Bridal shower
Sallie's POV
Maghapon akong wala sa sarili dahil sa napag – usapan namin ni Armel. Hindi pa rin ako makapaniwala na natapos na ang lahat sa amin ng ganoon lang. Ang sakit – sakit pala na sa kanya mismo nanggaling iyon na naka – move on na siya.
Ano pa bang aasahan mo? Luka – luka ka din. Iniwan mo tapos ngayon iiyak – iyak ka na naka – move on sa iba.
Pakiramdam ko ay baliw na kausap ang sarili ko. Nakatulala lang ako habang naka upo sa harap ng mesa ko.
"Where have you been? I was calling you kanina pa," bungad sa akin ni Chris nang makapasok sa office ko.
"I discussed something with Mr. Fernandez," tanging sagot ko at inayos ko ang sarili ko.
Tama na. Tama na ang pagmumukmok. I need to function. I need to be my normal self.
Nag – isip pa si Chris sa sagot ko. "The old Mr. Fernandez or your ex – Mr. Fernandez," at natawa siya tapos ay naupo sa couch na naroon.
Inirapan ko lang si Chris at inabala ko kunwari ang sarili ko sa pag – browse ng laptop ko.
"Both," matabang na sagot ko.
"So, okay na kayo? Did you talk?"
"Yes. We talked about work," sabi ko para hindi na siya matanong kung anong pinag – usapan namin. "Ikaw? Are you enjoying your new penthouse?" tonong naiinis ako.
Napahalakhak siya.
"Sallie, I am not going to miss that opportunity. It's free so bakit ko tatanggihan? I am living like a king in that penthouse. Carmelo Fernandez is a douche but he is one generous bastard," sagot niya. "Puwede ka naman mag – stay din doon if you want."
"Hindi na. Ikaw na lang mag – enjoy 'dun," inirapan ko siya.
Napatingin kami sa pinto dahil nakita kong bumukas iyon at nagkatinginan kami ni Chris dahil si Bianca ang nakikita kong pumapasok.
"Hello," bati niya agad sa amin na nakangiti. Nag – hi din siya kay Chris.
Ngumiti lang din ako sa kanya kahit nagtataka ako kung anong ginagawa niya dito.
"I went to Armel's office kasi and I decided to drop by at your office na din," ang ganda-ganda ng ngiti niya sa amin. Just like her bubbly personality. Walang halong kaplastikan ang ipinapakita niya sa akin.
Napatingin ako kay Chris at nakatingin lang ito kay Bianca. Parang hinihintay malaman kung anong kailangan ni Bianca sa akin.
"Why? Do you need anything?" tanong ko.
"I'll be having my bridal shower later at the penthouse of Boulevard Suites. I was wondering if you are not busy later, invite sana kita." Nakangiting sabi niya.
Hindi agad ako nakasagot. Torture ba talaga ang kailangan kong harapin sa pagbabalik ko dito? Torture kay Armel tapos torture pa sa kabaitan ni Bianca.
"Ah – ano kasi baka may lakad kami ng anak ko mamaya," hindi ako baliw para umattend sa bridal shower ng mapapangasawa ng lalaking mahal ko.
Nakita kong lumungkot ang mukha ni Bianca.
"Ganoon ba? Kahit sandali lang? Close friends ko lang naman ang nandoon and I already consider you as a new friend kaya gusto ko sana nandoon ka din. Sige na please," pangungulit pa niya at pinalungkot ng parang bata ang mukha.
"Go ahead, Sallie. I'll take care of Enzo later," narinig kong sabat ni Chris.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Masasapok ko ang lalaking ito. Umiiwas na nga ako tapos gagatong pa siya.
"'Yun naman pala." Ang ganda ng ngiti ni Bianca. "So I'll expect you later, ha? See you." Sabi niya at bumaling kay Chris. "Thank you." At tuloy – tuloy na siyang lumabas.
"Sasakalin kita. Bakit mo sinabi iyon? Ayoko ngang pumunta doon," naiinis na sabi ko kay Chris.
"Why? Sallie, you need to go. If hindi ka pumunta, it only means one thing. You are still affected. Affected ka ba?" natatawang sabi ni Chris.
Oo! Iyon ang gusto kong isagot.
"Anong gagawin ko doon? She is not even my friend," sabi ko.
"But she thinks you are her friend. Look, she looks nice. Pretty and with a nice attitude. I like her. Kung hindi lang fiancée ni Armel kolokoy 'yun, you know. May future kami," sabi pa nito na tatawa-tawa.
"Baliw ka," sabi ko at inirapan ko siya.
"Why. Are you feeling insecure with Bianca?" This time ay seryose na siya.
"No I am not!" hindi na ako na – iinsecure sa kanya. Gusto ko iyong idagdag.
"So, go to her bridal shower."
"Fine." At inis kong isinara ang laptop ko at napapailing na lumabas ng office.
——
Simpleng summer dress lang ang isinuot ko pagpunta ko sa bridal shower celebration ni Bianca. Pagpasok ko pa lang sa Boulevard Suites ay pakiramdam ko ibinalik ako sa nakaraan. Wala sa loob na napangiti ako habang tinitingnan ko ang paligid. Dito ako nag – umpisa. I was once a maid here. A nobody in this place. People don't see maids like me then. For them, we are just here to clean their mess and follow their needs.
I called Yas and told her that I was around at nagkita kami sa lobby. Napangiti ako kasi bagay na bagay sa kanya ang suot niyang uniform ng mga supervisors ar managers dito. Pormal na pormal ang itsura sa pencil cut na palda at blazer.
"Mam na mam ka, ah. Ngayon lang kita nakitang naka – uniform na pang supervisor," nakangiting bati ko sa kanya.
"Lukaret. Ang init kaya nito. Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin. Sumenyas pa siya sa isang staff na linisin ang nakitang pool ng tubig sa isang gilid.
"I am invited sa taas," sagot ko at tumingin pa sa taas.
"Sa bridal shower ni Mam Bianca?" nanlalaki pa ang mata niya.
Napapangiwing napatango lang ako. "I don't have a choice. Nagpunta pa siya sa office ko kanina and she was dying to invite me."
"At talagang pupunta ka? OA ka din. Syota 'yun ng ex mo. Okay ka lang?" parang pagpapaalala niya sa akin.
Napahinga ako ng malalim.
"Siguro kailangan ko din gawin ito, Yas. Para okay na. Move on na kami lahat. Tapos na ang sa amin ni Armel," kahit malungkot ako sa naisip kong iyon ay pinilit maging masaya sa harap ni Yas.
"Move on? Bigyan kita ng award diyan, eh. Best actress. Grand slam ka pa." Umirap pa siya sa akinx "Alam ko naman hanggang ngayon si papa Armel pa din ang gusto mo."
Ngumiti lang ako ng mapakla sa kanya. "Sige na. Usap na lang tayo mamaya. Hindi naman ako magtatagal sa party."
"Sige. Goodluck. Magbaon ka ng maraming tibay ng dibdib," at napatawa pa siya.
Pagdating ko sa penthouse ay hindi agad ako nag – buzz. Nakatayo lang ako doon. This is where it all started. This is where I met Armel and this is where I ended everything with him. The last time I was here, I was really broken. Hindi ko alam kung kaya ko bang pumasok dito knowing that the woman he is about to marry is inside having her bridal shower.
I was still thinking kung tutuloy pa ba ako. I was about to press the buzzer nang biglang bumukas ang pinto. Pareho pa kaming nagkagulatan ni Armel dahil siya ang palabas na nagbukas ng pinto.
"What are you doing here?" takang tanong niya.
Sasagot na lang ako nang makita kong nakangiting lumapit sa amin si Bianca.
"Yey! You came!" masayang sabi niya at agad akong niyakap tapos ay hinawakan ako sa kamay at hinila ako papasok sa loob ng penthouse. Iilan nga lang ang naroon na mga babae na mga kaibigan siguro ni Bianca. Maingay na sila. Parang mga nakainom na kasi may mga basyo ng beers at wines akong nakita sa paligid.
Napatingin ako kay Armel at nakita kong nakatingin lang siya sa akin. Parang takang – taka kung anong ginagawa ko doon.
"Guys, I want you to meet Sallie. She is the new Country Manager for Summer Rose Hotel. The one that Armel owns. You know, she is so super nice," masayang sabi ni Sallie.
Nahihiyang nag – hi lang ako sa mga bisita niya at napatingin ako kay Armel. He is just looking at me blankly. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya o masaya ba siya na nandito ako.
"Love, why don't you stay here for a while? Kasi baka ma – out of place si Sallie. Hindi pa niya masyadong kilala mga friends ko. Entertain her, please?" malambing na sabi ni Bianca kay Armel.
"But Bianx, I need to go. May dadaanan pa ako sa Summer Rose," narinig kong sagot niya.
"Okay," tapos ay bumaling sa akin si Bianca. "Don't worry Sallie. Ako ang bahala sa iyo. I am sure you'll enjoy here. You are one of my BFF's already."
Ngumiti na lang ako at tiningnan ko ng lumabas si Armel. Mukhang talagang iiwasan na niya ako.
At iyon naman ang gusto ko. Wala ng dahilan para mag-usap pa kami bukod sa trabaho.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top