PROLOGUE
"Kali, sumama kana kasi!"
Traeh said, my half japanese friend. I rolled my eyes to them and went inside of my room. Narinig ko pa ang pagtili nila, masaya dahil napapayag na naman nila ako. Kanina pa kasi nila ako pinipilit na sumama sa isang birthday party. Kung hindi ko lang narinig na birthday pala nong kambal na kaibigan ng boybesfriend ni Traeh na si Lorenzo, hindi pa niya ako mapapapayag. Kilala ko ang magkambal na 'yon, mga pasaway!
"Hindi tayo mag uumagahan doon Traeh ah, uuwi rin kaagad tayo. Mamaya'y magpakalasing na naman kayo ng todo doon, ako pa magkakaproblema sa pag uwi sa inyo!"
"Opo, inay!" Si Tianna na ang sumagot sa'kin. Hindi ko na pinansin ang pang aasar niya.
I started getting ready for our club night after taking a shower. I dried my hair before I started putting on my makeup. I'm not really good at putting on makeup but I still try my best. Simple lang ang makeup na ginawa ko kasi alam kong mabubura din 'to mamaya sa party. I was having a dillemma on what to wear so I just stared and stand at the front of my closet.
"Traeh, halika nga dito saglit!" Tawag ko kay Traeh na alam kong nasa kwarto niya at naghahanda na rin para mamaya.
"Amputa, hindi kapa pala nakakabihis?! Ang gagang 'to, akala ko tinatawag mo'ko kasi lalakad na tayo, ano ba naman 'yan Kali bilis bilisan mo naman at__"
"Bwesit ka dami mong sinasabi!" I cut her off. "What should I wear?" Wala naman kasi siyang sinabi kung anong theme nong gaganaping party.
"Yan lang pala problema mo gago, magpanty ka nalang kaya?!" Walang hiyang suggest niya.
"Lumayas ka nanga lang dito at baka mayakap kita sa leeg!" Napapakamot ng ulong sabi ko. Lumabas rin naman siya, narinig ko pang nanghihiram siya ng bag kay Tianna.
Wala naman akong napala doon kay Traeh kaya kinuha ko nalang lahat ng damit na meron ako dito sa condo at nilapag 'yon sa kama ko. Malaki at malawak ang condo namin. May four rooms, Living room and TV then mayroon na ring CR and terrace. Lima kami ang tumutuloy dito, sinadya namin 'tong ipagawa noong nagfirst year college kami. Ngayon, third year na kaming lahat at hanggang ngayon, dito pa rin kami tumutuloy.
"Ito nalang siguro," Pabulong na sabi ko sa sarili ko.
I just wore a white cropped top partner with black trousers and white pair of heels. I sprayed my self with perfume and put my things inside my black purse. I then went outside of my room.
"Hindi raw sasama ang dalawa," Bungad sa'kin ni Traeh nang kunin ko ang susi ng kotse sa may center table ng living room. Tinutukoy ni Traeh sina Kezeah at Savi na nasa kanilang mga kwarto at nag aaral na naman siguro. Parehong DL ang dalawa kaya todo aral sila.
"Lagi naman e," Sagot naman ni Tianna. "Lalo na 'yang si Savi, naku! Mas gugustohin pa atang titigan ang plates kesa magwalwal!" Dagdag niya pa.
Nag aarchitect kasi si Savianna, kapatid ni Tianna. Mas matanda nga lang ng isang taon dito si Tatianna. Mahiyain at takot raw kasi dati sa maraming tao si Savi kaya sinabay na nila 'to kay Tianna nang pumasok sila sa Elementary. Ngayon, pareho na rin sila third year pero magkaiba sila ng kursong kinuha.
"Tara na, hayaan niyo na sila, masisipag na bata e." Pumasok ulit ako sa kwarto ko para patayin ang ilaw doon 'tsaka lumabas na ng condo. Sumunod rin naman ang dalawa sa'kin.
Meanwhile, we arrived at the big and huge house around 9 PM and the party will start around 10 PM. Para siyang frat house sa sobrang lawak at laki nito. It was a bit noisy inside because of the loud music. Rinig na rinig sa labas ang tugtog na nagmumula sa loob. Marami na ring tao ang nakapalibot sa bahay at halos lahat may hawak ng kulay red na plastic cups, 'yon na ata ang alak.
Nginingitian ko lang ang mga nakakasalubong na kakilala ko lang. Sina Traeh at Tianna, nahuhuli pa, nakikipagkwentohan pa kasi sa mga kakilala nila. Baka nga pagdating sa table namin, lasing na ang mga gaga, pinapashot pa kasi sila bago pinapatuloy sa paglalakad.
"Kiss me well, babe." The fvck? Some couple are already making out. Hindi panga nag uumpisa e! Pinagpatuloy ko lang ang paghanap sa table namin kahit nabobother na ako sa mga nadadaanan kong naghaharotan.
"Mamaya!" Sagot ko doon sa babaeng kablockmates ko, tinataas kasi ang kaniyang baso, inaaya akong umiiom. Tumango lang naman siya 'tsaka pinagpatuloy ang pakikipagkwentohan doon sa katabi niya.
Naikot ko na ata ang buong bahay bago ko mahanap ang table na nakareserba para sa'min. Bwesit talaga! Naabotan ko doon sina Lorenzo na nag iinuman na rin. Nagulat ako nang mapansin kong marami sila doon at si Lorenzo lang ang nakikilala ko sa kanila. Napakunot na rin ang noo ko ng may isa rin sa kanila ang nahagip ng mga mata ko. Hindi ko alam kung anong pangalan niya pero kilala siya bilang si 'Venson', apelyido niya. He was the team captain of Delven University's soccer team. He is the grandson of the school owner, Leoncio Venson.
Venson was wearing a plain white shirt and a pair of black shorts with white sneakers. Seryoso lang siya habang iniinom ang laman ng kaniyang shot glass, pinagmamasdan ang mga taong sumasayaw sa gitna. Ginawa kasing club 'yong bahay. I guess they rented the house.
"Oh Kali, si Traeh?" Napatingin kaagad ako kay Enzo na nakaupo lang habang nilalagyan ng alak ang mga plastic cups na nasa table. Napansin niya ata na hindi ko kasama ang girlbestfriend niya.
"Nahuhuli pa, nakikipagkwentohan doon." Tanging sagot ko at naupo na. "Happy birthday twins!" Bati ko kina Ryver at Ryker.
"Thankyou for coming, Kalixia." Sabi ni Ryver. "Sige, doon lang kami ah." Paalam nila, mag aasikaso ng ibang bisita. Ngumiti lang ako at naupo sa tabi ni Enzo. "Bakit ang raming boys?" Bulong ko dito.
"Tuwang tuwa ka naman," Ismid na sabi ni Enzo kaya kaagad ko siyang binatokan.
"Gago," Tanging sabi ko, tuwang tuwa naman siya. "Seryoso kasi, bakit ang rami nila dito?"
"Bakit ako tinatanong mo? Wala nga rin akong alam e, dami nila dito, mahilig pa naman sa pogi si Traeh!" Pabulong din na sabi niya. Parang ang laki naman ng problema ng lalaking 'to! Inabotan niya ako ng alak kaya tinanggap ko 'yon at walang pasabing nilagok. Napapikit ako nang maramdaman kong gumuguhit na sa lalamunan ko ang alak,
"Pota," Mura ko nang mapagtanto kung anong alak ang pinainom niya sa'kin. It's Cuervo, the strong brand of tequila. "Baka naman kasi hindi dito 'yong table na'tin?"
"Dito tanga! Wag nanga maraming reklamo!" Parang naiinip pang sabi ni Enzo. Inirapan ko nalang siya at uminom ulit ng alak.
Natagalan bago dumating sina Traeh at Tianna sa table namin. Para silang nanalo ng loto sa tuwa, masaya dahil maraming boys sa table namin. Sinadya pala na dito 'yong table namin, kinausap raw kasi ni Tianna 'yong kambal na magpareserba ng table sa maraming lalaki! Ang malanding 'yon talaga! Nakatatlong shot sila bago sumali doon sa dancefloor.
Rami pang reklamo ni Lorenzo nang hatakin ni Tianna si Traeh doon pero natalo rin siya sa bunganga ni Tianna. Kung hindi lang sobrang close nina Enzo at Traeh, iisipin kong may gusto si Enzo dito, pero malabo ata 'yon. Sila 'yong tipong ayaw mapaghiwalay pero hindi rin maiwan sa iisang lungga dahil kulang nalang, magsakalan ang dalawa.
"Axcel, I'm fvcking serious. Just go, I'm fine here." I looked at Venson, he's talking to that Axcel. I immidiately looked away when our eyes meet. Bwesit kasi, bakit pa ako tumingin sa kanila, baka sabihing chismosa ako!
"Okay fine, punta ka nalang doon bro kapag may gana ka ng sumayaw." Axcel winked at Venson then walked away. Nakita kong napapikit si Venson bago ininom ang kaniyang alak.
"I don't even know how to dance," Pabulong na reklamo niya sa kawalan pero narinig ko pa rin 'yon. Gusto kong matawa kasi ganoon din ako. Hindi ako sumasayaw kaya laging nasa table lang ako. Ayoko din talaga makisayaw doon sa gitna, marami kasing ligaw na kamay ang gumagalaw, kung saan saan humahawak!
Kami nalang natitira dito sa table, we're five meters away. Mahaba haba rin kasi ang table at sofa. Bakit hindi nalang din kasi siya pumunta sa kabilang table or di kaya sumama na rin doon sa mga kaibigan niya na nakikisayaw na sa gitna. Naiilang tuloy ako, kakausapin ko ba siya o hindi? Ako pa tuloy naeestress dito! Nagkakanakawan pa kami ng tingin paminsan minsan kaya mas lalo akong naiilang, bwesit na!
Patuloy lang ako sa pag inom para pero inuunti unti ko na 'yon. Ako magiging driver nong dalawa pauwi kaya bawal ako malasing. Painom na sana ako doon sa alak nang mapansin sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"What," Walang reaksiyong tanong niya.
What the fvck? Siya kaya 'tong nakatitig sa'kin. Ang kapal rin ng mukha, inunahan pa talaga ako. Hindi ba dapat ako nagtatanong doon?
"What din?!" Taas kilay na sabi ko, I heard him chuckled.
"Nothing." Walang ganang sagot niya at umiwas ng tingin. Nilagok niya ang laman ng baso niya at kitang kita ko kung pano magsigalawan ang adam's apple niya.
"Dinga may saltik ka?" I asked him. Bigla siyang napalingon sa'kin.
"Tingin mo," Walang kwentang sabi niya.
Napabuga nalang ako ng hangin. Kung naiistress ako sa mga kaibigan ko, mas nakakaistress naman ang lalaking 'to. Sipain ko na kaya 'to palabas, gigil ako e! Hinanap ng mga mata ko sina Traeh at Tianna pero wala akong mahanap sa kanila. Maraming sumasayaw sa dancefloor kaya hindi ko sila makita doon. Hindi ko na siya pinansin at inirapan ko nalang.
"You are?" He asked after a long silence. Siya lang ata 'yong nagtatanong na sa hawak niyang baso nakatingin.
"Ako ba?" Tinuro ko pa ang sarili ko.
"Ito ata," Sabay galaw niya sa baso. "Antayin ko nalang, baka sumagot."
Fvck? He's getting into my nerves. I wanna slap him right now!
"I'm human, why do you ask?" Mataray na sabi ko sa kaniya. He bit his lower lip trying to hide a smile. "May nakakatuwa ba?!" Taas kilay na sabi ko.
He chuckled a bit before shaking his head. "Wala," Sagot niya. Inirapan ko lang siya at ilang saglit lang, nakikita ko na siyang tumatayo.
"I'm human too," He said then walked away. Papunta siya doon sa kabilang table. Pansin na pansin ko pa rin ang pag ngisi niya kahit nakatalikod na 'to sa'kin.
"Tangina?!" Hindi makapaniwalang sabi ko sa sarili ko.
Naiwan akong tulala at napapabuga nalang ng hangin sa kawalan. Naiirita ako sa kaniya! Anong nakakatawa sa sinabi ko? Ayoko lang naman sabihin ang pangalan ko! Tapos kung sagotin mga tanong ko, parang bobong ewan! Kaya hindi na mawala wala galit ko sa mga lalaki e, nadadagdagan pa, yayabang! Sinusumpa ko talaga ang lalaking 'yon!
Padabog akong tumayo at naglakad papunta doon sa dancefloor. Hahanapin ko sina Traeh, gusto ko ng umuwi. Badtrip ako! Baka kapag nakita ko ulit ang lalaking 'yon ay makalmot ko na ang pagmumukha niya! Ang yabang!
"Putcha naman oh!" Napasigaw ako dahil sa lalaking nakabunggo sa'kin. Ngumiti 'yong lalaki bago lumapit sa'kin at hinawakan ang pisngi ko, kaagad ko naman 'yong tinabig. "Ano ba!" Pinahidan ko pa ang mukha ko.
"Sorry miss," Nakangiting sabi niya. Nasa gitna kami ng maraming tao kaya medyo nagkakaipitan na rin. Inikotan ko lang ng mata 'yong lalaki at palakad na sana ako nang hawakan niya 'yong palapulsohan ko. "Hey, let's dance!"
"Bitawan mo nga ako!" Pagalit na sabi ko.
"Miss, magsasayaw lang tayo." Natatawang sabi nong lalaki, ayaw pa rin bitawan ang kamay ko.
"Ano ba! Bitawan mo sabi ako e!" Pasigaw na sabi ko. 'Yong kaninang galit na itsura ko ay napalitan nang lapitan kami ni Venson. Ang bilis ng bawat hakbang niya. Kanina lang ay natatanaw ko sila doon sa kabilang table.
"Let her go," Marahang sabi ni Venson.
Hinawakan niya ang kamay ko kung saan nakahawak ang lalaki. Sinusubokan niyang hatakin 'yon pero hindi 'yon binitawan nong lalaki. Napakagat si Venson sa kaniyang ibabang labi at napapikit bago tininingnan ng masama ang lalaki.
"Who do you think you are huh?" Tinuro nong lalaki si Venson. "Kilala mo ba ako?!" Sabay turo niya naman sa sarili niya. Halata sa lalaki na sobrang lasing na ito. Binabalance niya ang kaniyang katawan kasi ano mang segundo ay matutumba na 'to.
"That's not important, just let her go." Kalmadomg sabi ni Venson pero pansin pa rin ang pagkairita dito.
"Ano ba! Bitawan mo na ako gago ka!" Pasigaw na sabi ko sa lalaki kasi nasasaktan na ang kamay ko pero parang wala siyang naririnig.
"Let her go? Ako nauna sa kaniya man, so get off your hands!" Tinabig nong lalaki ang kamay ni Venson na nakahawak sa'kin at akmang hihilain na ako nang bigla siyang hatakin pabalik ni Venson. Hinawakan niya sa kwelyo 'yong lalaki. Nadagdagan pa 'yong sakit ng kamay ko dahil doon sa ginawa ni Venson.
"Ang yabang mo ah," Halata sa boses at itsura ni Venson ang galit. "You ruined my mood," Tinulak niya 'yong lalaki na ngayon ay todo kontrol sa sarili para hindi bumagsak. Nakuha nila ang atensiyon ng lahat.
Akala ko tapos na siya sa lalaki pero nagulat ako nang lapitan niya ulit ito sabay tinulak na naman. Napapahawak nalang ang lalaki sa kaniyang dibdib dahil sa sakit na pagdiin dito ni Venson habang tinutulak.
"Bro, what's going on?" Pinipigilan nong lalaki si Venson pero parang wala siya naririnig. Kaibigan niya ata ang mga 'to.
"Bro, that's enough!" Axcel tried to stop Venson on what he was doing. Hindi pa rin nakikinig si Venson at patuloy lang sa ginagawa. Tatlong tulak pa ang ginawa ni Venson sa lalaki bago niya ulit hawakan sa kwelyo ang lalaki. Sobrang lapit ng mukha ni Venson doon sa lalaki.
"You should have known me first." Marahang sambit ni Venson 'tsaka binitawan ang lalaki.
Lumakad si Venson palapit sa'kin at hinawakan ang kanang palapulsohan ko, tiningnan niya lang 'yon. Doon ko lang din napansin ang pamumula ng palapulsohan ko.
"Does it hurt?" Tanong niya. Napansin niya rin siguro ang higpit na pagkakahawak nong lalaki kanina.
"Hindi naman," Pagsisinungaling ko. Hinimas niya 'yong palapulsohan ko gamit ang kaniyang hinlalaki. Nakaramdam ako ng hiya nang mapansing nanunuod ang karamihan sa'min. "Ahm, okay na'ko. Thankyou pala." Sapilitan akong ngumiti at binawi ang kamay bago naglakad palayo sa kaniya. Nakakahiya!
"Brooo, ang smooth ng mga moves huh!" Rinig ko pang sabi ng isang lalaki. Palagay ko'y inaasar na nila ang Venson na 'yon.
Nang mahanap ko sina Traeh at Tianna ay hinatak ko na sila palabas ng bahay. Dami nilang reklamo, ayaw pa nilang umuwi kasi hindi pa raw tapos ang party pero hindi ko na sila pinansin at gusto ko ng umuwi. Kanina lang, iritang irita ako sa Venson na 'yon pero ngayon, ako pa tuloy ang nagkaroon ng utang na loob dahil doon sa pagtulong niya sa'kin, kulang nalag makipagsuntokan!
"Hoy Kali, sabing bumangon kana diyan, e!"
I groaned, pulling the pillow over my head and blocking out Traeh's voice. Kanina pa siya nagsisisigaw sa labas ng kwarto. Ang sakit sakit ng ulo ko, parang pinagsusuntok kagabi bwesit. Hanggang ngayon, parang may something pa rin na umiikot sa paligid!
Nakarinig ako ng kalabog kaya napahigpit ang hawak ko sa aking kumot. Nararamdaman ko na si Traeh sa tabi ko. Ayaw talaga akong tigilan e!
"Bangon na sabi e!" She's practically yelling in my ear now, shaking me. This girl! Naupo nalang ako sa kama sabay kinukoskos ang mata pero napatigil rin nang mapako ang tingin ko sa pintuan ng kwarto ko. Nilock ko 'yon kagabi e. Palipat lipat lang ang tingin ko kay Traeh at sa pintuan.
"What the hell Traeh, paano ka nakapasok dito?!" I asked her. At kahit alam ko na ang sagot, tinanong ko pa rin siya. Fvck! Naaalala kong nilock ko 'yon kagabi e. "Don' tell me__" You ruined it.
"Yes, I did!" She cut me off. "Kanina pa'ko kumakatok, ayaw mo naman gumising so, ginamit ko ang kutsilyo!" Nakangiting sagot niya na akala mo may nakakatuwa sa sinabi niya.
"What the fvck!" Hinabol ko si Traeh nang magsimula na itong tumakbo palabas. Nakita ko ang doorknob ko at sira na ito, gamitan ba naman ng kutsilyo para lang mabuksan! Lumaki tuloy ang butas doon na dapat pangsusi lang!
Sinadya kong ilock ang kwarto ko kapag gabi kahit puro babae naman kami dito sa condo. Ginigising nila ako ng sobrang aga at ayoko non. Hindi ko naman naisip na pwedi pala nilang sipain ang pintuan ko. Tangina!
"Bwesit ka Traeh bumalik ka dito!"
"Nangyayare sa inyo?" Takang tanong ni Tianna na nasa living room. Naupo nalang ako sa couch, sa tabi niya at pinang ikotan nalang ng mata si Traeh na papunta sa kitchen. Hindi man lang niya naisip na masisira doorknob ko sa kutsilyo na 'yon!
"Sinira niya 'yong pintuan ko bwesit! Bilhan mo'ko ng bagong doorknob Traeh, sinasabi ko sayo!" Pasigaw na sabi ko kay Traeh. Isinandal ko ang likod sa upoan at pinatong ang dalawang paa sa center table na may maraming kalat. "Panera ka talaga sa buhay kong hapon ka!"
"Hay naku! Deserve mo 'yan, ayaw mo kasi gumising!" Tumayo si Tianna at pumasok na sa bathroom, maliligo na ata. Bakit parang hindi sila tinamaan nong alak kagabi? E sila naman 'tong naparami ng inom! Ako lang ata nagdudusa dito e.
"So kailangan sirain pintuan ko? Bwesit!" Napapakamot nalang ako sa ulo.
"Excuse me, kukunin ko lang." Nakangiting sabi sa'kin ni Savi. Ibig niyang sabihin, 'yong mga kalat niya sa table, nagesketch ata siya buong gabi e.
"Hala, sorry." Kunwari ay natataranta na sabi ko. Sinadya ko naman talagang ipatong 'yong paa ko doon kahit alam kong may mga gamit doon ni Savi. Binaba ko ang dalawang paa sa sahig at naupo ng maayos.
"Okay lang," Mahinang sabi niya at sinumulan ng ligpitin ang kaniyang mga kalat.
"Tapos kana sa plates mo?" Tanong ko.
"Oum, unti nalang." Nakangiting sagot niya. Opposite talaga sila ni Tianna. Kung si Savianna tahimik, si Tatianna naman, kalog at madaldal na hayok sa pogi!
Nagkakasundo sa kalokohan sina Traeh at Tianna. Kung usapang acads naman, sina Kezeah at Savi ang active. Ako? Ewan. Minsan sinasapian ako kaya tumatalino din, minsan bobo. Minsan din, nawawalan na talaga ng utak.
"Savi, tara na! Maraming pogi sa umaga at kapag hindi ko sila maabutan dahil sa kabagalan mo, sinasabi ko sayo ipapatapon kita sa bahay!" Biro ni Tianna sa kapatid niya.
"Tanginang hayok sa pogi!" Pasigaw ko kay Tianna, nagflip lang naman siya ng buhok bago lumabas ng condo. Kinuha na ni Savi ang bag niya at sumunod na rin kay Tianna. Kami nalang ni Traeh ang nasa condo.
Nagsasabay sila Savi At Tianna papuntang school, sa'kin naman sumasabay si Traeh kasi wala naman siyang kotse. Si Kezeah naman, mag isa lang sa kotse niya, total ayaw niya ng maingay.
Naglalakad na kami papasok sa loob ng Delven University. Sa tuwing pumapasok ako dito, napapangiti kaagad ako. Makikita mo kasi kaagad ang main building ng campus kahit nasa gate ka palang. Nakaukit dito ang malalaking letra ng pangalan ng school. Malawak at malaki ang DU, luma na ang building pero elegante pa ring tignan.
Kasama ko si Traeh, papunta kami sa depatrtment namin, total iisa lang din. We booth took Applied Corporate Management, magkaiba nga lang kami ng block. Pagdating ko sa room namin, marami na ring tao. Hindi nagtagal, dumating na rin ang professor. Nag attendance siya at nagsimula na ring magklase. Pagtapos ng sunod sunod na klase sa umaga ay nagsilabasan na rin kami.
"Hoy Traeh, antay!"
Nilingon namin ni Traeh kung saan nanggaling ang boses na alam naming si Lorenzo. Nakita namin siya tumatakbo papunta sa gawi nami. Hingal na hingal 'to nang makalapit na sa'min.
"Saan ka galing?" Tanong ko kaagad dito at nagsimula na ulit maglakad, papunta kaming cafeteria.
"Sa Discipline office, pota ang kukulit kasi nong mga kaklase ko, nadamay tuloy ako. Paano, nilagyan ng chewing gum yong upoan ng kaklase namin, hindi naman ako kasali don, nakikitawa lang ako pota!" Natatawang kwento ni Enzo. Katabi ko siya, bali pinang gitnaan nila ako ni Traeh.
"Ang iimature naman pala ng mga kaklase mo e." Sabi ko dito. Magsasalita na sana si Enzo nang maunahan siya ni Traeh.
"inanong lang kung saan ka galing! Kulang nalang pati talambuhay mo ekwento mo!" Iritang sabi dito ni Traeh.
"Oh tamo 'to papansin! Ikaw ba kinakausap?!" Sagot rin dito ni Enzo. "Lumayo ka sa'kin, todo sayaw kapa kagabi ah!"
Kaya kapag kasama ko ang dalawang 'to, sa gitna kaagad ang pwesto ko. Paano, laging nag aaway, nag aasaran, kulang nalang magpatayan! Sa aming magkakaibigan, silang dalawa lang ang hindi mapagkasundo. Walang araw na hindi sila mag away at mag asaran pero gusto naman nila laging magkasama. Ang gulo tuloy.
"Wow ah, Ibulong mo kasi sa kausap mo nang hindi ko marinig 'yang kargador mong boses!" Inikotan siya ng mata ni Traeh. "Tsaka wala kang pakialam kong todo sayaw ako sa party kagabi, galing ko lang sumayaw kaya inggit ka!"
"May gusto kalang sa'kin Traeh e! Ayaw pa aminin!" Mapang asar na sabi ni Enzo, kaya napalingon dito si Traeh nang bilog ang mga mata.
"Tigas naman ng panga mo gago! Kung ikaw lang din naman, tangina mamatay na'ko!" Binatokan niya si Enzo. Nakikinig lang naman ako sa dalawa.
"Luh, tamo oh babatokan pa'ko mahawakan lang yong braso ko, yieee," Inaasar pa rin ni Enzo si Traeh. Sinusubokan niyang tusokin ang tagiliran ni Traeh. Lumapit naman sa kaniya si Traeh at hinawakan ang magkabilang pisngi. Napahinto tuloy kami sa paglalakad.
"Hindi kaya ikaw may gusto sa'kin Enzo? Hmm?" Biglang nag iba ang boses ni Traeh. Para bang nilalandi niya si Enzo. Kadiri! Napatikom tuloy ng bibig si Enzo, hindi alam ang sasabihin.
"Mga gago," Kunot noong sabi ko sa kanila at nauna nang maglakad. Rinig ko pang tawang tawa si Traeh.
"Kadiri ka Enzo!" Pasigaw na sabi ni Traeh.
"Gusto mo naman, kunwari kapa!" Sagot pa dito ni Enzo. Napapailing nalang ako habang naglalakad. Hindi ko nakita kung anong ginawa sa kaniya ni Enzo pero palagay ko'y hinalikan na naman niya 'to sa pisngi na siyang dahilan kaya nananalo siya sa asaran nila.
When we arrived at the cafeteria, it was packed with students as expected. Pagkatapos namin mag order ay naupo na kami sa iissng table. Umalis si Enzo kasi sa mga kaibigan niya nakitable, nasa di kalayuan lang din ng table namin. Habang kumakain, dumating na rin sina Tianna, Kezeah at Savi, may dalang tray.
"Awit, hindi man lang kami inantay! Mga others!" Kunwari ay nagtatampong sabi ni Tianna nang makaupo na.
"Iyak kana kung ganon." Asar sa kaniya ni Traeh. Inirapan lang naman siya ni Tianna.
"Cafeteria 'to, hindi palengke." Napako ang tingin namin kay Kezeah na nagsisimula ng kumain.
"Napakaseryoso naman natin d'yaan girl." Sabi ko dito. Hindi niya ako pinansin. Nginitian nalang ako ni Savi. Parehong tahimik ang dalawang 'to, pero masungit 'yang si Kc, kapag hindi niya magustohan ang sinabi mo, ikaw nalang matatahimik. Si Savi naman, baka nga siya pa ang magsorry kapag may nagawa ka sa kaniyang hindi maganda.
Nang matapos ang lunchbreak, bumalik na rin kami sa kani kaniya naming department. Sunod sunod ulit ang klase namin sa hapon. Kasama ko ang mga kaibigan ko noong lunchtime, si Tianna lang ang wala kasi kasama niya 'yong bago niyang jowa. Siya lang may jowa sa'min. Hindi siya nawawalan ng lalaki, paiba iba. Kung sino crush niya, hindi niya titigilan hanggat hindi niya maging jowa kaya ang ending, naghoghost siya. Deserve!
Nauna na'ko sa carpark nang mag uwian. Sasabay si Traeh kay Tianna. Pasakay na sana ako sa kotse ko nang mapansin ang dalawang lalaking naglalakad papunta sa may tabi lang din ng kotse ko, si Venson at 'yong axcel. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse ko nang magsalita ang isa sa kanila, si Axcel.
"Hey! Ikaw 'yong babae sa party diba?" Nakangising tanong niya. Nakatingin na rin sa'kin ngayon si Venson.
"Ata?" Patanong na sagot ko. Tumawa si Axcel at nakapamulsang lumapit sa'kin, iniwan doon si Venson na nakakunot ang noo habang pinapaikot ikot lang sa kamay ang susing hawak niya.
"Hows your hand?" Hinawakan niya ang kamay ko.
"Okay lang," Sagot ko sabay bawi sa kamay ko. He chuckled before he steps closer to me.
"Pustahan, tatawagin niya ako dahil dito," Bulong niya sa'kin at tama nga siya, tinawag kaagad siya ni Venson.
"Axcel, tara na." Nilingon siya ni Axcel bago binalik ang tingin sa'kin.
"I told you," Natatawang sabi ni Axcel. Ano naman kung ganon? Nakita kong lumakad si Venson palapit sa'min kaya mas lalong ngumisi si Axcel.
"Bro, doon ka muna, may pinag uusapan pa kami" Acxel said then he smirked.
"Secret huh?" Taas kilay na sabi ni Venson.
"Ano naman?" Kunot noong sabi ko. Nilingon niya ako at kinunotan ng noo.
"I'm not talking to you." Sabi niya sabay baling kay Axcel. "If you're asking for her name," Parang may pangbabanta pang sabi niya kay Axcel. "Then human, that's her name," He glared at me before he walked away.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top