You + me + baby
hello mga fans ni Armel and Sallie. Na - miss ko kayo bigla. hahahha kaya napilitan tuloy akong gumawa ng special chapter for this story. Pero last na talaga ito, ha? don't worry inuumpisahan ko na yung story nila Chris and Bianca. Title is UNTIL YOU WERE GONE. Intay - intay lang.
huwag sana kayong magsawa sa pagbasa sa mga stories ko. Marami pa talagang naka - line up. And sana sundan 'nyo rin tulad ng pag - follow 'nyo sa Maid for you and Still maid for you.
Again, thank you, thank you so much!
God bless and stay inlove...
_--------------------------- ❤️HM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------->>>>>>>
Ayokong pumayag sa gusto ni Armel na magkaroon kami ng bonggang kasal. Sabi ko sa kanya saka na lang kapag maayos na lahat. Saka nakakahiya dahil alam ng lahat ng tao na si Bianca ang mapapangasawa niya tapos biglang naging ako. Maraming mga balita nga chismis na niloko niya si Bianca pero ramdam kong matatag si Armel. Hindi siya nagpatinag kasi desidido daw siyang pakasalan na ako. Nagmamadali talaga siya at gusto niya agad – agaran. Pero ako pa rin ang nasunod. Naikasal kami after three months. Sa huwes.
Masayang – masaya si Sir Rufus at si Miss Suzanne. Natutuwa daw sila at kami rin daw pala ni Armel ang magkakatuluyan. Although nalulungkot sila sa nangyari kay Bianca, pero ganoon daw talaga. Hindi naman daw puwedeng pilitin ang pagmamahal para sa isang tao.
I stayed here in the Philippines for good. Tinanggap ko na ang trabahong Country Manager sa Summer Rose Hotel kahit nga gusto ni Armel ay mag – resign na ako. Hindi ako pumayag. Kahit mag – asawa na kami, gusto ko pa rin na nagta – trabaho ako.
"Hindi ka pa ba tapos?" ramdam kong naiinip na si Armel sa akin dahil panay ang katok niya sa cr.
"Malapit na," sagot ko.
Nakaupo lang naman ako sa toilet bowl at nakatitig sa pregnancy test kit na hawak ko. Positive ang resulta doon.
Isang linggo na kasing masama ang katawan ko. I have unusual cravings kaya nagduda na ako kaya nag – test na ako.
Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba kay Armel na buntis na ako. Marami pa kasi siyang plano. Gusto niyang mag – travel pa kami ng mag – travel. Sinusulit niya ang matagal na panahong nagkahiwalay kami.
"Sallie, come on. May meeting pa tayo ng lunch," ramdam kong naiinis na siya.
"Oo na. Tapos na naman ako," sagot ko at tumayo na.
Pagbukas ko ng pinto ay nakasimangot na ang mukha ni Armel.
"Ang tagal – tagal mo naman," sabi niya.
"Bakit ba? Alam mo naman matagal ako maligo," sagot ko.
Inirapan lang niya ako pero yumakap din siya sa akin. "Alam mo naman na ayaw kitang nawawala sa paningin ko," at hinalikan pa niya ako.
Natawa lang ako at marahang kumalas sa kanya dahil tumunog ang telepono ko. Si Chris ang tumatawag sa akin.
"I need to answer this. This is Chris," sabi ko sa kanya.
Nakita kong napataas ang kilay niya. "Is he trying to get you back? Tell him over my dead body."
Napahalakhak ako. "Baliw! Huwag mo ngang gawan ng kuwento 'yung tao. Ang bait – bait kaya nito," sabi ko sa kanya.
Natawa din siya. In good terms na kasi silang dalawa.
"I'll wait for you in the car," sabi niya at nauna ng lumabas.
"Chris," sabi ko ng sagutin ko ang telepono. Ini – ready ko na rin ang mga gamit ko habang kausap ko siya.
"Kamusta?" bati niya sa akin.
"Mabuti naman. Ikaw? How are you?"
"Fine. But you know, I am not staying in Toronto anymore. I am here in Vegas. Dito naman ako itinapon ni Nancy," at natawa ito. "How are you and Armel?"
"Okay naman kami. Vegas ka? Wow. We are also planning to go there. Lets meet," sabi ko sa kanya.
"Sure. Just let me know when are you coming here. Miss you," sabi niya.
"I miss you, too. I'll see you soon."
Naabutan ko sa sasakyan si Armel na may kausap sa telepono. Nang makita ako ay agad din na ibinaba iyon.
"Are you okay?" tanong niya ng sumakay ako.
Tumango lang ako.
"You look pale. Are you drinking your vitamins?" dama ko ang pag – aalala niya.
Tumango lang ulit ako. Sasabihin ko na ba sa kanya? Kaya lang baka hindi naman siya matuwa.
"You know why I named my hotel Summer Rose?" sabi niya habang bumibiyahe kami.
"Why? May trivia ba behind the name?"
Tumingin sa akin si Armel at ngumiti tapos ay itinutok ang mata sa kalsada.
"I named it after you. Nakilala kitang Rosey ang pangalan mo 'di ba? That name will never get off my head forever. Summer Rose is built for you. I built it just for you. Plano ko noon 'nung pinuntahan kita sa Toronto susunduin na kita. Sasabihin ko sa iyo na you don't need to work to other hotels. Because you have your own already," sabi niya. Dama kong parang naging sentimental si Armel.
Hindi ako nakapagsalita. Summer Rose was built for me?
Nakita kong ngumiti sa akin si Armel at hinawakan ang kamay ko.
"I love you so much, Sallie or Rosey. Whatever your name is. I will only love just you."
Hindi ko namalayan na napaiyak na pala ako kaya mabilis kong pinahid ang luha ko. Damn this hormones. Ito na nag – uumpisa na.
"Armel, what are your thoughts on having a baby? I meant, gusto mo na ba na magka – baby tayo?"
Tumango – tango siya. "Yeah. But if you are not yet ready, okay lang din sa akin na hindi muna para mas ma – enjoy natin ang isa't – isa." Sagot niya.
Huminga ako ng malalim at kinuha ko ang pregnancy test kit sa bag ko.
"It says positive." Alanganin kong sabi sa kanya sabay pakita sa kanya ng test kit na may two red lines.
Nakita kong napakunot ng noo si Armel at napalunok. Para pa ngang namutla pa siya. Nag – swerve pa siya sa kabilang lane kasi muntik na niyang mabangga ang nasa harap naming sasakyan kaya mabilis niyang ikinabig sa gilid ang kotse at huminto doon.
"What is this?" seryosong tanong niya at naguguluhan na nakatingin sa akin.
"Positive. I think I am pregnant," sagot ko.
"W – what –" hindi niya naituloy ang sasabihin niya at napakamot siya ng ulo. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko sa kanya.
"Armel, hindi ka ba masaya?" nag – aalala ako. Bakit parang hindi siya masaya? Ayaw pa talaga niyang magka – anak kami?
"What?" parang wala sa sariling sabi niya.
"Ano ba? Hindi ka ba masaya na buntis na ako?" naiinis na ako.
"Can I call my dad?" sabi niya at kinuha ang telepono. Hindi na ako nakapagsalita kasi parang hindi na niya ako intindi.
"D – dad," dama kong bahagyang nabasag pa ang boses niya. "I – I am going to be a father soon," at nakita kong napaiyak na si Armel.
Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang bigla akong na – kyutan kay Armel kasi iyak siya ng iyak na parang bata. Basta paulit – ulit lang niyang sinasabi sa tatay niya na magiging tatay na din siya.
"Hon, okay ka lang?" tanong ko ng tapos na niyang kausapin ang daddy niya.
Instead na sumagot ay niyakap niya ako ng mahigpit.
"You don't know how happy I am, Sallie. You gave me happiness. And that life inside of you, made me whole. I love you so much. You and our baby," umiiyak na sabi niya sa akin.
Natawa lang ako. "Iyakin ka talaga. Ano naman ang nakakaiyak? Para sinabi ko lang na buntis ako," sabi ko.
Mabilis siyang humiwalay sa akin at pinahid ang luha niya tapos ay hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Kasi sobrang saya ko magiging tatay na ako," sabi niya.
Napangiti lang ako. Ang saya – saya ko din.
"I'll take care of you forever, Sallie. I love you."
"I know," at humilig ako sa balikat niya habang nag – drive na uli siya papunta sa Summer Rose hotel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top