Wedding date
bumawi ako ha? two chapters and pinost ko :)
------------------------------->>>>>
Armel's POV
"You are not touching your food."
Napa – ha lang ako sa harap ni Bianca ng marinig ko ang tanong niya sa akin.
Nakangiti siyang nagsalita ulit. "I said, you are not touching your food. Paborito mo 'yang steak na 'yan but you haven't touched it even once." Sabi niya sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya at nagsimulang hiwain ang steak ko. It's cold already. Nagsesebo na nga. I can't eat it like this kaya tumawag ako ng waiter at ipina – reheat ko ang steak.
"Armel, is something bothering you?" tanong niya sa akin.
"Why?" taka ko.
"You don't look okay. Kanina pa tayo magkasama pero lumilipad ang utak mo. May nangyari ba sa meeting 'nyo?" tanong pa ni Bianca.
"Nothing much. Hindi lang kami magkasundo sa mga rules," pagsisinungaling ko.
I can't tell Bianca that I saw Sallie. Although she doesn't know who Sallie is, she knows that I love someone more than her before we got back together. I can't hurt Bianca. She was there when I was so wrecked after Sallie left me. She was there when I was picking up the pieces of my broken heart. She was there when I almost lost it all because of loneliness.
I have waited for Sallie to come back. I have waited for two years but she didn't come back and Bianca was here. I decided to choose Bianca over waiting for someone whom I know will not choose me.
She smiled at me and reached for my hand. "Huwag mo ng isipin 'yon. We need to plan for our wedding," sabi niya sa akin.
Wedding? Yeah. Oo nga pala. I proposed to her two days ago.
"Ikaw. Bahala ka. Do what you want to do," sagot ko.
Parang nagulat siya sa sagot ko. "What? Anong klaseng sagot naman 'yan, Armel? I want the two of us plan for our wedding. Hindi puwedeng ako lang kasi hindi naman ako lang ang ikakasal," natatawang sagot niya.
"Fine. Can we do it as soon as possible? Like end of this month?" I want this to be over. Hindi ako magpapaapekto sa pagbalik ni Sallie. I am over her.
"That soon? One month preparation? Wow. Hindi ka naman nagmamadali niyan?" nagbibirong tanong niya sa akin.
"It's the same. Bakit pa natin pagtatagalin?" balik – tanong ko.
Dumukwang sa akin si Bianca at humalik sa pisngi ko. "Yey! I am excited!" nakangiting sabi niya.
Ngumiti lang din ako but deep inside, I can feel something else. Bakit hindi ako makaramdam ng excitement?
"Are you going to invite Estelle?" tanong niya sa akin.
Napatawa ako.
"Si Estelle? Why? You don't want me to invite her?" natatawang sabi ko.
"Well, okay lang naman. Kaya lang eversince she learned that we are dating, hindi na niya ako kinausap. She used to be my friend."
"Alam mo naman iyon. Akala niya kasi boyfriend niya ako," at talagang natawa ako. Matagal na rin naman na hindi ako kinulit ni Estelle dahil nagka – boyfriend na ito ng foreigner.
"Bayaan ko na nga siya. But, what about the engagement party tonight?"
"Sila Suzanne na ang bahala doon," sagot ko. Si daddy at Suzanne ang excited na magkaroon kami ni Bianca ng engagement party maya pinabayaan ko silang mag - organize noon.
Dumating ang pagkain ko at nagsimula akong kumain. Napatingin ako kay Bianca ng marinig kong tumunog ang telepono niya.
"Yes? This is Bianca Jacinto," narinig kong sabi niya at tumingin sa akin. Nakita kong biglang napatigil sa paglalaro ng pagkain si Bianca at napalitan ng takot ang ekspresyon ng mukha niya. "What? What happened? Is he alright?"
Napakunot ang noo ko. What is this emergency?
"Yes. Yes. I'll be there," sabi niya at pinatay ang telepono tapos ay inimis ang mga gamit.
"What's wrong?" tanong ko.
"Si Matty nakipagsuntukan daw sa school," kita ko ang sobrang pag – aalala ni Bianca.
I know Matty. He is her nephew na sa kanya nakatira. Matty's parents are separated and ang mommy nito ay nagta – trabaho overseas.
"Are you going to the school? You want me to go with you?"
"No. I'll be fine. I'll just need to go to Matty. The two kids are in the hospital," sabi niya at tumayo na. Humalik lang siya sa pisngi ko at umalis na doon.
-----------------------------------------------> >>>>>>>>
Sallie's POV
Mabilis kong pinahid ang luha ko ng marinig kong tumutunog ang telepono ko. Nakita kong si nanay ang tumatawag sa akin.
"'Nay. Bakit ho?" pinilit kong maging masaya ang boses ko.
"Sallie, nako. May emergency. Si Enzo nasa ospital daw. Nakipagsuntukan daw kasi sa school," natatarantang sabi ni nanay.
"Ano ho?!" napasigaw na ako. "Ano ho ang nangyari?"
"Hindi ko din alam. Sallie, puntahan mo si Enzo. Baka kung napaano na ang apo ko," umiiyak na si nanay.
"Sige ho. Huwag na kayong mag – aalala. Papunta na ako. Tawagan ko na lang kayo kung ano ho ang nangyari," sagot ko at pinatayan ko ng telepono si nanay. Idinirecho ko sa eskuwelahan ang kotse ko.
Pagdating ko doon ay sinabihan ako ng teacher ni Enzo na dumirecho sa ospital na malapit sa school nila. Dire – derecho ako sa emergency room at naabutan ko si Enzo na nakaupo sa kama at may pasa sa ibabang bahagi ng mata. May gasgas din ito sa braso at sa siko. Ang isang bata naman ay may putok sa ibabaw ng mata nito at ganoon din. May mga gasgas din sa braso.
"What happened?" nag – aalalang tanong ko at nilapitan ko si Enzo.
"Mrs. Ricarte, nagkaroon ho ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang bata. Nagkapikunan kaya ayan ang nangyari," nakilala kong adviser ni Enzo ang nagsalita.
"Siya ang nauna, eh! Sabi niya wala daw akong papa," galit na sabi ni Enzo at tumingin ng masama sa kaharap na bata.
"Talaga naman! Wala kang papa! Ako meron," sagot ng bata.
"Matty!"
Napatingin kami sa nagsalita na pumasok sa emergency room at nakilala kong si Bianca iyon. Anong ginagawa ni Bianca dito?
"Teacher, what happened?" alam kong nag – aalala si Bianca kaya lumapit agad ito sa Matty na tinawag. Napakunot ang noo ko. Anak ba ni Bianca ito?
"Ms. Jacinto, your nephew threw the punch first kaya sila nagkasuntukan. He is bullying Enzo about his father," paliwanag ng teacher.
Napalunok ako at napatingin ako kay Enzo. Alam kong nagpipigil lang ng galit ang anak – anakan ko.
"It's true 'di ba? He doesn't have a father, and he doesn't even have a mom." Panunukso pa nito kay Enzo.
Nakita kong nagpahid ng luha ang anak ko kaya niyakap ko siya.
"Matty shut your mouth!" narinig kong saway ni Bianca sa pamangkin tapos ay bumaling sa amin ng teacher.
"I am very sorry for this. I will pay for all the hospital bills," narinig kong sabi ni Bianca.
"Ms. Jacinto, the school will pay for all the bills because it happened in the school premises. But both the kids will be suspended for one day because of brawling. And when they come to school, they will have guidance counseling. We don't tolerate that kind of attitude," sabi ng teacher.
Napahinga lang ako ng malalim at tumingin kay Enzo.
"Mga bata naman iyan. Mamaya lang magkakaayos na din sila," sabi ko. Nakita kong ngumiti sa akin si Bianca na parang natuwa sa sinabi ko.
"You are so nice. Thanks for being understanding. Don't worry, I will talk to my nephew and he will apologize to your son," nakangiting sabi niya sa akin.
Hindi ako nakasagot. Parang ang awkward lang na kausap ko ang babaeng mapapangasawa ng lalaking mahal ko.
Ganoon pa rin si Bianca. Maganda pa rin katulad ng dati. Alam kong maganda din naman ako pero hindi ko mapigil ang sarili kong makaramdam ng insecurity lalo pa nga at alam kong siya na babaeng mahal ni Armel.
I closed my eyes and took a deep breath. I am Sallie. I am the new Sallie at hindi na ako maiinsecure sa kahit na kanino.
Iyon ang paulit – ulit kong sinabi sa utak ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top