One month


---------------------------------------------------------->>>>>>>>

Sallie's POV

Hindi ko pinansin ang nagtatanong na tingin sa akin ni Chris nang makabalik ako sa hotel. Naroon din si Nancy at busy sa pakikipag – usap sa kung kanino sa telepono. Iniuwi ko na muna si Enzo sa bahay bago ako bumalik at siniguro kong maayos ang hitsura ko para wala ng magtanong sa akin.

Iisang araw pa lang akong nakakabalik ng Pilipinas pero pakiramdam ko, ang tagal – tagal ko na dito dahil sa dami ng nangyari. Hindi pa ako handa na makaharap si Armel pero tadhana na yata ang gumagawa ng paraan para magkita kami.

"You okay?" siguro ay hindi na nakatiis si Chris kaya nagtanong na siya.

Pinilit kong ngumiti at tumango.

"Enzo had an accident in his school," sagot ko at napahinga ng malalim.

"Is He okay? What happened?" dama ko ang pag – aalala ni Chris. Alam niya kung gaano ka – importante sa akin si Enzo.

"Yeah. He brawled with another kid. He had a cut under his eye and some bruises on his arm. But he will live," at pinilit ko pang tumawa.

Tumango – tango lang si Chris sa akin.

"Nancy, we need to talk about this. I can't stay here. I need to go back to Toronto," sabi ko sa kanya nang makita ko siyang wala ng kausap.

"Why do you have a problem staying here, Sallie?" Dama ko ang iritasyon ni Nancy sa narinig na tanong ko.

"Because my work is in Springsville. I can't work here," daing ko.

"I don't understand you. You told me you want to go home. And this is your chance to be with your family. Then all of a sudden you want to go back," napahinga pa ng malalim si Nancy.

"Mas sanay na kasi ako doon kesa dito," tanging sagot ko.

"Fine. I already talked to the management. You're going to stay here for one month. Then after that you'll be back in Springsville. Someone will take your place here. Okay na ba 'yun?" sabi niya sa akin.

"Thank you," hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng saya nang sabihin iyon ni Nancy. Parang hindi ko nga yatang tumagal ng isang buwan dito.

"You will be reporting directly to Mr. Carmelo Fernandez. The douchebag son of Mr. Fernandez. I just received the memo that the old Fernandez stepped down already and his son has full control to the company," kitang – kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Nancy. "I don't like that guy. I think you will be having a hard time dealing with him."

Shit. I will be reporting directly to Armel? Ano ba naman? Joke na naman ito? Gustong – gusto ko ng magreklamo at tanggihan na ngayon ang posisyon na ito pero sigurado akong magtataka na si Nancy at hindi ito titigil hangga't hindi ko sinasabi ang totoo.

"Nancy, is it okay if I stay here for one month too? So I can help Sallie? She is new in this job. I think she really needs assistance," narinig kong sabat ni Chris.

"I thought about that, too. I'll discuss that with the management," sagot ni Nancy. "I'll be flying back tonight to Toronto. Just keep me posted about the situation here. I think everything is fine because even if Carmelo Fernandez is the new CEO, the father still has the last say in everything so I think there would be no problem." Dugtong pa ni Nancy.

Problem? Napakaraming problema sigurado dahil si Armel na pala ang CEO.

"Another thing," sabi pa nito na parang may nakalimutan. "You need to attend the welcome party tonight. All managers and supervisors are invited so you need to be there. Bring Chris." At bago pa ako makasagot ay umalis na si Nancy doon.

Hindi ako nakakibo at napatingin ako kay Chris. Nakatingin lang din siya sa akin na parang binabasa kung ano ang nasa isip ko. Tapos ay bigla siyang ngumiti.

"And I'll be your date for tonight. You need to look lovely so every guy in the party will envy me," alam kong nagbibiro lang siya.

"Siraulo ka talaga," natatawa na ako ngayon sa kanya.

This is what I like about Chris. He is so funny and kaya niyang pagaanin ang kahit na anong mabigat na sitwasyon. Hindi ko maintindihan. Guwapo naman si Chris. Mabait. Mayaman. Responsible pero kahit kailan hindi talaga ako nagkagusto sa kanya. Saka alam kong ganoon din naman siya sa akin. Kaibigan lang talaga ang turingan naming dalawa.

Tinapos ko lang basahin ang ibang mga documents na kailangan kong pirmahan at dumiretso na kami sa Ballroom A ng Summer Rose Hotel. Doon dapat sa bahay ng mga Fernandez gagawin ang party but at the last minute, na – inform kami na sa hotel na lang daw ito gagawin. Mas maige iyon naisip ko para wala ng mga memories na babalik na naman sa akin.

Napatingin ako kay Chris nang pumasok sa office ko at may bitbit na paper bag.

"Where have you been? Bigla ka na lang nawala." Sabi ko sa kanya.

"I had a haircut. Hindi mo ba napansin?" sagot niya sa akin at inayos-ayos pa ang buhok niya.

Oo nga. Nagpagupit pala ang mokong na 'to.

"Wow. Mukhang maghahanap ka ng prospect mamaya kaya ka nagpapa – pogi, ha?" natatawang sagot ko.

Natawa din siya sa sinabi ko at iniabot ang paper bag sa akin.

"Wear that," sabi niya.

"Ano 'to?" taka ko at binuksan ko ang paper bag. Isang black spaghetti strapped long gown iyon.

"A dress that you need to wear for the party," sagot niya sa akin na parang hindi makapaniwala sa reaksyon ko. "How many times did you attend an event like this? Bakit parang hindi ka sanay ngayon?"

Kasi wala naman akong balak pumunta talaga. Gusto ko iyong isagot sa kanya. Ang balak ko lang ay sumilip doon, magpakita sa matandang Fernandez tapos ay umalis na.

"Wear this now and go to the salon downstairs. Have your make up and hair done then we will go. Nancy will get mad if she learns that we didn't attend the party," sabi niya sa akin.

Napahinga na lang ako ng malalim. Wala din naman akong magagawa kaya kahit naiinis ay kinuha ko ang paperbag tapos ay iniwan na siya.

"I'll go first in the ballroom. Just call me if you're done. I'll wait for you outside," pahabol pa ni Chris kahit nasa labas na ako.

Inis na tinapunan ko ng tingin ang damit at muli iyong isinilid sa paper bag. I need to be ready for tonight. Siguradong magkakarap na naman kami ni Armel at hindi ko alam kung ano na naman ang gagawin niya para ipakita kung gaano siya kasuklam sa akin.

---------

Armel's POV

"You're still here?"

Nag-angat ako ng ulo at si Daddy ang nakita kong pumasok sa office ko. Bihis na bihis na siya. Guwapong-guwapo sa suot na suit na alam kong pinili ni Suzanne para sa kanya. Napangiti ako. At least I know there is someone that is taking care of him. Someone is making him happy.

Binitiwan ko ang mga papel na tinitingnan ko at sumandal sa kinauupuan ko.

"I was reading the contract again with Springsville. You know. Baka biglang may sabit pala kaya kailangan kong maging vigilant."

Lumakad palapit sa table ko si daddy at dinukwang ang mga papel. Huli na para maagaw ko iyon at napangiti siya ng nakakaloko nang makita kung ano iyon.

"I was checking their background. Summer Rose is important to me and I need the people who will work here to be competent and know what they're doing." Katwiran ko kahit wala pa namang sinasabi si Daddy. Sigurado naman kasi akony magko-comment siya. File ni Sallie kasi ang tinitingnan ko.

"I am not saying anything, iho. Ikaw naman na ang bahala dito kaya ikaw ang bahala kung ano ang gagawin mo," ibinalik niya sa akin ang papel at painis ko iyong ibinalik sa drawer ko. "But admit it, her qualifications are good. She can run this hotel with no fuss kahit one month lang naman iyon. Hindi naman magtatagal si Sallie." Komento pa niya. "And the guy that's with her. What's his name?" Saglit na nag-isip si dad.

"Chris?" Paniniguro ko.

"Yeah. Chris Kutcher. Mukhang smart ang batang iyon. I was talking to him earlier and he got lots of inputs on how to make our partnership with Springsville good. Maraming ideas para mapaganda pa ang hotel." Halatang bilib na bilib si dad sa lalaking iyon.

Napasimangot ako. Ano namang mga ideas iyon? Maganda na ang Summer Rose. World class quality ang service dito kaya nga ayoko ng makipag-partner pa ito sa iba. Si daddy lang talaga ang mapilit.

"He is good looking too. Bagay na bagay sila ni Sallie." Walang anuman na sabi ni Daddy.

Lalong nangunot ang noo ko. Good looking? Saang banda? Tisoy lang ang gagong iyon. Nalahian lang ng dugong foreigner pero napaka-palasak naman ng hitsura. Kung hindi ba umasul ang mata at hindi tumangkad, wala namang dating ang Chris na iyon.

"I am really glad that someone is taking care of Sallie. She is like a daughter to me." Tinapunan ako ng tingin ni dad tapos at inilapag sa harap ko ang mga papel kung saan naroon ang data ng mga taga Springsville. "Well, she almost became my daughter. Hindi nga lang natuloy."

"Memory lane is closed, dad. Masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon." Matabang na sagot ko.

"Are you, Armel?" Seryosong tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot at kinuha na lang ang mga papel at itinago sa drawer ko.

Kumibit-balikat si daddy at tumayo. Inayos pa ang damit.

"Guests are coming already. Bianca is looking for you. I'll see you downstairs." Kumaway siya sa akin at tinungo na ang pinto.

Kanina pa nakaalis si dad pero nakatingin lang ako sa dinaanan niya.

One month. I keep on telling myself that it will be just for one month.

One month lang akong magtitiis na makatrabaho si Sallie. I'll keep myself busy with my work and my upcoming wedding. Magagawa ko namang umiwas sa kanya. Kasi ang totoo, ayaw ko siyang makita.

Dahil sa tuwing makikita ko siya, bumabalik lang ang lahat kung paano niya ako sinaktan at iniwan na parang basahan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top