Elevator
Sallie's POV
This is so awkward.
Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa trabaho kong ito na alam kong kay Armel ako directly na mag – re – report. Napakarami ko pa naman kailangang i – discuss sa kanya. Mga napapansin kong kailangang ayusin sa hotel. More trainings for some staff na kulang sa hospitality care sa mga guests. Saka marami pang kailangang i – improve. Pero paano ko naman gagawin iyon kung alam ko naman na galit siya sa akin at ayaw naman niya akong kausapin?
Everytime he sees me, galit na agad siya. Masungit. Nakasimangot na sa akin. Paano pa kami magdi – discuss ng tungkol sa trabaho kung ganoon?
Idinayal ko ang number ni Suzanne.
"Miss Suzanne. Kamusta po? Si Sallie ito," pakilala ko.
"Sallie! Hi! What's up?" Ang giliw-giliw pa rin ng boses ni Suzanne.
"Busy ba si Mr. Fernandez?"
"The old one or the young one?" natatawang sagot niya sa akin.
Natawa din ako sa sagot niya. "The old one po."
"Hindi naman. He is in his office. Dadaan ka dito sa bahay?"
"If puwede sana? I want to discuss something to him if hindi siya busy," sagot ko habang nakatingin sa mga nakasulat sa planner ko.
"Sure, dear. I'll tell him. Punta ka na. Dito ka na mag-lunch. I'll prepare your favorite dish." Bago pa ako maka-kontra na hindi naman ako magtatagal ay pinatayan na niya ako ng call.
Nagpaalam muna ako kay Chris na may pupuntahan lang ako sandali. Mukhang hindi naman na ako pansin ng lalaking iyon dahil busy na siya sa paglipat sa penthouse niya. Talaga ang lalaking iyon. Palibhasa maganda ang penthouse dito sa hotel kaya iniwan ako. Pero masaya din naman ako para kay Chris. Deserve naman niya iyon.
Nagtataka nga ako kay Armel at nag – offer pa siya ng ganoon kay Chris. Parang hindi naman siya natutuwa sa tuwing makikita niya ang kaibigan ko kaya talagang puzzled ako sa ginawa niya.
Pinindot ko ang G sa elevator at bumukas naman iyon agad. Pahakbang na ako papasok ng lift nanf makita kong may isang taong nakasakay doon. Gusto kong magback – out na lang kasi si Armel ang nandoon. Nakatayo at nakapamulsa ang dalawang kamay. Mukhang nagulat din siya na makita niya ako pero mabilis din siyang bumawi ng composure.
"Going down?" tanong niya sa akin.
Ano ba? Sasakay ba ako? Kapag hindi naman ako sumakay baka isipin niya affected ako masyado sa kanya.
Tumango na lang ako pumasok. Nagkasabay pa kami sa pagpindot ng close button kaya mabilis din akong nagbawi ng kamay.
Shit! Shit! Ito na yata ang pinakamahabang biyahe ko sa elevator. Considering na five floors lang ang ibababa namin. Ipinagdadasal ko na sana huminto sa ibang floor at may mga sumakay. Pero mukhang hindi humihinto ang elevator.
Nasa likod ko si Armel pero pakiramdam ko ay nakatitig siya sa akin. Ramdam kong may nakatingin sa likuran ko.
"Where's Chris?" narinig kong tanong niya.
"Ha?" iyon na lang ang nasabi ko at bahagya akong lumingon sa kanya. Nabubulol ako. Ano ba naman?
"Your boyfriend. Where is he? Hindi mo yata kasama," sabi pa niya.
Iko – correct ko ba siya na hindi ko boyfriend si Chris? Pero para ano pa? Wala din namang silbi kahit sabihin kong hindi ko boyfriend ang lalaking iyon.
"Busy," iyon na lang ang sagot ko. Para akong nakahinga ng maluwag nang makarating kami sa ground floor at bumukas ang elevator. Mabilis akong naglakad palabas at kumaliwa ako agad.
"You're heading outside?" narinig kong sabi niya kaya napalingon ako. Ano ba naman? Puwede bang huwag na lang niya akong kausapin kasi nai – stress ako. Kumakabog na ang dibdib ko. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa presensiya niya.
Tumango lang ako at akmang lalakad na.
"You need to turn right. Papuntang comfort room 'yang dinadaanan mo," sabi niya.
Ano daw? Napatingin nga ako sa dadaanan ko at nakita ko ang signage na papuntang comfort room ang pupuntahan ko. Dead end nga at kubeta na ang tumbok ko.
"M – mag re – restroom din talaga ako," iyon na lang ang nasabi ko. Punyeta talaga. Pinilit ko na lang ngumiti sa kanya at dumiretso na lang ako sa cr kahit 'di naman ako naiihi. Sobra – sobra na talaga ang kaba ko.
Mga ilang minuto lang din ang inilagi ko doon. Sumilip muna ako palabas at nakita kong wala na kahit anino ni Armel ay para na akong nakahinga ng maluwag. Sa isip ko ay pinapagalitan ko ang sarili ko. Dire – diretso ako sa parking at kinuha ang sasakyan ko. Doon na ako didiretso sa bahay nila Mr. Fernandez at siya ang kakausapin ko tungkol sa mga concerns ko sa hotel.
Kahit tatlong taon akong hindi nakapunta sa bahay ng mga Fernandez, wala pa rin namang ipinagbago iyon. Maganda pa rin. Halatang well maintained. Ngumiti agad ako kay Efren ng papasukin niya ako. Parang hindi pa nga niya ako nakilala kaya nagpakilala na ako.
"Si Sallie ako. Hindi mo ba ako nakikilala?" nakangiting sabi ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya sa akin.
"Sigurado ka? Bakit ang ganda mo?" sabi pa niya.
"Loko ka Efren, ha? Maganda na ako dati pa 'no?" natatawang sagot ko sa kanya.
At napahalakhak siya sa sagot ko.
"Alam kong si Sallie ka. Binibiro lang kita. Pasok ka na sa loob. Kanina ka pa hinihintay ni Sir Rufus," sabi niya.
Dire – diretso ako sa opisina ni Sir Rufus. Naabutan ko doon si Suzanne na nakikipag – usap sa matanda. Ngumiti agad siya sa akin nang makita ako. Nagbeso ako sa kanya at kay Suzanne bago ako naupo.
"Sallie, what brings you here?" tanong ng matanda sa akin.
Ngumiti lang ako at inilabas ko ang planner ko. Nakasulat na doon ang mga bagay na gusto kong i-discuss sa kanila.
"I would just like to discuss something about the hotel," panimula ko.
Nakita kong nagulat ang mukha ni Sir Rufus.
"O? Why don't you discuss that with Armel? Iha, I stepped down already. Ayoko ng makielam sa operations ng hotel. Sumasakit na ang ulo ko," natatawang sagot niya sa akin.
"Yeah. Why don't you discuss it with me? Bakit kailangan mo pang dumiretso kay daddy?"
Mahina akong napamura. Ano na naman ang ginagawa ni Armel dito? Sinusundan ba ako ng lalaking ito?
When I looked at him, he really looked pissed. Lumapit pa siya sa amin at naupo pa siya sa tapat ko.
Diyos ko naman! Talaga bang hindi ako tatantanan?
"I thought you were busy kaya si Sir Rufus na lang ang kakausapin ko sana," sagot ko.
Nakita kong tumaas ang kilay niya. "Busy? Magkasabay lang tayo sa elevator kanina and you forgot to mention to me that you have concerns about the hotel?"
"Pakikinggan mo ba ako kapag diniscuss ko sa iyo? Mukhang hindi naman kasi. Lagi ka kasing masungit. Parang ang hirap – hirap mong kausapin," hindi ko na napigil ang hindi sumagot sa kanya.
Nakita kong napatawa si Armel at napailing – iling. Nakakainis ang tawa niya na parang nakakaloko at parang walang kuwenta ang sinabi ko.
"Ako? Ako pa ang mahirap kausapin? I am just one call away but you never did it. I never received any word from you. Even a single explanation," punong – puno ng hinanakit ang tono ng salita niya.
"Because I know you will not listen to me. Hindi mo nga pinakinggan ang paliwanag ko," sagot ko sa kanya. I think this is it. We are arguing about what happened between us three years ago.
"Can I butt in?"
Pareho kaming napatingin kay Sir Rufus at nakita kong nagpipigil lang siyang mangiti.
"Are we discussing about the concerns in the hotel or you two are talking about something else? Kasi I can leave the two of you here alone," sabi niya sa amin.
Napahinga ako ng malalim. Napahiya ako. Damn it. Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na hindi na ako makikipagtalo pa kay Armel pero ano ba itong ginagawa ko ngayon?
Umiling lang si Armel.
"What are your concerns?" nag – iba na ang mood niya. Seryosong – seryoso na siya.
"I would like to suggest that some of your staff especially those who are in the reception have trainings or seminars about hospitality care. I just observed that sometimes they forgot to reach out, to greet some of the hotel's guests. You know, just a simple good day, a simple gesture of courtesy, that would be a big impact already."
"Fine. I'll see to it that there would be trainings and seminars about that. What else?" parang nagmamadali na siya at gusto na niyang matapos ang usapan namin.
Marami pa akong gustong sabihin pero tingin ko ay wala ng panahong makinig si Armel kaya umiling na lang ako tapos ay tumayo na.
"That would be all," sabi ko at bumaling ako kay Sir Rufus.
"Thank you for your time Sir Rufus," sabi ko at bumaling ako kay Armel. "Have a nice day, Sir." Diniinan ko pa ang pagkakasabi ng 'sir' at iniwan ko na silang mag – ama doon.
Kahit kailan talaga, walang kuwentang magkaharap pa kami ni Armel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top