Journey back home
Sallie's POV
Pagod na ang katawan ko sa mahigit sixteen hours na pagkaka-upo dito sa loob ng eroplano. Pagod ang katawan at idagdag pa ang mixed emotions na nararamdaman ko. Kaba at excitement ang nasa dibdib ko kasi after three years, makikita ko na uli ang nanay at anak kong si Enzo.
Kinuha ko ang telepono at nag-browse ng mga pictures na ipinapadala nila sa akin. Hindi ko mapigil na mangiti habang tinitingnan ang masasayang mukha nila habang ipinapakita ang mga padala kong pagkain sa kanila ang kinakain nila, ang mga imported na damit na suot nila, ang mga imported na kaserola na pangarap ng nanay kong mapaglutuan. Parang gusto kong maiyak ng makita ko ang litrato ni nanay at ni Enzo na nakatayo sa harap ng bahay na tinitirhan nila. Naiiyak at natutuwa ako na makita na nagbunga na ang pagsasakripisyo ko na malayo sa kanila ang matagal.
Nanay and Enzo were now living in their own modern styled house which I bought for them. Pinag-ipunan ko talaga iyon na maipagawa para mas maging convenient sila sa maluwag na bahay. Mayroon din silang sariling kotse at driver para kung gusto nilang mamasyal o pumunta kahit saan, magagawa nila kahit anong oras nila gusto. I gave them the life that I always wanted for them and I made sure that I can provide anything that they needed to experience an enjoyable life ka noon ay hindi namin maranasan.
Kahit pa nga isakripisyo ko ang lahat, gagawin ko para maibigay ang lahat ng kailangan nila.
Nang umalis papunta ng Canada three years ago, walang-wala talaga ako. Brokenhearted, literal na broke dahil wala akong kahit na magkano. Tanging ang perang inutang ko lang sa agency ang pocket money ko. Nalilito ako noon dahil sa mga nangyari at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pagdating ko doon, nag-focus na lang ako sa trabaho. Kahit hotel maid pa rin ang trabaho ko sa ibang bansa, iba naman ang sitwasyon ko doon. Sinabi ko na lang sa sarili ko ang magta-trabaho akong mabuti at hindi na babalikan ang lahat ng nangyari sa akin sa Pilipinas. Hindi ko na babalikan ang isang magandang panaginip na nauwi lang sa isang bangungot. Kailangan kong mag-move forward para maabot ko ang mga pangarap ko para sa akin at para sa pamilya ko.
At nagawa ko iyon.
Nagsimula ako sa pinakamababang posisyon bago ko narating ang magandang position ko sa hotel ngayon. Lahat ng tinatamasa ko, ang posisyon ko sa hotel na pinapasukan ay pinaghirapan ko ng wala akong sinagasaang tao. Nakuha ko lahat iyon sa sariling sikap at sa mga hindi inasahan na koneksyon ng malalaking tao na nakikilala ko sa trabaho. Sabi kasi nila people person daw ako. Mukha daw akong mabait at lahat ng makilala ko ay magaang ang loob sa akin. Pero ang tingin ko naman, bilib lang sila kapag nalalaman nila ang life story ko. Who would have thought that the young and naïve maid in Manila would become an executive here in a famous hotel in Canada?
Three years ago, umalis ako na brokenhearted. Pinili ko ang trabaho kaysa sa kanya. Napangiti ako ng mapait at napailing. Sa tuwing maiisip ko siya, ramdam ko pa rin ang sakit. Ramdam ko pa rin ang pagmamahal na hindi naman nawala. Pero kailangan kong tiisin kung anuman ang nararamdaman ko. Pumili ako at hindi siya ang pinili ko.
I let out a sigh and shook my head. I needed to clear my mind that's why I took my laptop and opened it. I needed to focus on something kasi I might end up crying again.
Ilang gabi na ba akong iyak ng iyak bago matulog? Ilang gabi na rin akong hindi makakuha ng matinong tulog dahil sa nalaman ko. Napakasakit pero wala naman akong masisisi kundi ang sarili ko. Iniwan ko siya. Pinabayaan kong makuha ng iba. Ipinamigay ko nga.
Kung may choice nga lang talaga ako, ayoko ng bumalik ng Pilipinas. Kaya nga ako nag-extend pa ng isang taon sa kontrata ko. Wala na rin naman akong babalikan kundi ang pamilya ko. I could have petitioned them para sama-sama na kami sa Canada pero ayaw ni Nanay. Ayaw daw niyang tumira sa ibang lugar na wala siyang kakilala. Saka deep inside umaasa din ako. Umaasa ako na pagbalik ko ay may babalikan pa ako at maaayos ko ang kung anuman ang iniwan ko.
Pero huli na. Kasi months after I left for Canada, nalaman kong may ka-relasyon na siyang iba. At hindi nga ako nagkamali. Ilang buwan lang iyon, si Bianca na agad ang girlfriend niya. Ganoon niya ako kabilis na ipinagpalit.
Umasa ako noon na magkakaayos kami. Na gagawa siya ng paraan at iintindihin niya kung bakit kailangan kong umalis at iwan siya. Pero wala akong narinig na kahit ano sa kanya. Instead, ang nalaman ko, nagkabalikan sila ng ex-girlfriend niya. Hotel Manager ng hotel na pag-aari nila. At ngayon, isang malaking desisyon ang ginawa niya na talagang nagpasakit ng puso ko.
I took a deep breath and browsed the Yahoo Asian news. And from there I saw it again.
The only heir to RCF Corporation and the ultimate bachelor Carmelo Timoteo Fernandez is off the market. He already proposed to his girlfriend Hotel Manager Bianca Jacinto.
Iyon ang nabasa ko. Naramdaman kong may bumukol sa lalamunan ko. Namasa ang mga mata ko kaya pumikit-pikit ako. Pagod na akong umiyak kasi ilang gabi ko na itong ginagawa. Actually, nakita ko na nga ito last week pa. Pero iba pa rin pala ang impact kapag nakikita ko talaga. His picture was there. All smiles. Arms wrapping on the waist of his fiancée.
Guwapo pa rin si Armel. Ilang taon ang lumipas pero guwapong-guwapo pa rin ang mukha niya. Parang hindi nga nagbago. Nag-matured ng konti pero naroon pa rin ang karisma na hatid niya sa bawat babae. Confident na confident siya sa suot na suit habang nakayakap ang kamay sa katabing babae na ang ganda-ganda ng ngiti. Mapait akong napangiti. Naalala ko ang babaeng iyon. Si Bianca. Iyon ang ex-girlfriend niya. Ang babaeng sinabi niya na hindi ko dapat pagselosan. Iyon ang babaeng nakita kong pumasok sa hotel room niya bago ako umalis. Iyon din ang babaeng pakakasalan niya ngayon.
Maganda si Bianca. Mukhang modelo. Mukhang may pinag-aralan talaga. Hindi siya ikakahiya ng kahit na sino kasi napaka-smart niyang tingnan. The way she carries herself, kayang-kaya niyang humarap sa kahit na kaninong tao. Bagay na bagay sila ni Armel. Hindi katulad ko. Kung hindi pa ako nagpa-alila sa mga foreigners, hindi naman ako magiging ganito. Kahit kailan, hindi ako makakapantay kay Armel. Kasi ang isang mahirap at katulong na tulad ko, kahit na maging asensado pa, mananatiling katulong sa tingin ng mga tao at hindi kailanman babagay sa isang katulad ni Carmelo.
I felt the pain again. The memories were coming back. The guilt of leaving him was killing me.
"What are you watching there?"
Tininignan ko ang lalaking katabi ko na ngayon ay sinisilip na ang nakalagay sa laptop ko.
"I am not watching, I am working. I am checking my emails dahil baka my email si Nancy at hindi ko na naman masagot agad. Alam mo naman ang babaeng iyon, laging stressed kaya pati tayo nadadamay," mabilis kong ibinalik sa email ko ang browser ng laptop. Alam ko kung gaano ka-chismoso ang katabi ko.
"Are you sure you're working? I saw you last night looking at that news. And you're reading it again. Do you know the guy?" Nagtatanong pa ang tingin sa akin ni Chris.
"Talagang 'yung guy agad? Hindi ba puwedeng 'yung babae ang kilala ko? Saka chismoso ka," natatawang sagot ko habang nagbubukas ng mga email na nabasa ko na kahapon. Gusto ko lang na huwag nang magtanong pa si Chris.
Tumawa siya at umupo nang maayos tapos ay narinig kong humingi ng tubig sa dumaan na flight attendant.
"Hindi ako chismoso," sinabi niya iyon sa pagaril na paraan. Bulol kasing magtagalog ang isang ito pero marunong na marunong itong magsalita ng Tagalog na lengguwahe. "It is just weird to see you paying attention to some socialite engagement news. Ikaw pa. Wala ka ngang time mag–FB sa sobrang busy mo." Nagpasalamat siya sa nagbigay ng tubig sa kanya at dire-diretso iyong ininom.
Hindi ako kumibo at ngumiti lang. Chris has been my friend since I came in Canada. A half Filipino and American but born and raised there. He was my supervisor when I was working as a hotel maid. And he was the one helped me through my journey. Until now that we were both managers in the hotel. He offered to accompany me in my first project here in the Philippines.
"Huwag ka ng magtagalog at bulol ka naman," natatawang sabi ko at isinara ang laptop ko at ibinalik sa bag.
"Hey. I lived in Canada my entire life, but I know how to speak Tagalog and I understand that language, too. Like I know the meaning of gago, tarantado, putang ina. Those words. Kaya hindi nila ako maloloko," nagmamalaking sagot niya sa akin.
I just shook my head and took all the papers from my bag. Contracts for my first ever project. Isa-isa kong tiningnan. Mga provisions ng partnership sa isang hotel. Inisa-isa kong buklatin ang mga iyon. Pilit ko kasing hinahanap ang hotel na magiging partner ng company namin.
"Are you ready for that?" Nakikitingin siya sa mga papel na hawak ko.
"Yes," my voice has full of confidence. This was a merger from our hotel and a newly built hotel in Makati. Our hotel company will buy forty – percent of the share of the company. And we will be in – charge with the overall operations of the said hotel.
Hindi naman talaga ako dapat na kasama dito. Pinilit lang akong pasunudin ng boss kong si Nancy. Another Filipino who works as the Hotel Manager of Springville Resorts and Spa kung saan ako nagtatrabaho.
"What's the name of the hotel again?" Tanong ni Chris. Ibinalik niya ang hawak na baso sa dumaang flight attendant.
I looked for it. "Summer Rose Hotel."
"That's new 'di ba? Five-star hotel. Who owns it?"
"I still don't know. Nancy forgot to give me the details. Ibibigay na lang daw niya kapag dumating na tayo sa Pilipinas," sagot ko at binubuklat-buklat pa rin ang mga papeles. "I tried to research it sa net pero wala pang lumalabas na details. I think they are still preparing for the marketing and operations."
"This is a good offer, Sallie. I mean, you can work here, and you can be with your family. Ang tagal mo ng dream iyon 'di ba?"
Tumango ako. "Ayaw naman kasi nila nanay na magpa-petition. Kung ako ang masusunod, mas gusto kong doon na lang kaming tatlo. I could sell the house here and we can start all over in Canada." Inayos ko ang papel at iniligpit. Ibininalik ko sa bag.
"But your mom wanted to stay here. Well, you can't blame her. She is old and she used to live here all her life. She might have a hard time adjusting in a foreign country," nagkibit pa siya ng balikat.
Napahinga ako ng malalim. May punto naman doon si Chris.
"I know. Kaya nga ng i-offer ni Nancy ito hindi na ako nagdalawang-isip pa. I can't wait to see my family."
Tumango – tango si Chris. "And I know, they are also excited to see you." Napahikab si Chris. "I need to rest. Just wake me up when we are landing," umayos siya ng upo at ipinikit na ang mga mata.
I took a sigh and looked at the contract again. I needed to prepare for this.
I needed to prepare to be back again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top