Chapter 18: Kean

Chapter 18: Kean

Jean Point Of View
Kanina pa kami nag aaway ni Kiel dito nang mapansin ko na wala na si Ersha at Ace.

"Nasaan na sila?" tanong ko kay Kiel na napatingin narin sa pwesto ni Ace at Ersha kanina. Alam na kaya ni Ace na may Amnesia so Ersha.

"Iniwan nila tayo?" saad ni Kiel. Tanga talaga nito hindi ba halata na iniwan nga nila kaming dalawa dito na nagaaway.

"Common sense Kiel. Wala sila dito kaya malamang iniwan nila tayo." saad ko na naiirita aa kanya. Tatanong tanong kasi alam naman na halata na wala dito kaya iniwan nga kami nyan.

"Mahanap na nga lang sila imbes na makasama ka" saad ko at paalis na sana ng hawakan nya ang kamay ko.

"Jean wala bang pag asa?" saad nya may bigla akong naramdaman sa tiyan ko. At may biglang kumirot sa puso ko ng may makitang lungkot sa mga mata nya.

"Jean mahal kita " saad nito sa akin at hinila ako at niyakap. Sinasabi ng utak ko na itulak ko sya pero may pumipigil sa akin na gawin iyon. Habang yakap nya ako may kung anong saya akong naramdaman sa puso ko.

"Jean? Sana payagan mo akong manligaw sa iyo?" saad nito sa akin at di parin ako pinakakawalan sa pagkakayakap nya sa akin. May kung ano sa tiyan ko nang marinig galing sa kanya kung pwede nya ba akong ligawan. Isang Vince Kiel Montecilio na myembro ng KNIFE ay nagtatanong sa isang BOYISH na si Jeliya Angel Hanford kung pwede bang manligaw.

"Jean? Sinadya ko talaga na gulatin ka sa library nun pero di ko akalain na mahahalikan kita pero ginusto ko rin yun." saad nya sa akin at humiwalay na sya sa pagkakayakap nya sa akin. Di ko alam kung ano sasabihin ko kung magsasalita ba ako. Ang alam ko lang sa pagkakataon na ito ay masaya ako na narinig ko iyon mula sa kanya.

"Jean pwede ba?" tanong nya sa akin. Tumango ako ng wala sa sarili. Nang mapagtanto ko kung ano yung ginawa ko ay napatakbo ako.

"Jean sisimulan ko bukas ah!" pahabol na sigaw nito sa akin. Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa room namin ni Ersha pumasok agad ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Pilit kung kinakalimutan yung ginawa ko kanina ngunut kusa lang ito g bumabalik balik.

"Jean pwede ba?" tanong nya sa akin. Tumango ako ng wala sa sarili. Nang mapagtanto ko kung ano yung ginawa ko ay napatakbo ako.

Ayan anh eksena na pilit bumabalik balik sa isipan ko na pilit ko naman na inaalis. Anong katarantaduhan ang ginawa mo Jean bakit tumango ka.

"Nababaliw kana Jean!" sigaw ko sa sarili ko at pinagpapalo palo ang sarili ko ng unan. Napahinto ako sa pagpalo sa sarili ko nang maalala ko yung Halik.

Flashback!
Naglalakad ako papuntang library kukuha kasi ako ng libro na para sa topic na irereport ko bukas sa teacher ko na palagi ako ang trip. Pagkapasok ko mg library ay tahimik malamang Jean library yan kaya tahimik. Dumeretso ako sa Science Corner ng library at doon nagtingin tingin ng libro. Nakita ko na ang libro na kailangan ko inabot ko ang libro

"Hoy!" napalingon ako at sa hindi inaasahan ang labi ko ay napadikit sa labi nang taong nasa harapan ko ngayon. Ilang minuto kami sa ganong posisiyon ng mapagtanto ko kung saan nakalapat ang labi ko. Itinulak ko ng malakas ang taong iyon.

"How dare you!" saad ko sa kanya at binato sa kanya ang libro  na hawak ko.

"Jean di ko sinasadya." saad nya sa akin. Kahit naman na may pag ka boyish ako iniingatan ko parin anh first kiss ko kasi iyon ang mahalaga sa isang babae.

"You Stealer! Kiel!" saad ko sa kanya at tinuro turo sya

"Shhhh..." saad ng mga estudyante na nagbabasa ng kanila-kanilang libro. Nakalimutan ko na nasa library pala kami ngayon. Dinampot ko yung libro na binato ko at naglakad na palabas ng library. Ahhh!!! Bweset sya pa ang first kiss ko.

End Of Flashback

Kahit hindi ko aminin sa sarili ko alam ko na nagustuhan ko rin yung halik na iyon. And i likes na sya pa yubg first kiss ko. Aaminin ko na matagal na akong may gusto sa kanya pero pinipigilan ko ang sarili ko nung malaman ko na kaibigan nya ang lalakeng naging sanhin ng pagkawala sa akin ng kaibigan ko. Pero ipinaliwanag na ni Ace sa akin lahat kung bakit nya nagawa iyon at alam ko lahat iyon para lang kay Ersha.

"Sana maintindihan ni Ersha ang dahilan mo Ace." saad ko habang nakatingin sa unan na pinapalo ko sa sarili ko kanina. Anong gagawin ko ngayon na pumayag na akong magpaligaw kay Kiel.

Ting Tong Ting...

"Saglit lang!" sigaw ko kasi may nag do doorbell. Imposible na si Ersha kasi may susi naman yun kaya hindi nayun kakatok pa. Pagkabukas ko ng pinto isang hotel staff ang bumungad sa akin.

"Wala naman akong kailangan. Ano ang kailangan mo Myka" tanong ko sa kanya. Hindi ko naman kasi sya pinapunta dito. Bigla syang may inilabas sa kanyang likuran. Isa iyong basket of flowers. White Roses ang mga iyon.

"Ms. Jean pinabibigay po sa inyo." saad nya sa akin at inabot sa akin ang basket. Pagkaabot nya ay umalis na rin sya kaya sinarado ko yung pintuan at umupo sa sofa may letter na nakapatong doon kaya kinuha ko iyon at binasa

Dear My Boyish Girl

Thank you dahil pinayagan mo akong ligawan ka. Matagal na akong may gusto sayo kahit na boyish ka pa. Sana sagutin mo ako Jean dahil kapag akin ka na hinding-hindi na kita pakakawalan pa hindi ako mangangako na hindi kita masasaktan pero gagawin ko lahat ng magagawa ko para hindi kita masaktan.

-Vince Kiel Montecilio

Napangiti ako habang binabasa ang mga nakasulat sa love letter na ito. Gusto na yata talaga kita kiel parehas lang tayo na naghihintay noon pero ngayon binigyan na tayo ng pagkakataon ng tadhana at sana hindi natin ito sayangin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top