Chapter 28: The Gift
Chapter 28: The Gift
Rhea Point Of View
Umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng damit ko. Mag oovernight kasi kami sa bahay nila Xyrine. Nagpaalam ako sa kanila na kukuha lang ng mga damit.
"Pagod..." saad ko at humiga sa kama ko. Tumingin ako sa kisame. Naalala ko lang ang mga nangyare noon. Tumayo na ako at dederetso na dapat sa walk in closet ko ng mapadako ang mga mata ko sa box na nakapatong sa lamesita ko.
"Kanino ba galing ito?" saad ko at hinawak hawakan yung box tinignan ko ang palibot nito kung may nakaukit na pangalan para malaman ko kung kanino nang galing ito. Bakit nya ako binigyan ng regalo.
"Ano ba ang laman nito?" Hindi ko pa kasi nabubuksan ito simula ng ibigay sa akin ito. Naupo ako sa kama at binuksan ang box na hawak ko.
"Susi?" nagtatakang saad ko ng makita ang laman ng box. Hinawakan ko iyon para masiguradong totoo yung nakikita ko. Walang duda susi nga yung hawak ko. Bakit susi? Anong meron sa susi?
"Anong gagawin ko sa susing ito?" saad ko pa at inikot ikot ko sa aking kamay yung susi. Tinignan ko muli yung box may nakita akong isang maliit na papel sa loob nito. Kinuha ko iyon may sulat doon.
"Keep it. Don't throw it." basa ko sa nakasulat sa papel na hawak ko. Ano bang meron sa susing ito. Bakit sa akin nya pa pinapatago ito. Mag papatago ng susi sa akin pa pwede naman sa sarili nya eh. Ibabato ko na sana yung susi sa bintana nang pumasok sa isip ko yung binasa ko sa papel.
Keep it. Don't throw it.
Napahinto ako sa pag babato sana ng susi. Ano ba talaga ang meron dito sa susi na ito. Hinarap ko ulit ang susi sa akin at tingnan ito palibot. Ano ba kasi ang meron sa susing ito. Inilagay ko ulit sa box yung susi at iniligay ito sa loob ng cabinet ko. Tumayo na ako at dumeretso sa walk in closet ko. Kinuha ko yung maliit kong bag. Naglagay na ako ng mga damit sa bag ko. Syempre hindi ko makakalimutan ang undergarments ko. Pagkatapos ko maglagay ng mga damit ay lumabas na ako ng walk in closet ko. Kinuha ko yung bag at cellphone ko. Isinabit ko sa balikat ko yung sling bag ko at binibitbit ko yung bag ko na may lamang mga damit ko. Lumabas na ako ng kwarto ko. Nakasalubong ko ang isa sa mga katulong ditoa bahay. Tinulungan na nya ako sa pagdala ng gamit ko. Nauna na sya sa pagbaba sa akin ng makasalubong ko ang tatay ko.
"Where are you going?" tanong nito at nakaakbay pa sa isang babae. Yung babae nakakapit pa sa bewang nito. Kaya mas gusto ko pa ang wala sa bahay dahil sa iba't ibang babae na dinadala nya dito sa bahay. At ang mas nakakasuka pa halos kaedadan ko pa.
"Overnight" walang gana kong tugon sa kanya. Aalis na dapat ako ng mag salita sya. Pero di ko na sya nilingon nanatili lang akong nakatalikod sa kanya at hinihintay ang sasabihin nya.
"This is Carla my girlfriend" saad nya. Kahit di ko nakikita alam kung hinaharap nya sa akin ang babae nya. Napairap ako kahit hindi ako nakaharap sa kanila.
"Whatever" ayan nalang ang nasabi ko at naglakad na palabas ng bahay. Di ko inaasahan na tumulo na pala ang mga luha ko. Pinunasan ko ito gamit ang kanang kamay ko. Bakit kasi iniwan mo ako agad mom. Ang daya mo sabi mo hindi mo ako iiwan pero iniwan mo parin ako.
"Mom i hope masaya ka kung asan ka man" saad ko nang makalabas ako ng bahay. Naglakad ako agad papunta sa kotse na maghahatid sa akin sa bahay nila Xyrine. Binuksan ko agad ang pinto sa likod at pumasok sa loob. Pag kapasok ko ay pinunasan ko ang mga luhang naguunahang bumagsak sa pisnge ko. Pang ilang babae na ba ang dinala ni dad sa bahay na ito. Napatingin ako sa bahay. Naalala ko si mom sa lahat ng sulok ng bahay na ito.
"Iha naalala mo na naman ba ang mama mo?" napatingin ako kay Manong. Close ko si Manong halos lahat ng mga trabahador dito sa bahay ay kaclose ko. Ganon rin sila sa mama ko. Tumango ako kay Manong at nagsimula na naman bumagsak ang mga luha ko. Pinaandar na ni Manong ang kotse para pumunta kanila Xyrine.
"Hindi natutuwa ang mama mo na nakikita kang umiiyak. Tumahan kana iha" saad ni Manong sa akin. Ngumuti naman ako ng mapait at pinunasan ang mga luha ko. Nawala ang mama ko sa akin nung 15 years old ako. Pinatay sya walang nahanap na suspect sa pag patay sa mama ko. Isang taon namin pinahanap ang may sala sa pagpatay sa kanya. Pero napagod na si papa at pinatigil na nya ang imbestigasyon. Pag kapatigil nya rito ay ang pagsimula nya na magdala ng babae sa pamamahay ni mama. Wala syang respeto bahay ni mama yun pero nagagawa nyang magdala ng babae. Doon ako simulang lumayo ng loob sa kanya.
"Kung nandito si mom magkakaganyan ba si dad?" tanong ko kay manong. Nagsimulang lumayo ang loob ko sa kanya nang mga sandali na nagdadala na nang babae si papa. Close na close kami noon ni papa pero dahil sa pag babalewala nya kay mama ay nagbago na lahat.
"Siguro hindi. Mahal na mahal ng papa mo ang mama mo" saad naman ni manong sana nga hindi nalang nawala si mama sa amin. Para isa parin kaming masayang pamilya. Yung kompleto yung may ina at ama na nandyan sa tabi mo para umalalay sayo. Pero ngayon si tita at tito ang sumusuporta sa akin para hindi ako pag hinaan ng loob ang mga magulang ni insan Drake.
"Ang sakit lang na hindi nahanap ang may sala sa nangyare kay mom" saad ko at naiisip ko na naman kung paano ko nakita na wala nang buhay ang mama ko. Kung paano ko sya nakita na hindi na humihinga.
"Mahuhuli rin sya iha. Hindi sya patatakasin ng konsensya nya. Mag tiwala ka lang sa maykapal" saad ni Manong na nagpatango tango sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko. Nag polbos ulit ako para hindi na mahalata ni Xyrine na umiyak pa ako. Baka mag alala pa sya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top