Chapter 29: The Overnight
Chapter 29: The Overnight
Xyrine Point Of View
Pinahanda ko ang dalawang kwarto para kay Jean at Rhea. Dito kasi sa bahay tumutuloy pansamantala si Jhesa. Nagulat nga ako ng ikwento nya sa akin na pumayag si tito na itigil nya ang pag momodeling nya.
"Lady the room is ready" saad sa akin ng dalawang katulong na inutusan ko na mag ayos ng mga kwarto na ipapagamit ko kay Jean at Rhea.
"Thank you you may go" saad ko sa kanilang dalawa. Yumuko muna sila bago umalis. Iyan ang mga minsan na kinaiinisan ko ang pagyuko nila sa akin. Pero wala akong magagawa kasi si Dad ang nag utos sa kanila eh.
"Lady the food is ready" saad ng Assistant Chef sa akin. Tumango naman ako kaya bumalik na sya sa kusina. Para maihain ng maayos ang mga niluto nya sa mesa.
"I'm here" napalingon naman ako sa boses na iyon. Nakita ko si Jean. Inabot nya sa katulong ang bag nya. Iyon siguro ang mga damit nya. Inabot nya rin dito ang mga Junk Foods na binili nya. Ang sabi ko wag na syang bumili eh meron naman dito sa bahay. Ang kulit talaga.
"Jean buti nakarating ka nang ligtas." saad ko sa kanya. Niyakap naman nya ako kaya niyakap ko sya pabalik. Si Rhea nalang ang hinihintay namin. Sya nalang kasi ang wala eh. Nagpaalam sya kanina na kukuha rin muna sya ng damit sa kanila. Napatingin kami ni Jean sa hagdan ng marinig namin ang yabag ni Jhesa na pababa.
"Jean!" sigaw ni Jhea at tumakbi papunta kay Jean. Close na close na ngayang dalawang yan eh. Parang di sila mapaghiwalay. Kung nasaan si Jean nandun din si Jhesa. Kaya pag hinanap mo ang isa sa kanila madali mo nalang silang mahahanap.
"Wala pa si Rhea?" tanong ni Jhesa sa akin. Kaya tumango ako bilang pag sagot sa tanong nya. Sana walang nangyareng masama sa kanya sa pagpunta rito.
"Hi Guys!" napalingon kami sa sumigaw. Nakita namin si Rhea na nakatayo sa may pintuan. Nilapitan rin sya ng katulong katulad kay Jean kanina ay kinuha rin nito ang bag nya. Lumapit na sya sa amin tatlo. Ngayon kompleto na kami.
"Kain na muna tayo bago mag Movie Marathon" saad ko sa kanila at nauna na maglakad papunta sa Dining Room. Pag kapasok namin doon ay nakahain na ang mag pagkain. May iba't ibang putahe ng ulam ang nakahain sa lamesa.
"Para namang may fiesta." saad ni Jean at tinignana ang mga ulam na nakahain sa harapan nya. Napangiti nalang ako at nauna na maupo sa kanilang tatlo. Busy pa kasi sila sa pagtitingin sa mga ulam eh.
"Di naman natin ito kayang ubusin eh" saad naman ni Rhea. Umupo sya sa tabi ko. Sa harapan naman namin si Jean at Jhesa. Parehas kasImg J ang first letter nang name nila eh. Nagsandok na ako nang kanin at Chicken Curry. Nag sinsandukan naman sila pag katapos kong mag sandok.
"Sino ang nagluto?" tanong ni Rhea. Nilunok ko muna ang pagkain na nasa loob ng bunganga ko.
"Ang chef namin" saad ko at nagsubo ulit ng pagkain. Yung dalawang J tahimik lang na kumakain. Siguro mamaya payan mag iingay. Ang ingay pa naman nilang dalawa kapag nag haharutan pero ang cute naman nilang tignan eh.
"Masarap ang luto nya" saad ni Rhea. Chicken Fillet ang kinakain nya. Napatingin naman ako doon sa dalawa. Nag susubuan pa sila nako naman ang dungis nilang dalawa.
"Ang dungis nyo na" saad ko at nginuso silang dalawa. Nginitian lang nila ako. Nag punas naman sila. Ang dungis talaga eh akala mga bata.
"Ang sarap talaga" saad naman ni Jhesa pag kapaunas nya ng tissue sa gilid ng bibig nya. Nginitian nya si Jean tapos bigla silang nagtawanan kaya nagulat kami at nagtaka ni Rhea kung bakit sila tumawa ng parang tanga.
"Naloka na sila" bulong ni Rhea sa akin tumango naman ako bilang pang sang ayon sa sinabi nya. Para naman kasi silang kambal na buang eh. Mga loka-loka na kasi silang dalawa eh.
"Uy narinig namin yun ah" saad ni Jean at ngumuso. Nag maang maangan naman kami ni Rhea na parang di naman alam yung sinasabi ni Jean na narinig nya raw.
"Anong narinig mo?" pag mamaang maangan ni Rhea sa kanya. Napasimangot naman si Jean sa sinabi ni Rhea sa kanya. Napa hagikgik naman ako habang pinapanood sila.
"Sabi mo naloka kami eh..." saad ni Jean at ngumuso. May paturo-turo pa sya sa sarili nya at kay Jhesa.
"Hindi kami loka-loka no Dyosa kami" saad ni Jhesa at umakbay kay Jean. Medyo nahirapan sya umakbay kasi mas matangakad kaunti sa kanya si Jean.
"Tama nayan. Punta na tayo sa Theater Room" awat ko sa kanila. Kinausap ko naman saglit yung maid. Pag katapos ko makipag usap sa kanya ay dumeretso na kaming apat sa Theater Room. Sa room na ito ay may malaking Flat Screen TV. Marami pang seat na akala mo ay nasa isang sinehan kana. May pop corn machine narin dito. Para kung sakaling gusto mo nang pop corn eh kukuha ka nalang dito. Pag karating ko sa harap ng TV ay nakita ko ang mga Junk Foods na dala ni Jean kanina. Dito na pala nilagay ng mga katulong. Nag tingin tingin na ako ng mga cd na pwede namin panoorin.
"Anong gusto nyong panoorin?" tanong ko sa kanila. Humarap ako nakaupo na sila sa may upuan. Aba di man lang ako tulungan.
"The Master Drunk nalang para nakakatawa" saad naman ni Jean kaya hinanap ko na kung nasaan yung balang yun. Nang makita ko ay sinalang ko na yung bala at inayos ang TV. Inopen ko narin yung Aircon at naupo sa tabi nila Rhea. Syempre katabi ko si Rhea dahil ang mag katabi ay si Jean at Jhesa. Nag umpisa na ang palabas. Nangingibabaw ang tawa ni Jean at Jhesa sa buong kwarto buti nalang at Sound Proof ang Theater Room.
Ang sayang makita na masaya kayong mag kakaibigan. Pero may kulang parin sa pag katao ko at iyon ay ang kung sino ako noon at ang mga ala ala ko noon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top