Lunch

Sallie's POV

"W – wait. Wait. Gagawin pa ni Efren ang kotse ko," protesta ko.

Bumaling Armel kay Efren. "Dalhin mo na lang 'yan sa Summer Rose kapag nagawa mo na." sabi niya at bumaling sa akin. "Get inside. I am starving," sabi niya at pinapasakay ako sa passenger side.

Tingin ko naman ay wala naman akong magagawa kaya sumunod na lang ako sa sinasabi niya.

Wala kaming imikan na dalawa habang bumibiyahe kami. Nakatingin lang siya sa kalsada at ako naman ay kunwari nagtitingin sa cellphone ko. Hindi ko naman alam kung anong pag – uusapan namin. Ayaw kong magsalita at baka mag – away na naman kaming dalawa.

"Is Chris already checking where you are?" narinig kong sabi niya.

"Ha?" taka ko. Nakatingin lang siya sa kalsada pero halatang naghihintay ng sagot ko,

"You're staring at your phone. Baka hinahanap ka na ng boyfriend mong foreigner," sabi niya at tinapunan ako ng tingin.

Ito na nga. Umpisa na ng away 'to. Hindi ko na lang papatulan.

"He is just asking if nasaan ako," pagsisinungaling ko kahit wala namang text sa akin si Chris. Papanindigan ko na lang na boyfriend ko kunwari ang lalaking iyon.

"Tell him you're with me," walang anuman na sagot niya.

"Ano?" nagtataka talaga ako. Ano ba ang trip ng lalaking ito ngayon? Kanina galit na galit sa akin tapos ngayon parang wala lang.

"Hindi naman siguro magagalit si Chris kung malaman niyang ako ang kasama mo. Besides, I am your boss and you told me you need to discuss something with me," sabi pa niya sa akin. Nakita kong iniliko niya sa isang high end restaurant ang kotse niya.

"I need to go back to the hotel. Puwedeng doon ko na lang iyon i – discuss sa iyo. Marami pa kasi akong gagawin," sabi ko. Hindi ko kaya 'to. Lunch with Armel? Diyos ko. Anong gagawin ko?

Pero hindi siya sumagot at ipinark sa tapat ng entrance ang kotse niya. Agad na lumapit ang valet driver sa amin at ibinigay ni Armel ang susi dito.

Walang magawa, bumaba na rin ako bitbit ang shoulder bag ko. Nandito na ito. Bahala na.

Hindi ko kayang kumain kahit na nga tinatanong ako ni Armel kung anong gusto ko. Pinabayaan ko na lang siyang umorder ng gusto niya. Sa bandang loob kami nakapuwesto at hindi ko maintindihan kung bakit kahit malamig ang aircon ay pinapawisan ako. Naiwan ko pa naman ang blazer ko dun sa kotse ko.

"Hindi mo gusto ang pagkain?" tanong niya sa akin ng dumating ang food namin. Nagsimula na agad siyang sumubo. Tingin ko mukhang gutom nga talaga. Pasado ala una na rin kasi ng hapon . Kahit nagugutom din naman kasi ako parang hindi ko talaga kayang kumain. Nate – tense talaga ako kasama ang lalaking ito.

"Okay lang," sabi ko at sumubo ng konti.

"What do you need to discuss with me? Next time huwag ka ng pumunta kay daddy. You can tell everything to me," sabi niya sa akin habang patuloy sa paghihiwa ng pagkain niya.

"Hindi ka galit? Hindi ka makikipagtalo sa akin?" hindi na ako nakatiis na hindi magtanong noon sa kanya. Naguguluhan kasi talaga ako. Kanina lang inaaway niya ako, tapos ngayon napaka-civil na niya sa akin.

"Bakit naman ako makikipagtalo sa iyo? I want a smooth relationship between Summer Rose and Springsville. Ano nga ang tawag sa akin ng boss mo? Si Nancy? Douchebag?" at natawa pa siya ng sabihin iyon.

Napahinga ako ng malalim tapos ay napalunok ako. Ito na siguro ang pagkakataon ko para mag – explain.

"I – I am sorry," napayuko ako nang sabihin iyon.

Wala akong sagot na narinig sa kanya.

"I am sorry for leaving. I am sorry for not explaining what happened. Naduwag kasi akong kausapin ka. Naduwag akong madinig ang mga sumbat mo," pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag nang sabihin ko iyon. Ang tagal – tagal kong inipon iyon sa dibdib ko.

Napatingin ako kay Armel at nakita kong marahan niyang iniligpit ang kubyertos niya tapos ay ngumiti sa akin.

"It's fine. Sallie, it is totally fine. Magsisisi ka pa ba? Look at you. You are successful. You got what you wanted without my help. Iyon naman ang gusto mo 'di ba?" sabi niya sa akin.

Bakit ganoon? Bakit parang mas masakit kasi parang wala lang sa kanya ang sagot niya sa akin. Hindi peke ang ngiti niya sa akin. Parang talagang masaya siya sa nangyari sa amin. Mas gusto ko pang galit siya. Mas gusto ko pang sumbatan niya ako.

"I am happy for you," sabi niya at huminga ng malalim. "Kung may mga nagawa man akong hindi maganda 'nung dumating ka, I apologize for that. But now, since we are going to work together, I want us to be civil. Let's put aside everything that happened between us. Saka hindi naman alam ng mga tao ang nangyari sa atin 'di ba? You made sure that people won't know your relationship with me," nagkibit-balikat pa siya nang sabihin iyon.

Aray ko! Ang sakit – sakit naman. Ito na ba 'yon? Naka – move on na siya sa akin?

Pinilit kong ngumiti kahit gusto ko ng umiyak. "T – thank you," iyon lang ang nasabi ko.

Thank you?! Para saan? Kasi na – hurt ako? Thank you kasi nalaman ko na wala na talaga kaming pag – asa? Parang gusto ko ng tumakbo paalis dito at mag – iiyak kay Chris o kaya ay kay Yas.

Ngumiti siya ulit sa akin and I died inside. Because I know that smile will never be for me.

"So? You and Chris. Matagal na kayo?" tanong pa niya at nagpatuloy sa pagkain niya. Para lang kaming magkabarkadang dalawa sa paraan ng pagtatanong niya.

Tumango lang ako.

"How long? Three years? Two?"

"Recently lang," tanging sagot ko.

Napatango – tango siya. "How recent? Two months? Two weeks? One day?" pangungulit pa niya.

"Just recent," ano bang sasabihin ko? Hindi naman talaga kami mag – on ng lalaking iyon. Baka batukan pa niya ako kapag nalaman niyang sinabi kong boyfriend ko siya.

"You don't have plans on getting married? I tell you, preparations are tough but Bianca seems to enjoy," at natawa pa siya.

Demonyo ka, Armel! Huwag mo akong ganituhin. Ang sakit – sakit na ng dibdib ko. Parang sasabog na. Hindi ko alam kung makakatagal pa ako dito.

Umiling lang ako. "N – no plans." Inisang inuman ko lang ang kaharap kong mango juice.

Magsasalita pa sana si Armel nang tumunog ang telepono niya.

"Bianca," narinig kong sabi niya at tumingin sa akin. "Yes. I am having a meeting with Sallie. Re-schedule the meeting with the florist tomorrow so I can go with you. Alright. Love you," at pinatay na niya ang telepono.

"E – excuse me. M – mag – cr lang ako," paalam ko. Hindi ko na hinintay na magsalita si Armel at dire – diretso ako sa banyo. Hindi ko na mapigil ang sarili ko at umiyak na lang ako ng umiyak. Ang sakit talaga. In my face. Naalala ko pa ng sabihin niya ang 'Love you' habang kausap si Bianca. Gusto kong sisihin ang sarili ko na dapat ako ang sinasabihan niya ng ganoon.

Pinilit kong ayusin ang sarili ko. Ayokong makahalata si Armel na apektado talaga ako. Pilit kong isinasaksak sa utak ko na isang buwan lang ito. Isang buwan lang akong magtitiis kaya kakayanin ko na ito.

Nakita kong nakatingin si Armel sa akin nang bumalik ako sa mesa namin.

"Are you okay?" tanong niya.

Tumango lang ako at huminga ng malalim.

"I think Chris is a good guy. You must be lucky for having him," sabi pa niya.

"Can we please talk about my concerns in your hotel?" hindi ko na kayang pag – usapan pa ang tungkol sa kung kanino. Gusto ko ng makaalis dito.

"Oh, yeah." At natawa pa siya. "I totally forgot about that. Ang tagal din kasi nating hindi nagkita 'di ba? Kaya parang na – miss ko ang kuwentuhan. We even had a bad start when I saw you again." Sabi pa niya. "So, what are your plans? What are your recommendations for the improvement of our hotel?"

I need to divert myself into something dahil baka hindi ko kayanin at bigla na lang akong mag – iiyak dito. Isa – isa kong diniscuss ang mga plano ko at suggestions ko sa kanya. Mukhang impressed naman siya sa sinasabi ko at patango – tango lang siya.

"If you think that it would benefit the hotel, sure. We will implement those right away," sagot niya sa akin.

Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.

"You want dessert?" tanong pa ni Armel.

"I need to get back to the office," tanging sagot ko. Gusto ko ng makaalis dito.

"Sorry. Nakalimutan kong naghihintay nga pala si Chris." At sumenyas si Armel sa waiter para kuhanin ang bill.

Wala kaming imikan habang bumibiyahe kami pabalik ng hotel. Mas mabuti iyon naisip ko, kasi nasasaktan ako sa bawat lumalabas na salita sa bibig ni Armel. Puro tungkol kay Bianca, tungkol sa wedding preparation nila. Tungkol sa kung gaano siya kasaya.

Para akong nakahinga ng maluwag ng makarating kami sa hotel at iparada niya ang kotse sa valet.

"I am really glad we had this conversation, Sallie. At least we already have closure," sabi niya sa akin ng pababa na ako.

Napalunok ako.

"S – sure. Thanks for the lunch," at iyon lang halos lakad – takbo ang ginawa ko makapasok lang ako sa loob ng hotel.

      And just like, Armel and I already had our closure.

     Natapos na ang katiting na pag-asa kong magiging akin pa siya.

————

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top