili ko? Akala ko ako yung mahal niya? Bakit may Ana??
Ivan's POV
Napipikon na ko kay Ken sinasaktan niya lang yung babaeng minamahal siya ng sobra. "Oh san ka naman pupunta??" Tanong ni Sandra. "Ede san pa?? Kakastiguhin ko si Ken. Ayoko ng nagkakaganyan si Emily dahil jan sa Ken na yan." Sagot ko. "Hoy teka!" Sigaw niya. "Hoy Ken!" Sigaw ko. "Oh Emily's knight in shining armor. Bakit??" Tanong niya. "Alam mo ba kung ano ginawa mo kay Emily ha?! Alam mo ba?!" Sagot ko. "Hindi! Sorry ah! Ikaw kasi lagi nasa tabi niya eh! Kaya naghanap na lang ako ng iba na mas makakapansin sakin!" Sagot niya. "Dahil lang jan?! Ha?! Alam mo ba kung ano ginawa mo?! Andun si Emily ngayon sa dorm nila iniiyakan ka! Pare sinasaktan mo si Emily sa ginagawa mo. Nakakadismaya pare kasi pinagkatiwalaan ka ng mga kaibigan niya tapos sinasaktan mo lang yung kaibigan nila." Sagot ko. "Eh pano ko malalaman yun kung palagi kayong magkasama?! Araw-araw sa lunch magkasama. Kayo na ba?!" Tanong niya. "Hindi pare. Kahit gustong gusto ko siya pinaubaya ko sayo para maging masaya siya pero di ko expected na gaganyanin mo siya. Ede sana pala nanligaw na lang din ako sa kanya para hindi siya nagkakaganyan!" Sagot ko. Tatalikuran ko na sana siya nang bigla itong magsalita. "Akala mo ba hindi ko kayo nakita nung nasa park kayo?! Kung nasasaktan siya mas nasasaktan ako! Kasi yung babaeng mahal ko kasama yung kaibigan ko!" Sagot niya. "Ken hinalikan ko ba si Emily?! O hinalikan ba ko ni Emily?! Hindi! Hindi diba?! Ikaw hinalikan mo si Ana! Doble yung sakit niya! You know how soft she is and yet your hurting her." Sagot ko. Tinalikuran ko na siya at lumabas na ng school para ibili si Emily ng ice cream. Pumunta ko sa malapit na 7 eleven dito sa school. Bumili ako ng cookies and cream na ice cream dalawang pine para masabayan ko naman siya sa pagkain nito. Bumalik na ako sa dormitory para ibigay kay Emily yung ice cream. "Oh Ivan. Pasok ka." Bati ni Sandra. "Nasan si Emily?" Tanong ko. "Lumabas. Magpapahangin daw sa park." Sagot niya. "Ah sige. Una na ko. Hahanapin ko siya bibigay ko 'tong ice cream." Sagot ko. Pumunta ako sa park. Nakita ko siya nakaupo sa swing at naka earphones. "Oh. Baka nagugutom ka." Bati ko. "Ice cream!" Sagot niya. Namimiss ko na yung mga ngiti niya na yun. Yung mga ngiti na totoo at masaya. "Ngiti ka na. Hindi ka ba napapagod na umiyak??" Tanong ko. "Napapagod pero di ko mapigilan eh. Parang nagiging better yung nararamdaman ko kapag umiiyak ako. Di ko nararamdaman yung sakit." Sagot niya. "Ang sabihin mo soft hearted ka. Kaya iniiyakan mo si Ken." Sagot ko. "Alam mo ano bang meron kay Ken?? Bakit nababaliw ka sa kanya? Wala naman siyang ginawa kundi saktan ka." Dagdag ko pa. "Alam mo Ivan hindi love kapag hindi nasasaktan." Sagot niya. "Eh hindi na yun love kung puro pain lang." Sagot ko. "Eh kasi nga pain happens for a reason." Sagot niya. Hindi na ko tumutol pa at kumain na lang ng ice cream.
Emily's POV
Nang mahimasmasan ako kanina ay naisipan kong magpahangin. "Guys labas muna ko magpapahangin lang." Paalam ko nang makababa na ako. "San ka magpapahangin?" Tanong ni Sandra. "Ah jan sa park." Sagot ko. Lumabas na ako at naglakad na papunta ng park. Umupo ako sa swing. Tinanaw ko ang mga batang naglalaro. Sana bumalik na lang ako sa pagkabata, yung walang problema. Tamang laro lang ng lupa sa labas. Walang love na nageexist. Hindi ako ganto kahina. Sobrang sakit. Yung taong mahal mo kasama yung babaeng kinaayawan mo. Nag earphones ako habang mahinang inuugoy ang swing. "Oh baka nagugutom ka." Bati ni Ivan. "Ice cream!" Sagot ko. Talagang napangiti ako sa binigay ni Ivan. Para kong bata na binili ng magulang ko ng gusto kong laruan. "Ngiti ka na. Hindi ka ba napapagod na umiyak??" Tanong niya. "Napapagod pero di ko mapigilan eh. Parang nagiging better yung nararamdaman ko kapag umiiyak ako. Di ko nararamdaman yung sakit." Sagot ko. Totoo yung sinagot ko sa kanya. Para kong namananhid kapag umiiyak ako. Nakakalimutan ko yung sakit. "Ang sabihin mo soft hearted ka kaya mo iniiyakan si Ken." Sagot niya. "Alam mo ano bang meron kay Ken?? Bakit nababaliw ka sa kanya?? Wala naman siyang ginawa kundi saktan ka." Dagdag niya. "Alam mo Ivan hindi love kapag hindi nasasaktan." Sagot ko. Totoo naman. Hindi nga love kapag di ka nasasaktan. Hindi totoong love yun kung ganon. "Eh hindi na yun love kung puro pain lang." Sagot niya. "Eh kasi nga pain happens for a reason." Sagot ko. Hindi na siya tumutol pa at pinanuod na lang yung mga batang naglalaro. Inuugoy ko ng mahina ang swing nang magvibrate ang phone ko.
Ken:
Nasan ka? Nandito ko sa dorm niyo. Usap tayo.
Me:
Ken bukas na lang. I want to forget.
Ken:
Forget what??
Me:
Forget that you kissed Ana.
Hindi na siya nagreply pa kaya tinuloy ko na lang ang pagkain ng ice cream. Nang maubos ang ice cream ay nag aya na akong umuwi. Hindi na ako nagpahatid kay Ivan sa tapat ng dorm namin. Nang dumating ako naghahanda na sila para sa dinner kaya tumulong na ako sa paghahain. "Oh anong pinagusapan niyo ni Ivan??" Tanong ni Lean. Nilulon ko muna ang kinakain ko bago sumagot. "Wala. Just about Ken." Sagot ko. "Ahh ok." Sagot niya. Nagpatuloy ang masayang kwentuhan sa aming hapag kainan. Nang matapos ay nagpaalam na akong aakyat para makapag pahinga na. Kinabukasan maaga kong nagising. Naligo ako at nagbihis. Nang makababa ako ay prepared na ang breakfast. "Morning!" Bati ko. "Wow good mood ka ata?" Sagot ni Lean. "Oo. Tapos na yung sorrowness na nararamdaman ko." Sagot ko. "Wag ka na ulit mag iiyak ah. Alalang alala kami sayo." Sagot ni Sandra. "Oo hindi na." Sagot ko. Bumaba na sila Andy at nagsimula na kaming kumain. "Mag uusap daw kami ni Ken ngayon." Kwento ko. "Oh talaga?? San daw?" Tanong ni Sandra. "Ewan ko." Sagot ko. Naglakad na kami papunta sa school. Malapit na ako sa pintuan ng room namin nang biglang nagvibrate ang phone ko.
Ken:
Kita tayo sa locker room.
Me:
Ok.
Naglakad na ako papunta sa locker room. "Oh anong pag uusapan natin??" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya. "Yung nangyari satin. Yung pag iwas mo sakin. Bakit mo yun ginawa??" Tanong niya. "Para mabawasan man lang yung sakit pero nadagdagan mo lang eh. Every time nakikita ko kayo ni Ana na magkasama it hurts like hell. Lalo na nung hinalikan mo siya. Para kong sinasaksak ng sampung libong kutsilyo sa sobrang sakit. Natutunan ko na nga lang mamanhid para hindi na ko nasasaktan ng ganito eh. Alam mo nalilito na ko sayo. Di ko alam kung ako o si Ana yung mahal mo." Sagot ko. "Kung masakit para sayo yung kay Ana masakit din para sakin yung sa inyo ni Ivan. Para kong sinasaksak ng multiple times dahil nakakaya ng babaeng mahal ko na umiyak sa balikat ng kaibigan ko. Ang sakit nun Ems." Sagot niya. Namalisbis na yung luha ko habang naririnig yun sa kanya. Napaupo na lang ako sa sahig at napayuko sa mga tuhod ko. "Sorry. Ayoko lang nakikita mong ganto ko. Ayoko na nagmumukha akong mahina sa harap mo." Dagdag ko pa. "Ok lang naman na makita ko yung ganyan mong side para mas nakikilala kita. Sorry din sa nagawa ko. Nadagdagan ko lang yung sakit na nararamdaman mo." Sagot niya. Tapos niyakap niya ako. Sa balikat niya ako umiiyak ngayon. "Shhh. Tama na. Ok na tayo ah." Pagpapatahan niya. Pinahid ko ang mga luha ko at tumayo na. "Tara na. Baka magsisimula na yung flag." Aya ko. Tumayo na din siya. Sinuot ko yung jacket ko at naghood ako para hindi makita ng mga tao ang pamamaga ng mata ko. Nakayuko lang ako. Binaba ko ang bag ko sa tapat ng room namin at tumayo na sa tabi ni Lean. Tinaggal naman ni Lean yung hood ko. "Oh ano nangyari jan sa mata mo??" Tanong niya. "Wala. Naiyak lang ako sa paguusap namin ni Ken." Sagot ko. Nagsimula nang tumugtog ang christian song hudyat ng pagsisimula ng prayer.
Sandra's POV
Nang pumila si Ken napansin kong medyo may basa yung bandang balikat ng jacket niya. Parang may umiyak sa balikat niya. Matanong nga mamaya kung ano nangyari sa paguusap nila ni Emily. Nang matapos ang flag ay pinapasok na kami. Umupo na ako sa pwesto ko. Umupo na rin si Ken sa tabi ko. "Huy! Ano nangyari sa balikat mo??" Tanong ko. "Wala. Niyakap ko lang si Emily." Sagot niya. "Umiyak si Emily??" Tanong ko. "Oo. Masyado niyang dinamdam yung nangyari samin kaya ayun naging emosyonal." Sagot niya. "Ok na kayo??" Tanong ko. "Oo. Nagsorry na rin ako." Sagot niya. Dumating na ang magcoconduct ng morning devotion namin. Nakinig na lang kami. Matapos nun ay dumating na ang subject teacher namin. "Class what comes to your mind when you hear the word 'love'?" Tanong ng teacher namin sa ESP. "You Ken. What comes to your mind when you hear the word 'love'?" Tanong niya kay Ken. "Ahm si Emily po." Sagot niya. "Ayieeeeeeee!!!!!!" Sigawan namin. "Emily Howards?? From second section??" Tanong niya. "Y-yes po." Sagot ni Ken. "Why Miss Emily and not the others??" Tanong niya. "Kasi po binago niya ko. I learned how to dream when I met her. I learned how to love sincerely. I learned how to be serious on girls because of her." Sagot niya. "Ayieeeeeee!!!! Sana all!!!!!" Sigawan nila. May kumatok sa pinto. "Sandra open the door." Utos sakin ng teacher. Agad naman akong tumayo at binuksan ito. Nakita ko si Emily. "Ahm. Good morning Miss I'm sorry to disturb your class po. May I excuse Andy?" Bati niya. "Ayieeeee Ken!!!!!" Sigawan nila. "Wait before I allow Andy to talk to you I have a question. What comes to your mind when you hear the name 'Ken'?" Tanong niya kay Emily.
Emily's POV
Kanina nang buksan ko ang bag ko wala akong compass. Kailangan namin sa math. Takte kasi naman puro kadramahan ang trinabaho ko kahapon eh. Nakalimutan ko yung takteng project sa math. "Ah sir may I go out? Manghihiram lang po compass nakalimutan ko po eh." Paalam ko. "Sige." Sagot niya. Lumabas na ako ng room. Nang kumatok ako sa room nila Andy kasalukuyang nagsisigawan ang mga kaklase niya. Binuksan ni Sandra ang pinto. Nginitian ko siya. "Ahm Good morning Miss I'm sorry to disturb your class po. May I excuse Andy?" Bati ko. "Ayieeeee Ken!!!!" Sigawan ng mga kaklase niya. Nangunot ang noo ko dahil sa weird na sigawan nila. "Wait before I allow Andy to talk to you I have a question. What comes to your mind when you hear the name 'Ken'?" Tanong niya. Natigilan ako sa tanong niya. "Ahm poems about love po. Because he thought me how to express my feelings through writing." Sagot ko. "Ayieeeeeee!!!!" Sigawan nila. Lalo akong nailang nang tingnan ako ni Ken. Deretso sa teacher ang tingin ko. "Okay Andy you may go." Sagot niya. Lumabas si Andy at sinarado ang pinto. "Peram compass." Sabi ko. "Ah sige wait lang." Sagot niya. Saglit siyang pumasok sa room nila at paglabas niya ay dala niya na yung compass. "Oh." Aniya. Sabay abot nung compass. Binuksan ko ang pinto at pinapasok si Andy. "Thank you po Miss." Paalam ko. Agad akong umalis para maiwasan ang sigawan ng mga timang niyang kaklase at pumasok na sa room namin. Umupo na ako sa pwesto ko at sinimulang gumawa ng project.
A/N: Sana po nagustuhan niyo yung update ko ngayon. Please vote po sa story ko para marami pa pong makabasa. Pasensya na po sa mga gramatical errors ko. Shout out po kay Altheaph15 !!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top