Chapter 30: The Life Of KNIFE

Chapter 30: The Life Of KNIFE

Kiel Point Of View
Binato ko ng papel si Cyelo na natutulog sa sofa. Nagising naman ito at pinaikot ang mga mata para malaman kung sino ang nang bato sa kanya. Kaya nag kunwari ako na may inaayos sa laptop ko.

"Who throw me that paper?" tanong nito kaya tumingin ako sa kanya at umiling ako na parang di ko alam kung sino ang nag bato sa kanya at binalik ko ang tingin ko sa laptop ko. Napalingon naman ako sa pintuan nang bumukas ito ng malakas.

"What is the problem?" tanong ko rito pati si Cyelo na nakahiga kanina eh napatayo narin. Mukhang nagising ang diwa nya sa pagbukas ng malakas ng pintuan. Nakita ko ang walang emosyonv mukha ni Ace na palagi nyang ibinabalandra sa amin at sa mga kaaway.

"Mga walanghiya!" sigaw nito at binato ang vase na nahawakan nya sa gilid nya. Huminga sya nang malalim para pakalmahin ang kanyang sarili. Mukhang mapapalaban kami.

"Anong nangyare? Asan si Ashton?" tanong ko sa kanya ng medyo kumalma sya. Napalingon naman sya sa dereksyon namin ni Cyelo. Walang earphone na nakapasak sa tenga ni Cyelo ngayon. Dahil alam namin pareho na mapapalaban kami dahil sa itsura ni Ace ngayon. Kabisado na namin si Ace apat na taon narin kaming mag kakasama.

"Nasa labas ang grupong THIRTEEN" hindi na ako nagulat sa sinabi ni Ace. Palagi namang nakikipag away ang THIRTEEN sa amin pero kahit na marami sila at apat lang kami ay wala parin silang laban sa amin. Ang THIRTEEN ay may anim na myembro.

"Si Ashton?" tanong ko kay Ace. Hindi nya kasi sinagot ang tanong ko kung asan ang babaerong lalakeng iyon. Kahit naman kasi na babaero iyong lalakeng iyon ay malakas yun kapag ang usapan ay labanan na. Pero hindi kami katulad ng mga ibang gangs na ang alam lang ay ang magpatayan.

"Nasa labas kinakausap si Jake" saad ni Ace. Si Jake ang lider ng grupong THIRTEEN. Matagal na naming mortal na kaaway ang THIRTEEN. Kasabay naming nabuo ang grupong iyon. Simula nang mga panahong iyon ay tinuring namin ang isa't isa na mortal na mag kaaway.

"Mapapa away ba?" tanong ni Cyelo kaya parehas naman kaming tumingin sa kanya ni Ace. Tumango ako bilang pag sagot sa tanong nya. Napangiti naman ito na parang nakuha na nya yung hinihiling nya.

"Halina kayo." saad nito sa aming dalawa ni Cyelo. Binuksan nang pabalibag ni Ace ang pintuan. Ipapagawa ko na naman iyan pagbalik namin. Nakarating kami sa lugar kung saan palagi kaming nag aaway ng THIRTEEN. Ilang beses narin namin natalo sa lugar na ito ang grupong iyon. Nakita ko si Jake na nasa gitna pa.

"Ashton" saad ni Ace kaya napalingon si Ashton kay Ace. Nang makita nya kami ay lumapit sya sa pwesto namin at puwesto sya sa kaliwa ni Ace. Napatingin naman ako sa grupong nakaharap sa amin ngayon.

"Musta?" mapang asar na saad ni Jake kay Ace. Napangisi naman si Ace sa tanong ni Jake. Naiiling ako minsan pag nakangisi si Ace para kasing may balak sya na maiisakatuparan na nya ito.

"Buhay pa naman" walang ganang saad ni Ace. Napangisi naman si Jake sa narinig nyang mga salita mula kay Ace.

"Mamatay kana rito" saad ni Jake kay Ace. Napatawa naman ng mahina si Ace sa narinig nya kay Jake. Inilagay ni Ace ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at humakbang ng isa papunta sa pwesto ni Jake. Pagkahakbang nya palapit dito ay ang pag salita nya bilang sagot sa sinabi ni Jake.

"Baka ikaw ang mamatay ngayon" saad ni Ace sa kanya na medyo naging seryoso narin ang mukha nya. Medyo nagiinit na sa pagitan ni Ace at Jake. Ramdam ko ilang saglit nalang ay mag sisimula na ang laban sa pagitan ng KNIFE at THIRTEEN. Apat VS Anim. Anim sila apat lang kami pero natalo na namin ang THIRTEEN noon pa man.

"Tignan natin" mapangasar na sambit ni Jake kay Ace na nakangusi rin naman sa kanya.

"Mababasag yang mukha mo" saad naman ni Ace sa kanya. Pag kasabi ni Ace ng mga salitang iyan ay naging hudyat lang iyon para simulan na ang away sa pagitan namin dalawang grupo.

"Ahh..." daing nang kasapakan ko nang matamaan ko sya sa sikmura nya. Itinaas ko ang mukha nya at sinuntok nang malakas. Napahiga sya sa pag suntok ko sa mukha nya.

"Mahina ka parin Josh!" saad ko sa kanya. Nakahawak sya sa panga. Napasobra yata ang suntok ko sa mukha nya.

"Kiel sa likod mo!" napalingon ako sa likod ko. Malapit na yung kamao nya sa akin mabuti nalang at nasalo ko iyon. Sinapak ko sya sa mukha hindi ko parin binibitawan yung kamao nya. Sinapak ko pa sya ng dalawang beses sa mukha. Binitiwan ko lng sya ng mahilo hilo na sya.

"Ace!" sigaw namin ni Ashton ng tapatan ni Jake ng baril si Ace. Wala sa usapan na mag dadala ng baril. Hindi kami nakakilos. Si Jake nalang ang natitirang  nakatayo sa grupo nila. Nakahiga at namimilipit na sa sakit ang lima nyang kasama nilang sina Josh, Dawin, Reford, Hanz at Kurt.

"Wala sa usapan yan Jake" saad ko sa kanya. Napalingon sya sa akin pero nakatutok parin kay Ace ang baril na hawak nya. Ngumisi sya sa akin na parang demonyo.

"Hindi mo pa ako kilala" saad nya sa akin. Habang kinakausap ako ni Jake ay hindi nya napansin na lumalapit na si Ace sa hawak nyang baril.

"Mandurugas ka parin" saad ko sa kanya. Nakita ko si Cyelo na kumuha ng kahoy at puwesto sa likod ni Jake. Hinawakan ni Ace yung baril napalingon si Jake sa kanya.

"Shit!" saad ni Jake at nag agawan sila ng baril. Lumapit pa si Cyelo at hinampas ng malakas sa likod si Jake. Nabitawan nito ang baril pero natamaan si Ace sa balikat.

"Shit!" saad ni Ace at humawak sa kanang balikat nya. Natamaan pala sya. Nagsilapitan kami sa kanya. Tinanong kung ayos lang ba sya.

"Ayos lang ako. Halina kayo" saad nya at tumalikod na para umalis. Sumunod na lang kami sa kanya. Kahit hindi sya nag papakita ng emosyon. Mabait at Magaling na pinuno sa amin si Ace. Sana makita na namin ang totoong ikaw Ace apat na taon narin tayong mag kakasama. Napahinto ako sa pag lalakad ng tumunog ang Cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan kong kanino galing ang text.

"Kiel halika na" saad ni Ashton. Sinenyasan ko sya na susunod nalang ako. Binuksan ko yung message nya.

From: My Queen
Asan ka na? Sabi mo aalis ka? Ayos kalang ba? Nasa laban na naman ba kayo?

-Receive

Alam nya ang lahat na nangyayare sa akin alam nya ang ginagawa ng KNIFE . Wala akong tinatago sa kanya. Ang swerte ko kung mapasa akin ang babaeng ito. Kung mapasa akin si Jean.

To: My Queen
Nasa headquarters ako. Kasama ang buong KNIFE. Kakatapos lang namin sa laban.

-Sent

Inilagay ko na ang cellphone sa pocket ng pantalon ko at naglakad na papasok ng HQ.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top