CHAPTER 12: NO WHERE TO BE FOUND

Sandra's POV
Naisipan naming magkakaibigan na magmovie night para icelebrate ang pagkapanalo ni Emily. Plano namin na isurprise siya dahil di kami nakapagcelebrate kanina. Sakto naman at nauna siyang umakyat para magpahinga. Maihahanda namin yung set ng movie night. Tinawagan na naminsi Ken para magpunta sa dorm. Pati si Ivan pupunta rin kaya paniguradong masaya 'to. Sila daw sasagot ng pagkain at kami naman sa inumin. Bumaba na kami para bumili ng inumin sa malapit na 7 eleven jan sa baba. Di pa namin alam papanuorin dahil sa netflix namin hahanapin yung movie. Excited na ako. Siguro sobrang saya ni Emily dahil kumpleto kami ngayon. Inantay na namin si Ken sa 7 eleven. Ilang minuto lang ay dumating na siya na dala ang pizza at pasta. Kaya sabay-sabay na kaming umakyat. Nilatag na namin yung mga comforter at unan. Inayos din namin yung mga pagkain sa lamesa. Nang maayos na namin yun ay dumating na si Ivan dala ang ice cream. "Sup guys!" Bati niya samin. "Sup Ivan." Sagot namin. "San si Ems?" Tanong niya. "Tulog pa mamaya gigisingin ko. Celebration niya 'to eh." Sagot ko. "Ahhh." Sagot niya. Pagkatapos namin mag set up ay pumwesto na sila at ako naman ay ginising ko na si Emily.

Emily's POV
Nagising ako sa isang katok sa labas ng kwarto ko. "Oh bakit?" Tanong ko sa kumakatok. "May bisita ka." Sagot ni Sandra. Boses pa lang alam kong siya na yun dahil napaka energetic. "Sino? Dis oras na ng gabi." Sagot ko. "Lumabas ka na lang para malaman mo." Sagot niya. Kaya naga ayos ako ng mabilis at lumabas na. Nang makarating ako sa salas namin ay nakita ko na nakahanda na silang lahat. Nakahanda nang manuod ng movie. "Wow! Kumpleto tayo wah." Bati ko. "Syempre. Celebration mo eh." Sagot nila. "HAHAHAHAHA. Ano bang papanuorin natin?" Tanog ko. "Captain Marvel sana kaso ala sa netflix kaya Percy Jackson sea of monsters na lang." Sagot ni Andy. "Ahh sige." Sagot ko. Umupo na ako sa sofa katabi ni Ken. Tahimik lang akong nanunuod habang kumakain ng ice cream. Kukuha na sana ako ng isa pang kutsara habang nakatutok sa tv pero may nasagi akong kutsara. Nagulat ako nang kumuha siya ng isang kutsarang ice cream mula sa lalagyan ko kung meron naman siya. "Ken naman eh! May ice cream ka oh!" Reklamo ko. "Ok na yun! Sharing is caring." Sagot niya. "Alam mo ewan ko sayo." Sagot ko. Ibinaling ko na lang sa pinapanuod yung atensyon ko at hindi na siya pinansin pa. Matapos ng palabas ay nauna nang umuwi si Ivan dahil hinahanap na daw siya ng mga dormates niya. Kaya nagsimula na akong magligpit ng mga pinagkainan namin. Nang biglang may nagring na phone.
*RINGGGGGG*
"Wait lang guys. Sagutin ko lang 'to." Paalam ni Ken. Pumunta siya sa kusina para makausap yung tumawag ng private. Niligpit ko na yung mag plastic ng chips at kahon ng pizza. Nasa kusina yung basurahan namin kaya hindi ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan ni Ken at nung tumawag. "Ano nangyari?" Nagaalalang tanong niya sa kausap. "Sige pupunta na ko." Sagot niya sa tumawag tsaka niya ibinaba ang telepono. Tinapon ko na ang mga dapat itapon. "Ems alis na ko. May sakit yung pinsan ko eh dinala sa hospital." Paalam niya. Tinanguan ko siya. Niyakap niya naman ako at hinalikan sa noo para makapagpaalam. Nagpaalam na din siya kila Sandra. Matapos ko mag urong ay nagpaalam na din ako sa kanilang matutulog na. Nag tooth brush muna ako at chineck kung ilang reads yung ginagawa kong online book at natulog na. Kinaumagahan ako ang pinakamaagang nagising dahil puyat ang apat. Pinainit ko na lang ang natirang pasta at pizza para sa breakfast. "Hoy! Gising na!" Sigaw ko mula sa tapat ng mga kwarto nila. Matapos ang ilang minuto ay nagsibaba na rin sila para makakain ng breakfast. Matapos mag breakfast ay sabay-sabay kaming pumasok. Inasahan ko nang walang Ken na magpapakita dahil naospital ang pinsan niya. "Bakit wala pa si Ken?" Tanong ni Sandra. Nagkibit balikat na lang ako. "Una na ko guys. Kailangan ko na pumunta sa designated room ng quiz bee eh." Paalam ko. "Ah sige. Sasama kami kay Ivan eh. Manunuod kami ng volleyball game." Sagot ni Sandra. "Sige. Akyat na ako." Sagot ko. Umakyat na ako sa third floor para sa quiz bee. Nang dumating ako ay saktong pagdating din ng proctor. Nagpaliwanag siya tungkol sa rules and regulation ng quiz bee. Nagsimula na siyang magtanong.

Sandra's POV
Naisipan namin na sumama kay Ivan sa panunuod ng volleyball game. Si Zoe dumeretso na sa events place dahil last day na ng mga booths. Puro awarding na bukas. Naghanap kami ng ng magandang mapepwestuhan. Napili naming maupo sa bandang taas para tanaw mo talaga. May dalawang lalaking dumating. Nakipag feast bomb sila kay Ivan at umupo sa tabi niya. "Ah guys si Ali at John mga kaibigan ko." Pakilala niya sa dalawa. "Hi. I'm Sandra." Pakilala ko sa isa na medyo matangkad ng konti kay Ivan. "Hello I'm Ali." Pakilala niya. "Hello I'm John." Pakilala naman nung isa na halos kasing tangkad ni Ivan. "Hi I'm Andy." Pakilala naman ni Andy sa kanila. "Hello. Nice to meet you." Sagot nila. Tinanguan lang nila si Andy. Napapaisip talaga ko kung nasan si Ken kaya dahil sa curiosity naisipan ko siyang ichat.

Me:
Ken san ka? Bakit wala ka?

Ken:
Nandyan lang ako sa tabi-tabi.

Nang mabasa ko ang chat niya ay ibinalik ko na ang atensyon ko sa game na pinapanuod namin. "Guys labas lang ako saglit bibili ko pagkain natin." Paalam ni Ivan sa amin. "Ah sige." Sagot ko. Pagkaalis niya ay saktong pagdating ni Lean. "Hi guys. Sorry may pinuntahan ako kaya late." Bati niya. "Ok lang." Sagot ko. "Eto si John at Ali. Kaibigan ni Ivan." Pakilala ko kila Ali at John. "Hi. I'm Lean." Pakilala niya sa kanila. "Hi nice to meet you." Sagot nila. Nagpatuloy kami sa panunuod ng game.

Ivan's POV
Naisipan kong bilan ng makakain yung mga kaibigan ko dahil gutom na rin ata sila. Nang makarating ako sa canteen ay agad akong pumila. Nang napalingon ako sa mga table ay nakita ko si Ken kasama ang mga barkada niya na may kasamang babae. Pinagsawalang bahala ko na lang ito at umorder na ng pagkain. Matapos umorder ay bumalik na ako sa gym. "Oh nasan sila Ali?" Tanong ko. Dahil wala na sa kinauupuan nila ang dalawa. "Magbobooths daw sila. Naiinip na sila dito." Sagot ni Lean. "Ahh. Eto oh pili na lang kayo ng gusto niyo." Sagot ko. Matapos ang game ay umalis na kami dahil nagpapasundo na daw si Emily. Natapos na daw ang quiz bee. "Oh kamusta?" Bati ko. "Ok naman. Naka 18 points ako." Sagot niya. "Ede ikaw na panalo?" Tanong ko. "Oo HAAHHAHA. Ako pa ba?" Sagot niya. "Congrats." Sagot ko. Sabay yakap sa kaniya. "Thanks." Sagot niya. Tsaka niyakap ako ng mahigpit. Sabay-sabay kaming naglakad papuntang canteen para icelebrate ang ikatlong panalo niya. Umorder kami ng pasta at pizza dahil available naman siya sa canteen. "Nga pala guys kanina nakita ko si Ken kasama mga barkada niya kasama niya yung pinsan niyang babae." Ani ko. "San mo nakita?" Tanong ni Lean. "Dito sa canteen kanina." Sagot ko.

Emily's POV
Nang marinig ko yun kay Ivan ay agad akong nagtaka dahil ang pinsan niyang babae na nag aaral dito ay may sakit. "Eh may sakit yung pinsan niya." Sagot ko. "Baka kaibigan niya lang." Sagot ni Sandra. Oo nga baka kaibigan lang pero masakit pa rin sa part ko kasi nasamahan niya yung kaibigan niya pero akong nililigawan niya di niya nasamahan. Pero wala akong karapatang magdemand sa kanya kasi di naman kami. Nililigawan pa lang naman ako pero hindi ko maiwasang masaktan dahil dun. Tahimik na lang akong kumain habang nakikinig sa usapan nila. Paminsan-minsan sumasagot ako. Naisip kong mag earphones na lang. Nagduty din ako sa jail booth matapos nun. Nang makapag time out kami ay nauna na akong maglakad sa kanila. "Hoy Emily! Teka lang!" Sigaw ni Sandra pero di ko na sila pinakinggan. Ayoko ng kausap sa ngayon. Nang makarating kami sa dorm ay nagkulong na lang ako sa kwarto dahil sa frustration ko. "Ems tara dinner na." Tawag ni Sandra. "Ayoko. Mamaya na ko." Malatang sagot ko. Ayoko talaga ng kausap tapos kanina ko pa chinachat si Ken pero di sumasagot. Nakakainis kala ko ba ako? Bakit may iba?? Takte Ken pinaglalaruan mo lang ba ko? Sana naman hindi. Ang tagal ko na nitong inintay 'to tapos hindi naman pala ako yung gusto mo. Napaiyak na lang ako sa sobrang lito. Sa sobrang bigat ng loob ko nakatulog na ako. Kinaumagahan malata akong naghanda para sa awarding. Naglagay ako ng kaunting make up para maitago ang pamumugto ng mga mata ko. "Oh bakit parang late ka nagising ngayon?" Tanong ni Lean. "Wala napuyat lang ako sa kakapanood ng K-drama." Sagot ko. Hindi na ko umimik pa habang kumakain kami. Pumasok na kami sa school matapos kumain. Kahit walang gana ay pumasok ako. "Congrats Emily." Bati ni Sir. "Thank you po." Sagot ko. Matapos ay nag time in na ako. Sumunod na ako kila Andy. "Nag time in ba si Ken?" Tanong ko. "Oo pero hindi ko siya nakita eh." Sagot ni Andy. "Mmm. Hindi rin siya nagchachat sakin eh." Sagot ko. Hindi na kami nakapag usap dahil dumating na ang host para sa awarding. "Our this year's overall quiz bee champion is Emily Savvanah Howards!!!!" Ani ng announcer. Agad akong tumalima sa tawag niya. "Congrats." Bati niya. "Thank you po." Sagot ko. Tsaka nakipag kamay at humarap na sa camera para magpicture. Sa bandang dulong pwesto ng upuan ay may nakita akong kahawig ni Ken na may katabing babae. Pinagsawalang bahala ko na lang ito at bumalik sa pwesto ko. Habang nagcoclosing speech ang principal namin ay may narinig akong bulungan.

"Alam mo nakita ko si Ken kanina may kasamang babae." Sabi nung isa. "Oh? Akala ko ba sila ni Emily?" Tugon naman nung isa. "Ewan ko. Di naman sila bagay. Masyadong gwapo si Ken para sa kanya." Sagot naman nung isa. Ikinuyom ko na lamang ang kamao ko at ipinikit ang mga mata ko para mapakalma ang sarili ko.

Andy's POV
I noticed Emily's silence this days so I was thinking of its reason. I came to a conclusion na si Ken yun. Kasi ever since narinig niya kay Ivan na may kasamang babae si Ken naging tahimik na siya. Plastered sa mukha niya yung fake smile. Kanina nung tinanong siya ni Lean kung bakit late siya nagising alam kong kasinungalingan lang ang sagot niya. Kagabi kasi napadaan ako sa kwarto niya at nakarinig ako ng mahinang paghikbi. Naisipan kong buksan ang kwarto niya kaso sarado naman. Habang palabas kami ng quad ay nakita rin namin si Ken kasama ang kanyang mga barkada at may kasamang babae. Nang makalabas na kami ay kinausap ko si Zoe. "Wag mo sasabihin 'to kay Emily ah. Baka magalit satin yun." Sabi ko sa kanya dahil baka bigla nanaman 'tong madulas. "Ok." Sagot niya. Bumalik na kami sa quad. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na ang closing remarks. Pumunta na si Zoe sa events hall at kami naman ni Emily ay sa jail booth dahil duty namin ngayon. Buong maghapon kaming nakatayo sa tabi ng pinto ng jail booth at paminsan-minsan nakikihabol na rin kami sa mga huhulihin. Matapos ang shift ay napag usapan namin na sa canteen magkikita-kita.

Emily's POV
Masaya silang kumakain habang ako naman ay tahimik lang. Apektado pa rin ako sa narinig ko kanina. Dumukdok na lang ako sa lamesa para makaidlip. "Hi guys! Sorry I'm late." Bati ng pamilyar na boses ni Ken. "San ka galing?" Medyo sarkastikong tanong ni Andy. "Sinamahan ko yung mga pinsan ko." Sagot niya. "Ano naman nangyari kay Emily?" Tanong pa niya. "Nako di ka kasi nagpakita nung awarding kaya ayan nawalan ng gana." Sagot ni Lean. "Naku ang baby ko nagtatampo. Sorry na. Kinulit kasi ko ng mga pinsan ko kaya di kita nasamahan sa awarding eh." Sagot niya. "Magaling na ba yung pinsan mo?" Tanong ko. "Oo nakalabas din siya kahapon. Ano gusto mo? Libre kita." Sagot niya. "Ice cream lang sapat na." Sagot ko. Agad siyang lumakad papunta sa counter para umorder ng ice cream. Nang makabalik siya sa pwesto namin ay may dala na siyang isang pine ng cookies and cream ice cream at iniabot sakin iyon. "Thank you!" Masiglang sagot ko. Ice cream lang talaga makakapagpalambot sakin. Masaya kaming nagmeryenda nun pero di pa rin napawala sakin yung usapan ng mga babae kanina. Nang makarating ako sa dorm dun ko inilabas ang tinatago ko. "Takte! Nakarinig ako ng chismis na mat kasamang babae si Ken!" Ani ko. "Sino naman daw?" Tanong ni Lean. "Malay ko!" Sagot ko. "Ah oo nakita namin siya ni Andy kanina may kasama ngang babae." Sagot naman ni Zoe. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ano?! Bakit di niyo sinabi agad?! Alam niyo bang halos mabaliw ako kakaisip kung sino yong takteng makating higad na yon! Tapos nakita niyo pala! Andy naman! Kala ko loyal ka sakin!" Sigaw ko. "Sorry Emily. Prinoprotektahan ka lang namin." Sagot ni Zoe. Nagsimula nang tumulo ang luha ko. "Bakit?! Saan?! Alam niyo ba kung gano kasakit yung naramdaman ko?! Yung iniisip mo na may iba palang mahal yung mahal mo?! Na laruan ka lang pala niya?! Hindi niyo yun alam kasi di niyo naman ako nakikitang masaktan!" Sagot ko. Todo iling naman si Andy. Lumabas na lang ako ng dorm at hinanap si Ivan.

Ivan's POV
Masaya kaming kumakain ng dinner nang biglang may kumatok. "Ako na." Paalam ko. Tumayo ako para buksan ang pinto ng mabuksan ko ito ay isang Emily na umiiyak ang bumungad sakin. Niyakap niya ako ng napaka higpit at naramdaman kong nababasa ang shirt ko. "Ano nangyari?" Tanong ko. "Nagkaaway kami nina Andy dahil kay Ken." Sagot niya. "Tara pasok ka muna tatapusin ko lang ang pagkain ko tapos alis tayo." Sagot ko. Kumuha ko ng baso ng tubig at iniabot ito sa kanya. "Thank you." Sagot niya. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at nagpaalam kila Ali na sasamahan ko lang si Emily. "San mo gusto pumunta ngayon?" Tanong ko nang makababa ako mula sa kwarto ko. "Sa park." Sagot niya. Sabay kaming naglakad palabas ng dormitory namin. Nang makarating kami sa park dumeretso siya sa swing. "Ganun ba talaga kapag nagmamahal ka? Pati yung mga kaibigan mo na matagal mo nang kasama kakalabanin mo para sa kanya?" Tanong niya habang nakatingin sa buwan. "Hindi Emily. Siguro nasaktan ka lang sa fact na may tinago sila sayo para sa ikabubuti mo. Kasi kung ako man sina Andy gagawin ko rin yun para hindi ka masaktan." Sagot ko. Bigla namaman siyang umiyak. "Ang sakit lang kasi tinago nila na ganun. Yung mababaliw na ko sa kakaisip kung totoo ba yung narinig ko tapos nakita pala nila." Sagot niya. "Syempre masakit sayo na ganun yung ginawa nila pero intindihin mo rin yung reason nila." Sagot ko. Tinanguan niya lang ako tsaka sumandal sa balikat ko at dun iniyak lahat ng luha niya. Hinayaan ko na lang siya dahil nasasaktan din ako para sa kanya. "Alam mo ito payo ko sayo. Wag ka muna makipagkita kay Ken hanggang sa maclear mo na yung utak mo para hindi ka nahihirapan ng ganyan." Ani ko. "Ok. Kaso palagi natin siyang kasabay." Sagot niya. "Ede wag tayong sumabay muna sa kanila. Balato na natin sa kanya sila Sandra tapos tayo na lang magsabay this coming week." Sagot ko. Tinanguan niya lang ako. "Bili tayo ice cream alam ko namang kailangan mo nun ngayon." Aya ko sa kanya. "Sige." Sagot niya. Agad niyang pinahid ang luha niya na namalisbis kanina. "Ayan. Ayoko ng nakikitang umiiyak bespren ko." Ani ko. "HAHAHAHA. Oo na." Sagot niya. Pumunta kami sa malapit na 7 eleven at binili ko siya ng ice cream. "Hatid na kita sa dorm niyo." Tawag ko sa atensyon niya. "Sige." Sagot niya. Nang makarating kami sa dorm ay hinatid ko siya sa kanila at bumalik na ako sa amin. Tahimik na. Umakyat na ata yung dalawnag tukmol na kasama ko kaya umakyat na rin ako. Ilang minuto pa kong nag browse sa fb ko at natulog na.

Emily's POV
Nasasaktan pa rin ako sa nangyari. Di ko na nga alam kung talaga bang mahal ako ni Ken eh. Nalulungkot talaga ko kasi kinalaban ko yung mga kaibigan ko para sa kanya. "Oh bakit gising pa kayo?" Tanong ko nang makitang nasa sala pa sila Sandra. "Inaantay ka namin para makausap." Sagot nila. "Ano naman pag uusapan natin?" Tanong ko. "Yung misunderstanding niyo nila Andy." Sagot ni Lean. Tinanguan ko sila. "Eto yung dahilan nila. Ayaw ka nila masaktan kaya nila tinago yun sayo. Hindi rin naman nila gustong masaktan ka kaya tinago nila." Paliwanag ni Sandra. "Pero di nila inisip na mas masasaktan ako kapag tinago nila. Nasasaktan din ako ngayon. Tinatanong ko yung sarili ko kung bakit nila nagawa yun? Bakit nila tinago kung pwede naman nilang sabihin?" Sagot ko. "Ganto na lang palamigin niyo na lang kuna yung sitwasyon niyo tsaka kayo mag usap-usap." Sagot ni Lean. "O sige. Mas maganda nga yon. Sige akyat na ko." Paalam ko. Pagka akyat ko kunuha ko ng chocolate dahil di p rin sapat yung ice cream kanina. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng K drama sa laptop ko nang biglang nag vibrate ang phone ko.

Ken:
Nalaman ko yung nangyari. Ok ka lang?

Nakakagulat naman 'to. San naman nalaman ng mokong na to yung nangyari?

Me:
Kanino mo nalaman?

Ken:
Kay Ivan. Nagpunta ka daw sa kanya. Bakit di mo ko tinawagan agad?

Me:
Baka kasama mo yung mga pinsan mo eh.

Ken:
Hindi ko sila kasama. Alam mo bang nag aalala ko sayo? And yet wala kang pake.

Me:
Sorry. Nakalimutan ko lang. And ayokong nakikita mo kong ganun.

Ken:
And si Ivan pwede??

Me:
Ken I don't want another argument. Matulog ka na. Good night.

Ken:
I'm not making an argument. Good night.

Gagawa pa ng isa pang isipin 'tong lalaki na 'to pagod na nga ko kila Andy tapos gaganun pa siya. Bahala na siya sa buhay niya. Pinatay ko na lang ang cellphone ko at pinuyat ang sarili ko sa panunuod ng K drama. Ok lang naman dahil walang pasok bukas. 12 pm na ko nagising kinabukasan. Inaasahan kong wala nang pagkain at kailangan ko nang bumili nito pero kumakain pa lang sila. Kaya nakisalo na lang ako. Umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis na. Plano kong mag punta ng kapitolyo ngayon para mag unwind. Hindi na ako nagpaalam sa kanila. Naglalakad ako mag isa nang biglang may umakbay sakin. Tiningala ko kung sino at si Ivan pala. "Grabe! Nagulat ako!" Ani ko. "San ka pupunta??" Tanong niya. "Sa kapitolyo mag uunwind bakit??" Sagot ko. "Bakit ikaw lang mag isa?? Bakit di mo ko tinawagan??" Tanong niya. "Kasi gusto kong mag unwind mag isa. Tsupi!" Pagtaboy ko sa kanya. "Ok sige. Byeee!!!" Paalam niya. Naglakad na ako papunta sa mini forest. Tahimik kong tinatanaw ang mga tao sabay pag reminisce ng mga memories namin dito. Ilang minuto pa kong nanatili dun at nagpunta na ako ng Centro Mall para maghanap ng makakain. Bumili ako ng isang belgian waffle at umuwi na. Buong araw lang akong nakakulong sa kwarto. Nang lumabas ako ay gabi na. Nauna na akong magdinner sa kanila. Matapos nun ay nagkulong ako sa kwarto. Palagi na kong madaling natutulog at hapon na ako kumakain. Palagi akong tahimik tuwing kakain ng hapunan. Hayst. Hanggang kailan kaya kami ganito???

A/N: Pasensya na po sa late update. And shout out sa plot assistant ko. Thank you sa lahat ng tulong mo. Please vote po. And continue reading still you. Lovelots guys. Sana nagustuhan niyo yung update ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top