Photo op


Sallie's POV

Nagulat ako sa ginawa ni Chris nang hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin lang siya kay Armel tapos ay ngumiti siya sa akin. He is still holding my hand tightly. Kahit na gusto kong alisin ang pagkakawak niya ay talagang ayaw niyang bitawan ang kamay ko tapos ay lumapit siya sa akin at bumulong.

      "Just go with it," mahinang sabi niya at ipinulupot pa ang kamay sa beywang ko.

Pare – pareho kaming napatingin sa stage dahil narinig namin na nagsalita ang host. The party is about to start. Naipagpasalamat kong napunta doon ang atensiyon ng lahat kaya mabilis akong lumayo sa lugar nila Armel. Bumitiw din ako sa pagkakahawak ni Chris.

"Where are we going?" takang tanong niya.

"Doon na lang tayo malapit sa bar. I want to drink," tanging sagot ko.

Hindi kumibo si Chris at sumunod sa akin. Naupo kami sa stool doon at pinanood ang nangyayari. Everyone is happy when the host called the couple Armel and Bianca on the stage and congratulated them on their recent engagement. Pumikit – pikit ako kasi ramdam kong namasa ang mata ko. Parang may bumarang kung ano sa lalamunan ko nang makita kong nakangiti pareho ang dalawa at nagpapalakpakan ang mga tao. Ang saya – saya ni Bianca. She is a picture of a woman in love. Ganoon din si Armel. He looks happy while he is looking at Bianca.

"Let it out."

Napatingin ako kay Chris sa narinig kong sinabi niya. Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin

"What?"

"Just let it out, Sallie. I know you are hurt and you need to let it out," sabi niya sa akin.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na napigil ang sarili ko. Tuluyan na akong napaiyak. Naramdaman kong niyakap ako ni Chris at bahagyang hinagod ang likod ko.

"If you want to tell it to me, I am all ears. I am ready to listen."

Umiling lang ako at napasinghot – singhot. Mabilis akong humiwalay sa kanya at pinahiran ko ang luha ko tapos ay pinilit kong ngumiti.

"I am sorry. Masaya lang ako para sa kanila," sabi ko kahit nanginginig ang boses ko dahil sa pagpipigil ko ng pag – iyak.

Nakita kong tumawa ng nakakaloko si Chris at uminom sa hawak na beer.

"Nice try, Sallie. I think you need to be more convincing," natatawang sabi niya.

Hinid ako kumibo at dire – diretso ko ding ininom ang margarita na nasa harap ko.

"Who is Armel in your life?" tingin ko ay hindi na nakatiis si Chris na hindi magtanong.

"Nobody," sabi ko.

"Really? I don't think he is just a nobody to you. I can see the way you look at him."

Tumingin lang ako sa kanya at umorder ulit ng isa pang margarita. Dire – diretso ko ulit na ininom iyon.

"An old flame," tanging sagot ko. This is the first time that I opened to Chris about my lovelife.

"You were a couple?" pangungulit pa niya.

Natawa ako at napapaiyak din nang maalala ko ng magpropose sa akin si Armel.

"I was once engaged to him," parang sa sarili ko lang sinabi iyon. Napangiti pa ako nang maalala ko ang mga ginawa niya. Kung gaano siya ka – sweet sa akin.

        Kung gaano niya ipinakita at ipinaramdam ang pagmamahal niya sa akin na itinapon ko lang para sa pansarili kong kaligayahan.

"What happened?"

Tumingin lang ako sa kanya. "I chose my dreams over him." Tanging sagot ko at inisang lagok ko ulit ang hawak kong alak. Umorder ulit ako ng isa pa.

"Is he the reason why you didn't have any relationships? Is he the reason why you're so distant with all your suitors?" tanong pa niya.

"Chris, please. I don't want to talk about him anymore." Kasi nasasaktan na ako ng sobra.

"That's why you don't want to stay here," sabi pa niya.

"I don't have any reason to stay," sagot ko at muling uminom sa hawak kong margarita. This is my third glass already and I can feel that my body is becoming numb. I want more of this para mas matindi ang manhid. Para hindi na ako makaramdam ng sakit.

"We would like to also announce the merging of Summer Rose Hotel and the international hotel Springsville Resort and Spa," narinig kong sabi ng host at nagpalakpakan ang mga tao ng marinig iyon.

Nagkatinginan kami ni Chris sa narinig at napatingin kami sa stage.

"We would like to call on the new Country Manager for Summer Rose Hotel Ms. Sallie Ricarte and Operations Manager of Springsville Resort and Spa Mr. Chris Kutcher!"

"They're calling us?" pagtataka ko.

"I think so," alam kong nagtataka din si Chris na nakatingin din sa stage. Wala naman kasing nabanggit sa amin tungkol dito.

"Ms. Ricarte and Mr. Kutcher can you please join us on the stage so the people will know who you are," sabi pa ng host.

Naramdaman kong inalalayan ako ni Chris na makatayo. Nakatingin ang lahat ng tao sa amin habang naglalakad kami papunta sa stage.

"You're drunk. Just walk slowly," narinig kong bulong sa akin ni Chris habang inaalalayan niya akong maglakad.

Napatawa lang ako. Kaya pala parang ang gaan – gaan ng lahat ng pakiramdam ko.

Nakipagkamay si Chris kay Mr. Rufus Fernandez at ganoon din ang ginawa ng matanda sa akin. Yumakap pa nga siya sa akin saka si Suzanne. Tapos ay iminuwestra ng host si Bianca at si Armel. Parang sinasabi na iyon naman ang kamayan namin. I think kailangan para sa photos for marketing purposes siguro.

"Welcome," masayang bati ni Bianca sa akin at humalik at yumakap sa akin. Ganoon din ang ginawa niya kay Chris.

Nang mapatapat ako kay Armel ay nagkatinginan lang kami. Nakatingin lang siya sa akin. Seryoso ang mukha. Walang kahit na anong ekspresyon.

Ako na lang ang naglahad ng kamay para kamayan siya.

Pero nagulat ako nang bigla niya akong – ibeso sa pisngi saka nakipagkamay.

"Welcome to the company," seryosong sabi nito.

Napalunok ako at napatingin lang ako kay Chris na nakatingin sa amin. Mabilis siyang lumapit at nakipagkamay na lang din kay Armel tapos ay pumagitan siya sa gitna namin. Naramdaman kong humawak ang kamay ni Chris sa bewang ko.

"Stay still. Just smile. Don't show any emotions," bulong niya sa akin. Siguro nahahalata ni Chris na kinakabahan ako at nasisira ang poise ko dahil naroon si Armel.

Hindi ko alam kung ano pang mga sinasabi ni Chris pero sinunod ko na lang lahat ng mga sinasabi niya sa akin.

Nang tapos na ang photo op ay sabay – sabay na kaming bumaba sa stage. Nakasunod sa amin si Bianca at si Armel.

"You two looks cute. Ang sweet – sweet 'nyong dalawa," nakangiting sabi ni Bianca sa amin habang naglalakad kami ni Chris pabalik ng bar.

"Really?" nakangiting sagot ni Chris at umakbay pa siya sa akin.

"So the two of you are going to work here?" tanong pa ni Bianca. Napatingin ako sa gawi ni Armel at parang gusto kong magsisi at ginawa ko pa iyon. Kasi pakiramdam ko ay mahihiwa na ako sa talim ng tingin niya sa akin.

"Yeah. We will stay here for a month. Then after that, we will go back to Toronto. Hindi naman magtatagal dito si Sallie. Both of us have work in Springsville," sagot ni Chris.

"Then why did she accept the job if she is just going to stay here for a month? Don't you think it's just a waste of time? After a month, another manager will step in. Another transfer of work. Another person to train," dama ko ang inis sa tono ng salita ni Armel.

"It is the management decision," tanging sagot ni Chris.

"Fucking management decision. Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin maka – decide para sa sarili mo?" Ang sama ng tingin sa akin ni Armel.

Napalunok ako sa sinabi niya at hindi agad nakapagsalita. Nakita kong gulat na napatingin si Bianca kay Armel.

"Love, hey. What's wrong?" parang nahihiyang napatingin sa amin si Bianca dahil sa inasal ni Armel.

"Wow," narinig kong nasabi ni Chris at napatingin sa akin. "We will just go in the bar. See you around," sabi niya at hinawakan na ang kamay ko para makaalis kami doon.

---------------------------------------à>>>>>

Armel's POV

"Armel, what was that? What's with the attitude? Nakakahiya naman kina Sallie," kita kong naiinis si Bianca sa inakto ko.

"Did I say something wrong? Tama lang ang sinabi ko. It's fucking waste of time. Bakit kailangan pang mag – stay ng one month kung aalis din naman ulit," sagot ko.

"They told you it was the decision of the management. Of all people ikaw ang dapat na nakakaintindi niyan," sagot in Bianca sa akin.

Hindi ako kumibo at kumuha ako ng beer sa dumaang waiter. Dire – diretso kong ininom iyon at gusto kong ibato ang bote ng makita kong nakapulupot na naman ang kamay ni Chris sa bewang ni Sallie.

"Kanina ka pa umiinom. May problema ka ba? Hindi ka ba masaya sa engagement natin? Sa merging ng company? Everything is successful. Everyone is having a good time. Bukod tanging ikaw lang ang iritable," kita ko ang pag – aalala sa mukha Bianca.

Doon ako natauhan. Damn it. Ano ba itong nangyayari sa akin?  Nandito sa harap ko si Bianca pero apektadong – apektado ako sa tuwing makikita kong nakadikit ang Chris na iyon kay Sallie.

"Maghapon ka na lang ganyan, Armel. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa iyo," padaing na sabi ni Bianca.

Napahinga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya.

"I am sorry, Bianca. I am just stressed that's why." Sabi ko at hinalikan ko ang kamay niya.

This is too unfair for Bianca. Hindi ako dapat maapektuhan kung may bagong lalaki sa buhay ni Sallie. Pero kakayanin ko ba kung isang buwan pa kaming magkikita at laging ganito na alam kong may ibang lalaking susunod – sunod sa kanya?

"Can you please focus about us even just for tonight?" pakiusap ni Bianca sa akin.

Ngumiti ako kay Bianca at niyakap ko siya. Pero lalo lang naghuromentado ang dibdib ko nang makita kong magkaharap sa may bar area si Chris at si Sallie. Inaayos pa ni Chris ang buhok ni Sallie at iniipit sa tenga nito. Si Sallie naman ay nakatitig lang kay Chris.

Napalunok ako. How I wish I am the one in Chris' shoes right now.

----
Like our FB page Helene Mendoza's Stories

You can also join our FB group HM's reading nook for story discussion and fun interaction with other readers. Be sure to answer all membership questions to be accepted

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top