03


"Uy, Kali! Magkwento ka naman d'yan, anong napagkwentohan niyo ng Venson na 'yon kanina doon sa coart?"


Kakauwi lang namin sa condo at hanggang ngayon, tinatanong pa rin nila ako doon sa nangyari sa coart.


"Wala, chismosa!" Sagot ko. Pumasok ako sa kwarto ko para iwasan sana iwasan ang mga tanong ng kaibigan ko pero hindi nila ako tinantanan at sinundan pa rin nila ako hanggang sa loob ng kwarto ko.


"Gago hindi pweding wala! Ano, nilapitan kalang niya para titigan? Aba'y imposible na 'yon Kali! Tapos lagi pa kayo nag uusap, wag kana magdeny babae ka!" Sabi ni Traeh at naupo na rin sa kama ko, si Tianna naman nakatayo lang sa sa may pintuan.


"Inaaya kana ba ng kasalan be? Sabihin mo na nang makahanap na tayo ng venue!" Parang tangang tumatalon pa si Tianna. Akalain mong nanalo sa Miss Universe!


"Utak niyo talaga e noe? Tinanong lang kung okay ako, 'yon lang!" Ayaw talaga ako tantanan ng mga 'to e.


"Tapos, ano naman sagot mo?" Parang takang taka pang tanong ni Traeh.Tangina nito.


"Sabi ko hindi ako okay kasi tinamaan ako nong bola kaya kailangan kong magpunta sa hospital kasi critical ang kalagayan ko, tangina niyo mga bobo! Malamang sabi ko okay lang ako!!" Iritang sabi ko sa kanila.


"Ay bobo, dapat nagpakipot ka! Dapat sinabi mo masakit ulo mo, syempre mag aalala 'yon, magiging gentleman kaya bubuhatin ka niya for sure! Ano ba naman 'yan, ang bobo mo Kali!" Parang baliw naman 'tong si Traeh, tinuturo pa ang utak niya.


"Lumabas nga lang kayo?! Mga walang kwenta!" Walang ganang sabi ko. Wala talaga akong mapapalang maganda dito sa dalawang 'to. Pareho ng utak!


"Ackk! Kezeah! I miss you Kc!" Nagulat kami nang sumigaw si Tianna at tumakbo papunta sa living room.


Tumayo nalang din kami ni Traeh para salubongin si Kc. Ganito naman kami lagi, sa tuwing may umuuwi sa bahay, namimiss kaagad namin. Nagkwentohan lang kami habang kinakain 'yong mga pasalubong ni Kc sa'min. Napagtripan pa nila ako kasi inaasar nila ako kay Arkiel.


The nex day was a Monday, I woke up around 6 am and went straight to the shower. After taking shower, I brushed my teeth before going outside the bathroom. Nakapagsaing na rin ako ng pagkain kanina kaya maaga na rin akong kumain. I packed my things then went to Traeh and Tianna's room. Binuksan ko 'yon at nakitang tulog pa ang dalawa. Bwesit talaga e!


"Hoy mga dalagang pilipina! Gising!" Pasigaw na sabi ko habang kinakatok ang pintuan nila. Nakatayo lang ako sa pintuan, pinagmamasdan kung paano nagsigalawan ang dalawa. Akala ko babangon na pero natulog ulit ang dalawa.


"Traeh, kay Tianna kana sumakay at si Savi na ang isasabay ko!" Lumabas na'ko ng kwarto at nakitang palabas na rin si Savi ng condo.


"Ikaw? Hindi kapa ba aalis?" Tanong ko kay Kezeah na nagsusuot ng kaniyang sapatos sa may living roo.


"Kita mong may ginagawa ako, nagtatanong ka pa," Kalmadong sabi niya na akala mo hindi nakakairita ang tono niya! Kaya minsan ayaw kong kausapin 'to e!


"Kakaiba ka talaga kausap e noe?" Nakasimangot na sabi ko.


"Oo," Sagot niya.


Mas gugustohin kong kausapin si Savi kahit na tipid rin sumagot, kesa naman sa isang 'to kung sumagot, parang inaaway kana! Inirapan ko lang siya at tuloyan ng lumabas ng condo.


When we arrived at school, we parted ways with Savi. Pumunta na siya sa Archi department at nagpunta na rin ako sa building ko. Pagdating ko sa room, marami ng tao. Dumeretso ako sa tabi ni Arrianne, kaklase ko. Sila lang dalawa ni Franklin ang nakakausap ko dito sa room namim. Marami kasing takot sa'kin, 'yong iba naman galit. Lagi kasing nakakunot ang noo ko, lagi rin nakataas ang kilay ko kaya ganoon nalang sila katakot na kausapin ako.


"Hey, namiss kita Kali!" Bungad ni Arrianne sa'kin ng makita niya ako.


"Hindi kita miss, sorry." Sagot ko kaya napanusangot siya.


"Ang sama!" Binatokan pa ako ni gaga.


"Kamusta na 'yong nanay mo?" Tanong ko dito. I heard tinakbo sa hospital ang nanay niya.


"Okay lang naman, sa isang araw pa ata ang labas niya." Sagot niya. Tumatango lang naman ako. Kapag ganitong matagal pa bago magsimula ang klase, wala kaming ginagawa kung hindi ang mag usap.


"Hello classmates, roommates and blockmates! Good morning!"


Napalingon kaming lahat sa may ari ng boses at nakita si Franklin na naglalakad papunta sa'min. Nakataas pa ang dalawang braso na akalain mong lilipad. Siya 'yong pinakamaingay dito sa room namin. Nagsiilingan lang amg mga kaklase namin, sanay na sa ginagawa ni Frankkin.


"AS ka talaga noe?" Taas kilay na sabi ni Arrianne kay Franklin na ngayon ay nasa tabi na naming dalawa. Pinang gitnaan namin si Arrianne. AS? Ano 'yon?


"AS? Asong sakitin?" Takang tanong dito ni Franklin. Natawa ako sa sinabi niya. "Diba Kali? Tama ako?"


"Attention Seeker kasi! Pero pwedi na rin 'yong asong sakitin! Alam mo 'yong mga asong nagkakasakit? Minsan nawawalan ng bait, nasisiraan ng utak, parang ikaw!" Napaawang naman ang labi ni Fraklin.


Wala nga dito sina Traeh at Enzo pero nandito naman ang dalawang katulad nila! Lagi rin 'tong nag aaway e.


"Ang bobo mo naman kasi gumawa ng shortcut e, BI ka talaga!"


"Bisexual?" Sagot ni Arrianne.


"Bad influence, bobo!" Pasigaw na sabi ni Franklin kaya binatokan kaagad siya ni Arrianne.


"Ikaw 'yong bobo e!"


"So, anong ambag ko dito kung ganon?" Pakikisali ko sa kanila. Ang saya nila tapos ako?


"Ganito gawin mo Kali, lumabas ka sa pintuan na 'yan, kita mo?" Turo niya sa pintuan. Tumatango lang naman ako. "Tapos pagkalabas mo d'yan, may makikita kang hagdan pababa diba?" Tanong niya, tumango ulit ako. Si Arrianne naman seryoso ring nakikinig.


"Wait lang, diba lalabas ng pintuan, tapos may makikitang hagdan pababa, tama ba'ko?" Tumango lang ng nakakaloko si Franklin. "Tapos? Ano susunod?" Takang tanong ko.


"Bababa ka sa hagdan na 'yon tapos umuwi kana sa inyo, matulog ka nalang!" Natatawang sabi ni Franklin. Babatokan na sana namin ni Arrianne kaso tumakbo na ang loko.


"Akala ko may sasabihing matino!" Reklamo ni Arrianne.


"Gagong 'yon," Tanging nasabi ko.


Nang matapos ang sunod sunod na klase, breaktime na naman kaya nagpunta na'ko sa cafeteria mag isa at inantay ang mga kaibigan ko doon. Lagi kaming sabay sabay kapag breaktime, minsan lang sa'min sumabay si Enzo, kung hindi pa pilitin ni Traeh, hindi sasabay! Hindi niya kayang ayawan si Traeh.


"Ito si Kali tahimik lang 'to, pero baka hindi natin alam, sila na nong Engineering na 'yon." Susubo na sana ako sa burger na hawak ko nang marinig ang sinabi ni Tianna. Ayan na naman sila e, parang kagabi lang kinukulit nila ako tungkol sa lalaking 'yon!


"Nananahimik ako dito ah, ako na naman trip niyo." Sabi ko nalang.


"Hindi na ulit kayo nakapag usap pagkatapos nong sa coart?" Tanong ni Tianna na tinatangoan naman ni Traeh. Tumango lang ako. Si Kezeah naman tahimik lang na kumakain, si Savi, nakikinig lang sa earphones niya, hindi siya nag order ng kakainin, wala raw ganang kumain.


"Sus! 'Yong totoo! Hindi ka ba inaya lumabas, or date?" Pangungulit pa ni Traeh.


"Hindi," Walang ganang sagot ko.


Bakit ba kasi gustong gusto nilang magkaroon ako ng connection sa lalaking 'yon? Ni hindi ko nga alam kung may pagtingin 'yon sa'kin e. 'Tsaka hindi pa ako handa na pumasok ulit sa relasiyon.


"Ang hina naman ng Venson na 'yon, amfee mo naman kasi Kali! Dapat ikaw gumagawa ng moves!" Walang hiyang sabi ni Tianna.


"Hindi ko gawain 'yon," Inirapan ko lang siya. Natatawa na naman ang dalawa. Lagi talaga akong pinagkakaisahan ng dalawang to e.


"Mauuna na'ko sa inyo, dadaan pa akong library." Paaalam sa'mi ni Savi. Mag aaral na naman 'yon panigurado.


"Sige ingat Savi!" Nakangiting sabi ni Traeh, kinawayan lang naman kami ni Savianna.


"Ingat kapatid!" Pahabol ding sabi ni Tianna. Kumakaway lang ng parang walang gana si Savi habang naglakakad, nakatalikod sa'min.


"Ouch, hindi man lang nilingon," Asar ni Traeh kay Tianna.


"Epal!" Inirapan lang siya ni Tianna.


"Ikaw, hindi ka paba mag aaral?" Tanong ko kay Kc.


"Kumakain pa ako diba?" Taas kilay na sabi niya. Walang hiyang 'to.


"May sinabi akong hindi ka kumakain?"


"Wala," Sagot niya. Tamo talaga.


"Minsan napapaisip ako kung si Tianna ba talaga ang kapatid ni Savi o si Kezeah." Natatawang sabi ni Traeh.


"Si Savi tahimik, si Kezeah tahimik na masungit, ganoon pinagkaibahan nilang dalawa Traeh wag kang malito." Sabi ko. Sinamaan lang naman ako ng tingin ni Kezeah.


Pagtapos nong breaktime, pumasok ulit kami ng klase. Lunchtime na kaya naman lumabad na'ko ng room. Kasama ko ngayon si Kezeah. Palabas kami ng DU. D'yan nalang siguro kami kakain sa KAT's, 'yong karenderiyang malapit lang din dito sa DU. ala sina Traeh kasi sasabay raw siya kay Enzo, si Tianna naman may kasabay na rin, si Savi, nagtext lang na hindi muna siya makakasabay sa'min, hindi ko alam kung bakit.


"Saan tayo maglalunch?" Tanong ni Kezeah.


"Jaan nalang sa KAT's," Sagot ko. Hindi naman siya malayo kaya nilakad lang namin ni Kc. Mainit ang panahon kaya ginawa kong pantakip sa ulo ang dalawang kamay ko.


"Punyeta ang init!" Reklamo ko nang maramdaman ang init.


Pati braso ko, damang dama na rin ang init! Mamumula na naman nito ang mukha ko panigurado. Kapag kasi naiinitan ako, namumula mukha ko, lalo na sa may noo!


"Ang tirik ng araw, malamang mainit." Biglang sabi ni Kc. "Mas magulat ka kung tirik 'yong araw tapos malamig ang panahon." Dagdag pa niya. Minsan lang 'to magsalita pero once magsalita, ikaw nalang ang matatahimik.


"Dapat pala nagkotse tayo!" Napapapikit pang sabi ko dahil sa sikat ng araw. Ang init!


"Bumalik ka mag isa kung ganon," Kaagad akong napatingin sa sinabi ni Kezeah.


"May sinabi ba'kong babalik ako? Wag ka nanga lang magsalita!" Iritang sabi ko dito. Medyo malayo na kami sa carpark kaya kahit wag na kami maglunch kung babalik pa kami doon.


Pagdating namin sa restaurant, pasan pasan ko pa rin ang kamalasan. Bukod sa init na init na'ko dahil palagay ko'y ilang saglit lang ay masusunog ako sa sobrang init na nararamdaman ko, mas nadagdagan pa 'yon nang makita sina Arkiel sa isa sa mga table doon, dahilan ng pagkulo ng dugo ko! Bwesit, sa rami ng pweding kainan nila, dito pa talaga! Kung hindi lang mainit ang panahon ay baka kanina ko pa kinalabit si Kc pabalik sa DU!


Tuloyan na talagang kumulo ang dugo ko nang makitang naglalakad si Kc sa table nila Arkiel.


"Gaga, bakit d'yan tayo?" Tanong ko habang nakasunod lang sa kaniya.


"Wag kanang maarte at wala ng vacant table." Sambit niya.


Kaagad kong pinaikot ang tingin sa paligid at tama nga siya, wala ng ibang bakanteng table bukod doon sa table nila Arkiel. Pang animan na tao ang pweding umupo doon pero tatlo lang sila ang naroon, si Arkiel lang ang nakikilala ko sa kanila.


Maraming studyante ang kumakain dito, masarap kasi mga luto nila at malapit lang din sa school. Hindi naman kasi ako nainform na pati pala ang apo ni Mr. Venson ay kumakain dito! E sa pagkakaalam ko kapag mayayaman allergic sa maraming tao!


Hindi ko na pinakinggan ang pakikipag usap ni Kc sa mga kasama ni Arkiel, at kunwari ay nagcecellphone lang ako. Narinig ko nalang na nagpasalamat na si Kc, pumayag na ata sila na makitable kami. Kinalabit na rin ako ni Kc para maupo. Doon ko nalang din inangat ang paningin ko at nakitang seryoso lang si Arkiel habang nakatutok sa kaniyang cellphone, bwesit. Bakit ngayon ko lang din napansin na kaharap ko ang inuupoan niya.


Init na init pa rin ako at palagay ko'y pulang pula na ngayon ang mukha ko. Sa rami ng tao dito ngayon, hindi ko alam kung kailan kami lalapitan ng mga waiters at waitress nila.


"Ang init," Sabi ko habang ginagawang pamaypay ang dalawang kamay ko.


Napatingin kaagad si Arkiel sa'kin. Doon ko nalang din napansin na may hawak palang mini fan 'yong isa sa kanila, halatang mayaman rin 'yong lalaki, maarte. Inagaw 'yon ni Arkiel sa kaniya kaya napakunot ang noo nong lalaki. Nagulat ako nang iabot niya sa'kin 'yon.


"H-ha?" Wala akong masabi.


"Sabi mo mainit," Walang reaksiyong sabi niya.


Tiningnan ko ang may ari nong mini fan na ngayon ay nakatingin nalang sa mesa. Sabi ko mainit pero wala akong sinabing kailangan ko ng mini fan!


"Okay lang, salamat nalang." Sabi ko pero inaabot pa rin niya sa'kin 'yon. Napapatingin nalang sa'min 'yong dalawang kasama niya pati na rin si Kezeah na may nakakalokong itsura!


"You look like a___"


"Akin na!" Putol ko sa kaniya. Baka kumulo lalo ang dugo ko kapag hindi ko magustohan ang sasabihin niya. I heard him chuckled. Naupo siya ng ayos at binalik ulit ang tingin sa kaniyang cellphone.


Inirapan ko lang siya at pinaon ko na rin ang mini fan tinutok 'yon sa may leeg ko. Bakit kasi ang arte ko kanina, ngayon ko lang tuloy naramdaman ang hangin na galing sa mini fan na'to! Ang sarap sa pakiramdam.


"Grabe ka pala magblush kapag kaharap siya?"


Kamuntikan na'kong mabulonan nang marinig ang pagbulong sa'kin ni Kc, dahilan para mapatingin si Arkiel sa'kin na kanila lang ay seryosong kumakain. Kung kailan kumakain na kami, 'tsaka naman sasapian ng masamang ispiritu ang babaeng 'to!


"Bwesit ka, manahimik kanga!" Pabulong na sabi ko kay Kc at binatokan ko siya na natatawa na ngayon. May masamang hangin na naman ata siyang nasinghot at pinagtitripan na'ko ngayon.


"Bakit kasi ang pula ng mukha mo," Pigil tawang sabi niya.


"Alam mo naman na siguro kung bakit noe?" Inirapan ko siya. Hindi nanga ako makakain ng maayos dahil sa magkaharap lang kami ni Arkiel tapos kung ano anong kalokohan pa ang pinagsasabi niya!


Pagkatapos nong huling klase ko sa hapon ay nagpaiwan pa ako saglit sa room para gawin ang projects ko. Mas nakakapagfucos kasi ako kapag ako lang mag isa. Lumabas na rin ako kahit hindi pa tapos 'yon. Naglalakad na'ko sa hallway at ang hahaba ng hakbang ko kasi alam kong inaantay na'ko nina Kezeah doon sa carpark. Sabi kasi, sabay sabay na raw kaming umuwi.


Kanina pa'ko nasa room at malamang ako nalang ang inaantay ng mga 'yon. Ang hussle pa kasi may hawak pa'kong dalawang libro.


"Shyne."


I was just walking when I heard a voice, I immidietly looked at where the voice came, and there I saw Arkiel standing at the door. Pansin kong siya lang ang tao doon sa room nila ata? Nakahawak pa yong isang kamay doon sa may haligi ng pintuan habang 'yong isa ay nasa bulsa niya. Kung umasta akala mo kung sinong prisedente ng pilipinas!


Lumapit ako sa kaniya nang nakakunot ang noo. Ewan ko ba, lagi nalang nakakunot ang noo ko pagdating sa kaniya! Pag talaga ito dina bumalik sa dating pwesto! I crossed my arms then stared at him. Hindi pa rin siya gumagalaw pero nakikita ko na naman ang pagkagat niya sa ibabang labi niya.


"Alam mo na ang pangalan ko?" Taas kilay na tanong ko, tumango naman siya. Amfee, second name ko pa talaga ang binanggit, close kami? Hindi nga ganon ang tawag nina Traeh sa'kin e. "Paano?"


"I just know,"


"Talaga?! Gusto mo ipakain ko sayo 'tong mga librong hawak ko?"


"Hindi 'yan nakakain e," He laughed a little.


"Alam ko, pero lumilipad din 'to alam mo ba?" Mas lalo kung napansin ang pagpigil niya ng tawa. "Paano mo nga nalaman! Ulit ulit e!" Papakamot ng ulo na sabi ko. Bwesit, ayaw kasi magseryoso ng lalaking 'to e! Gusto ko na tuloy kalmutin mukha niya!


"I already told you my answer," Ngayon, tumayo na siya ng maayos pero nakapamulsa pa rin. Wala na namang makitang reaksiyon sa kaniyang mukha.


"Paano nga, kanino?" I asked. This time, mahinahon.


"One of your friends, I don't remember her name, but I guess, it's start with letter T?" Hindi pa marecall na sabi niya.


"Parehong T sina Tianna at Traeh sino don!"


"I don't know, stop asking, that's not even important." Pigil ngiting sabi niya.


Naglakad siya papunta sa loob ng room nila at kinuha 'yong black backpack niya, hindi niya sinuot at hawak hawak lang niya 'yon. Naglalakad na ulit siya papunta sa pintuan.


"E bakit mo sila tinanong kung ganon?" Tanong ko ulit.


"Para alam ko," He then rolled his eyes. "Let's just go," He said then leads the walk. Ano daw? Wala naman kaming napag usapan na may pupuntahan kami e!


"Baliw kaba? Bakit ako sasama sayo?!" Pasigaw na sabi ko dito. Nag eecho pa 'yong boses ko sa hallway.


"Okay then, stay here."


Napalingon tuloy ako sa paligid ko. Oo nga pala uwian na! Tumakbo nalang din ako para sundan siya, nasa likod niya lang ako. Nang marating na namin ang carpark, nahinto ako sa paglalakad nang huminto rin siya at lumingon sa'kin.


Pagdating ko sa kotse, naroon na rin si Traeh. Sina Tianna at Savi naman na nasa kabilang kotse ay nakatingin lang sa'kin. Inistart ko na rin ang kotse.


"Hoy Kali, bakit magkasama kayo?" Tanong ni Traeh habang nasa byahe kami. Itsura palang niya, mukhang aasarin na naman ako.


"Hindi ko siya kasama, nagkasabay lang." Sabi ko.


"Naku! Deny ka ng deny e, kayo naba?" Tanong niya. Napapailing nalang ako habang nasa daan ang tingin.


"Nagkasabay nga lang kami, hindi makaintindi?!"


"Oh siya kalma," Natatawang sabi niya


"Sino sa inyo ang nagsabi ng angalan ko kay Arkiel?!" Tanong ko dito nang maalala ang sinabi ni Arkiel.


"Ako, bakit?" Wow ah, hindi man lang nagsinungaling?!


"Bakit mo sinabi?" Kunot noong sabi ko. Siya naman, parang walang paki. Nakatutok lang siya sa kaniyang cellphone.


"E tinatanong e!" Sagot niya.


When we arrived at the condo, I immidiately went to the bathroom to take a shower. I brush my teeth then did my skincare before laying down on my bed. Nakahiga langako sa kama ko nang maisipang pumunta sa malapit lang na convinience store, wala na'kong stuck ng dutchmill, chuckie at Yakult, naubosan ako sa ref, inubos ng mga kaibigan ko, mga patay gutom! Favorite ko pa naman ang mga 'yon. Alas syete pa naman kaya pwedi ko pang lakarin 'yon, malapit lang naman 'yon dito sa condo namin,


"Uy, aba'y saan ang lakad na'tin?" Mapang asar na tanong sa'kin ni Traeh. Nasa living room siya at nakadapa sa sofa.


"Aba'y anong paki natin?" Ginagaya ko pa ang tono ng pananalita niya.


"Seryoso ako gaga, saan ka pupunta?"


"May bibilhin lang ako sa labas! Hindi ba obvious sa suot ko?" Sabi ko sabay turo sa suot kong pajama.


"Sus! Sisilipin mo lang si Kiel e." Pagsali ni Tianna sa usapan, kakalabas niya lang ng kwarto nila.


"Ha? Anong sisilipin?" Takang tanong ko.


"Nand'yan sila sa coart kanina, naglalaro, ang pogi niya ulit kanina beh!" Tuwang tuwang sabi ni Tianna. Malapit lang din 'yong coart na 'yon sa convinienve store na pupuntahan ko.


"Mismoo!" Sabi naman ni Traeh. Mga hayok talaga sa pogi!


"Tsk, ewan ko sa inyo. Ano naman kung nand'yan sila? Pakialam ko ba?" Naupo muna ako sa sofa. Nag iisip kung tutuloy ba ako o hindi. Baka kasi nandoon pa sila. Pero sabi nila kanina raw? Siguro naman wala na sila doon.


"Suss! Nakita ko kaya recent search mo sa facebook at instagram!" Natatawa pa ring sabi ni Tianna.


"Luh, imbento!" Kaagad na sabi ko.


Paano niya nalaman?! Nakakahiya, baka sabihing may gusto ako doon e tiningnan ko lang naman! Naalala kong hiniram niya pala 'yong cellphone ko kanina. Tangina! Ang likot rin ng kamay ng babaeng 'to e noe!


"Omg totoo? May tinatago ka talagang landi gaga ka ah!" Tawang tawa na sabi ni Traeh.


"Dami niyong alam!" Hindi ko na rin naman madepensa ang sarili kaya lumabas na'ko ng condo. Baka kung ano ano pang sabihin nila at asarin nila ako ng todo. Hindi naman malayo 'yong convinience store kaya okay lang na lakarin ko. Ang hindi okay, feeling ko maya't maya ay uulan, feeling ko lang.


Nakasuot lang ako ng kulay black kong pantulog. Nakalimutan kong magjacket, medyo malamig sa labas e. Nang nasa loob na'ko ng convinicence store, napatigil ako sa paghakbang nang makita ang isang grupo ng lalaki sa may casher. Nakaramdam kaagad ako ng kaba. Bakit narito pa rin sila? Akala ko tapos na 'yong laro nila kanina pa e.


Halos marinig ko na ang pagtambol ng dibdib ko nang magtama ang mga mata namin ni Kiel. His both hands are place inside his pockets. Hindi ko nalang siya pinansin at nagkunwaring wala lang sakin ang makita siya dito. Bwesit! Dapat pala natulog nalang ako!


"Hey Kali," Napako ang tingin ko sa lalaking nakasuot ng hoodie. Si Ryver, 'yong tropa nina Enzo. Hindi niya ata kasama 'yong kambal niya.


"Hey, bakit nandito ka.. Kayo?" Utal pang tanong ko.


"May bibilhin lang, mag iinoman kami sa condo nina Venson!" Sagot niya. "Sama ka?"


"Naku, pass!" Kaagad na sagot ko. Natawa lang naman siya. Ayoko na muna uminom noe! Kakainom lang namin nong nakaraam e. Teka? Sa condo ni Venson? So may condo pala siya? Saan? Haist! Nevermind!


"Sino naghatid sayo dito? Naglakad ka lang?" Tumango lang ako habang nakangiti. Alam niyang malapit lang dito yong condo namin. Nakapunta na rin siya doon nong sinama ni Enzo.


"Sige dito na'ko!" Paalam ko, tumango lang naman siya. Palakad na sana ako nang may isa sa kanila ang lumapit sa'kin kaya napatigil ako.


"Hey! I'm Zoro!" Pagpapakilala nong lalaki. Iniabot niya ang kamay niya sa'kin kaya napakunot ang noo ko. Paiba iba rin ng tropa 'tong si Venson e, wala rito 'yong axcel kaya sina Ryver at Arkiel lang ang nakikilaka ko sa kanila.


"Okay?" Sagot ko, nagulat ako nang magtawanan naman silang lahat, except kay Arkiel na seryosong nakatayo lang.


"Magpalit kana ng pangalan Soro! Naiirita ang mga babae kapag naririnig 'yon e." Sabi nong isa sa kanila, sabay tawanan na naman nila. Mga bwesit, ako nahihiya sa kanila e.


"Come on, shakehands lang e!" Pangungulit pa niya. Inaabot pa rin ang kamay niya sa'kin.


"Anong mapapala ko sa shakehands na'yan?" Mataray na sabi ko.


"Mapapasa'kin ka." Sagot niya, nagsi Woah' naman mga tropa nila. Bwesit!


"Ang galing mo," Inirapan ko lang siya at akmang maglalakad na nang magsalita ulit siya.


"Hey, are you fvcking serious?" Tanong niya. Ang kulit, baka sabihing ang arte ko e shakehands lang naman. Pagbigyan! Humarap nalang ulit ako sa kaniya.


"Excuse me."


Pashakehands na sana kami nong Zoro nang mapako ang tingin naming lahat kay Arkiel, dumaan ito sa gitna namin ni Zoro, nakapasok pa rin ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa. Kaagad kaming napabawi sa kamay namin na magshashakehands sana. Nakikita nalang namin siyang palabas.


"Nag Excuse nga naman," Sabi ng isa sa kanila na siyang dahilan kaya napahalakhak ang lahat.


"Dito na'ko, Ryver!" Pagpapaalam ko sa kanila. Tumango lang naman si Ryver.


Naririnig ko pa ang pagtawag sa'kin ni Zoro pero hindi ko na pinansin. Nakatulong na rin ang ginawa ni Arkiel. Nabubuwesit kasi ang lalaking 'yon, halatang playboy! Pagkatapos kong makuha lahat ng bibilhin ko ay lumapit na rin ako sa casher, wala na doon ang mga lalaki, buti naman.Paglabas ko ng store, umuulan na sa labas. Bwesit, sabi na e, uulan! Wala akong dalang payong, ang lamig lamig pa!


Pinaglalaroan talaga ako ng panahon e, kanina ang init init, tapos ang tirik ng araw, ngayon naman, ang lamig tapos kulang nalang magbagyo! Mas lalong lumakas ang dagsa ng ulan kaya nilapag ko nalang ang mga pinangbili ko at niyakap ang sarili. May nahanap akong pweding maupoan, pero inaabot 'yon ng ulan kaya pinili ko nalang na tumayo lang.


Pinagmamasdan ko lang ang bawat kotseng dumadaan at ang bawat pagpatak ng ulan. Magpapasundo sana ako kina Kc, kaso naalala kong iniwan ko pala ang cellphone ko sa condo, malas talaga. Yakap yakap ko lang ang sarili dahil sa malamig pero napaayos kaagad ako ng tayo nang makita ang isang kotse na huminto sa harapan. Nakita kong lumabas doon si Arkiel na may hawak na coat.


"Human," Tawag niya sa'kin. Ayan na namang 'yang human na 'yan e! Alam na niya pangalan ko diba?!


"Gagawin ko d'yan?" Tanong ko nang iabot niya sa'kin ang coat na hawak niya kanina. Tinanggap ko pa rin 'yon kahit nagugulohan.


"What do you think." Sabi niya at pinasok ang kamay sa kaniyang bulsa sabay tingin sa kalangitan, tinitingnan rin ang ulan.


"Okay lang ako, hindi naman ako nilalamig." Walang kwentang palusot ko.


"Naiinitan ka kung ganon." Sabi niya, hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin.


Bwesit! Ang bobo naman kasi ng palusot ko! Hindi nilalamig sa gitna ng malakas na ulan? Bagyo nanga ata e! Bakit kasi laging sumusulpot itong lalaking 'to! Life saver yarn?


"Oo na malamig na! Pero hindi ko kailangan nito, okay na'ko dito, salamat nalang." Tukoy ko sa pantulog na suot ko at ibinabalik sa kaniyang yong coat pero hindi niya tinanggap.


"Lalamigin ka, Shyne." Malamig na sabi niya. Nakatingin na siya sa'kin ngayon.


Shyne.


"Okay nga lang ako dito, makulit ka ba?" Iritang sabi ko.


"Medyo," Sagot niya sabay tingin ulit sa langit.


"Epal talaga!" Pabulong na sabi ko at sinuot 'yong coat. Narinig ko pa ang pagtawa niya ng unti. Tsk! Medyo nabawasan na rin ang lamig na nararamdaman ko nang maisuot ko na ang coat niya. "Ibabalik ko nalang 'to kapag nalabhan ko na, Thankyou." Sabi ko.


"You can keep that, if you want." Napatingin ako sa kaniya na nasa langit lang ang tingin pero pansin ko dito ang pag ngisi. "Souviner." He chuckled.


"Kapal mo." Inikotan ko siya ng mata kahit alam kong hindi siya nakatingin sa'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top