Mango Juice
Sallie's POV
"Stop drinking that coffee. Hindi ka naman sanay magkape kaya huwag kang magpanggap."
Gulat akong napatingin kay Armel nang sabihin niya iyon. Ang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa akin. Pero nagsisi din ako nang tumingin ako sa kanya. Kasi kitang-kita ko sa mukha niya, sa mga mata niya ang galit.
"What?" Pagkakasabi pa lang noon ay nabubulol na ako.
Umismid si Armel. "I said stop pretending that you drink coffee. Hindi ka naman nagkakape 'di ba? Baka makasama pa sa iyo 'yan, kargo ka pa ng kumpanya namin. Sayang lang ang gagastusin kung maoospital ka kung kasalanan mo din naman."
Bakit? Anong akala mo? Kaya ka niya ibinili ng mango juice dahil concern siya sa iyo? Gaga. Galit sa iyo ang lalaking iyan. Wala ka ng dapat asahan dahil wala ka ng babalikan. Nag-move on na 'yung tao. Feeling mo naman gusto ka pa niya.
Napapikit ako sa naisip kong iyon. Marahan kong inilayo ang baso ng mango juice at tumingin sa kanya. Pero agad din akong nagbawi ng tingin dahil nanatiling nakatingin sa akin si Armel. Nanunumbat ang tingin.
Napahinga ako ng malalim. I can't stay here. Hindi ko kaya ito.
Hindi ko talaga kayang harapin si Armel.
"Why did you come back?" His tone was flat. Walang feelings. Halatang hindi masaya.
Ito na ba iyon? Ito na ba 'yung time na dapat mag – explain ako?
"Management decision," iyon na lang ang tanging naisagot ko.
"Management decision." Tumango-tango pa siya. "Pero kung ikaw ang masusunod? Ayaw mo ng bumalik?" Tumawa ito ng nakakaloko. "Sabagay, mas masarap ang buhay sa foreign country 'di ba? Mas yayaman ka doon. Matutupad ang lahat ng pangarap mo. Masusunod ang lahat ng gusto mo."
"A–Armel," gusto ko ng umiyak. I want to explain everything to him.
Doon biglang tumalim ang tingin niya sa akin. "Stop calling me Armel. I am the owner of Summer Rose Hotel so please have some respect and call me Sir." Mahina pero madiin na sabi niya.
Napalunok ako. Parang ibinalik ako noon kung saan natuklasan niya kung sino talaga ako. 'Yung time na nalaman niyang niloloko ko lang siya. Ganitong – ganito 'yung feeling ko. Durog na durog ako kasi ipinapamukha niya sa akin kung sino siya at kung gaano kami kalayo sa isa't – isa.
Bahagyang nag – iba ang mood ni Armel nang bumalik sa table namin si Bianca.
"Kids," natatawang sabi niya at napapailing pa. "Imagine, kanina lang they are fighting tapos ngayon best friends na daw sila."
Pinilit kong ngumiti. Hindi ko na kayang magtagal dito. Naipagpasalamat kong biglang tumunog ang telepono ko at nakita kong si Chris ang tumatawag sa akin.
"Chris," tanging nasabi ko.
"Where are you? Nancy is looking for you," bungad niya sa akin.
Pinilit kong huwag umiyak kahit iyon ang gustong – gusto kong gawin. Napatingin ako sa gawi ni Armel at busy ito sa pagtingin sa telepono ganoon din si Bianca.
"I – I just had an emergency. I'll be back now. Please be at my office. I need you," hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Yes. I needed someone right now kasi pakiramdam ko para akong magco – collapse.
"Alright. See you."
Nakita kong nakatingin sa akin si Bianca nang ibalik ko sa bag ang telepono ko.
Pinilit kong ngumiti sa kanya. "You have to go?" Paniniguro ni Bianca.
"Yeah." Muntik pa ako mapapiyok at tumayo na ako. "It is so nice to meet you, Bianca." Sabi ko at bumaling ako kay Armel. "Sir."
Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Armel at patuloy lang siya sa pagba-browse ng telepono niya. Hindi na ako naghintay ng sagot mula sa kanila. Hinawakan ko na sa kamay si Enzo at halos kaladkarin ko para makaalis lang kami doon. Kahit nagpo-protesta ito ay hindi ko pinansin.
I just need to get out of this place dahil baka sumabog na ang dibdib ko.
---------------------------------------------------------à>>>>
Armel's POV
"Armel, you didn't know her? She is the new Country Manager for Summer Rose Hotel. Nagkita na daw kayo sa meeting kanina?" Tanong ni Bianca sa akin ng makaalis si Sallie.
"Hindi ko naman kasi masyadong inintindi ang meeting na iyon. Hindi ko nga alam na kasama pala siya. I hate that team. I hate that international hotel," painis kong inilayo sa harap ko ang mango juice na ibinili ko para kay Sallie kanina.
"She is so nice. Alam mo bang hindi siya nagalit kahit si Matty ang unang nanuntok sa anak niya. Grabe naman kasi si Matty. Hindi na mapagsabihan. Napaka – brat," padaing na sabi ni Bianca at tumingin pa sa pamangkin niya.
Gusto kong i–correct si Bianca na hindi anak ni Sallie si Enzo pero sigurado akong magtataka siya kung bakit ko iyon alam. And besides ano bang pakielam ko sa babaeng iyon? Hindi ko na kailangan pang intindihin kung anong nangyari sa kanya at sa anak niya.
Napaka – small world lang. Umiiwas na ako kay Sallie. I don't want to see her or even near her. Pero mukhang malabong mangyari iyon dahil doon siya magta – trabaho sa hotel namin, and now it looks like Bianca was fond of her.
"So present siya sa party mamaya sa hotel?" Narinig kong tanong ni Bianca.
"What?" Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Sa party later. 'Di ba may welcome party for the new partnership? I'd like to see her again. I like her, Armel. She looks nice, she is pretty, she looks so smart. I mean, she works in Springsville. You know that it is a five-star hotel. I am sure marami kaming mapapag-usapan tungkol sa pagpapatakbo ng hotel." Damang-dama ko ang saya sa boses ni Bianca.
"Bahala ka. Your choice," tanging nasabi ko at nanatili akong nakatingin sa mango juice na nasa harap ko
"Why are you like that?"
Takang napatingin ako kay Bianca at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin.
"What am I like?"
"Like that. Grumpy. Irritable. You were like your old self. You changed. Napakasungit mo the whole day. Kaninang umaga ka pa ganyan. Lahat pinapagalitan mo. Sinigawan mo ang secretary mo. You are not in good mood. May problema ka ba?" Seryosong-seryoso na si Bianca.
Am I that transparent? Ganoon ang epekto sa akin ng pagkikita namin ni Sallie?
"I told you marami lang akong iniisip dahil sa merging ng hotels. Marami akong hindi gustong policy na ayaw nilang sundin," tanging sagot ko.
"Marami kang naging problema sa negosyo mo but I have never seen you like that. Napaka – grumpy mo."
Hindi ako sumagot at uminom sa hawak kong kape.
"Para kang katulad 'nung dati," parang padaing ang pagkakasabi noon ni Bianca.
"What do mean katulad ng dati?" Napipikon na ako.
"Katulad dati. Masungit. Laging galit. Lahat inaaway mo. Two years kang ganoon 'di ba? Ako na lang ang nagtiyaga sa iyo. Even your best friend Rex inaway mo kahit sa maliit na bagay kaya nagpa – transfer na lang sa hotel 'nyo sa Boracay. I thought you changed already pero iyan ka naman. Nagsusungit ka na naman kahit sa maliliit na bagay," tonong nagsesermon si Bianca.
Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Yes. It's true. I changed when Sallie left me. Ganoon katindi ang impact ng ginawa niyang pag – iwan sa akin. I changed for the worst.
Gustong – gusto ko siyang sumbatan kanina. Si Sallie. Lahat gusto kong sabihin sa kanya. Lahat ng sakit na naramdaman ko. Lahat ng paghihirap ko nang iwan niya ako gusto ko iyong isumbat sa kanya.
But I chose not to say anything. I can see that she changed. Everything in her. Inside out she was a different person already.
Just like me, I knew she moved already. Kaya wala ng dahilan para magpaliwanagan pa kami. Hindi ko na kailangang marinig ang mga paliwanag niya.
"I am sorry, Bianca. Napakarami lang talagang kailangan intindihin sa merging na ito. I am sorry kung pati ikaw ay naapektuhan ko na." Napahinga na lang ako ng malalim.
Napapailing na ngumiti si Bianca sa akin at hinawakan ang kamay ko. Marahan pang pinisil iyon.
"You know I am willing to listen. Tell me everything. Nagtiyaga nga akong makinig sa mga sintimyento mo tungkol sa babaeng umiwan sa iyo. And you are okay. We are okay. Right?" Tumingin pa siya sa akin at hitsurang binabasa ang reaksyon ko.
Pinilit kong ngumiti. "Yes, we are okay, Bianca."
"You are over that girl, right? You moved on. Kaya nga tayo magpapakasal."
Napahinga ako ng malalim.
"Yes, I moved on already, Bianx. She is not coming back, and I forget her already." Napabuga ako ng hangin at ngumiti sa kanya. "Thanks for being with me. Thanks for understanding my moods."
Natawa siya. "Grabe ka naman kasi. Sa ating dalawa, ako ang babae pero ako ang walang mood swings. Ikaw pa ang madalas na meron."
Marahan kong pinisil ang kamay niya pero ang ngiti sa labi ko ay unti-unting nawawala.
Pipilitin ko na lang na umiwas kay Sallie.
Hinding-hindi na ako magpapaapekto sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top