One night

Armel's POV

I took several deep breaths before I entered the room where Bianca was staying.  I saw her lying on the bed and just looking at the ceiling.  Blood was dripping from the blood bag near her.  I sat down on the chair near the bed. 

            "It was her right?" narinig kong sabi niya.  Hindi siya tumitingin sa akin.  Basta nakatingin lang siya sa kisame.

            "Yes," nakayukong sagot ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon.

            "That's why you changed when she came back," nabasag ang boses niya.

           Hindi ako sumagot at umiling lang. Guilt was starting to take over me.

            "Do you still love her?" Napapiyok pa siya nang itanong iyon.

            "Bianca, please.  We don't need to talk about it," sagot ko.

            "Do you still love her, Armel?" may diin na ang pagkakasabi niya noon.

            "It doesn't matter anymore.  We have our own lives now.  Matagal ng tapos ang sa amin."

            Nakita kong umiling siya at tumulo ang mga luha.  "I saw how you look at her.  Akala ko mali lang ako kasi I never saw you look at me the way you look at her," at napatawa siya ng mapakla.  This time nagsimula na siyang umiyak.  "Ang tanga ko din.  Hindi ko nakita iyon.  Right under my nose.  Siya pala ang babaeng minamahal mo," at napapikit siya.

            "Whatever happens after this, tuloy ang kasal natin.  I just want to know if she is okay," sagot ko sa kanya,

            Hindi siya kumibo at umiiyak lang. Umiiling-iling.

            "Kung alam mo na si Sallie iyon.  Why are you doing this?  Why are you helping her?" Walang matinong babae ang tutulong sa alam niyang karibal niya kaya gusto kong malaman kung ano ang plano ni Bianca.

            "Because I love you so much.  I love you so much that I can do everything kahit para sa babaeng mahal mo," at napahagulgol na siya.  "Mahal na mahal kita. Iyon lang siguro ang pagkakamali ko.  Minahal kita ng sobra at wala akong itinira sa sarili ko.  Kahit alam kong sa umpisa pa lang hindi buo ang pagmamahal mo sa akin." Umiiyak na sabi niya.

            Napahinga ako ng malalim.  Sobrang guilt ang nararamdaman ko.  Bianca doesn't deserve an asshole like me.

            "I took the risk of loving you kasi akala ko magiging okay na ang lahat.  I accepted your proposal kahit alam kong hindi ka sigurado.  But I never imagined that this will happen. That you're going to break me like this. Into pieces."

            "Hindi naman siya nanggugulo.  Nagkataon lang na she is working with the company that works with our hotel.  Wala siyang kasalanan, Bianx. Siya nga ang umiiwas sa akin because she does't want to hurt you.  She sacrificed her happiness para sa iyo."

     "At utang na loob ko iyon? I was with you when you were so down. I fixed you." Nanunumbat na ang tingin niya sa akin.

            Nakita kong mabilis niyang pinahid ang luha niya nang marinig namin na tumunog ang door knob.  Parang may nagbubukas ng pinto.  Si Rex iyon.

            "Are you guys okay?" Nag-aalalang tanong nito.

            Pilit na ngumiti si Bianca.  "Of course.  How is Sallie?  Sandali na lang ito," sabi ni Bianca.  Pinilit pa niyang pasiglahin ang boses niya na parang walang nangyayaring hindi maganda sa aming dalawa.

            Nakita kong nagtatanong na nakatingin sa akin si Rex pero hindi siya nagsalita.  Alam kong nag – aalala ito para sa amin ni Bianca.

            "She is stable for now pero under observation pa din," sagot ni Rex.  "Thank you for doing this, Bianca.  You really save her life."

            Ngumiti lang siya at tumingin sa akin.

            "I'd do anything for her," sagot niya at nanatiling nakatingin sa akin.

            Napayuko ako.  Sobrang nako-konsensiya ako. Napakabait ni Bianca and napakagago ko at sinasaktan ko siya ng ganito.

-------------------------------------------------à>>>>>>>

BIANCA'S POV

            I can't stay in the hospital.  Kaya after akong makuhanan ng dugo, umalis na ako doon.  Kahit sabi ng mga nurse that I needed to stay for a while and I can't drive, umalis pa rin ako.  I can't stay there.  Kasi para akong dinudurog.  I know kahit hindi nagsasalita si Armel, alam kong sobrang nag – aalala siya para kay Sallie.  This was the first time I saw him shaken like this.  Talagang natataranta siya. Hindi makausap ng matino. It was like I was brought back three years ago when I found him broken and wasting his life.

            Here I am alone in the bar inside Summer Rose.  I've been drinking I don't know how much already.  Basta gusto kong maging manhid.  I can't bear the pain, because it is killing me slowly. 

            Everything was all set.  The church, the venue, the caterers, dresses, flowers, cakes, everything.  I am going to be married in five days.  In fucking five days!  Pero bakit ganito?  Bakit ganito ang nangyari?  How will I explain to everyone that I am marrying a man who was inlove with someone else?  What did I do to deserve this kind of pain?

            Inintindi ko lahat.  Alam kong may ibang mahal si Armel noon.  He was really broken and I was the one who was with him.  It's too unfair kasi Sallie left him.  Ang daya – daya niya.  Iniwan niya lang si Armel tapos ngayon bigla siyang babalik kung kelan maayos na ang lahat.

            "Hey, are you okay?"

            Napatingin ako sa nagsalita at nakilala kong si Chris iyon.  Ang kaibigan ni Sallie.

            "Is she okay now?" garil na ako.  I can't feel anything at all anymore kasi marami na akong nainom.

            Bahagya siyang tumango at umorder ng beer. 

            "Thanks to you," sagot niya.

            Napatawa ako ng nakakaloko pero sumubsob din ako sa mga braso ko at sa mesa at napaiyak.  Naramdaman kong marahan niyang tinapik ang balikat ko.

            Nag-angat ako ng mukha at nakita kong malungkot siyang nakatingin sa akin habang punong – puno ng luha ang mukha ko.  Inabutan niya ako ng panyo.

            "I don't fucking deserve this.  It's too unfair," umiiyak na sabi ko.

            Napahinga ng malalim si Chris habang nakatingin sa akin.

            "They are meant for each other, Bianca.  You know that.  You know that Armel loves someone.  He never really loved you," sabi niya.

            Lalo akong napaiyak sa sinabi niya.  Kasi totoo iyon.  Alam ko iyon. 

            "Kaya ba siya bumalik?  Para bawiin si Armel?  Iniwan na nga niya si Armel. Itinapon niyang parang basahan. Tapos ngayong okay na, bigla siyang babalik?" para akong bata.  Hindi ko na alam ang mga rason ko.  Ang alam ko lang kasi ngayon ay nasasaktan ako.

            Muli kong kinuha ang baso ng alak at dire – diretso kong ininom iyon.  Nakatingin lang sa akin si Chris.

            "What will happen now?" tanong ni Chris.

            Nagkibit ako ng balikat at nagpahid ng luha.  Ano na nga bang mangyayari?

            "He doesn't want to call off the wedding.  Sabi niya ituloy daw namin.  Siguro itutuloy na lang.  Hindi ko alam. Bahala na," natatawang sabi ko at tumayo na. 

            Fuck my head was spinning.  Gawa yata ito ng pag – donate ko ng dugo tapos ito at naglasing na ako.  Naramdaman kong inalalayan ako ni Chris.

            "Come on.  I'll take you home.  Just tell me where," sabi niya.

            Ibinigay ko ang susi sa kanya at natawa siya.

            "I don't have a driver's license here.  I can't drive.  We'll just take a cab," sabi niya at inaalalayan akong maglakad para makalabas kami.

            "Stupid.  That's the key to my house," pagaril na sagot ko at sumandal pa sa kanya. It feels so good to feel next to someone. To know that someone was here for me.

            Natawa din siya.

            Hindi ko alam kung paano kami nakakuha ng sasakyan basta bits and pieces na lang.  I just told the driver my address then I think I passed out already.  When I opened my eyes we were in – front of my house.  Chris was trying to help me to walk.

            "You need to get up.  Do you live alone?" tanong niya sa akin.

            Tumango lang ako at isinenyas ko na buksan niya ang pinto.

            "I think I'm going to throw –" at bago ko matapos ang sasabihin ko ay sumuka na ako sa dibdib ni Chris.

            "Fuck," narinig kong sabi niya.

            "Sorry," at natatawa ako.  Shit.  Natatawa ako na naiiyak ako.  I am too fucking wasted.  This was the first time I did this.  I am a good girl and I don't drink like this.

            He opened the door and ramdam kong gumegewang akong naglalakad papasok.  He followed and helped me get into my bed.  But I can't sleep like this.  Tumayo ako at dumiretso ako sa banyo.  I turned on the shower at kahit nakadamit ay tumapat ako doon.  Siguro para makaramdam ako.  Kasi manhid na manhid ang sarili ko dahil sa sakit ng kalooban na nararamdaman ko.

            "Bianca, please.  You need to get up," narinig kong sabi ni Chris at pinatay nito ang shower at tinulungan akong makatayo.

            "Get out!  Gago kayong lahat!  Niloko 'nyo ako!" hindi ko na napigil ang sarili ko at talagang kailangang mailabas ko ang galit ko.

            "Calm down," sabi niya habang pinipigilan ako pero talagang nagwawala ako. Ang lahat ng galit at sama ng loob na nararamdaman ko ay ibinunton ko kay Chris. Pinaghahampas ko siya sa mukha, sa dibdibx Naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit.

            "I don't deserve this," umiiyak na sabi ko.

            "I know," sagot niya sa akin habang yakap ako.

            "Ang sakit-sakit," sabi ko pa rin.

            Humiwalay siya sa akin at marahang pinahid ang mukha kong basang – basa ng tubig at luha.  Basa na rin siya.  Ngayon ko lang napansin na wala na siyang polo na suot hinubad niya siguro kasi nasukahan ko siya.

            "I know the feeling, Bianca. Trust me. I can feel your pain but you need to let go," Seryosong sabi niya sa akin.

            I don't know what came into me but I kissed Chris and he was kissing me back.  I just want to taste his lips.  I just want to feel that someone wants me right now.  And Chris was here.  I can feel his warm touch.  His deep kisses.  And I want to be with someone right now who can give the love that I needed even just for tonight.

------------------------------------>>>>>

Kaway - kaway sa mga may gustong may forever si Chris at Bianca :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top