Chapter 31: Cyelo The Weirdo
Chapter 31: Cyelo The Weirdo
Cyelo Point Of View
Nakasapak na naman ang headphone sa tenga ko. Kahit na nasa bahay lang ako naka headphone lang ako dahil ayaw ko marinig ang kawalang hiyang ginagawa ng tatay ko.
"Mark asan ang papa mo?" inalis ko ang headphone sa tenga ko. Nang kausapin ako ni Mama. Hindi ko alam kung bakit nakayanan ni mama ang harapang panloloko sa kanya ni Papa. Bakit hindi nya kayang iwinan si Papa.
"Nasa taas Ma" saad ko sa kanya. Nakangiti sya sa akin na parang walang problema. Pagod sa trabaho si mama tapos iiyak sya tuwing gabi dahil sa ginagawa ni papa sa kanya.
"Saan ka pupunta?" tanong nya sa akin. May dala kasi akong bag. Mga damit ang nasa bag ko. Sa HQ muna ako mananatili ng ilang araw. Niyaya ko nang umalis sa lugar na ito ang mama ko pero hindi nya daw kayang iwanan si papa dahil mahal nya raw ito.
"Sa kaibigan muna ako matutulog ma" saad ko. Tumango naman si mama kaya humalik na ako sa pisnge nya at naglakad na palabas ng bahay. Pag kalabas ko ay sinuot ko na ulit yung headphone sa tenga ko.
"Bakit hindi mo sya kayang iwan ma?" saad ko sa hangin at pumasok na sa kotse ko. Pag kapasok ko ay inayos ko agad ang upo at pinaandar na ang kotse. Hindi ko alam kung bakit nagagawang saktan ni papa si mama. Wala namang ginawa si mama kundi ang mahalin at magtrabaho para sa amin. Mahal na mahal ni mama si papa pero di ko rin alam kung ganon si papa kay mama pero siguradong hindi nya mahal si mama dahil kung mahal nya si mama hindj nya ito kayang gaguhin ng ganito.
"Walang kwenta ang buhay ko!" saad ko at pinarada ang kotse sa lugar na madilim at tahimik. Walang katao-taong makikita rito. Lumabas ako ng kotse at sumigaw.
"Bakit ganito ang buhay ko!" sigaw ko. Ganito nalang palagi. Isisigaw ko lang lahat ng galit ko. Lumaki akong tahimik dahil sa pamilyang meron ako. Kaya nga The Weirdo ang tawag nila sa akin pero hindi nila alam kung anong merong buhay meron ako. Nakukuha ko lahat ng gusto ko pero ang pamilya ko.
"Bakit ganito ang pamilya ko!" sigaw ko pa. Wala akong pake kung mapaos ako basta mailabas ko ang galit na nasa loob ko. Ang bigat kapag hindi mo ito nailabas. Ang sakit sakit bakit nya nagawa ito sa amin ni mama.
"Istorbo!" napalingon ako sa boses na narinig ko. Bumangon sya sa pag kasandal nya sa puno. Hindi ko sya napansin kanina dyan syempre madilim narin naman sa lugar na ito. Hindi ko masyadong makita ang mukha nya pero babae sya dahil sa mahaba nyang buhok.
"Alam na may nag papahinga sigaw ka ng sigaw dyan" saad nito sa akin. Biglang bumukas ang mga ilaw sa lugar na ito. Isa palang park ang lugar na ito. Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa akin kanina. Pag kakita ko sa kanya isa lang ang masasabi ko maganda sya.
"Cyelo?" tanong nito nang mapag tanto nito na kilala nya pala ako. Tinitigan ko sya ng maigi familiar kasi ang itsura nya sa akin eh. Parang nakita ko na sya noon.
"Ang dugas mo. Kinalimutan mo na talaga ako. Yelo!" saad nito sa akin. Yelo? Isa lang ang tumatawag ng Yelo sa akin. Yelo how i miss na marinig ang salitang iyon.
"Bumalik ako dito pero hindi mo naman ako nakikilala. Madaya ka di ka tumupad sa pangako natin na walang makakalimot sa atin." saad nya pa sa akin. Unti-unti ko naalala ang mga ala-ala namin noon. Na matagal kong iniingatan na ala-ala na kasama sya.
" Nagpadala ka ng regalo para sa akin sa First Year Student pero hindi mo naman alam yung itsura ko pinahirapan mo sya na hanapin kung sino si Rhea Angela Santos" saad nya pa. Yung susi na regalo ko. Nagbakasakali lang ako kung may ganong pangalan sa school namin. Yung inutusan ko nang kausapin ko sya ang sabi nya naibigay na daw nya ito sa isang Rhea Angela Santos.
"Angela?" saad ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin at may biglang tumulo na luha sa mga mata nya kaya lumapit ako sa kanya agad-agad. Hinawakan ko yung pisnge nya at pinunasan ang mga luha nya. Sinubsob ko yung mukha nya sa dibdib ko.
"Akala mo hindi ko matatandaan kung ano yung susi na iyon" saad nya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. How i miss this girl. Kahit kailan hindi ko sya nagawang kalimutan. Hinding hindi ko magagawang kalimutan sya.
"I miss you." saad nito at niyakap narin ako pabalik. Napangiti ako na nandito na ulit sya sa tabi ko. Makakasama at makakausap na sya ulit. I miss her so much. Hindi ko masasabi kung gaano ko sya na miss.
"I miss you so much" bulong ko sa tenga nya. Humiwalay na kami sa yakap namin. Tinignan ko sya sa mga mata nya. Sya parin yung Angela na kilala ko noon yung makulit na babaeng tumatawag sa akin ng Yelo dahil yung tunog daw ng pangalan ko ay Yelo kaya Yelo ang itinatawag nya sa akin sa tuwing mag kikita kami.
"Yelo" mahinang saad nya sa akin. Napangiti ako nang marinig iyon mula sa labi nya. Sa lahat ng Yelo na tumatawag sa akin sa kanya lang ako hindi naiinis. Dahil parang musika sa mga tenga ko iyon kapag sa kanya ko naririnig.
"Kamusta ka? Sila tito na naman ba ang problema mo?" tanong nya sa akin. Biglang nawala ang nga ngiti ko nang maalala ang isinisigaw ko rito kanina. Narinig nya ang mga iyon at kahit noon alam nya na ang nangyayare sa pamilya ko. Wala akong itinatago sa kanya alam na alam nya lahat iyon.
"Wala naman nabago sa kanila" saad ko sa kanya. Napatango naman sya sa akin. Ngumiti sya sa akin na parang sinasabi nya na wag akog sumuko sa mga problema.
"Wag kang susuko may sulosyon sa lahat ng problema" saad nya sa akin at niyakap ako saglit at bumitaw narin sya sa yakap nya sa akin.
"Hala kailangan ko na bumalik siguradong nag aalala na sila sa akin" saad niya. Napag tanto ko rin na gabi na pero nasa labas pa sya nang bahay nang ganitong oras.
"Hatid na kita" saad ko naman sa kanya. Tumango naman sya at naglakad na papunta sa kotse. Pinagbukasan ko naman sya ng pintuan kaya pumasok na sya. Pag kapasok nya ay umikot ako sa kabila para makapasok sa Driver Seat. Pag kapasok ko ay inayos ko agad ang Seat Belt.
"Saan ang bahay nyo?" tanong ko sa kanya. Siguro naman na nagiba na ang bahay nila. Noon ay mag kapit bahay lang kami pero ngayon ilang taon na ang lumipas kaya alam ko na nagbago narin sila ng tirahan.
"Nag overnight kami sa bahay ng kaibigan ko. Ituturo ko nalang sayo yung daan" saad nya kaya tumango ako at tinututo lang nya yung daan hanggang sa pumasok kami si Santiago Residence. Pag mamay ari ng pamilya Santiago ang lugar na ito. Itinigil ko ang kotse sa harap ng gate ng Mansyon. Lumabas ako ng kotse at pinagbuksan sya ng pinto.
"Salamat Yelo." saad nya kaya ngumiti ako. Nag paalam na kami sa isa' t isa. Hinintay ko muna na makapasok sya sa loob bago ako pumasok sa kotse at pinaandar ito paalis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top