Chapter 3: Drake Rex Alvarez

Chapter 3: Drake Rex Alvarez

Xyrine Point Of View
Nakaupo ako sa bench at hinihintay yung lalakeng nakabungo ko kanina. Di ko parin kasi alam yung name nya. Sabi nya dito lang daw muna ako at sya na ag bibili ng Frappe pumayag naman ako. Kinuha ko yung cellphone ko nang tumunog ito.

From: Besh Besh!!
How are you?

To: Besh Besh!!
I'm okay. You?

Reply ko dito. Inilagay ko na ulit sa sling bag ko yung cellphone. Biglang may umupo sa tabi ko.

"Here... Sorry ulit kanina." saad nito habang inaabot sa akin yung frappe. Kinuha ko yun at ngumiti sa kanya.

"Its okay." saad ko dito at ininom na yung Frappe na binili nya. Mocha nga lang yung flavor.

"I'm Drake Rex Alvarez you can call me Drake. Sinabi ko lang kasi di pa natin alam yung name ng isat isa." saad nito at nakataas ang kamay para yata sa isang handshake ngumiti ako at nagsalita.

"Xyrine Ersha Santiago you can call me Xyer." saad ko at hinawakan ang kamay nya. Nag handshake kami. Ako ang unang bumitaw sa handshake namin.

"Friends?" saad nito kaya mapatingin ako sa kanya ulit. Wala naman problema doon wala pa naman akong kaibigan dito.

"Okay Friends..." saad ko sa kanya ngumiti naman sya.

"Are you new here?" tanong nya sa akin kaya tumango ako.

"Yes. 3 years ago when i'm last live here." saad ko kaya napatango tango sya.

"Dito kana magstay Xyer." tanong nya. Sumipsip muna ako sa Frappe ko bago sumagot sa tanong nya.

"Yes. I just live in Santiago Residence." saad ko sa kanya. May dumaan sa harap namin na naglalako ng keychains. Tumayo ako at lumapit kay manang.

"How much is this keychain?" saad ko na medyo nagpakunot sa noo nang tindera.

"Ineng pasensya kana di kasi ako masyado makaintindi ng English." Ay putek! Nakalimot ako masa pilipinas na nga pala ako dapat pala Tagalog na ginagamit ko.

"Ay! Pasensya na Manang. Ang sabi ko po magkano po ito." saad ko habang itinaas ang keychain na hawak ko. Gusto ko kasi bumili ang cute kasi ng keychain.

"Sampong piso lang yan ineng." saad nya kaya kumuha ako ng dalawa. Black and White yung kinuha ko. Maliit na aso yung keychain.

"Dalawa po manang. Ito po bayad." saad ko at naglabas ng isang libo sa wallet ko. Inabot ko ito kay manang.

"Ay ineng wala akong panunkli sa isang libo." saad nito sa akin. Tinignan ko yung wallet ko kung may mas maliit pa akong halaga na pera kaso wala na eh.

"Ay! Sige ganito nalang po manang sa inyo na po yan." saad ko rito at inilagay sa kanyang kamay yung isang libo. Nginitian ko pa sya.

"Salamat ineng. Malaking halaga ito." saad nito sa akin. Halatang masaya ito.

"Wala po iyon. Sige po manang. Salamat ho ulit." saad ko dito at umalis na para puntahan ulit si Drake. Umupo ako ulit sa tabi nya.

"Drake for you." saad ko at ibinigay sa kanya yung black na asong keychain.

"Thankyou." saad nito sa akin at kinuha yung keychain. Ngumuti ako sa kanya. Isinabit ko yung keychain sa may sling bag ko.

"Ang cute!" saad ko habang nakatingin at hinahawak hawakan yung keychain na nakasabit sa sling bag ko.

"Di ko muna masasabit ito wala akong bag eh... Pag uwi nalang." saad ni Drake kaya tinignan ko sya. Isinabit ko ulit yung bag ko sa shoulder ko. Nilalaro laro ni Drake yung keychain sa palad nya.

"Salamat dito Xyer" nginitian ko nalang sya. Biglang tumunog yung cellphone ko kaya tinignan ko ito.

From: Besh Besh!!
Okay lang din ako. Miss na kita.

To: Besh Besh!!
Miss na rin kita. Gabi na dyan bat di ka pa natutulog?

Reply ko dito. Napangiti nalang ako matigas talaga ang ulo niya. Gabi na dun gising parin sya. Tsk.. Tsk..

"Sino yan?" Hala! Nakalimutan ko may kasama pala ako.

"Ahh bestfriend ko." saad ko at ibinalik na ulit yung cellphone ko sa bag ko. Tumingin na ako sa kanya.

"Nandito ba sya bat di mo sya kasama?" tanong nito sa akin.

"Nasa New York sya. Di sya pwede makasama dito kasi  may pictorial sya don sa New York." saad ko at tumango tango sya. Kinuha ko yung frappe ko na nasa tabi ko naiwan ko pala dito nung lumapit ako kay manang para bumili ng keychains.

"Gusto mo pumunta sa park na malapit dito maganda dun." saad nito kaya tumango ako. Tumayo na sya at naglakad kaya agad akong sumunod sa kanya. Sumisipsip parin ako sa frappe ko ubos na yata yung kay Drake eh. Habang naglalakad eh tumitingin tingin ako sa paligid ang dami na nga talagang nagbago rito. Iba kasi yung mga nakekwento sa akin ni mommy tungkol sa mga lugar dito sa Manila. Ewan ko nga kung bakit wala akong maalala sa mga nangyare sa akin 3 years ago.

"Were here." saad ni Drake napatingin ako sa kanya di ko napansin na nandito na pala kami. Ang lalim kasi ng iniisip ko eh. Lumapit ako sa kanya nakita ko nga kung gaano kaganda ang park bawat bench ng mga ito napapalibutan ng mga flowers ang wala lang flowers ay yung daanan.

"Wow" ayan lang ang nasabi ko nang makita ang buong lugar. Ang ganda alagang alaga talaga ang lugar. Ni wala kang makitang kalat dito.

"Anong tawag sa lugar na ito?" tanong ko kay Drake at naglakad papunta isa sa mga bench. Naupo ako pagkalapit ko dito.

"Flowers Paradise." saad nito at naupo na sa tabi ko. Flowers Paradise? Parang pamilyar sa akin parang narinig ko na noon.

"Ang ganda rito Ace!" sigaw ko rito at tinignan tignan pa yung mga bulaklak na nasa paligid ng bench.

"Mas maganda ka." saad nito kaya napatingin ako sa kanya. Ngumisi ako at lumapit sa kanya.

"Bolero!" at kinotongan ko sya. Tumalikod ako sa kanya pero napangiti ako.

"Anong lugar ito Ace?" tanong ko rito habang pinipicturan yung lugar ang ganda kasi eh. Ipapalaminate ko ito pag nakauwi ako.

"Flower Paradise." saad niya. Pati pangalan ang ganda Flower Paradise.

Ano yun? Ano yung mga nakita kong imahe? Sino yung Ace?  Ako ba yung babaeng kasama nya? Alam kong ako yun dahil boses ko yun.

"Ahhh!" sigaw ko habang nakahawak sa ulo ko. What the fuck?! Ang sakit!

"Xyer anong nangyare sayo?" saad nito. Hinawakan nya ko sa balikat ko. Bigla nalang nawala yung sakit ng ulo ko. Fuck!? Whats happening to me? Napahawak ako sa gilig ng bench.

"Anong nangyare? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong ni Drake sa akin. Nakatungo lang ako. Ano bang problema ko? Sino bayung mga taong nakikita ko.

"Wala naman Drake sumakit lang bigla yung ulo ko. Gusto ko na umuwi. Halika uwi na tayo."  Aya ko sa kanya. Tumayo na ako at naglakad ramdam ko na nakasunod sya. Dumaan lang ako sa nadaan namin kanina. Pabalik kami sa mall kasi nandun yung kotse namin. Pag karating sa parking lot ay pumunta agad ako sa harap ng kotse ko.

"Thanks for today Drake. Hope to see you again." saad ko rito at sumakay na ng kotse ko. Kumaway sya kaya kumaway rin ako pinaandar ko na yung kotse para makauwi na agad sa mansyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top