Chapter 34: Sad Breakfast
Chapter 34: Sad Breakfast
Xyrine Point Of View
Nasa Dining Room na kami. Kakatapos lang ng paguusap sa telepono ni mama at Jean. Nag be breakfast na kaming apat. Mga walang gana kami ni Jean medyo nahawa na sa amin si Rhea at Jhesa kaya mga wala kaming ganang kumain.
"Anong gagawin mo? Pakikingan mo ba sila sa paliwanag nila?" tanong sa akin ni Jhesa. Naibaba ko ang kutsara at tinidor na hawak ko. Napahinga ako ng malalim dahil sa totoo lang ayaw ko pakinggan ang dahilan ni mama at papa. Natatakot ako na hindi ko maintindihan ang dahilan nila.
"Hindi ko alam Jhesa. Natatakot ako" saad ko sa kanila. Medyo nanggigilid narin ang luha ko pero pinunasan ko agad ito. Naiiyak ako na baka pag nalaman ko ang dahilan nila ay lumayo ang loob ko sa kanila. Iyon ang kinakakatakutan ko.
" Natatakot akong malaman ang dahilan nila" pag papatuloy ko. Nakatingin na sila lahat sa akin. Hindi na nga kami nakakakain nang maayos nang breakfast ngayon dahil sa nakausap ko si mama.
"Ano ba yung ayaw nilang maalala ko pa" saad ko at hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko. Pinupunasan ko ang mga luha na umaagos sa pisnge ko pero parang gripo ng tubig ang lumalabas na luha sa aking mga mata.
"Jean may alam ka ba?" tanong ko kay Jean at tumingin sa kanya. Kanina pa sya tahimik na parang may malalim na inaalala. Napatingin sya sa akin at naluluha narin yung mga mata na pina kita nya sa akin.
"Yung dahilan nayun... Iyon siguro ang sasabihin mo sa akin bago kayo maaksidente ni Kuya Xander" saad nya. Ibig sabihin alam ko na yung dahilan bago ako maaksidente kasama ang namayapa nyang kapatid. Kung ganon ano yun ano yung dahilan nila para hindi nila sabihin sa akin na may Amnesia ako at may pinaiinom silang gamot na ang akala ko lang ay vitamins lang.
"Ibig sabihin nalaman ko na iyon bago ako maaksidente. Paano ko sinabi sayo na may sasabihin ako?" tanong ko kay Jean para na nga kaming tanga dito dahil habang kumakain ay umiiyak kami. Hindi ko lang kasi mapigilan ang emosyon ko. Hindi ko mapigilan ang nararamdam at naiisip ko na pwedeng mangyare kung sakaling malaman ko ang dahilan.
"Tumawag ka sa telepono umiiyak ka habang kausap ako" saad nya habang pinupunasan ng tissue yung pisnge nya dahil sa kaiiyak nya rin. Si Rhea at Jhesa ay tahimik lang na nanonood at nakikinig sa aming dalawa ni Jean.
"May sasabihin ka na sana ng biglang naputol ang linya at doon na kayo naaksidente ni Kuya Xander" saad nya. Bakit hindi ko pa nasabi sa kanya noon. Kung nasabi ko sana edi madali ko nalang malalaman ang dahilan at hindi na ako kakabahan pa sa posibleng nalaman ko at mangyare pag nalaman ko na ang dahilan nila mama at papa.
"Bakit hindi ko pa nasabi." saad ko at hinawakan ang dulo ng buhok ko. Naasar ako kung bakit hindi ko pa nasabi sa kanya kung ano yun.
"Pero may narinig akong salita bago tuluyang mawala ang linya" saad nya kaya napatingin ako ng deretso sa kanya na parang nabuhayan ng loob sa kanyang sinabi. Sana may maalala ako sa mga salitang babanggitin nya.
"Ano? Ano ang mga salitang narinig mo bago maputol ang linya?" tanong ko sa kanya na medyo nag mamadali. Dahil gusto kong marinig kung ano man iyon.
"Ang narinig ko ay NILOLOKO NILA AKO" Saad sa akin ni Jean. Niloloko nila ako? Sino ang mga nangloloko sa akin. Bakit ko nasabi iyon bago mawala ang linya sa kabilang telepono habang kausap ko sya noon.
"Niloloko nila ako? Ayon lang ang narinig mo?" pag papasigurado ko sa sinab nya. Sino ang mga nangloloko sa akin.
Sino ang mga tinutukoy ko noon?
" Oo yun lang ang huli kung narinig nun" saad nya sa akin. Ngumiti ako kahit mapait na ngiti pa ang lumabas sa mga labi ko. Hinawakan ko yung kamay ni Jean.
"Wag kang mag-alala malalaman din natin kung ano ang dahilan nila at sana pag nalaman na natin nag balik narin sana ang mga ala-ala ko" saad ko habang nakahawak sa mga kamay nya. Sana mas bumilis pa ang pag ala-ala ko sa mga bagay at pangyayare sa buhay ko noon. Para makilala ko ang mga taong nakapalibot sa akin ngayon kung ano ko sila at ang dahilan ni mama kung bakit mas ginusto nila na hindi na ako maka ala-ala pa.
"Hihintayin natin ang oras na yun Ersha at pag dumating yun sana may isang tao kang mapatawad at pakinggan mo ang dahilan nya." saad sa akin ni Jean. Isang tao na sana mapatawad ko? Sino naman ang sinasabi sa akin ni Jean na isang tao na sana pakinggan ko ang dahilan nya at mapatawad ko. Ano ba ang ginawa nya noon at kailangan akong makinig sa kanya sa mga dahilan nya kung bakit nasaktan nya ako. Malaki ba ang naging parte nya sa buhay ko.
"Sino? Malaki ba ang naging parte nya sa buhay ko noon?" pag tatanong ko kay Jean ganun parin naman ang pwesto naming dalawa ni Jean magkahawak kamay parin naman kami.
"Kilala mo na sya Ersha. Malaki ang naging parte nya sa buhay mo lalo na sa puso mo" saad nya sa akin. Kilala ko na kung sino sya? Malaki ang parte sa buhay ko lalo na sa puso ko.
" Minahal mo sya at sana sya parin ang minamahal mo hanggang ngayon" saad sa akin ni Jean. Minahal? Nag mahal na ako. Sinong lalake ang minahal ko noon. Sinong lalake ang mahal na mahal ko noon.
"Baby..." nasabi ko nang wala sa sarili. Naalala ko yung endearment na biglang pumasok sa isip ko noong nasa Villa Resort pa kami ni Jean.
(A/N: Chapter 14- Baby? Pwede naman sige Baby nalang. -Ersha)
"Baby? Anong baby Ersha?" tanong sa akin ni Jean kaya napatingin ako sa kanya. Malayo kasi ang tinitignan ko kanina nang maalala ko yung biglang pumasok sa isip ko noon.
"Naalala ko noon baby ang endearment namin ng sinasabi mong lalakeng minahal ko. Bigla iyong pumasok sa isip ko nung andun tayo sa Villa Resort" mahabang paliwanag ko sa kanya para maalala nya. Tinanong pa nga nya ako nun kung may problema eh.
(A/N: Chapter 14: Is there any problem Ersha? -Jean)
"Tapusin na muna natin tong Sad Breakfast nato" saad ko at bumitaw na sa pag kahawak sa kamay ni Jean at nag punas ng tissue sa mukha dahil sa mga luhang umagos dito kanina. Pag katapos ko mag punas ay kumain na ulit ako.
****
Sana suportahan nyo ang Still You at sana pag pasensyahan nyo rin kung mabagal ang update pero binabawi ko naman pag mag ud dahil hindi lang naman isa ang ud ko minsan 2 o mahigit tatlo pa. Mahirap ho talaga ang signal dito sa IloIlo kaya sana pag pasensyahan nyo kung medyo matagal ang ud ko. Hope you enjoy dont forget to vote and comment
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top