Chapter 21: Last Day In Beach

Chapter 21: Last Day In Beach

Xyrine Point Of View
Nagising ako sa sinag nang araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon na ako at dumeretso sa banyo para mag toothbrush. Eto ang huling araw namin dito sa beach at mamayang hapon na ang balik namin sa City. Balik school na naman at makakapag sorry na kay Rhea dahil wala akong paalam sa kanya nung umalis ako.

"Morning!" bati ni Jean ng lumabas ako ng kwarto ko nakita ko sya na naghahanda na ng breakfast namin sya siguro nagluto dahil may hawak pa syang sandok na syang pinangsandok nya sa sinangag na nasa kawali.

"Morning din!" at lumapit na ako sa kanya. Sabay kaming umupo sa upuan at sinimulan na kumain ng mga niluto nya. Isa lang ang masasabi ko masarap talaga syang magluto pwedeng-pwede na mag asawa si Jean. Siguro mag chef ito pag mag cacollege na kami.

"Mag Culinary Arts ka nalang Jean" saad ko sa kanya pag kalunok ng kanin at ulam sa bibig ko. Nag salin ako ng tubig sa baso ko at baso nya. Tinugga ko iyon at bumalik sa pag kain.

"Iyan talaga ang balak ko Ersha." saad ni Jean sa akin na may mga ngiti sa kanyang labi. Naalala ko na papasok na kami bukas at mag dress sya o kaya mag skirt bukas. Excited na akong makita sya na naka dress.

"Jean... Punta ka sa Mansion ha... Alam mo na para doon sa iyong pag babago." saad ko sa kanya. Napatingin naman sya sa akin na parang kinabahan sya sa mga binanggit ko. Bukas pa naman yun may ilang oras pa sya para mag enjoy sa kanyang mga huling sandali sa pag susot ng mga panglalaking damit.

"Ako mag huhugas ahh" saad ni Jean sa akin ng matapos na kami sa pagkain. Halos maubos na namin Jean lahat bg niluto nya nakakapang hinayang kasi na magtira ng pagkain dahil masarap lahat ng niluto ni Jean kahit simpleng putahe lamang ang mga niluto nya.

"Tutulong ako!" saad ko sa kanya at kinuha ang mga plato at platito na nasa lamesa upang dalhin sa lababo upang mahugasan na ang mga ito dahil mag liligpit pa kami ng mga gamit namin para makapag handa na para maka alis nang maaga mamaya para di ma traffic pabalik ng City

"Sige. Ikaw magpunas at mag lagay sa mga lagayan nila." sabi ni Jean at nagumpisa na sabunan ang mga baso sunod ang kutsara, platito at ang huli ang pinggan. Nang banlawan nya ito ay kinuha ko na ang pamunas at pinunasan ang mga baso at kutsara para mailagay na ito sa lalagyanan ng mga ito.

"Excited na akong makita ka na naka dress." saad ki habang inilalagay ang mga plato sa lalagyan ng mga ito.

"He! Kinakabahan nga ako dahil hindi naman bagay sa akin ang ganon eh." saad nya habang nagpupunas na nang mga kamay dahil tapos na kaming mag hugas ng pinggan sabay kaming lumabas ng kusina.

"Mag tiwala ka sa sarili mo. Bagay yun sayo ikaw pa maganda ka kaya tinatago mo lang." saad ko rito. Nagtinginan mo nakami bago pumasok sa sarili sarili naming kwarto para makapag ayos na nang mga gamit namin. Para maicheck ito nang maayos kung wala kaming maiiwan na gamit dito sa hotel.

"Were going home" saad ko at kinuha ang aking traveling bag na pinaglagyan ko ng nga damit ko ng pumunta kami ni Jean dito. Binuksan ko ang mini walk-in closet ko kinuha ko ang mga damit ko at maayos na nilagay sa bag ko.

"Mamiss ko dito dahil dito ko nakilala si Ace." mahinang saad ko hababg pinapasok sa bag ko ang hulibg damit. Nag tabi narin ako ng mga damit na isusuot ko paalis dito. Pag katapos ko mag ligpit ay dumeretso na ako sa banyo upang maligo na.

"Ang lamig!" saad ko nabg dumampi na sa aking balat ang tubig na nagmumula sa shower tube dito sa loob ng C.R ilang minuto lang ay natapos na akong maligo at lumabas na nang C.R para makapag bihis narin. Pagkatapos ko mag ayos at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto bitbit ang traveling bag ko at sling bag na nakapatong sa balikat ko. Nakita ko na rin na nakaayos na si Jean lumapit ito sa akin.

"Mamiss ko dito." Saad ni Jean habang nakatingin doon sa kwarto na naging kwarto nya.

"Me too" saad ko at inayos ang sling bag ko sa pagkakapatong nito sa balikat ko dahil mahuhulog na ito.

"Lets go?" aya sa akin ni Jean kaya tumango aki at nagumpisa na maglakad palabas. Nang buksan ko ang pinto ay si Myka at Lyka ang bumungad sa aming dalawa ni Jean kinuha nila ang mga gamit na dala namin. Naglakad na kaming apat sa may elevator. Pinindot ito ni Myka nang mag bukas ay pumasok na kaming dalawa sa loob. Pinindot ko naman ang 1st floor ng hotel. Ilang saglit lang ay tumunog na ang elevator na ang ibig sabihin ay nakalapag na kami sa palapag na pinindot namin. Pag kabukas ay lumabas na kami at dumeretso agad sa parking lot kung saan pinarada ni Jean ang kotse na dala namin papunta rito pag dating namin doon ay nilagay agad ni Myka at Lyka ang mga gamit namin sa likod nang kotse.

"Thank you Myka and Lyka hope to see you again another time." saad ko sa kanila bago pumasok sa kotse nakipag usap naman saglit si Jean bago pumasok sa tabi ko sa driver seat. Inayos ko ang seat belt ko dahil papaandarin na ito ni Jean.

"Lets start the ride." saad ni Jean lumingon pa ako isang beses sa likod. Nakita ko si Kiel. Ace at may kasama pa silang dalawang lalake. Kumakaway si Kiel kaya sinundot ko sa bewang si Jean at nginuso si Kiel na kumakaway. Yumuko si Jean na animoy nahihiya sya sa pinakita ko sa kanya.

"Paandarin mo na yung kotse." saad ko kaya naman inayos na ni Jean ang upo para makaalis na kaming dalawa. She start the engine and start driving

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top