Random guy
Sallie's POV
Dire – diretso ako sa lounge bar sa loob ng hotel. I ordered six bottles of beer. Kahit alam kong mabilis lang naman na maibibigay ang order ko ay naupo ako sa stool na naroon at naghintay. Ayoko pang bumalik doon na naroon pa si Bianca. Hindi ko kayang humarap sa kanya pagkatapos ng nagawa ko.
"Would you mind if I take the seat beside you?"
Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko. Nakangiti siya sa akin at halatang hinihintay ang sagot ko.
Napakunot ang noo ko at tiningnan ko ang ibang mga upuan. Ako lang ang nakaupo sa bar area at hindi naman okupado ang ibang mga upuan. Dito pa talaga siya uupo sa tabi ko.
Umiling lang ako at ibinaling ko ulit ang atensiyon sa phone na hawak ko.
"Is this yours?" tanong pa niya sa akin.
Tiningnan ko ang sinasabi niya at nakita kong ibinibigay niya sa akin ang isang baso ng tequila sunrise.
Umiling lang ako at muli akong nag – cellphone. "I didn't order that." Tipid kong sagot.
"I am Brad," pakilala niya.
Napahinga ako ng malalim at humarap sa kanya. Mukhang hindi naman kasi titigil mangulit ito. Pinasadahan ko siya ng tingin. Not bad. Mukhang matangkad at guwapo naman. He looks like a model. Hindi nga kaya model ito? Kasi alam ko may bikini summit na kasabay ang anniversary ng hotel. His color was tanned already. He was wearing a shirt and board short pero malakas pa din ang dating. Nanatili niyang hawak ang baso ng tequila sunrise at iniaabot sa akin.
"Told you it's not mine." Ngumiti lang ako sa kanya at kinuha ko ang bucket ng beer na inorder ko.
"It will be yours if you're going to accept it. From
me," lumitaw ang pantay-pantay na ngipin ng lalaki nang ngumiti sa akin.
"I have to go. Thanks for the that though," binitbit ko na ang bucket ng beer at tumayo. Ganoon din ang ginawa niya at sinabayan akong maglakad.
"Aren't you suppose to tell me your name?" nakangiting sabi niya sa akin.
"Sallie." Hindi ko ugaling nakikipag-usap sa mga ganitong nakikilala ko lang sa kung saan pero kailangan ko ng diversion. Mukha namang harmless ang isang ito kaya pinapabayaan kong sumabay sa akin.
"Can I join you finish that beer, Sallie?" pangungulit pa niya.
Medyo makulit siya. Pero naisip ko, wala naman masama kung I – entertain ko ang lalaking ito. He looks nice saka kasama ko naman si Chris.
"This is for me and for my friends," sagot ko sa kanya.
Kinausap niya ang kasalubong namin na waiter at umorder siya ng isang bucket ng beer. Nang maibigay iyon sa kanya ay bumaling siya sa akin.
"I have my beers so can I join you now and your friends?" nakangiting sabi niya at ipinakita ang hawak na bucket of beers. "Puwede ba? Sana puwede," sabi pa niya.
Napahinga ako ng malalim at napangiti. Maybe I needed a breather. Maybe this guy can give me the peace that I am looking for. Kahit ngayong gabi lang. May makausap naman ako na hindi si Armel ang pag – uusapan namin.
"Fine join us." Naiiling na natatawang sagot ko.
Ang ganda ng ngiti ng lalaki at halatang na-excite sa narinig na sagot ko.
-------------------------------------à>>>
Armel's POV
Inilang lagok ko lang ang hawak kong beer at nanatili akong nakatingin sa gawi ni Sallie na nakikipag – usap sa kung kaninong lalaki sa may bar area. Who the fuck is that guy? He is flirting with her. And she is entertaining that asshole. Gustong – gusto kong tumayo doon at lapitan sila.
"Don't ever think about it, Armel." narinig kong sabi ni Rex.
Parang nabasa ni Rex ang nasa utak ko.
"Who is that guy?" inis na sabi ko.
"Wala ka ng pakialam 'dun. Pabayaan mo si Sallie. She is single so she has the right to entertain other guys," sagot niya sa akin.
"She is not single. Boyfriend niya si Chris," sagot ko.
Natawa si Rex sa sagot ko. "Says who?"
"Says her. Sallie." Iritableng sagot ko. Gusto kong batuhin ng bote ang lalaking iyon nang makita kong inaabutan ng kung anong inumin si Sallie.
"At naniwala ka naman? Of course she will tell you that she has a boyfriend. Siyempre ayaw niyang maging loser sa paningin mo. They are just collegue and friends. Nancy told me that," sagot ni Rex at uminom din ng beer.
Napatingin uli ako sa gawi nila at nakita kong nakangiti na si Sallie sa lalaki at sabay silang umalis doon.
Naramdaman kong inakbayan ako ni Rex.
"Forget her, okay? You are not meant for each other. Sabi mo nga hindi mo kayang saktan si Bianca. Hindi mo kayang iwan. Pabayaan mo na si Sallie. Talagang ganoon. Minsan kung sino talaga ang gusto mo, hindi talaga nagiging sa iyo."
Napahinga ako ng malalim at inubos ko na ang beer ko at tumayo.
"Where are you going?" takang tanong ni Rex.
"I'll just look for Bianca."
Halatang hindi kumbinsido si Rex sa sagot ko pero hindi niya ako pinigilan.
"Don't do something stupid, Armel." Paalala nito.
Ngumiti lang ako ng maasim sa kanya at naglakad na palayo doon.
The anniversary party is about to start. Nang lumabas ako, maraming ng tao sa harap ng hotel dahil nanonood ng fire dance na kasama sa entertainment. Most of the guests are wearing swimsuits. Employees and guests, some foreigners also joined the event. Kahit paano natutuwa ako kasi sumikat na sa mga bakayunista ang hotel namin dito. I didn't imagine na after three years, isa na ang hotel namin na puntahan ng mga tao dito.
Nakita ko si Sallie at ang lalaking kasama niya na naglalakad papunta sa beach. Naglakad ako at sinundan sila pero sinisiguro ko na hindi nila ako makikita. Ang gago ko din. Galit na galit na ako kasi nagtatawanan pa sila. Pero tama nga si Rex. Kasi tinapos na lahat ni Sallie ang pag – asa ko kaya hindi na dapat ako nakakaramdam ng ganito. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin hangga't nandito siya. Hangga't nakikita ko siya.
"Are you with your boyfriend? Baka biglang may sumapak sa akin kasi nakipagkilala ako sa iyo," narinig kong sabi ng lalaki.
At gusto ko ngang gawin ang sinabi niya. Gusto kong lumapit at sapakin siya, at paduguin ang mukha niya.
Umiling si Sallie. "No boyfriend," sagot niya.
Napailing ako. And here it goes. The flirting games begin.
Nakita kong nagliwanag ang mukha ng lalaki sa narinig. "Alright. That's good to hear. No boyfriend.
Tumango lang si Sallie at tipid na ngumiti.
"Is it okay if we chat the whole night? With you? With your friends?"
"Bakit? Wala ka bang kaibigan na kasama dito?" sagot ni Sallie.
Natawa ako sa sagot niya. That's my girl. Always fierce.
"I do have friends. But parang mas gusto kong ikaw ang kasama ko," sabi ng lalaki at natawa ito. "I am sorry. Presko ba? You just don't know how you shook me when I saw you. Actually kanina pa kita nakita with your friends. Sinundan lang kita sa bar. I told myself I am not going to let this night pass na hindi kita nakikilala."
I saw Sallie smiled and looked at the guy. And I am furious! Ako lang dapat ang nagpapangiti sa kanya.
"Fine." sabi niya.
Nakita kong lumapad din ang ngiti ng lalaki at Bahagya pang dumikit kay Sallie. And I wanted to charge him and punch his face, beat him until he is like a pulp. A murderous rage is enveloping my head kaya huminto ako sa pagsunod sa kanila. I need to stop. I need to stop thinking about her. I need to forget her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top