Jumpstart
Armel's POV
"Armel, are you having a hard time working with Sallie?"
Napatingin ako kay daddy at kita kong seryoso siyang nakatingin sa akin.
Umiling ako at itinuon ang pansin ko sa hawak kong telepono. Kanina pa tumatawag si Bianca pero hindi ko sinasagot. Marami na rin siyang texts. She was telling me na may meeting daw kami sa caterer for our wedding. Kanina pa rin ako dapat papunta doon pero nang makasabay ko sa elevator si Sallie, parang biglang nawala sa loob ko na kailangan kong puntahan si Bianca. Lalo na nang tanungin ko si Sallie tungko sa boyfriend niya. Shit. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nag – iinit ang ulo ko. Boyfriend pala talaga niya ang Chris na iyon. At isinama pa niya dito para dito magtrabaho.
"I don't know if I can work with her," parang sa sarili ko lang sinabi iyon.
"Why? I thought you are already over her?" tanong ni daddy sa akin. "You told me kaya ka nag – propose kay Bianca dahil tapos na ang kung anuman na kabaliwan na nangyari sa iyo kay Sallie. I asked you if you are sure about Bianca," seryosong tanong ni daddy.
Akala ko din tapos na. Akala ko din kaya ko ng kalimutan si Sallie. Pero iba talaga ang epekto niya sa akin. She is the only woman that made me crazy before. And she is making me one again.
"You never told me what happened to your trip in Canada. Sabi mo you'll find Sallie and will fix everything. Tapos biglang – bigla kang umuwi dito at bigla kang nag – propose kay Bianca. Armel, what are you doing?"
Hindi ako nakasagot at naalala ko ng pumunta ako ng Toronto few months ago. Yes. I went there to look for her. I got tired of waiting kaya pinuntahan ko na siya. She wanted to find herself and I let her go. Hindi ko siya pinigilan kahit masakit sa akin iyon pero naghintay ako. I think three years of waiting was enough already.
And I found her. I stayed in Springsville where she works. I saw how she changed. She became a different person. I saw her talking to a lot of people, managing people and things around the hotel. Dealing with high ranking officials, name it. She can handle all those people. I wanted to talk to her. I wanted her to know that I was there and I wanted her to come back again. But I didn't. I didn't let her know that I was there. Because when I saw her, it looks likes she doesn't need me anymore. She reached for her dreams without me and I think I can't take that away from her. She found her happiness there. Without me.
That's why when I returned here in Manila, I immediately proposed to Bianca. She's my rebound? Yeah. Maybe. But I know she will not leave me like Sallie did.
Kaya nagulat ako sa pagbalik ni Sallie dito. Alam ko, hindi na siya babalik but she is here kaya nagulo na naman ako.
"Wala naman akong ginagawa. Bianca is here. She's been with me the whole time that I was so fucked up. She didn't left me," sagot ko.
"But do you love her?"
Hindi agad ako makasagot sa tanong ni daddy.
"Bianca is good. She is nice. She is here with me. She will never leave me." sagot ko.
"Carmelo, I am asking you if you love Bianca."
"Dad, please." Hindi ko kasi kayang sagutin iyon. Dahil alam kong alam naman ni daddy kung sino talaga ang mahal ko. Noon at ngayon.
Nakita kong napapailing si daddy.
"You are just making a mess," naiiling na sabi ni daddy. "I am telling you, you need to fix this before its too late. Hangga't may panahon ka pa."
"What do you want me to do? Cancel my wedding? Bianca would be hurt if I do that. Everything is fine. I am okay. Everything is okay until... Fuck! Why did she have come back?" napayuko at napasabunot ako sa buhok ko.
"Hindi mo pa ba sinasaktan si Bianca sa ginagawa mo? Saka paano ka? Magtitiis ka? Ganoon din naman iyon. May masasaktan at masasaktan dahil alam mo kung ano ang totoong nararamdaman mo. I think Sallie still loves you and you also feel the same to her."
Huminga ako ng malalim at tumayo na. "I won't cancel my wedding to Bianca. Besides, Sallie is already happy with Chris and one month lang naman siyang mag – stay dito. We better move on with our lives." Napahinga pa ako ng malalim nang sabihin iyon.
"Alright. If that's what you decided, sige. Bahala ka. Matanda ka na. Alam mo na ang ginagawa mo. But please, ayokong maapektuhan ang trabaho 'nyo dahil sa nakaraan 'nyong dalawa. Ayusin 'nyo ang trabaho 'nyong dalawa at ayokong magkaroon ng problema sa kumpanya ko," may finality na sabi ni daddy.
Hindi na ako sumagot at umalis na lang ako doon.
-------------------------------------------------------à>>>
Sallie's POV
Inis na inis ako habang naglalakad ako palabas ng bahay ni Sir Rufus. Nakakainis talaga. Ang yabang – yabang ng Armel na iyon. Ano ba ang problema niya? Kung may problema siya sa akin dahil sa nangyari sa amin, huwag naman niya akong personalin. I was discussing about work. Pero bakit kailangan niyang isingit ang kung ano – ano. Ayaw naman niyang makipag – usap sa akin ng maayos. Para siyang tanga.
"Alis ka na Sallie?" narinig kong tanong ni Efren nang makita akong papunta sa garahe.
"Oo. Babalik pa kasi ako sa office," pinilit kong ngumiti sa kanya at dire – diretso akong pumasok sa kotse ko.
Napahinga ako ng malalim at sumandal sa upuan. Bakit ba siya ganoon? Ayaw niyang makipag – usap sa akin ng maayos. Gusto ko lang naman na maayos kami kasi magtatrabaho kami pareho. Araw – araw, hindi puwedeng hindi kami magkita kasi sa kanya ako magre – report. Kahit nga nadudurog ang puso ko kapag kasama niya si Bianca, okay na lang. Magtitiis na lang ako hanggang sa matapos ang isang buwan ko dito.
Ipinasok ko ang susi ko sa ignition at nagsimula kong paandarin ang kotse. Napakunot ang noo ko kasi ayaw tumuloy. Ayaw mag – start ng kotse.
"Ano ba 'to? Okay pa 'to kanina, ah!" bulalas ko at pilit kong ini – start pero ayaw talagang magtuloy.
"May problema ba, Sallie?" narinig kong sabi ni Efren ng lumapit sa akin.
"Ayaw mag – start ng kotse ko. Efren, patulong naman. Hindi ako marunong magkalikot niyan. Marunong lang akong gumamit," kunwa ay nagpatawa na lang ako. Kung kelan naman ako nagmamadali, saka pa nasira ang sasakyan ko.
"Baka baterya to," sabi ni Efren ng binuksan ang hood ng sasakyan. "Nasaan ang warranty ng battery?" tanong pa niya.
"Naku, hindi ko alam. Ginamit ko lang naman ito," sagot ko.
"I – jumpstart ko na lang. Kukuha lang ako ng cable," sabi ni Efren at iniwan na ako.
Shit. Kapag talagang minamalas naman. Magmula ng dumating ako dito sa Pilipinas parang wala ng magandang nangyari sa buhay ko. Inis kong hinubad ang blazer kong suot at itinapon iyon sa loob ng kotse. Wala naman tao kaya okay lang siguro na naka – spaghetti strapped blouse lang ako.
Tiningnan ko ang makina ng sasakyan kahit hindi ko naman alam kung anong kakalikutin ko doon. Ginalaw – galaw ko ang baterya pero binitawan ko din. Baka mas masira pa kapag ginalaw ko pa.
"What happened?" narinig kong may nagsalita mula sa likuran ko.
Alam kong si Armel iyon kaya hindi na ako lumingon.
"Dead bat," tanging sagot ko.
"You need help?" sabi pa niya.
Napataas ang kilay ko. Wow. Parang nagbago ihip ng hangin. Mukhang bumait yata.
Humarap ako sa kanya at hindi ko inaasahang nasa likuran ko na siya dahil sinisilip niya ang makina ng kotse. Ang lapit – lapit na niya sa akin at muntik pang magkabunggo ang mga mukha namin.
Hindi ko na halos marinig ang paghinga ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakatitig lang si Armel sa akin at hindi ako makagalaw. Para akong estatwang ipinako doon. Wala naman na kasi akong aatrasan dahil kotse na ang nasa likod ko. Siya naman ay hindi rin gumalaw at nanatiling nasa harap ko lang.
Diyos ko po! Ang lapit – lapit talaga niya.
"Sallie, nakita ko na ang kable," narinig kong sabi ni Efren na papalapit sa amin.
Doon ako parang nakuha ng lakas at mabilis na lumayo kay Armel.
"Efren, matagal ba 'yan?" tanong ko. Gusto ko ng umalis doon.
"Hindi ko pa alam, Sallie. Hindi pa rin naman sigurado kung battery nga ang sira ng kotse mo," sagot niya at kinalikot ang makina ng sasakyan.
"Halika na. Sumabay ka na sa akin. Pabalik din ako sa office," at bago pa ako makapag – protesta ay hawak na ni Armel ang kamay ko at pilit niya akong pinapapasok sa kotse niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top