Summer Rose Hotel

Sallie's POV

Kanina pa nakaalis ang kotse ni Armel sa harap namin pero nandoon lang ako at nakaupo sa driver seat at tinitingnan ang daan na dinaanan ng kotse niya. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Of all people, siya pa talaga ang makikita ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako. Nalulungkot. Naiiyak. But I composed myself. Chris doesn't know anything about my past at ayoko ng magtanong pa siya.

"Sallie, are you okay?" Dama ko ang pag – aalala sa boses ni Chris.

"Ha?" Noon ko lang napansin na nagsasalita pala si Chris sa tabi ko.

"What happened? Do you know that guy?"

Mabilis akong umiling. "No. I don't know him," pagsisinungaling ko at ini – start ko na ang kotse namin.

Alam kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "So, most of the drivers here are assholes like him?" Alam kong nagjo – joke lang siya pero hindi ako natawa.

"It was my fault. I didn't see the sign that it was a one-way street," sagot ko. Hanggang ngayon parang nanginginig pa din ang katawan ko sa sobrang kaba.

Hindi na kumibo si Chris at kinuha ang telepono ko. Siya ang nagcheck ng waze kung saan kami dapat dumaan.

Hindi ko alam kung paano kami nakarating Summer Rose Hotel. Parang bao ang ulo ko habang nagda–drive ako. Ang nasa utak ko lang kasi ay nagkita kami ni Armel at halatang-halata na hindi siya masaya na nakita niya ako.

He hasn't changed a bit. Tingin ko nga lalo pang gumuwapo. Ang dati niyang malinis na mukha ay napalitan ng rugged look na lalong bumagay sa kanya.

"Stop right here, Sallie. The valet is here," narinig kong sabi ni Chris.

"What?" taka ko. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nasa tapat na kami ng hotel. Hindi ko maisip na nakarating kami dito na lumilipad kung saan ang utak ko.

"You looked tensed, Sallie. Can you do this? Puwede kong tawagan si Nancy at sabihin sa kanya na may nangyari. Puwedeng ako na lang muna ang humarap sa mga ka-meeting natin," suhestiyon ni Chris.

Umiling ako at pilit na ngumiti sa kanya.

"Nagulat lang ako pero okay lang ako. Kaya ko 'to. Ako pa ba? I can even face the president of well-known hotels in Canada."

"Sallie, you need to focus. Forget what happened earlier. The guy is an asshole, okay? It was not your fault," hinawakan pa ni Chris ang mukha ko. Tingin ko ay pilit ina-assess kung okay lang ako talaga.

No. It was my fault. I left him. I didn't choose him.

Ito na naman. Akala ko after three years okay na ako. Bakit bumabalik lahat? Ayoko ng umiyak.

Pumikit ako ng mariin at pilit kong inalis sa utak ko ang imahe ni Armel. Tama si Chris. I needed to focus.

Huminga ako ng malalim at bumaba sa sasakyan. Ibinigay ko ang susi ng kotse sa valet driver na lumapit sa amin.

"Can you please call Nancy? She needs to brief me about this company. Baka may itanong sa akin mamaya at hindi ko masagot dahil wala talaga akong idea dito tungkol sa hotel na ito," sabi ko habang iniisa-isa ang mga folders na hawak ko. Pilit kong itinutok ang isip ko sa trabaho ko. Ayokong magkamali ngayon.

Nang pumasok kami sa hotel ay napa–wow ako sa ganda ng loob. I've been to a lot of hotels pero isa ito sa magagandang hotel na napuntahan ko. Well lit, classy lights and chandeliers, well trained staff. Pang-world class talaga ang dating.

"She told me to go directly to the Business office. She is there already," sabi ni Chris sa akin at inalalayan niya akong makasakay sa elevator.

Sinalubong agad kami ni Nancy pagpasok namin sa business office. Si Nancy pa lang ang nandoon kaya naisip kong mas mabuti iyon ng makapag brain storming muna kami.

"Thank god you are here already," narinig kong sabi niya at humalik sa pisngi ko tapos ay kay Chris naman.

"You want us to be here, but you didn't give me any feedback regarding this hotel," reklamo ko kay Nancy.

"I am so sorry, Sallie. The owner is giving me a hard time. Ang arte sobra. Ang dami-daming request. Ang dami-daming mga reklamo," sagot ni Nancy.

Natawa ako sa hitsura niya. Tumitirik pa ang mata at hawak–hawak na ang kaha ng sigarilyo niya. Alam kong nai–stress si Nancy at kapag stressed siya, sigarilyo na ang nakakapag–relax sa kanya.

"I thought this is okay already?" Alam kong maayos na usapan tungkol sa merging na ito ng dalawang hotel. Siniguro na ito sa akin ni Nancy.

"I thought so too. When I talked to the old man, he said it was okay to have the Country Manager here from our staff. But when I talked to the son," saglit na huminto si Nancy at napatirik ang mata. "The asshole doesn't want that. He wants to have his own Manager from his staff. Ang gulo 'di ba?" Mahina pang napamura si Nancy.

Tumingin siya sa relo at nakita niyang alas–onse na.

"The meeting is eleven, right? Give me the company profile para mapag–aralan ko na. Sobrang cramming naman ito. Who will be in this meeting?" Tanong ko at kinuha ko ang files na ibinigay ni Nancy.

"They are coming. I already talked to Mr. Fernandez's secretary," sagot ni Nancy at pinatay sa ashtray ang hawak na sigarilyo.

Gulat na napatingin ako kay Nancy.

Mr. Fernandez? Fernandez? Iisa lang ang Fernandez na kilala ko na hotel tycoon ng Pilipinas.

Mabilis kong binuklat ang company profile na ibinigay ni Nancy. Gusto kong himatayin sa nababasa ko. Pag–aari ni Rufus Fernandez ang Summer Rose Hotel!

Shit!

Pakiramdam ko ay nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang folders at tinitingnan ang mga files na nakasulat doon. Buong katawan ko yata ay nanginginig na.

"Nancy, are you sure about this?" Hindi ko na maintindihan ang kabog ng dibdib ko. Ano ba ito? Talaga bang nagjo–joke ang Diyos sa akin? Kailangan ko ba talagang makita uli ang mga taong tinakasan ko?

Nakita kong napakunot ang noo ni Nancy. "What are you talking about?"

"I meant this company profile. Rufus Fernandez owns this?" Gusto kong makasigurado dahil baka niloloko lang ako ng paningin ko.

"Yeah. That is the old man. He is so nice to talk to. Napaka-professional. But the son? Douchebag," sabi ni Nancy na natawa pa.

"Nancy, can Chris take over for me? I-I think I am not feeling well," I need to get out of this place. Parang nasusuka ako. Parang hindi ako makahinga. Hindi ko kaya ito.

Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Nancy. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"What? No, Sallie. You need to be here," seryosong sagot ni Nancy at naupo na. "They will be here any moment."

Magsasalita pa sana ako nang makita kong bumukas ang pinto at pumasok ang staff ng hotel na may tulak na trolley ng pagkain, drinks at desserts. Kasunod ng mga iyon si Rufus Fernandez at si Suzanne. Gusto ko na sanang tumakbo paalis doon pero nakilala na ako ni Suzanne.

"Sallie?" Kita ko ang panlalaki ng mata niya. Ganoon din si Mr. Fernandez.

Napatingin ako kina Nancy at Chris at nakita kong nakakunot ang noo nila sa akin. Alam kong nagtataka sila kung bakit kilala ako ni Suzanne.

"Is it really you, Sallie?" Tonong naniniguro pa si Mr. Fernandez.

Pilit na pilit akong ngumiti sa kanila.

"Oh my god! Sallie! You are here! Welcome back!" masayang–masayang sabi ni Suzanne at yumakap sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Mr. Fernandez sa akin. Gusto kong maiyak. Ganito pa rin sila. Dama ko pa rin ang init ng pagtanggap nila sa akin.

"Do you know her?" Tingin ko ay hindi na nakatiis magtanong si Nancy. Nagpapalit-palit ang tingin sa akin at kina Mr. Fernandez

"This girl used to work in my hotel. She is so competent, hardworking, and dependable. I didn't know that she is working in Springsville Resorts and Spa," masayang sabi ni Mr. Fernandez.

Ngumiti si Nancy na para bang good news ang nalaman niyang kilala ko ng may–ari ng Summer Rose Hotel.

"Oh, yes. She is really hardworking and really dependable," sabi ni Nancy. Nakita kong kumindat pa sa akin si Chris.

Pare–pareho kaming napatingin sa bumukas na pinto dahil sa lakas ng boses ng pumasok.

"I am sorry I am late. Some idiot driver almost hit my car."

Gusto ko na talagang tumakbo. Ano ba ang kasalanan ko sa Diyos at nangyayari ito?

Si Armel kasi ang pumapasok at nakayuko ito habang nakatingin sa cellphone nito.

Nagkatinginan kami ni Chris at mabilis siyang lumapit sa tabi ko. Alam kong nakilala din niya si Armel.

"Are we going to start the–" nakita kong natigilan si Armel sa sasabihin niya nang makita niya akong naroon. Alam kong nagulat din siya nang makita niya ako. Pero mabilis ding nagbago ang ekpresyon ng mukha niya. Tumigas iyon at tumingin sa gawi ni Nancy.

"Can we please start now? I have so many things to do than stay in this god damn meeting," dama ko ang galit sa boses niya at padabog na naupo sa isang silya na naroon.

"Armel," tonong nananaway ang boses ni Rufus Fernandez tapos ay tumingin sa amin at ngumiti. "Let's start."

Pakiramdam ko ay sinisilihan ang puwet ko habang nagdi–discuss sila tungkol sa merging ng dalawang hotel. Hindi ako makapagsalita kahit na minsan ay tinatanong ako ni Nancy. Ang laki ng pasasalamat ko kay Chris dahil siya ang sumasalo sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa gawi ni Armel. Tahimik lang siya at nakikinig lang sa pinag–uusapan. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Parang hindi niya ako kilala. Pero hindi ko alam kung imagination ko lang dahil sa tuwing nagsasalita si Chris ay nakikita kong sumisimangot ang mukha niya.

"So, Mr. Fernandez. Everything is okay now. We can sign the contracts for this. And I hope we already agreed on one thing that the Country Manager will be from our company," narinig kong sabi ni Nancy.

"There is no problem about that. I would like to meet him or her personally," nakangiting sagot ni Rufus Fernandez.

"Oh, you know her already. It is Sallie. She will be the new Country Manager for Summer Rose Hotel," walang anuman na sabi ni Nancy.

Gulat na napatingin ako kay Nancy. Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Ako?

"Nancy? What are you talking about?" mahina kong bulong sa kanya. Nakita ko rin ang pagtataka sa mukha ni Chris. Wala naman kasing nabanggit sa amin ang tungkol dito. Ang sabi lang ni Nancy, magpi-present lang kami pero hindi sinabi sa akin na bibigyan niya ako ng posisyon na ganoon.

Ngumiti siya sa akin. "This is your chance to prove that you are capable for your position. Why do you think I asked you to come here?"

Pare–pareho kaming napatingin sa gawi ni Armel kasi tumatawa siyang mag–isa tapos ay umiiling–iling pa.

"What is the problem, Armel?" Tanong ni Mr. Fernandez sa anak niya.

"I am sorry." Halatang pinipigil niya ang pagtawa kaya hindi masyadong makapagsalita. "It is just funny. A big joke. Country Manager? Really? Why do you choose a person who doesn't have an ability to stay?"

Napalunok ako at napayuko. Pinipigil ko ang sarili ko na maiyak.

"Carmelo, stop it." Alam kong nagagalit na si Mr. Fernandez dahil sa inaakto ng anak niya.

Nagkibit–balikat si Armel at tumayo na tapos ay bumaling kay Suzanne.

"Just send me the copy of the minutes of the meeting. I have a lunch with Bianca. She is more important than this meeting," sabi niya at dire–diretso ng lumabas.
————
Follow my official FB page Helene Mendoza's Stories for more announcement and updates.

Join our group HM's Reading Nook for fun and exciting readers interaction.

- ❤️HM

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top