Chapter 15: Jacket
Chapter 15: Jacket
Xyrine Point Of View
This is our two day here at Villa Resort. Nakahiga ako ngayon sa isang duyan na nakatali sa puno at matatanaw mo mula dito ang nag gagandahan na tanawin lalo na ang kumikislap kislap pa sa mga mata mo ang tubig na nasa dagat dahil mataas pa ang araw. Naka two piece ako pero pinapatungan ko iyon ng short at t-shirt na plain white at nakapatong naman ang jacket ni Zaiko na hindi ko pa nababalik sa kanya, nakapatong ito sa mga binti ko.
"Ersha? Oh Mango Juice mo walang Strawberry eh." saad ni Jean at iniabot sa akin ang Mango Juice na inorder nya sa juice station na malapit lang dito sa beach.
"Its okay." saad ko at ngumiti sa kanya. Tumingin ulit ako sa dagat sa pagkakataon na ito ay nakaupo na ako at sumisipsip sa mango juice na hawak ko. Di ko inaasahan na nalaglag pala anf jacket dahil sa pagkakaupo ko.
"Kaninong Jacket to? Imposible naman na sayo ito kasi panglalake ito eh." tanong ni Jean at pinulot yung jacket at ipinatong sa maliit na mesa na nasa gilid ng puno na sinasabitan ng duyan na hinihigaan ko kanina.
"Ahh... Kay Z-" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil biglang may tumawag kay Jean
"Ms. Jean there was a call for you." saad ni Myka kay Jean nang makalapit sya sa pwesto namin ni Jean. Tumango naman si Jean at sumenyas na susunod sya.
"Mamaya mo nalang sabihin sa akin. Kakausapin ko lang yung tumawag." tumango naman ako kaya naglakad na sya paalis sa harap ko. Inilapag ko ang baso na may laman kanina na Mango Juice naubos ko na kasi yung laman. Kinuha ko yung jacket at sinuot yun maglalakad lakad ako mainit kaya isinuot ko yung Jacket para di ako umitim. Nag lalakad ako sa gilid ng dagat.
"Beautiful..." saad ko habang tinitignan ang mga paa ko na nakaapak sa white sand. Napangiti ako ng biglang humampas ang alon ng tubig sa mga paa ko. Maligamgam ang tubig siguro lalamig na iyan maya-maya.
"The view is beautiful but when i see you... You're the one was more beautiful." saad ng boses sa likod ko. Manly yung boses nya kaya alam ko na lalake ang nagsasalita sa likod ko. Napalingon tuloy ako dahan-dahan sa likod. Pag katama ng mga mata namin bigla kung may ano akong naramdaman sa tiyan ko nagsisilipadan sila. Is this they called butterfly in you're stomach?
"Zaiko?" saad ko ng makilala ko ang lalakeng nasa harapan ko ngayon. Naka beach shorts sya then naka plain white t-shirt. Buti naman ganyan na ayos nya umayon sa lugar kung nasaan sya dahil nung una ko syang nakita naka Bad Boy's style sya eh.
"Kamusta?" saad nya at humakbang pa palapit sa akin kaya napahakbang ako paatras. Bakit hindi ko matanggal ang tingin sa mga mata nya parang hinihila nito ako ang gaganda ng mga iyon.
"Bat ka lumalayo?" tanong nito sa akin dahil pag humahakbang sya papunta sa akin humahakbang naman ako paatras. Bigla nya akong hinawakan sa braso ko nagulat ako .
"Tatanggalin ko lang ito pero lumalayo ka." saad nya sa akin at may kinuha sa balikat ko at pinakita sa akin ang isang dahon binitawan nya ang dahon at saktong umihip ang hangin at natangay ito papuntang dagat at tinangay na nang alon.
"Ay jacket mo oh." saad ko at hinubad yung jacket nya na suot ko at inabot sa kanya.
"Salamat ulit." saad ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya ganon din sya. Shit! Mas lalo lang syang naging gwapo dahil sa lag ngiti nya.
"Who's with you?" tanong nya sa akin habang nakabalandra parin ang mga ngiti nya sa labi hindi ko tuloy maialis ang pagkatitig ko sa kanya.
"M-my B-be." nagstop muna ako sa pag sasalita dahil nauutal ako huminga ako ng malalim bago ulit mag salita.
"My bestfriend, You? Who's with you?" tanong ko sa kanya ng dumeretso ang dila ko sa pagsasalita. Nakahinga naman ako ng maluwag ng di nya ungkatin kung bakit ako nauutal.
"Sino ang bestfriend mo? Kasama ko ang mga kaibigan ko." saad nya. Medyo pinagpapawisan narin ako kasi nakatayo kami dito sa gilid ng beach at maaraw pa siguradong pag papawisan ako.
"Sumilong mo na tayo dun... Mainit eh" saad ko sabay turo doon sa malaking puno na kaparehas din sa pwesto ko kanina bago mag lakad-lakad dito sa gilid ng beach.
"Sige." saad nya kaya sabay na kaming naglakad papunta doon. Habang naglalakad kami there was a scene that flash in my mind.
"Please no! Ace!" saad ko habang nakaluhod sa buhangin at kumapit sa kanyang mga binti upang hindi sya hayaan na makaalis at palayo sa akin.
"Hindi na kita mahal!" sigaw nya naman pabalik sa akin. Umiyak ako ng umiyak pero hindi ko parin tinatanggal ang pagkahawak ko sa mga binti nya.
"Okay lang Ace wag mo lang akong iiwan please..." saad ko rito at hinawakan pa ng mahigpit ang kanyang mga binti upang hindi sya mas makaalis. Martir na kung Martir ang iisipin ninyo basta wag nya lang akong iiwan kahit hindi nya na ako mahal. Hindi ko kaya na mawala sya mahal na mahal ko sya.
"Tanga ka ba! Ha! Hindi na nga kita mahal bakit mananatili pa ako sayo!" sigaw nito sa akin. Marami narin ang nakatingin sa amin na pawing may pinanonood silang drama rito pero wala akong pake. Nasa beach kami kaya alam ko na may mga taong nakakita na sa amin ngayon at mas rarami pa yan.
"Please... Wag mo kong iwan Ace... Hindi ko kakayanin na wala ka sa buhay ko" saad ko habang patuloy parin amg pagtulo ng mga luha ko. Tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa mga binti nya at naglakad na sya paalis naglalakad na sya palayo sa akin.
"Ace!" sigaw ko pero hindi na sya muling lumingon at bumalik sa pwesto ko. He left me...
Napatigil ako sa paglalakad ng biglang mawala ang eksena na iyon na bigla lang rin pumasok sa isip ko. 'He left me?' sinong iniwan ako?
"Hey are you okay?" sabay lapit sa akin ni Zaiko nakarating na pala sya sa may puno lumapit lang sya ulit sa akin nang mapansin nya na nakatayo lang ako.
"Yeah... May bigla lang lumitaw na eksena sa isip ko." saad ko kaya inalalayan ako ni Zaiko papunta sa puno na tinuro ko kanina medyo nanghina kasi ang mga paa ko. Pag karating namin ay pinaupo naman nya ako sa duyan.
"Thanks" mahinang saad ko. Ngumiti naman sya kaya napangiti nalang rin ako. Nakakahawa talaga ang mga ngiti nya at medyo familiar ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top