Sacrifice

Sallie's POV

The tryst is already over.  Pareho lang kaming nakahiga sa kama ni Armel.  Parehong nakatingin sa kisame.  Walang maglakas ng loob na magsalita sa aming dalawa.  The guilt sets in right now.  Sobrang nagi – guilty ako sa nagawa ko.  Nagi – guilty ako kasi alam kong may masasaktang tao kapag nalaman ito.  I don't want to ruin a relationship.  Kahit kailan hindi ako nanira ng relasyon ng may relasyon kahit pa mahal na mahal ko.  Pero sobrang nagsisisi ako ngayon.  Galit na galit ako sa sarili ko kung bakit hindi ako nakapigil at nangyari ito.

            "Let's run away together," narinig kong sabi ni Armel.

            Napatingin ako sa kanya at nakita kong nanatili siyang nakatingin sa kisame pero ang seryoso niya sa sinasabi niya.

            Hindi ako nakasagot.  Run away?  Hindi ko kayang gawin iyon.  Tumingin sa akin si Armel at talagang hinihintay ang sagot ko.

            "Tayong dalawa.  Umalis tayo.  Sasama ako sa iyo kahit saan mo gustong pumunta," kitang – kita ko ang kaseryosohan sa mukha niya.

            "Hindi ganoon kadali ang sinasabi mo.  It's too complicated," umiiling na sagot ko.

            "Alin ang complicated?  Mahal kita.  Noon.  Ngayon.  Bukas.  'Tang ina, mahal na mahal kita."  Napapikit pa siya nang sabihin iyon at bumangon sa kama pero nanatiling nakaupo doon.

            Nag – umpisa na naman akong umiyak. 

            "Ako ba Sallie minahal mo?  Kasi, hindi ko maintindihan.  Bakit hindi tayo puwedeng maging masaya?  Bakit hindi tayo puwedeng magsama?"

            "Hindi ko kayang maging masaya kung alam kong may masasaktan akong iba." Sagot ko.

            Napapikit siya sa sagot ko at napailing.

            "Dahilan mo lang iyan.  Kasi kahit kailan naman hindi ako naging importante sa iyo.  Kahit kailan hindi ako ang naging priority mo.  It is still your fucking job.  Your fucking pride.  Mas importante sa iyo 'yung makakapagmalaki ka sa mga tao.  Ako?  Nasaan ako sa priority mo?" damang – dama ko ang hinanakit sa bawat salita niya.

            "Armel, alam mo na ikaw lang ang mahal ko." sa pagitan ng mga hikbi ay sabi ko.

      "Then why you don't choose me?"

      Hindi ako nakasagot at sumisinok-sinok lang ako sa tindi ng pag-iyak.

            "Sa iyo lang ako nagpakagago ng ganito.  Ikaw lang ang nanggago sa akin ng ganito.  Even if you pretended to be someone else ikaw pa rin ang gusto ko.  You left me, still ikaw pa rin ang gusto ko.  You wanted to find your luck somewhere else, sige pinabayaan kita kasi iyon ang gusto mo.  Sabi mo two years lang but you never came back.  I waited for another year and I followed you in Toronto.  I wanted to ask you to come back to me so we can be together," napailing pa si Armel nang parang maalala ang nangyari sa pagpunta niya doon.  "But I saw a different you."

            Hindi ako makapagsalita.  Iyak lang ako ng iyak.

            "Ang saya – saya mo 'nung nakita kita.  You were full of confidence while talking to those people.  Giving orders to your staff.  I know that time if I tell you to come back to me, hindi ka rin naman sasama sa akin.  I know it's over between us kaya nag – propose na ako kay Bianca."

            Lalong akong napaiyak nang marinig ko iyon. Guilt was killing me. Grabe itong nagawa kong kasalanan para kay Bianca.

            "Bianca was there when I was so down.  Hindi niya ako iniwan kahit alam niyang hindi ko siya mahal.  I already programmed myself to love her kahit alam kong hindi naman talaga buo ang pagmamahal ko sa kanya.  Pero bumalik ka. Bumalik ka kaya umasa na naman ako."

            Umiling – iling lang ako. 

            "I am sorry.  Sorry for everything.  Sorry kung akala mo na hindi kita minahal.  Sorry kung akala mo na hindi kita priority.  I love you so much that I sacrificed my love for you para makapantay lang ako sa iyo.  Gumawa ako ng paraan para maabot kita kasi alam kong napakalayo ng agwat nating dalawa," sagot ko sa kanya.

            Umiiling – iling lang si Armel na parang hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko.  Tapos ay pagalit siyang tumayo sa kama at nagsuot ng boxer shorts.  Narinig ko pang mahina siyang nagmura.

            "So, what now?  After this, thank you na lang uli?  Goodbye sex na naman ito?" tumawa siya ng nakakaloko.  "'Tang ina, Sallie.  Diyan ka naman magaling.  Magaling kang umalis.  Magaling kang mang – iwan."

            "Armel naman.  Isipin mo naman ang complication nito.  Masasaktan si Bianca.  Napakabait 'nung tao.  Hindi ko kayang saktan si Bianca." Mabilis kong pinahid ang luha ko.  "Ikakasal na kayo in two weeks.  In two weeks," at napahagulgol ako ng maisip iyon.  Two weeks na lang pala at matatali na sa iba ang lalaking mahal ko.

            Nakita kong lumapit sa akin si Armel at lumuhod sa harap ko.  Nakaupo na ako sa gilid ng kama at yakap – yakap ko ang kumot para itapi sa katawan ko.  Hinawakan niya ang kamay ko tapos ay hinahalikan iyon. Hitsurang nagmamakaawa sa akin.

            "Kaya ko ngang talikuran iyon. Sabihin mo lang na ako na ang pipiliin mo iiwan ko ang lahat para sa iyo."

            Umiling lang ako at pinahid ko ulit ang luha ko.  I need to decide.  Kailangan ko ng putulin ito.  Kahit masakit, kailangan kong gawin ito.

            "I – I can't.  I'll be back in Toronto in two weeks.  Doon na ako mag – stay sa Boracay starting tomorrow.  I won't come back anymore.  I'll accept the offer of the company to stay in Toronto for good," bahagya pa akong pumiyok ng sabihin iyon.

            Napapikit si Armel sa narinig na sinabi ko at painis na binitiwan ang mga kamay ko. Tapos ay tumayo siya at nagbihis ng t-shirt.

            "So definitely, this is goodbye." Matigas na sagot niya.

            Tumango lang ako.

            Napatango – tango siya.  Maya – maya ay narinig namin na tumutunog ang telepono niya.  Kinuha niya iyon at napabuntong – hininga ng makilala kung sino ang tumatawag.

            "Bianca," halos padaing ang pagkakasabi niya.

            Napayuko lang ako.  Ibang klase ang sakit at guilt na nararamdaman ko. Pakiramdam ko, kabit akong kasama ng isang lalaking may-asawa. Ganoon pala ang feeling 'nun. Nakakapanliit.

            "Yeah.  Sure.  When?  Canonical interview?  Sure.  I'll be there," narinig kong sabi niya.

            Napalunok ako.  Canonical interview.  Alam ko iyon.  Meeting iyon sa pari na magkakasal sa kanila.  Nagbihis na ako habang busy siya sa pakikipag – usap kay Bianca.  Nag – uusap sila tungkol sa preparation ng kasal nila.  Pakiramdam ko sinasaksak ang dibdib ko.  Kung siraulo ako at makasarili, puwedeng – puwede na kaming tumakas ni Armel ngayon.  Sabihin ko lang sa kanya na magsama na kami, alam kong gagawin niya iyon.  Iiwan niya si Bianca.  Pero hindi ko talaga kayang manakit ng ibang tao.  Hindi ko kayang maging masaya na alam kong may ibang taong umiiyak dahil sa kaligayahan ko.  'Di baleng ako na lang.  Ako na lang ang magsasakripisyo.

            Nakaayos na ako ay nanatiling nakaupo lang si Armel sa upuan sa kuwarto niya at nakayuko.  Tapos na silang mag – usap ni Bianca.

            "I – I have to go," sabi ko.

            Hindi siya kumibo at tumingin lang siya sa akin.  Parang dinudurog ang puso ko nang makita kong umiiyak siya tapos ay umiiling.

            "I was hoping you will choose me," basag na basag ang boses na sabi niya.

            Ayoko ng umiyak pero hindi ko mapigil ang sarili ko.  Nakita kong mabilis na pinahid ni Armel ang luha niya at ngumiti sa akin.

            "Goodluck.  Goodbye. Maybe in our next lifetime, ako na ang piliin mo." Punong-puno ng pait ang ngiti niya sa akin.

            Hindi ko na talaga kaya kaya mabilis na akong lumabas ng kuwarto niya.  Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng bahay niya.  Iyak lang ako ng iyak hanggang sa kotse.  Hanggang sa nagda – drive ako.  Parang bao ang ulo ko habang nagmamaneho.

            I don't know where to go.  Kanina pa nagri – ring ang telepono ko at tumatawag si Chris pero hindi ko sinasagot.  I need to be alone right now.  I don't know what will I do.  I put an end to my happiness and it's fucking killing me right now.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top