Type AB

Armel's POV

I travelled back alone in Manila after the anniversary party.  Bianca decided she needed to stay dahil may mga guests na invited from Boulevard Suites and kailangan niyang asikasuhin iyon.  I took the first flight back the following day kasi hindi ko na talaga kayang magtagal doon.  I can't stand to see Sallie flirt with other guys.  She was dancing wildly last night with the guy that she met at the bar. Walang pakialam na nakikipagharutanz Parang wala na talaga siyang pakialam sa akin kung nakikita ko man ang ginagawa niya.  When Bianca asked me to go with their group last night, nakita kong umalis si Sallie kasama ang lalaking nakilala niya.

            I decided not to bother her anymore.  Isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho pagkagaling ko ng Boracay. In just a few days na lang ikakasal na kami ni Bianca.  Saka tinotoo niya ang sinabi niyang hindi na siya babalik dito sa Manila and she will just consumed her remaining days staying ni Hotel Jasmine since her work here in Summer Rose is already finished.

            Tanggap ko na, na hindi talaga kami ni Sallie.  Iniisip ko na lang, everything happened for a reason.  Kahit sobrang sakit sige na lang. Ito siguro talaga ang kapalaran ko kaya tatanggapin ko.

            Napakunot ang noo ko nang makita ko si Rex sa tapat ng office ko at kausap si Chris.  They are both looked worried at parang nagtatalo pa.  And kelan pa dumating si Rex dito?  Usually kapag bumibiyahe siya pa-Maynila, sinasabi niya sa akin na darating siya.  Saka si Chris. Alam ko ay nasa Boracay din ito kasama ni Sallie. Kaya ano ang ginagawa niya dito?

            Nakita kong iniwan ito ni Chris at pumasok si Rex sa opisina ko.

            "Problem?" takang tanong ko.

            Nakita kong umiling lang siya at naupo sa couch na nandoon.  I know there is a problem dahil hindi ko nakitang ganito na nag – aalala si Rex. Pero pilit siyang ngumiti sa akin.

            "Come on, man.  What is happening?  Ano ang pinag – uusapan 'nyo ni Chris?  You looked like you were arguing. Saka bakit ka nandito?  May problema ba sa hotel sa Bora?" Pangungulit ko pa.

            "Wala.  May diniscuss lang sa akin si Chris.  Kamusta ka?" Pilit na pilit ang ngiti niya.

            Napabuntong – hininga ako.  "Alam mo naman na hindi ako okay 'di ba? But I'll get there. I am trying."

            "Did you tell Bianca about Sallie?  It's only a few days before your wedding," tonong paalala ni Rex sa akin.

            Umiling lang ako.  "Hindi na niya kailangang malaman iyon.  Siya naman ang papakasalan ko," sagot ko.

            Pareho kaming napatingin sa pinto nang biglang bumukas iyon at nakita kong nag – aalala ang mukha ni Yasmin.  Natataranta at namumutla pa nga. Alam kong ito ang bestfriend ni Sallie.  Hindi na nga ito kumatok.  Anong ginagawa ni Yasmin dito sa Summer Rose?

            "S-sir, pasensiya na po.  Pero kasi gusto ko lang malaman kung saang ospital?" kay Rex nakatingin si Yasmin.  Parang maiiyak pa siya saka parang hindi niya ako pansin.

            Nakita kong hindi agad makasagot si Rex at nag-aalalang napatingin sa akin.

            "What's going on?  Sino ang nasa hospital?" taka ko.

            "Yasmin, can we talk outside please?  Sinabi ko na sa iyo tatawagan kita," sabi ni Rex at mabilis na tumayo tapos ay inaya palabas ng opisina si Yasmin.

            "Hey.  Hey, wait." Agad ko siyang hinabol. "Who the fuck is in the hospital?" Ano ba ang nangyayari?  Hinawakan ko na sa balikat si Rex para mapigilan ko siya.

            Napahinga itong malalim at halatang wala na lang magawa.

"Sallie is in the hospital because of dengue.  When she stayed in Hotel Jasmine, she has fever already.  We thought it's just a normal fever kasi sabi niya okay lang siya.  But kaninang umaga when we brought her in the hospital dahil three days ng mataas ang lagnat niya, she has bleeding already.  And we decided to transfer her here kasi mas kumpleto dito," sagot niya at napapailing na tumingin kay Yasmin. Halatang napilitan lang siyang sabihin sa akin iyon.

"What?  And you forgot to tell this to me?!" hindi ko na napigil na sigawan si Rex.  Nakita kong nakayuko lang sa isang sulok si Yasmin at napapaiyak na.

"Ayaw niyang ipasabi sa 'yo. Come on, man. Pabayaan mo na kami dito." Pakiusap ni Rex.

"Damn it!  Anong pabayaanv? What hospital?" I need to be there.  I need to be with her.  Baka kung anong mangyari sa kanya.

"Armel, pabayaan mo na kami.  Papunta na si Chris doon.  We are just looking for blood donors kaya kami nagpunta dito and we asked the management kung sino ang may type AB na dugo," sagot niya sa akin.

Blood donors?  Sallie need blood donors? Ganoon siya kalala?

"What fucking hospital?!" galit na galit na ako.

Napahinga ng malalim si Rex at napailing.  "St. Vincent's in Makati," tonong talunan na siya.

Shit!  Sallie is in the hospital?  How is she?  Para akong kakapusin sa paghinga.  Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyari sa kanya. Literal na nanginginig ang katawan ko sa pagkataranta.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan kl at inilang hakbang lang ang paglabas ng opisina. Hindi ko na napansin si Bianca na papasok doon.

"Armel, something wrong?" takang tanong niya.

Hindi ko siya pinansin kahit tinatawag niya ako. Dire – diretso lang akong naglakad paalis doon.  Hindi ko na hinintay sila Rex.  Gustong – gusto ko siyang murahin.  May sakit na pala si Sallie hindi pa niya sinasabi sa akin.

Hindi ko alam kung pinalipad ko ba ang sasakyan ko para makarating sa hospital kung nasaan si Sallie.  Naabutan ko si Chris sa labas ng ICU at may kausap sa telepono.  Nakita kong nagulat siya nang makita niya ako doon.  Agad niyang pinatay ang telepono at ibinulsa iyon.

"What the hell are you doing here? You don't need to be here," bungad niya sa akin.

Marahas ko siyang hinawakan sa kuwelyo ng damit at isinalya ko siya sa dingding. 

"Who do you think you are?  Huh?! Who the fuck do you think you are?!  Why you didn't tell me that she is sick?" galit na galit kong sigaw sa kanya. 

Mabilis na naglapitan ang mga nurse at ilang hospital staff sa amin at inawat ako.

"She doesn't want me to tell you.  And what the hell is your problem? You are going to get married. Leave Sallie alone," inis na sagot sa akin ni Chris at bumaling sa nurse.  "How is she?"

"Sir, we already informed you.  She needs blood donor type AB.  Walang available sa blood bank kasi medyo mahirap ang blood type niya," sagot ng nurse sa akin.  "And every minute is crucial."

Narinig kong mahinang napamura si Chris at halatang nataranta din. Muli ay kinuha nito ang telepono at nagsimulang magda-dial doon.

Shit.  What's my blood type?  Damn it!  What the fuck is my blood type?  Pero alam kong hindi AB iyon.  'Tang ina.  Natataranta na ako. 

"I am type AB," narinig kong sabi ng kung sino mula as likod ko.

Pareho kaming napatingin ni Chris sa nagsalita at nakita kong nakatayo doon si Bianca at seryosong nakatingin sa amin.

Napalunok ako at hindi ako nakapagsalita.  Bakit siya nandito?  But when I looked at her I know she knows already.  The way she looks at me.  I know she knows it was Sallie.

Agad na lumapit ang nurse kay Bianca.

"Come with me, mam.  We need to examine if you are fit to donate," sabi ng nurse.

Hindi siya sumagot at sumunod lang dito.  Nakita kong humabol si Chris at yumakap kay Bianca.

"Thank you.  Thank you for saving her." Sabi ni Chris.

Nakita kong tumingin sa akin si Bianca at ngumiti ng mapakla sa akin.

"This is the least I can do," sabi niya at sumunod na sa nurse.

            Kung ano ang ibig sabihin ni Bianca doon ay hindi ko alam.  Pero wala na akong pakielam.  Malaman man niya na si Sallie talaga ang mahal ko, wala na akong pakielam dahil iyon naman ang totoo.  Basta tulungan niya si Sallie.  Gagawin ko lahat ng hihingin ni Bianca basta i – save niya si Sallie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top