Bring her home
Sallie's POV
Masaya naman kasama ang mga kaibigan ni Bianca. I never felt na out of place ako sa kanila. Bianca is a good host. Talagang lumalabas ang pagiging bubbly ng personality niya. Masaya na rin ako at siya ang mapapangasawa ni Armel. At least I know he is in good hands. Maasikaso at mabait na babae ang nakuha niya.
I am beginning to feel lonely right now habang tinitingnan ko kung paano lagyan ng crown na may Bride si Bianca. Nilagyan pa ng sash na may nakalagay na Bride-to-ba. Ang ganda-ganda ng tawa niya pati ang mga kaibigan niya ang saya-saya habang panay sila kuhanan ng selfies at i-upload sa Instagram. Ako, nasa isang sulok lang at pinapanood ko. I am letting myself to be out of place kahit hindi iyon ang ipinaparamdam nila. Parang gusto ko ng umiyak. Kasi pakiramdam ko nag – iisa lang ako. Siguro kasi hindi ko talaga matanggap na wala na pala akong babalikang Armel dito. Nagsisisi talaga ako kung bakit pa ako bumalik. Dapat nagtiis na lang ako doon sa ibang bansa.
Muli kong ininom ang hawak kong wine. Nakakarami na rin ako nito kaya alam kong lasing na ako. Kaya din siguro kung ano – ano ang naiisip ko dahil sa epekto ng alak sa akin.
Napatingin ako sa relo at nakita kong pasado alas – onse na. Ang iingay na ng mga nandito at tawanan sila ng tawanan. Magpapaalam na rin ako kay Bianca. Feeling ko kapag uminom pa ako ay magpapa – pass out na ako sa kalasingan.
"Aalis ka na? But the party is not yet over," parang batang nagmamaktol si Bianca. Lasing na din siya.
Natawa ako. "I still need to go to work tomorrow. Baka magalit ang boss ko sa akin kapag hindi ako nakapasok."
"He is my fiancé! Sagot kita doon," sabi niya sa akin na tatawa-tawa.
Oo na! Maka – claim na fiancé. Paulit – ulit?
Natawa din ako sa sarili ko. Talagang ang bitter ko.
Hindi na rin naman ako kinulit pa ni Bianca. Nasa labas na ako ay naririnig ko pa silang nagtatawanan. Maiingay na talaga.
Habang naglalakad, pakiramdam ko ay umiikot ang nilalakaran ko. Shit. Mukhang ito na ang tama ko. Nalalasing na ako. Hindi na yata ako makakadrive.
Nasa valet na ako at kinukuha ko ang kotse ko sa valet area. Nagtataka ako pero hindi ko makita ang kotseng naka-park kanina sa gilid.
"Mam Sallie, nasa Summer Rose po ang kotse 'nyo," sabi ng valet attendant sa akin.
"Ha? Paano mapupunta doon 'yon?" taka ko. Ano bang nangyayari? Naiinis na ako. I want to go home dahil lasing na ako at ayoko ng magtagal dito.
"Mam, pinadala po doon ni Sir Armel," sagot nito sa akin.
"Ano? Anong pinadala? Ano ba 'to? Why did you give my car to someone else? Paano ako uuwi?" inis na sagot ko.
Hindi na nakasagot ang attendant sa akin dahil may pumaradang itim na BMW sa tapat ko at bumukas ang bintana noon. Si Armel ang nagda – drive.
"Get inside. I'll bring you home," seryosong sabi niya.
"I have my car. Why did you let someone to take it and bring it to Summer Rose?" inis na sagot ko sa kanya.
"Just get in, okay? Lasing ka na," sagot niya sa akin.
Napahinga ako ng malalim at inis na sumakay doon. Mukhang wala naman kasi akong magagawa and I just want to go home ang get away from this place.
"Bianca called me and told me to bring you home that is why I came back here. That is the reason why I let someone to bring your car in Summer Rose," habang nagda – drive ay sabi niya sa akin.
Napa – rolyo lang ako ng mata at sumandal sa headrest ng upuan ko. "Kaya ko naman mag – drive."
"You're drunk. Bakit ka naman uminom? And bakit hindi ka sinundo ni Chris?" Dama mo anf inis sa tanong niya.
"He is busy," maikling sagot ko.
"Damn it. Pinabayaan ka niya ng ganyan? Anong klaseng boyfriend 'yan? Pinapabayaan kang umuwi ng lasing," ramdam ko ang inis ng pagkakasabi noon ni Armel.
"Busy nga. Saka okay lang naman ako." inis na sagot ko.
"Okay? You're okay? Have you seen yourself in the mirror? Itsura mo lasing na lasing ka," sabi pa niya. Lalo pa nitong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse nito.
"Eh, ano naman kung maglasing ako? Bridal shower naman iyon ng fiancée mo," matigas na sabi ko.
"Bakit galit ka?"
"Hindi ako galit. Nag e – explain lang ako," pero talagang mataas na ang boses ko. Kasi nagagalit talaga ako dahil nagseselos ako.
"Sumisigaw ka, eh."
"Hindi ako sumisigaw!" Ang taas at lakas ng boses ko.
Nakita kong napailing na lang si Armel at itinutok ang pansin sa kalsada. Hindi na siya nagsalita.
Hindi na rin ako kumibo. Nagtatanong lang siya kung saan ang daan papunta sa bahay namin.
"You have a nice house," komento niya nang mapatapat sa bahay ko. "Your hardwork paid off already."
"Thank you," sabi ko at binuksan ko na ang pinto. Pero mabilis din siyang bumaba at inalalayan akong makababa. Siguro dahil sa kalasingan ay na – miss step ako at muntik na akong matumba. Mabuti na lang ay naalalayan ako ni Armel at nahawakan niya ako sa bewang palapit sa kanya.
Shit. Oh my god! Kahit lasing ako nagiging normal ang utak ko ngayon. Ang lapit lapit ng mukha namin. I can hear his rapid breaths habang nakatitig siya sa akin at nanatili akong yakap niya. Ang bango ng hininga niya. Amoy mint.
"You have a nice lips. I wonder if those lips taste the same like before," parang wala sa sariling sabi niya.
Napalunok ako. Nakatitig lang ako sa mukha niya.
"What do you use to call me?" sabi pa niya sa akin.
"H – ha? Ano?" naguguluhan talaga ako sa sinasabi niya.
"You call me sir, right?" sabi pa niya. "Call me sir right now." May halos pakiusap ang pagkakasabi niya noon.
Ano daw? Hay diyos ko. Para akong kakapusin ng hininga. Parang ga – buhok na lang ang pagitan ng mukha namin.
"Why do you want me to call you sir?" taka ko.
"So I can do this," at bago pa ako nakasagot ay hinalikan na niya ako.
Shit. I think everything stopped and only his kiss matters right now. It's so sweet. His lips are so soft. Parang ayoko ng huminto ang oras na ito.
Pakiramdam ko ay nanlalambot ang tuhod ko kaya napakapit ako sa batok ni Armel. I can't let go of him. I don't want to let go of him.
Pero maya – maya lang ay bigla siyang huminto sa paghalik sa akin at bahagya ding lumayo. Para bang nakagawa siya ng isang malaking kasalanan.
"I'm sorry. Shit. I am sorry," sabi niya at parang nalilitong bumalik sa kotse niya.
Ano daw? Bakit sorry?
Nakita kong hindi na ako tiningnan pa ni Armel at sumakay na sa kotse niya. Hindi na nga siya nagpaalam sa akin at basta na lang niya pinatakbo ang sasakyan niya.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nakahawak ako sa labi ko. Alam ko kung bakit siya nagso – sorry. Kasi isang pagkakamali ang paghalik niya sa akin. At sinisisi ko din ang sarili ko kung bakit ako pumayag na halikan niya. Dahil lalo ko lang naamin sa sarili ko na mahal na mahal ko pa ang lalaking ikakasal na sa iba.
----- guys, bumawi ako ngayon ha? next week na next UD kasi busy ako this weekend. baka hindi ko maisingit gumawa ng next chapters. enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top