Chapter 23: Cupcake?

Chapter 23: Cupcake?

Xyrine Point Of View
Nag text ako kay Jean na magkita nalang kami sa canteen. Kasama ko si Rhea ipakikilala ko sya kay Jean. Siguradong magkakasundo sila nun. Namimiss ko nari si Jhesa. Hindi na kami nag tetext nun. Siguro busy na sya dahil month of July na ngayon.

"Ipakikilala kita sa kaibigan ko" saad ko kay Rhea na nagbabasa ng libro habang naglalakad sige lang Rhea mababangga ka pa nyan eh

"Kay Ms. Boyis? Sige ba" saad nya at sinarado na ang libro na binabasa nya at inilagay iyon sa sling bag nya. Maliit na libro lang naman yun kaya kasya yun sa sling bag nya.

"Hindi na sya boyish."saad ko ng maalala ko na naka dress pala sya ngayon. Ang ganda nga nya sa dress na iyon eh.

"Huh?" naguguluhang tanong sa akin ni Rhea. Nginitian ko lang sya at mas binilisan namin ang lakad papuntang canteen. Pag pasok namin ng Canteen may isang table doon na dinudumog ng mga lalake.

"Imposible naman na Knife ang dinudumog mga lalake yan eh." saad ni Rhea at tinugnan ang mga lalake na dinudumog si Jean. Ay oo nga pala hindi ko nasabi kay Rhea na nakasalamuha ko ang dalawa sa myembro ng Knife. Ang Leader at ang Nice Guy.

"Halikana puntahan na natin si Jean." saad ko at hinawakan sya sa braso at hinila palapit doon sa dinudumog ng mga lalake.

"Uy Xyrine bakit tayo papunta dito sa mga dinudumog wala naman dyan si Ms. Boyish" saad nya sa akin. Nginitian ko lang sya at naglakad pa kami para makapunta na sa pwesto ni Jean.

"Excuse me! Umalis nga kayo dyan! Nahihirapan na yung kaibigan ko!" saad ko sa nga lalake at tinutulak sila para makadaan kami ni Rhea. Nagsialisan naman sila at iyon nakita na nami si Jean na may pinipirmahan na mga love letter.

"Ersha!" saad nya sa akin ng makita nya ako. Pinaupo naman nya ako sa upuan sa tabi nya kaya hinila ko si Rhea para tumabi sa amin ni Jean.

"Boy" saad ni Jean at tinuro ang isang lalake na lumapit sa kanya. "Pwede mo ba kaming orderan ng pagkain" saad ni Jean tumango naman yung lalake kaya naglakad na ito papinta sa counter para umorder. Naka titig lang si Rhea kay Jean na parang iniisip nya kung nakita na ba nya si Jean kung saan mang lugar.

"Jean eto nga pala si Rhea, Rhea eto nga pala si Jean." pag papakilala ko sa kanilang dalawa. Tinitigan ni Jean si Rhea at may malalim itong inisip.

"Cupcake!" biglang sigaw ni Jean at tinuro si Rhea. Cupcake? Bakit tinawag ni Jean na Cupcake si Rhea.

"Cupcake?" tanong ko naman kay Jean. Di ko talaga gets eh ang alam ko Rhea Angel ang pangalan ni Rhea at walang Cupcake doon.

"Naalala ko doon sa isang Cake Store pumunta ako doon at may nakabungo ako na babae. Marami syang dalang cupcake nun natapon ko yung mag iyon kaya pinalitan ko. Hindi ko nahingi yung pangalan nya kaya Cupcake yung ipinangalan ko kasi madami syang dalang cupcake nun eh." saad naman ni Jean sa tanong ko. May inisip si Rhea at biglang nag ningning ang kanyang mata at ngumiti sya na parang naalala nya yung nga sinabi ni Jean.

"Ikaw pala yun! Naka hood ka kasi nun kaya di kita nakilala. Thankyou nga pala para dun ah" pag palasalamat ni Rhea kay Jean. Nag kakilala na pala sila noon hindi lang nila nalaman ang pangalan ng isa't isa. Napangiti naman ako atlis mag kakaibigan na kaming tatlo.

"Wala yun. Nadagdagan na yung circle of friends namin ni Ersha." masayang saad ni Jean kay Rhea at niyakap ito. Grabe ang hyper ni Jean ngayon. Hahahaha...

"Welcome to our life!" saad ni Jean at niyakap pa ng mahigpit si Rhea. Sinuklian naman nito ang pag kakayakap ni Jean sa kanya.

"Thanky you!" saad naman ni Rhea at bumalik na sa upuan nya si Jean. Dumating na yung inutusan ni Jean na mag order ng pagkain namin. Nilapag naman nito ang mga pagkain. Kinindatan ni Jean yung lalake at umalis na ito sa harapan namin.

"Hahaha... Marunong ka na Jean ah!" panunukso ko kay Jean dahil marunong na sya sa pag papakilig ng mga lalake nako lagot sya kay Kiel isumbong ko nga ito.

"Ako pa..." saad nito sa akin. Tumawa naman ng mahina si Rhea. Medyo nanibago nga daw si Rhea dahil iba naman daw yung kinekwento nang insan nya tungkol kay Jean.

"Isumbong kaya kita kay Kiel" pang aasar ko rito sa kanya. Medyo nag taka naman si Rhea kaya nagtanong sya sa amin.

"Sila na ba ni Kiel?" tanong ni Rhea kaya tinakpan ni Jean yung mukha nya gamit ang mga kamay nya.

"Hahaha... Hindi pa nanliligaw palang sa kanya si Kiel." medyo nagulat naman si Rhea sa sinabi ko tapos ngumiti sya.

"Sagutin mo na Jean" panunukso ni Rhea kay Jean. Natawa naman ako sabi ko na nga ba magkakasundo silang dalawa eh.

"Eh... Cupcake wag mo nga kong asarin" nahihiyang saad ni Jean kay Rhea.

"Bakit Cupcake tawag mo sa akin alam mo na ngang Rhea ang pangalan ko eh." saad ni Rhea kay Jean na natatawa. Tinatawan ko lang silang dalawa.

"Kasi dahil sa Cupcake tayo nag kakilala." saad ni Jean at kinurot yung pisnge ni Rhea. Biglang namula yung pisnge ni Rhea dahil nga sa pagkakakurot ni Jean rito.

"Sige hahahah" saad ni Rhea habang tumatawa. Kinain ko nalang yung french fries at inunom yung cola. Habang sila ay nagtatawanan sila ang saya nga nilang tignan eh. Paano pa kaya kung dumating na si Jhesa siguradong mas masaya na ang barkada namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top