02


"Sige na, matutulog na'ko! Bukas ko nalang huhugasan mga pinggan!"

Ako na naman ang makakapaghugas ng pinggan. Ako kasi nahuling kumain. Ang sakit ng puson ko kanina kaya buong hapon akong nakahiga! Kakatapos lang namin kumain. Wala rito si Kc kaya late kaming kumain, 9 PM. Kapag kasi nandito siya, todo paalala siya. Ayaw niyang kumakain kami ng late, nakakasama raw 'yon sa kalusogan pero kapag inoman, ewan ko nalang.

"Lalanggamin 'yon Kali!" Pinanlakahihan ako ni Traeh ng mata. Sina Savi at Tianna, walang pakialam sa pag sisigawan namin. Sanay na sila.

"Edi ikaw maghugas! Total atat ka!" Sagot ko sa kaniya. Napamura siya saglit at napakamot sa kaniyang ulo bago ako tiningnan.

"Bakit kasi hindi nalang ngayon?!" Iritang sabi niya. Nasa sofa lang siya habang ako nasa pintuan na ng kwarto ko.

"E ayoko, tinatamad ako!" Sabi ko at pumasok na sa loob. Rinig ko pa ang sunod sunod na mura niya sa'kin pero hindi ko na pinansin.

I took a quick shower and brush my teeth. After I did my skincare, I went to my bed. I was just scrolling on my social media accounts. I don't know what's with me and I just found my finger searching for Kiel's name on facebook.

Arkiel Salvatera Venson

Arkiel?

So hindi Kiel ang pangalan niya, Arkiel pala? Palayaw lang 'yong Kiel? Inistalk ko siya kaso wala akong nakita, nakahide lahat ng pictures. Ano naman? Hindi naman ako interesado sa mga pictures niya! Plain black lang ang profile picture niya, pati 'yong cover photo ganon din. Broken ba siya? Kasi diba ganon 'yon? Kapag dark 'yong port mo, broken kaagad? Wala naman sigurong namatay sa kanila kasi wala namang kandila 'yon e. Btw pakialam ko ba!

Pinuntahan ko na rin ang Instagram, sinearch ulit ang pangalan niya doon, hindi ko alam kung bakit nacucurious ako sa kung anong meron sa account niya. Okay lang, hindi ko naman ifafollow, sino muna siya aber?! Nahanarap ko rin naman kaagad ang account niya pero nakaprivate! Bakit halos lahat na lalaki, nakaprivate 'yong account? Akala mo naman talaga kinacool nila!

Arklvenson

Arkiel Salvatera Venson

Civil Engineering | 4th year

3- Posts   3,787- Followers   1,207- Following

So, he took Civil Engineering. Hindi na'ko nagulat sa rami ng followers niya. Sikat naman kasi talaga siya sa labas at loob ng DU. Ikaw ba naman maging grandson ng may ari ng university, malamang maraming magfafallow sayo! Tapos 'yong mga fans niya sa pagiging magaling niya magsoccer! Tapos basketball player na rin! Nahiya tuloy ako kasi 1000+ lang 'yong sa'kin kaya pinatay ko nalang ang cellphone ko at natulog na.

Kinabukasan nagising ako dahil sa lakas ng tawanan nina Traeh at Tianna na alam kong nasa living room. Wala ulit akong pasok ngayon kasi Sunday kaya tambay ulit siguro kami ni Savi  dito sa condo. Naupo ako at nagkuskos ng mata bago sinuot ang slippers ko at lumabas na ng kwarto ko. Naabotan ko sina Traeh at Tianna na nakaupo sa couch, nagkakape at masayang nagkukwentohan.

"Bunganga niyo gumising sa'kin alam niyo ba?" Bungad ko sa kanila, sabay naman silang napalingon sa'kin at natigil sa kakatawa.

"Grabe naman 'to, hindi kaba masaya na masaya ang mga kaibigan mo?" Tanong ni Traeh sabay inom ng kape niya.

"Paano ako magiging masaya e ginising niyo 'ko, mga bwesit!" Napapakamot ako ng ulo at tinungo ang lababo para magmumog.

"Aga aga dinadapuan kana kaagad ng masamang ispiritu Kali!" Rinig kong sigaw ni Tianna. Pagkatapos ko magmumog ay bumalik na'ko sa living room at naupo sa couch, sa harap ng dalawa.

"Dadapuan talaga ako ng masamang ispiritu kung kayong dalawa bubungad sa umaga ko!" Iritang sabi ko sa kanila. "Iingay e" bulong ko pa sa sarili.

"Naku, magkape ka nalang kaya! Nang mahanap mo na rin ang KAPEling mo.." Sabi ni Tianna sabay pakita ng nakakaasar na itsura.

"Kahit kailan talaga korni kang gago ka e!" Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng towel.

"Okay lang maging korni, atleast may jowa!" Rinig ko pang rebat ni Tianna.

"Tama kana tanga," Ismid na sabi ko pagkalabas ko ng kwarto. Natawa lang naman ang dalawa.

"Pero ang landi landi kahapon! Magkwento ka naman d'yan! Paano kayo nagkasama ng Venson na 'yon kahapon? Date ba 'yon?!" Tanong ni Traeh. Umupo ako sa sofa at pinagkross ang dalawang braso.

"Makinig kayo ha? Ganito kasi 'yon. Nagkita lang kami sa restaurant tapos 'yon nga may tagos ako so tinulongan niya ako. Kaya tigilan niyo na 'yang kakaoverthink niyo! We're not dating, never!" Inirapan ko sila na para bang nandidiri sa mga mukha nila.

"Never?! Isang taon kana rin kayang walang dilig Kali, try niyo kaya lumabas, date kung baga! Diba? Hindi mo naitry 'yong date kasi hindi naman sayo ginawa noong naging boyfriend mong loko! Ano sabihan ko ba si Venson?!" Excited na sabi mi Tianna.

"Manahimik nga kayo! Bakit pinoproblema niyo pagiging walang dilig ko?! Kala mo naman talaga may mga dilig rin, lalo kana Traeh!" Dinuro ko pa si Traeh pero ang gaga, umaktong nasaktan sa ginawa ko, hinawakan kaagad ang kaniyang dibdib.

"Bakit? Bakit parang kasalanan ko pa?" Madramang sabi ni Traeh, kunwari ay naiiyak.

"Aga mo naman ata mabaliw!" Sabi ko dito, inirapan lang naman ako.

"Pero what if may gusto nga sayo si Venson? Would you give him a chance?" Saglit akong natahimik doon sa tanong ni Traeh.

"May gusto kaya siya sa'kin? Imposible kayang magkagusto siya sa'kin? Hindi naman pweding basta basta ko nalang panghwakan 'yang sinasabi niyo kasi__"

"Hoy tanginamo, what if lang!" Putol sa'kin ni Traeh kaya napatikom saglit ang bibig ko. Bwesit talaga!

"Malabong magustohan ako ng lalaking 'yon, DL 'yon kaya malamang ganon din standards niya. Wala ng itatalino pa 'tong utak ko kaya wag na! Ano, ako pag mag aadjust?! Sino muna siya noe!" Mahabang reklamo ko.

Nagpalitan naman ng tingin 'yong dalawa. Jinajudge na naman ako dahil sa haba ng paliwanag ko. Toto naman kasi, mga katulad rin ni Kiel ang mga tipo niya!

"Pero what if, mga bobo pala tipo niya?" Aray!

"Tangina ka talaga noe? Wala man lang preno bibig mo! Akala mo naman kung sinong matalino!" Tumayo na'ko at  Inirapan ko sila bago pumasok sa bathroom. Maliligo ako, hindi ako nakaligo kahapon. Alternate kasi ako kung maligo, charot.

"Sus, pero 'yong totoo, may unting pagtingin ka rin sa kaniya, umamin kana nang mailakad ka namin! Nang matry mo na ang salitang DATE!" Sabi ni Tianna. Rinig na rinig ko pa sa loob ang tawanan ng dalawa. Mga bwesit talaga! Porket natry na nilang makipagdate!

Tama sila, first year college ako noong unang pumasok ako sa relasiyon. That was the very first time kasi noong senior high ako, flings lang. Totong hindi ko pa naitry ang makipagdate. 'Yong unang naging jowa ko, we never try dating. Hindi nanga ako niligawan e, super crush ko 'yong lalaki kaya hindi na'ko nagpaligaw, kami na kaagad. Noong una okay naman kami, lagi niya akong hinahatid sundo. Lagi ko siyang kasama sa vacant time.

Pero nang sumunod na buwan, parang nag iba siya. Wala ng masyadong ganap samin, minsan lang kaming magkausap at magkasama. Nakakasama ko lang siya kapag gusto niya o hindi kaya kapag pinilit ko. Nang tumagal ang ganoong eksena, doon ko nalang din napagtanto na parang hindi kami, na walang maganda sa kung anong meron kami.

It was our fourth monthsarry when he broked up with me. Alam kong hindi kailanman naging maganda ang relasiyon namin pero tinanong ko pa rin siya kung bakit siya nakikipaghiwalay but he just answered 'I am boring'. At alam ko kung anong boring ang ibig niyang sabihin, and I know I can't just give it to him. We kissed pero 'yong isang pang kagustohan niya ay hindi ko maibibigay. Nasaktan na'ko ng sobra dati kaya pinangako ko sa sarili ko na hindi na'ko papasok sa relasiyon. Nakakatrauma ang sakit non. Ouch.

After a minutes of taking shower, I went to my room to change clothes. Pagkatapos kong magbihis ay tinawagan ko si Enzo, baka pwedi niyang ayosin ang pintuan ko. Gusto ko kasing nakalock 'yon lagi kapag wala ako sa condo. Kapag kasi may gala sina Traeh, kung ano ano kinukuha nila doon. Minsan din, kapag galing silang club, sa kwarto ko sila pumupunta dahil sa lasing na't hindi mahanap ang sariling kwarto!

"Hey, kamusta kayo dito?" Tanong ni Enzo na kakapasok lang ng condo namin, naupo siya sa couch at pinatong ang dalawang paa sa center table.

"Tigas naman ng panga mo nyeta ka! Ibaba mo nga 'yan!" Reklamo kaagad ni Traeh na ngayon ay katabi na niya.

"Sama nito! Naghugas ako ng paa babae huwag kang mag alala," Sabi ni Enzo, pinapagalaw pa ang dalawang paa niya doon habang nakasandal sa may upoan, ginawang unan ang dalawang braso.

"Hindi porket nakapaghugas ka ng paa, pwedi mo na ipatong sa table 'yang mala elepante mong paa bwesit ka!" Sabi ni Traeh sabay sapak sa paa ni Enzo na hanggang ngayon nakapatong pa rin sa center table. "Ibaba mo sabi, e!"

"Bakit kailangan sumisigaw!" Pasigaw rin na sabi ni Enzo sabay baba sa kaniyang paa.

"Pakialam mo bwesit ka! Bakit nandito ka? Makikikain ka na naman? Wala, wala kaming pagkain dito!" Sabi pa ni Traeh. Nakakros lang ang dalawang braso ko habang nakikinig sa dalawa. Si Tianna naman, walang pakialam sa paligid at busy sa kacall niya.

"Tangina nito, kumain na'ko sa bahay! Hindi ako patay gutom na katulad mo!" Sagot naman ni Enzo.

"Hindi kanga patay gutom, mukha ka namang patay tanga!" Sagot pa ni Traeh.

"Mukha nga akong patay, patay na patay ka naman sa'kin! Ayiee.." Sa sobrang lapad ng ngiti ni Enzo, kulang nalang umabot 'yon sa dalawang tenga niya.

"Yuck, korni ulol!" Parang nandidiri pang sabi Traeh. Matagal bago natapos ang pag aasaran ng dalawa kaya matagal rin bago nasimulan ni Enzo ang pinapagawa ko.

"Kalixia, sahod ko ah!" Nakangiting sabi ni Enzo habang inaayos ang pintuan.

Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Traeh na ngayon ay nasa kwarto niya at nagpapatuyo ng buhok. Pagdating talaga kay Enzo, kahit nasa ibang bansa pa, naririnig niya. Gustong gusto talagang binabara e.

"Anong sahod? Wala kang sahod, tanga! 'Yong kinain mo dito nong mga nakaraang dekada, 'yon na sahod mo!" Pasigaw na sabi ni Traeh.

"Tamo oh, ikaw na naman ba kinakausap ko?! Ikaw Traeh ah, napaghahalataan kana! Umamin kanang may gusto ka sa'kin."

"Senior high palang tayo, pinapaamin mo na'ko, dalawang taon nalang at magkakatapos na'ko ng pag aaral, hindi mo pa rin ako napapaamin, kasi wala naman talaga akong aaminin! Duh, sayang ganda ko kung ikaw lang din naman!"

Kahit nasa living room ako, parang nakikita ko kung paano inikot ni Traeh ang kaniyang mga mata. Hindi ko na pinansin ang pagsasagotan ng dalawa at inabala nalang ang sarili sa panunuod sa tiktok.

Wala naman masyadong nangyari sa buong araw ko. 3 PM nang ayain kami ni Enzo na manuod ng laro nila ng basketball. Hindi naman siya UAAP, simpleng laro lang naman na may pustahan. Etetreat raw kami ni Enzo, manalo or matalo. Hindi sila naglaro para sa pera, naglaro lang talaga sila para maaliw. Halos lahat naman kasi sila mayaman.

Malapit lang 'yon sa condo namin, kaya nilakad lang namin 'yon. Hindi sumama si Savi, may tinatapos raw na plates. Nakaoversized shirt lang ako na may disenyo sa bahaging dibdib at black pants.

"Kali si Venson oh!" Kinalabit ako ni Traeh sabay turo kay Arkiel na nakaupo lang sa isang bench habang 'yong dalawang braso ay nakapatong sa kaniyang binti, nakatitig lang siya sa lapag. Mukhang malalim ang iniisip.

"Bwesit ka, wag mo nga ituro!" Binatokan ko si Traeh at umayos ng upo.

Bakit nandito na naman ang isang 'yan! Iniiwasan kong makita siya e, hanggang ngayon parang nakikita ko pa rin kung paano niya ako kinumotan at nginitian kahapon! Totoo pala talaga ang sinasabi nilang kung sino ang ayaw mong makita, sila pa ang lagi mong nakikita!

"Asus, pogi niya noe?!" Kinurot pa ako ni Traeh.

"Manahimik kanga!" Inikotan ko siya ng mata at natawa lang naman ang bruha. Kung kanina excited ako sa panunuod, ngayon hindi na. Kung alam ko lang na nandito siya, edi sana nagpaiwan nalang ako sa condo at piniling titigan ang kisame!

"Grabe, player nanga ng soccer pati ba naman basketball? Aba'y inako na lahat ah!" Parang nagrereklamo pang sabi ni Tianna. Hindi ko na sila pinansin at baka ako na naman ang pagtripan nila.

Open 'yong paglalaroan nila Enzo, nakikita mo sa labas ang mga dumadaang sasakyan. Nakaupo lang si Tianna sa bench at kinikilig pa ang gaga kasi maglalaro din ang bago niyang crush. Wala na sila nong boyfriend niya kaya lumalandi na naman ng panibago! Si Traeh, nakikisali na doon kina Enzo, wala pa kasi ang ibang players kaya nagpapaturo siya saglit kay Enzo kung paano ang pag dribble. Ako naman, napagod na kakaupo kaya naman tumayo muna ako habang pinagmamasdan ang mga nagpaparactice sa gitna.

"Bwesit ka, wala kang sinabing maglalaro din ang lalaking 'yan!" Binatokan ko si Enzo nang makalapit sa'kin para habolin ang bola.

"Bakit? Hindi ka naman nagtanong ah?" Binatokan ko nalang ulit siya.

Hindi ko alam kung anong meron sa'kin at ninakawan ko nalang ng tingin si Arkiel, nagsisi rin ako nang magtama ang mga mata namin. Fvck! Bakit pa kasi ako tumingin doon! Tahimik lang ako habang nanunuod nang mapaatras at mapalingon ako sa likuran para mailagan ang pagtama ng bola sa mukha ko. Shit, muntik na 'yon ah, bwesit. Napatakbo kaagad sina Traeh, Enzo at Tianna sa'kin, todo check sa mukha ko. Nakita ko naman si Arkiel na hinabol na rin 'yong bolang muntik ng tumama sa'kin.

"Hoy grabe naman 'yon, okay kalang be?" Tanong ni Tianna, tumango lang ako. "Seryoso ka ba? Hindi ka tinamaan?" Tumango ulit ako. Hindi na'ko makapagsalita dahil sa hiya. Marami rin kasing nanunuod, karamihan babae.

"Kuya naman, ang ganda ng kaibigan namin, kahit likod lang ang tinamaan wag na ang mukha!" Sabi ni Traeh doon sa lalaking nagpalipad ng bola. Tanginang kaibigan.

Pinasa kasi nong lalaki ang bola doon sa kasama niya pero hindi 'yon nasalo nong lalaki kaya dumiretso 'yong bola papunta sa'kin. Bwesit kasi, kaya minsan ayaw ko sumama dito e, laging ako 'yong tinatamaan ng bola, hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa bola bwesit! Buti nalang at hindi ako tinamaan ngayon kung hindi, tatamaan ang nagpalibad ng bolang 'yon!

"Sure ka Kali, hindi ka tinamaan?" Tanong pa ni Enzo, tumango ulit ako. Rami nilang tanong, sabing hindi ako tinamaan e! Hindi na tuloy ako makapagsalita, nakakahiya!

"Sorry miss, sorry talaga," Paghihingi ng sorry nong lalaki nang makalapit sa'kin.

"Okay lang," Tipid na sagot ko. Ngumiti lang siya at bumalik na doon sa gitna, sinabihan lang naman kami ni Enzo na mag iingat sa susunod bago bumalik malapit sa ring.

"Tara doon," Sabi ni Traeh sabay turo sa bench na medyo malayo sa players.

Maglalakad na sana kami nang makita si Arkiel na naglalakad habang hawak hawak ang bola. Makikita sa mukha ni Arkiel ang galit. Baka kanina pa'to may problema, ang lalim kasi ng iniisip niya nong nakauopo siya sa bench.

Lumapit siya doon sa lalaki at  limang metro palang agwat niya doon nang biglaan niyang itapon 'yong bola sa dibdib nong lalaki. Kaagad namang napahawak ang lalaki sa kaniyang dibdib, it hurt. Alam kong masakit 'yon, malakas ang pagkakatapon doon ni Arkiel. Nagulat ang lahat dahil sa ginawa niya.

"Pre, what's wrong with you?" Takang tanong nong lalaki. Lumapit pa si Arkiel sa kaniya at hinawakan lang naman nito ang kwelyo ng lalaki, hinila niya 'to ng biglaan palapit sa kaniya.

"Umayos ka sa susunod," Mariing sabi ni Kiel na medyo pabulong pero narinig pa rin namin 'yon. Binitawan na rin niya ang kwelyo nong lalaki. Nagsitambolan kaagad ang dibdib ko nang makitang naglalakad na siya papunta sa'kin.

"Kali, doon lang kami ah." Nakangiting sabi ni Tianna.

"Enebe, ehe!" Mapang asar naman na sabi ni Traeh bago tumakbo para sundan si Tianna.

Pinang ikotan ko nalang sila ng mata bago tumingin sa harapan, patuloy pa rin sa pagkabog ang dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin habang papalapit na siya. Parang tumigil ang paligid habang pinagmamasdan ko siyang papalapit sa'kin.

"Are you okay?" He asked when he was already in my front. Tumango lang naman ako. Wala akong masabi!

Nagsimula na rin naman ang laro nila. Nakaupo lang ako, medyo malayo kina Traeh at Tianna. Ang dalawa kasi, mas piniling sa baba umupo kasi malapit raw 'yon sa mga players. Gusto ko din sana doon kasi nagmumukhang  loner ako dito pero kasi si Venson! Dito niya ako hinatid kanina! Hindi naman na'ko nakapagreklamo kasi nawala ako sa sarili. Hindi ako makapagsalita!

Tuwang tuwa sina Traeh kasi lamang na sina Enzo ng puntos. Sabi kasi ni Enzo pag nanalo sila, bibilhin niya raw 'yong gustong bilhin ni Traeh na bag. Tapos kami, itetreat niya lang ng dinner!  Napakaunfair! Porket gbf niya 'yong tao?!

"Go Enzo! Tanginamo ipanalo mo 'yan ah! Para sa kapayapaan nating dalawa!" Nagsisigaw na si Traeh, si Enzo naman, tuwang tuwa.

Tumunog na 'yong buzzer kaya nagpahinga muna ang mga players. Inabotan kaagad ni Traeh si Enzo ng bottled water, si Tianna naman lumapit na doon sa lalaki niya. Bwesit, dapat talaga hindi na'ko sumama! Nakita kong kinausap ni Arkiel ang mga kaibigan niya, uminom siya sa tubig niya at dinala na rin 'yon papunta sa gawi ko. Sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalapit na siya sa tabi ko. Uminom ulit siya sa kaniyang tubig at naupo saka  nilagay 'yong jug watter sa gitna namin.

"Stop staring." Sabi niya habang nakatingin sa'kin, pinapatong ang dalawang braso sa kaniyang mga binti. Napaiwas ako ng tingin pero saglit din 'yon kasi narinig ko ang pagtawa niya.

"May nakakatawa?!" Taas kilay na tanong ko, umiiling lang siya habang 'yong ngiti sa labi ay hindi mawala.

"Sungit," He chuckled a bit then stared at me. Hindi ko matagalan ang mata niya kaya napaiwas ako.

"Paano ba 'yan, ilang minuto nalang, talo na kayo," Sabi ko sa kaniya. Kakausapin ko nalang siya kasi ayaw kong tinititigan niya ako ng ganon kalalim!

"Oh, are you in favor of them?" Sabi niya, tinutukoy sina Enzo.

"Oo naman! Kanino pa ba? Kaibigan ko kaya 'yon!" Inirapan ko siya.

"I don't wanna be your friend though," Napalingon kaagad ako sa kaniya na ngayon ay nakatitig sa'kin.

"Ayaw rin kita maging kaibigan noe?!" Parang may pandidiri pa 'yong tono ko. He just laughed a bit.

"Kaya ko silang habolin," Pigil ngiting sabi niya.

"Yabang! Hindi mo kaya! Ang layo kaya ng lamang nila sa inyo!" Sabi ko.

Napako ang tingin ko kina Traeh at Tianna na ngayon ay nagbubulongan, halatang kami nitong katabi ko ang pinag uusapan! Inikotan ko nalang sila ng mata at hindi na sila pinansin.

"Kaya ko, gusto mo bang ipanalo ko?" Oh, bakit ako na ngayon ang tinatanong niya?

"Hindi mo rin kaya, tigilan mo kayabangan mo," Tumayo na ako para sana puntahan sina Traeh pero napatigil din nang magsalita si Kiel.

"Kaya ko, basta manuod ka," Pigil ngiting sabi niya habang nakatingala sa'kin. Bwesit! Bakit ganon siya ngumiti? Kaya ba ganoon nalang siya makaamo ng babae? Fvck! Hindi ako, sila lang!

"Malamang manunuod ako, gagawin ko pipikit?" He just chuckled.

Tumayo na rin siya kasi tumunog na ulit 'yong buzzer, hudyat na magsisimula na ulit sila sa laro. Nakikita kong nagsipuntahan na sa gitna ang mga players, si Arkiel nalang ang wala doon.

"Tinatawag kana nila oh," Sabi ko sabay turo sa mga team niya pero hindi man lang siya lumingon doon at nakatitig lang siya sa'kin na parang may pang aasar pa.

"Ipapasok ko lahat, para sayo." He said then went to his team.

The fvck? Napaawang ang labi ko. Bakit parang ang dugyot ng dating sa'kin?! Nang lingonin ko siya, pansin na pansin pa rin ang pag ngisi kahit nakatalikod. Ang lalaking 'yon talaga! Dinidirty minded ako!

Natapos na ang laro at tama nga si Arkiel, nahabol niya ang puntos nina Enzo kaya sila ang nanalo. Halos lahat ng shoot ay sa kaniya. Nakakairita pa kasi kapag nakakashoot siya, tumigingin pa siya sa'kin na para bang sinasabing 'What now' Tsk. Tapos kung makangisi akala mong kinakatuwa ko! Si Traeh naman, akalain mong natalo sa loto. Hindi na niya pinapansin si Enzo pero si Enzo parang tuwang tuwa pa sa inaasta ng kaibigan niya.

"Babawi ako sa susunod babae!" Natatawang sabi ni Enzo. Lumalayo sa kaniya si Traeh pero sinusundan niya pa rin.

"Oo babawi ka, babawian kita ng buhay letse ka lumayo ka sa'kin! Wag mo'ko kausapin!"

"Sorry na, minalas lang kasi. Nagchecheer kanga, may mura naman," Sabi niya, lumapit siya kay Traeh na nakaupo pero binatokan siya nito kaya lumayo rin kaagad.

"Wag mo'ko kausapin!"

"Sa susunod na echecheer mo'ko, dapat ganito,  Omg! O to the M to the G! Enzo my loves, my hunnybuch, my sugarpie, go go go!" Nagmumukha ng bakla si Enzo dahil sa ginawa niya. Natatawa nalang ako sa dalawa.

"What are you laughing at?" Nagulantang ako at napalingon sa likuran dahil sa biglaang pagsalita ni Arkiel.

"Ano ba! Nakakagulat ka!" Kunot noong sabi ko dito. Bigla bigla nalang kasing sumusulpot! Umupo ako kasi ang lapit niya sa'kin kanina.

"We won," He smiled a bit then sat beside me.

"Yabang," Pabulong na sabi ko sabay iwas ng tingin. "Chamba mo lang 'yon!" Dagdag ko pa. I was waiting for him to say something but he just stared at my eyes for a couple of seconds.

"No, I'm just inspired." He said after a long silence. I rolled my eyes to him and looked away. Sanaol inspired.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top