Chapter 26: Cyelo Mark Joong

Chapter 26: Cyelo Mark Joong

Xyrine Point Of View
Nakakatuwa na nakabalik na si Jhesa dito sa pilipinas at dito na sya mag aaral. Nag transfer narin sya dito sa High University kaya sobrang saya ko. Nandito ako ngayon sa garden hinihintay ko ang pagdating ni Rhea at Jhesa sinamahan kasi ni Rhea mag pa enroll si Jhesa. Si Jean naman may klase sya tanda nyo diba 4B sya kaya hindi kami mag kaklase.

"🎤🎤Kung ito man ang huling awiting aawitin...🎤🎤" panimula ko ng kanta habang naglalakad lakad dito sa Garden. Ang ganda nga nang Garden dito sa High University alagang alaga talaga. Isa sa favorite spot ko ay itong Garden.

"🎤🎤Nais kong malaman mo ikaw ay bahagi na nang buhay ko...🎤🎤" Pag papatuloy ko ng kanta at nilasap ang hangin na dumadampi sa balat ko. Bigla kasing humangin eh. Kaya ito nilalasap ang sariwang hangin. Nililipad pa ang buhok ko. Rejoice ang peg hahaha...

"🎤🎤 At kung may huling sasabihin nais kong sambitin nilagyan mo mg kulay ang mundo... Kasama kitang luluha...🎤🎤" Isa talaga sa mga favorite song ko ang Salamat by Yeng Constantino. Nakakarelate kasi ako dito kahit na hindi ko pa naman naranasan ito feeling ko kasi na parang kinanta ko na ito noon habang umiiyak pero wala naman akong maalala na may ganong na nangyare sa akin.

"🎤🎤Dahil ako'y sayo umaasa... Ha...🎤🎤" pagpapatuloy ko pa nito at humakbang paatras ng ilang beses at tinuloy ko na ang aking pagkanta.

"🎤🎤 Ang awiting ito'y para sayo at kung maubos ang tinig di mag sisisi dahil iyong narinig mula sa labi ko... Salamat🎤🎤" pagpapatuloy ko napatigil ako sa pagkanta ng may pumalakpak sa likod ko kaya napatingin ako rito at nakita ko ang isang matangkad na lalaken na may nakasabit na headphone sa kanyang leeg. Nakapantalon ito at naka t-shirt. Ang lakas ng dating mukhang tahimik lag sya pero mas malakas parin ang dating ni Ace.

"Bakit ka tumigil sa pagkanta? Ang ganda nga nang boses mo." saad naman nito at humakbang ng ilang beses palapit sa akin. Tinignan ko lang sya na palapit na sa akin. Inilagay nya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon habang lumalalakad palapit sa akin.

"Salamat..." mahinhing saad ko rito. Medyo nakakahiya dahil narinig nya akong kumakanta. Hindi kasi ako medyo kumakanta kapag maraming tao kaya medyo nahihiya ako na narinig nya yung boses ko.

"I'm Cyelo..." saad nito at inilahad ang kanyang kamay sa akin upang makipag handshake sa akin.

"Cyelo Mark Joong. CM for short" saad nito sa akin at nakalahad parin sa akin ang kanyang kamay kaya tinanggap ko ang kamay nya at nag salita rin upang ipakilala ko ang aking sarili.

"Xyrine Ersha Santiago" saad ko nang tanggapin ko ang kamay nya. Ako ang unang bumitaw sa handshake naming dalawa.

"Its pleasure to meet you." saad nito at ngumiti sa akin. Nginitian ko rin sya pabalik bago mag salita. Gwapo sya kapag nakangiti pero mas malakas ang dating at mas gwapo parin si Ace sa kanya.

"Same CM" saad ko rito. Isinuot na nito ang headphone nya at tumalikod na sa akin para umalis. Tinignan ko na lang ang likod nya na unti-unti nang lumalayo sa pwesto ko at ilang saglit lang ay nawala na sa aking paningin ang kanyang likod na tinatanaw ko. Cyelo Mark Joong? Where did i heard that name?

"Pangalawa si Cyelo Mark Joong. Sya naman ang binansagang The Weirdo pag makikita mo kasi ito ay palaging may earphone or headphone ang nakasapak sa tenga nito. Hindi sya masyado nagsasalita kung di tinatanong kaya Weirdo."

Tama! Parte rin sya ng grupong KNIFE. Sya yung The Weirdo tama nga si Rhea tama yung sinabi nya na kapag nakita mo itong si Cyelo ay makikita mo sya na may earphone o kaya headphone na nakapasak sa kanyang tenga pero na kasabit lang naman sa leeg nya ito ng makita ko sya kanina.

"Cyelo... The Weirdo" mahinang saad ko sa hangin. Tatlong myembro na nang KNIFE ang nakikilala ko. Si Kiel, Si Cyelo at ang Crush ko na si Ace. Sino pa ang isa sino si Ashton?

"Bakit anong meron kay Cyelo?" biglang singit ni Rhea at hinawakan ako sa dalawang balikat nagulat naman ako kaunti nakita ko si Jhesa na nag susulat ng kung ano sa papeles na hawak nya.

"Nameet ko sya kanina lang" saad ko kay Rhea na umupo na doon sa bench na malapit lang sa kinatatayuan ko. Dyan siguro nakaupo si Cyelo kanina hindi ko lang napansin siguro.

"Talaga? Ano isang sagot isang tanong sya no?" tanong sa akin ni Rhea habang tumatawa ng mahina. Napailing naman ako kaya napatingin naman ng deretso sa akin si Rhea at may pagtataka sya sa na pinakita nya sa akin.

"Sya pa nga yung unang kumausap sa akin eh" saad ko at naalala ko bigla yung pagsasaad ni CM na maganda yung boses ko.

"Bakit ka tumigil sa pagkanta? Ang ganda nga nang boses mo."

Naala ko at narinig mula sa isip ko ang mga salitang binanggit nya kanina. Di ko mapigilan na ikompara sya kay Ace ano na ba talaga ang nararamdaman ko para kay Ace. Crush pa ba itong nararamdaman ko.

"Talaga?" napabalik tuloy ang atensyon ko kay Rhea. Nag tataka parin ang mukhang inihaharap nya sa akin. Kaya tumango ako ara makumpirma nya yung tanong nya sa akin. Bigla syang napaisip kaya lumapit muna ako kay Jhesa.

"Ano yan Jhesa?" tanong ko rito at sinilip yung ginagawa nya. Nakita ko na nagfifill up sya ng transferee Paper. Sana maging 4A sya pero kung ma 4A man si Jhesa magisa lang si Jean na 4B sya lamg ang nahihiwalay sa aming tatlo.

"Cousin!" napalingon naman ako kay Rhea na biglang napalinga sa direksyon na may tumawag na Cousin sya siguro ang tinatawag na Cousin.

"Sino yun?" tanong naman ni Jhesa at nginuso ang taong sigurong sumigaw ng cousin kanina kaya napalingon narin ako sa tinutignan nilang dalawa ni Rhea.

"Drake?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top