Chapter 22: New Jean

Chapter 22: New Jean

Xyrine Point Of View
Andito kami ni Jean sa kwarto ko. Inaayos ko na yung buhok nya kinulot ko lang naman ng kaunti. Tapos pinagpolbo at lip gloss ko lang sya. Maganda naman sya eh hindi na kailangan ng make-up. Pumasok ako sa walk-in closet ko. Kinuha ko yung mint green na dress.

"Jean... Eto isuot mo oh" saad ko ng makalapit ako sa kanya. Inabot ko yung mint green na dress sa kanya. Kinuha naman nya yun tumingin muna sya sa salamin.

"Kinakabahan ako Ersha." saad nya habang nakatingin sa salamin.

"Wag kang kabahan isuot mo na yan." saad ko at pinag tulakan sya sa may Comfort Room ko. Pumasok naman sya doon kaya hinyaan ko na sya para makapag bihis. Naupo naman ako sa kama at hinimas ang baby blue na dress iyon kasi ang susuotin ko eh.

"Bagay ba?" saad ni Jean kaya napalingon ako sa kanya. Wow? Ang ganda nya. Nilapitan ko sya at inayos yung tali sa likod ng dress nya.

"Bagay na bagay. Ang ganda mo Jean." saad ko ng matapos ko yung pagtatali ko ng ribbon sa likod ng dress nya. Humarap sya sa akin ang ganda nya talaga.

"Kinakabahan ako..." saad nya kaya medyo natawa ako. Iniwan ko sya doon at pumasok ulit sa walk-in closet ko para kumuha ng high heels. 2 inch lang naman yung kukunin ko eh. Para mailakad nya baka kasi di sya sanay mag suot ng 6inches na high heels. Kinuha ko yung mint green ang kulay para tumugma sa kulay ng dress nya.

"Eto isuot mo" saad ko at inilagay sa harap nya yung heels. Nakaupo na kasi sya sa kama kaya inilipag ko sa sahig yung high heels

"Kailangan ba nyan? Hindi ba pwedeng mag sneakers na lang ako." saad nya habang nakatingin sa isang pares ng heels na nilagay ko sa harapan nya.

"Kailangan eh para masanay ka. Kaya mo naman yan ilakad 2 inches lang naman yan eh." sabi ko sa kanya at itinulak palapit sa kanya yung heels. Kinuha ko sa tabi nya yung baby blue dress.

"Isuot mo nayan. Mag bibihis lang ako." saad ko sa kanya at pinakita sa kanya yung dress at naglakad na papunta sa C.R para magpalit. Binuksan ko na ang pinto at pumasok na ako. Nagbihis na ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. Sino ba ako noon? Ano ang mga nangyare sa akin noon? Nagmahal ba ako noon? Nasaktan ba ako noon? Sino-sino ang mga nakakakilala sa akin noon? Sino ang mga kaibigan ko noon? Puro nalang noon puro nalang tanong pero wala namang sagot. Huminga ako ng malalim at lumabas na ng C.R nakita ko si Jean na naglalakad lakad suot yung heels. Bagay talaga sa kanya ang mint green.

"Ang ganda." saad ko kaya napatigil sya sa paglalakad hindi nya siguro napansin na lumabas na ako ng C.R. lumapit ako sa may kama at kinuha ang baby blue rin na kulay na high heels. 3 inches naman ang takong nito. Isinuot ko na ito at tumayo mag kapareha na kami ng tangkad.

"Ang ganda mo talaga Ersha." saad nya kaya nginitian ko sya bilang pasasalamat. Above the knees yung mga dress namin. Sabay kaming lumabas ni Jean ng kwarto ko. Nang makababa ng hagdan medyo natapilok pa nga si Jean mabuti nalang nahawakan ko sya. Nang makababa kami ng hagdan sabay sabay kaming binati ng mga katulong.

"Morning Lady's " saad ng mga ito sa amin nginitian naman namin ang mga ito. Pinagbuksan kami ng pintuan ng kotse ni Butler Sherwin. Pagkapasok namin ng kotse ni Jean.

"Nakakahiya." saad ni Jean kaya muntik na akong mapatawa sa kanya. Kapit na kapit pa sya sa mga braso ko.

"Jean parehas tayo ng suot mag kaiba lang ang kulay. Andito lang naman ako kaya wag kang mahiya." saad ko sa kanya kaya tumango tango naman sya. Pumasok na si butler sherwin sa driver seat at pinaandar nya ang kotse papunta sa high university.

"Parang ayaw ko lumabas ng kotse mamaya." saad nito sa akin at nakakapit parin sya sa mga braso ko. Ramdam na ramdam ko na kinakabahan sya.

"Malapit na tayo." saad ko sa kanya dahil natatanaw ko na yung gate ng High University. Sa harap ng High University ipinara ni Butler Sherwin ang kotse dahil susunduin nalang niya kami mamaya pag kauwian na.

"Jean nandito na tayo." saad ko sa kanya. Huminga sya ng malalim kaya binuksan ko na yung pintuan at naunang lumabas. Pag kalabas ko ilang segundo ay lumabas na si Jean.

"Nahihiya ako." saad nya sa akin.

"Tayo ng maayos Jean at ibalandra mo ang ngiti mo." bulong ko sa kanya kaya ginawa nya. Narinig ko naman na pinaandar na ni Butler Sherwin yung sasakyan paalis. Hinila ko na si Jean papasok ng gate. Pag kapasok namin ng gate naging agaw pansin agad kami sa mga estudyanteng nag kekwentuhan.

"Pare ang gaganda!"

"Akin yung naka green!"

"Akin yung naka blue!"

"Hindi akin yun!"

"Ang gaganda!"

"Teka si Ms. Boyish yun diba?"

"Oo nga! Ang ganda nya pala!"

"Sabi ko sa inyo!"

Mga sigawan nila. Napangiti naman sa akin si Jean at sabay na kaming naglakad papunta sa white building kung nasaan ang room namin. Umakyat na kami ng hagdan ihahatid ko pa sya sa room nya dahil nahihiya daw sya. Pag karating namin sa 4th floor ay pinagtinginan kami ng mga estudyante sa hallway.

"Ang ganda naman nila"

"Oo nga eh"

"Nakakaingit"

"Diba si Jean yung isa?"

"Oo ang ganda nya pala eh"

Bulungan nang mga ito. Di lang namin pinansin ni Jean at nag deretso na kami sa room nya nang makarating na kami doon ay pinapasok ko na sya sa room nya.

"Sabay tayong mag recess mamaya Ersha." saad nya sa akin ng nasa may pintuan na kaming dalawa. Tumango naman ako sa kanya. Pumasok na sya sa room namin. Pagkapasok nya ay naglakad na ako papuntang hagdanan. Pababa na ako ng may magsalita.

"Xyer?" napalingon ako doon at nakita ko si Drake.

"Uy Drake musta?" saad ko sa kanya. Bumaba naman sya sa pwesto ko.

"Anong ginagawa mo dito? Diba sa 3rd floor ang room mo?" tanong nya sa akin. Tinignan ko yung relo ko ilang minuto nalang at mag sisimula na ang klase namin kay Professor De Leon.

"Hinatid ko lang si Jean sige na Drake mag sisimula na klase ko eh!" saad ko sa kanya at tinuloy ko na ang lakad pababa ng hagdan. Pag kadating ko ng 3rd Floor pinag tinginan ako ng mga estudyante sa hallway.

"Xyrine!" sigaw ng boses sa likod ko. Boses palang alam ko na kaya nilungon ko yun at sinalubong sya ng yakap. Namiss ko rin itong si Rhea.

"Miss na kita! Bakit nawala ka ng tatlong araw di ka man lang nagpaalam" saad nya habang nakayakap sa akin. Bumitaw na ako sa yakap at humarap sa kanya para mag paliwanag.

"Sorry kung di na ako nakapag paalam. Nag beach kami ni Jean tapos di ko pa nabuksan yung phone ko kaya di ako nakapag reply sayo Sorry." saad ko sa kanya kaya tumango tango naman sya.

"Okay lang yun. Atlis nandito kana. Halikana pasok na tayo sa room" yaya nya sa akin kaya sabay na kaming pumasok ng room. Umupo kami sa upuan namin at ramdam ko ang titig sa akin ng mga kaklase ko. Nag kwentuhan lang kami ni Rhea tungkol sa mga nangyare sa akin sa beach.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top