Chapter 9: She dont remember me
Chapter 9: She dont remember me
Ace Point Of View
Tinanaw ko nalang si Ersha dahil lumalayo narin sya ng lakad sa akin. Di ako pwede mag kamali sya yun. Sya si Ersha. Bakit di nya ko maalala.
"I don't know you. Who are you? I'm sorry nandito na kasi yung kaibigan ko."
Yang mga salitang yan ang biglang nagpaguho sa mundo ko. How did she not remember me? Tatlong taon akong naghintay kung babalik pa sya o makikita ko man lang sya. Natupad nga pero hindi naman nya ako matandaan. What happen to her?
"Ace!" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nakita ko si Ashton na tumatakbo papunta sa pwesto ko.
"Nasa kotse na sina Kiel at Cyelo. Halikana para makarating agad tayo sa beach." saad nito habang nakangiti. Pataas taas pa ito ng kamay na kung akala mo eh nag swi-swimming na ito kasi yung first time na sumama ako sa kanila. Naglakad na ako kaya sumunod na rin sa akin si Kiel.
"Si Jean ba yun?" saad ni Kiel at itinuro yung babaeng pasakay ng kotse tinignan ko ng maigi yung tao sa loob ng kotse. Ersha?
"Ersha?" saad ko habang pinakakatitigan yung tao sa loob ng kotse. Umandar naiyon at dumaan pa sa harap namin.
"Who is she Ace?" tanong sa akin ni Kiel at kinalabit ako. Medyo natulala kasi ako eh. Magkasama sila ni Jean ibig sabihin sya nga yung nakita ko. Sya nga si Ersha! I'm not dreaming a while ago.
"Sino ba si Ersha? Kahit sa Facebook sabi ni Jean itanong ko daw sayo kung sino si Ersha dahil kilalang kilala mo daw yun." saad ni Kiel habang naktanaw din dun sa dinaanan ng kotse ni Jean kung saan sakay rin si Ersha. Kung magkasama nga si Jean at Ersha ibig sabihin ba nun eh nagpapanggap lang sya na di nya ako kilala. Posible rin iyon dahil sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya.
"Ace? What happen to you? Pare!" sigaw na ni Kiel sa akin. Napabalik ako sa reyalidad dahil sa sigaw nya. Tinignan ko lang sya ng masama at agad na naglakad papunta kanila Cyelo at Ashton. Iniwan ko si Kiel dun bahala sya sa buhay nya malaki na sya kaya nya sarili nya.
"Ace! Pare hintay!" sigaw nito pero di ko na sya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Sumakay agad ako sa kotse ng marating ko ito sa likod ako sumakay. Si Ashton ang katabi ko.
"Bat ang tagal nyo Ace? Naghihintay na yung chikababes ko sa Beach eh." saad nito habang nakaharap sa cellphone nya. Chikababes nya sa beach pero iba naman ang katext nya. Literal na heartbreaker eh. Hayysss....
"Tsk." walang gana kong saad sa kanya. Bumukas na ang pinto ng driver seat at pumasok na si Kiel katabi nya si Cyelo. As usual may sapak na naman syang head phone. Kahapon earphone lang ngayon headphone na . Lemevel up ang gago.
"Beach here we go!" saad ni Kiel at inistart na ang makina para paandarin. Inilabas ni Cyelo ang cellphone nya at nilakasan pa ang volume para mas hindi nya kami maranig ay silang dalawa lang pala si Ashton at Kiel lang pala.
"Chikababes wait me there!" gatong naman ni Ashton at may pasapak sapak pa sa hangin. Napailing nalang ako at tumingin sa bintana. Sa beach na pagmamayari ng pamilyang Villareal kami papunta. Resort ito kaya imposible na kami lang pero mas pabor yun kay Ashton na babaero.
"Ace bat iniwan mo ko kanina?" tanong ni Kiel at binuksan ang radyo ng kotse. Nagpatugtog pa sya kaya umingay si Cyelo parang wala lang pake mukhang hindi nya naririnig ang music dahil sa malakas rin ma music ang tumutogtog sa headphone nya.
"Tsk." saad ko at inihiga ang ulo ko sa may bintana. Napailing nalang si Kiel at bumaling ulit sa cellphone si Ashton ipinikit ko nalang aking mga mata at may inaalala.
"Ang bad mo!" sigaw nya sa akin kaya lumapit ako sa kanya at niyakap sya sa likod.
"Sorry na po di napo mauulit." saad ko rito habang hinihigpitan ang yakap sa kanya.
"Ace?" saad nito kaya bumitaw na ako sa yakap pero hinarap ko sya sa akin at hinawakan ang mga kamay nya hinagkan ko ang likod ng palad nya.
"I love you Xyrine Ersha Santiago soon to be Fernandez." saad ko rito at ngumisi sa kanya. Hinampas nya ako nang pakawalan ko sa aking pagkahawak ang mga kamay nya. Uulit pa dapat sya ng hampas ng mahuli ko ulit ito.
"I love you too Zaiko Ace Fernandez." saad nito sa akin kaya hinila ko sya at niyakap tumugon naman ito sa yakap ko. Hinimas himas ko naman yung buhok nya.
" I love you." bulong ko rito.
That time. Mga panahon na magkasama kami. Anong nangyare sa iyo Ersha? Nagpapanggap ka lang ba na hindi mo ko kilala? Nagpapanggap ka lang ba talaga nung magkabanggaan tayo kanina? Iminulat ko ang mga mata ko at umayos ng upo. Tinignan ko si Kiel na nagmamaneho si Cyelo na nakaheadphone at si Ashton na may katext sa cellphone nito. Knife? Nabuo ko ang grupo na ito ang grupo na nabuo ko nang mawala sya sa akin nang nawala sya sa buhay ko nangmasaktan ko sya. Alam ko na hindi nya ako mapapatawad sa mga nagawa ko sa kanya. Ipinara ni Kiel ang kotse sa may harap ng 7/11
"You want to come with me?" tanong nito sa akin pero umiling lang ako. Wala naman akong balak bilhin. Lumabas na si Kiel at pumasok na sa 7/11. Ilang minuto lang ay bumalik na si Kiel. Inilagay nya sa may tabi ni Ashton yung mga binili nya. Ibinato nya sa akin yung nakabalot pa sa lalagyan na strawberry. Strawberry? Ersha?
"Ersha?" bulong ko nang mahawakan ko yung inihagis ni Kiel sa akin. Inayos na nya yung seatbelt nya at naghanda na para mag maneho ulit.
"May sinasabi ka Ace? May problema ba sa strawberry." tanong nito nang makita akong nakatitig parin sa strawberry na hawak ko. Umiling lang ako at inilagay ko yung strawberry sa plastic at pumikit ulit matagal pa naman ang byahe papunta sa Villa Resort.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top