Chapter 14: Baby

Chapter 14: Baby

Xyrine Point Of View
Nakabalik na ako sa room namin ni Jean nagpalit narin ako ng damit naupo ako sa kama ko at tinignan yung jacket ni Zaiko.

"Zaiko? Zaiko the Bad boy" bagay ahhh 'Zaiko The Bad Boy?' bad boy kasi yung ayos nya nasa beach pa sya.

"Ersha kain na tayo nandito na yung mga pagkain na inorder ko" napatingin ako sa pinto ng marinig ang sinabi ni Jean kaya itinabi ko muna yung jacket ibabalik ko nalang sa kanya pag nakita ko sya. Lumabas na ako ng kwarto ko para kumain gutom narin kasi ako eh.

"Lika na" saad ni Jean at nauna sa may kusina ng room na ito. Pagkapasok namin may maliit na dining area at nasa tabi naman nito ang kitchen. Naupo na kami sa may upuan harapan lang naman ang upuan dito eh.

"Lets pray." saad ni Jean kaya tumango rin ako sa kanya.

"The name of the father the son and the holy spirit." panimula ko at nag sign of the cross. "God thankyou dahil ibinalik mo ako sa bestfriend ko at sana ay bumalik na lahat ng ala-ala ko at thank you dito sa mga pagkain na nakahain sa harapan namin ngayon. In the name of the father, the son and the holy spirit. Amen" saad ko bilang pagtatapos nang aking dasal. Nag sign of the cross ulit kami ni Jean. Nagsimula narin kaming kumain. Chicken Fillet, Chicken Curry, Fried Chicken ang mga nakahain ngayon sa harapan ko. Syempre inuna ko yung Chicken Fillet at rice.

"Ang sarap!" saad ko at kumagat kagat pa sa chicken fillet na kinakain ko. Ang sarap talaga promise! Sino kaya nagluto ng mga ito dito rin kasi sa hotel ni Jean inorder ito. Siguro professional amg mga chef nila dito.

"Grabe ang sarap!" gatong din ni Jean sa sinabi ko. Nag ngitian kami at pinagpatuloy ang pagkain namin hanggang sa matapos kami sa pagkain. Tutulong na dapat ako sa paglinis ng pagbawalan ako ni Jean sya na daw ang maghuhugas.

"Maupo kanalang sa may sofa Ersha. Ako na ang maghuhugas ng mga pinggan." saad ni Jean sa akin at pinapatong patong na nya yung mga pinggan at inilaga sa isag tray ang mga pinggan at sinunod nya ang mga platito.

"Tutulong na ko sayo sa paghuhugas." saad ko sa kanya na ikinailing-iking nya pa.

"Hindi na Ersha kaya ko na ito maupo ka nalang doon." saad ni Jean sa akin at hinawakan sa balikat at hinila papunta sa nay sofa. Inupo nya ako doon

"Dyan ka nalang ako nalang ang maghuhgas." saad nito at nameywang pa sa harapan ko kung di pantalon ang suot nito aakalain mo na babaeng-babae eh. Ngalang boyish sya eh. Tumango tango nalang ako sa kanya. Nang makita nya ang tango ko ay naglakad na sya papunta ulit sa kitchen upang maghugas.

"Ano naman ang gagawin ko dito?" bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa sofa at nililinga ang mga mata sa paligid kung may magagawa ba ako na maglilibang sa akin. Nakakita ako ng magazine kaya kinuha ko yun para matignan kesa sa walang magawa diba. Pagbuklat ko nito ay isang jonhson baby powder ang nakita ko may picture pa yun na baby. Ang cute

"Ang cute nung baby." saad ko habamg hinihimas yung pisnge ng baby sa magazine na akala mo eh nahahawakan ko talaga ito.

"Ace! Anong gusto mo? Babe? Honey? Darling? O Sweetheart?" tanong dito ng isang babae sa kanyang bagong kasintahan. Nakaupo sila sa isang bench sa likod ng eskwelahan nila.

"Wala sa mga sinabi mo ang gusto ko Ersha." saad nito sa kanya at umiling iling pa. Hinuli nya yung mga kamay nito at hinila para mas itabi pa sa kanya.

"Eh ano yung gusto mo na Endearment?" saad nito sa kanya at iniakbay ni Ace ang isang kamay nito sa balikat ni Ersha.

"I want... Baby... Yes baby..." saad ni Ace at yumakap kay Ersha. "Baby." mahinang bulong ni Ace sa mga tenga ni Ersha

"Baby? Pwede naman sige Baby nalang." saad ni Ersha dito.

Baby? Anong baby? Yun lang yung mga narinig kung usapan sa biglang pumasok na eksena sa isip ko. Baby? Napatingin ako sa magazine na hawak ko. Isinara ko ito ibinalik sa lalagyan na kinuhaan ko nun. Napatingin ako sa kay Jean nang lumapit sya sa akin.

"Hey! Are you okay?" tanong nito sa akin.

"Yeah... Don't mind me Jean." sagot ko naman dito at pinunanasan ang mga luha na kusang pumapatak sa mga mata ko. Dammit! I still love him!

"Ano bayan! Ersha! Gumising kana sa katotohanan! Please i don't want to see you liked this." tukoy nya sa nangyayare sa akin ngayon. Alam nyo ba ang nangyayare sa akin unti-unti lang naman nagiging miserable ang buhay ko dahil iniwan nya ako. Wala na sya.

"Why did he leave me?" pabulong na saad ko habang nakatingin sa mga mata ni Jean at pinabayaan na ang mga luhang umaagos sa pisnge ko galing sa mga mata ko na siguradong mag kaka eye bags na naman dahil sa kaiiyak ko nito.

What is that? Bakit ako umiiyak? Anong nangyare sa akin nun? Anong dahilan ng mga iyak ko? Para kanino ko binubuhos ang mga luhang iyon? 'Why did he leave me?" He? Lalake? Kung ganon sinong lalake naman ang tinutukoy dun sa mga imaheng lumitaw sa isip ko kanina-nina lang.

"Is there any problem Ersha?" tanong ni Jean at naupo sa tabi ko. Umiling lang ako at itinuon sa t.vang atensyon dahil binuksan iyon ni Jean para manood kami ng balita tungkol sa mga nangyayare ngayon pero puro naman patayan ang binabalita nila kaya medyo nakaktamad na manood ng balita.

"Matulog ka na kaya Ersha? Baka kasi inaantok ka na. Maty 2 days pa naman tayo dito sa Villa Resort eh." saad ni Jean kaya tumango lang ako at nagpaalam na ako sa kanya. Nag batian ng Good night at Sweet Dreams pagkatapos ay dumeretso na ako sa kwarto ko at nilock ang pinto lumapit ako sa kama at nakita yung Jacket ni Zaiko napangiti nalang akk ng walang dahilan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top