01
"Noted Ma'am!"
I smiled at the barista, she smiled back before turning around and started to work on my drink. Alas syete na ng gabi nang mapagpasyahan kong dumaan muna sa isang coffee shop bago umuwi ng condo. I was just alone in a table. Maraming tao ang narito, most were like me, mga studyante.
Natapos na ng barista ang inorder ko kaya naman inabot na niya 'yon sa'kin. The barista smiled at me again before walking away. I already payed so I started to sip on my coffee. Tahimik lang ako habang iniinom ang aking kape. I was just scrolling on my social media accoounts when a man suddenly appeared on my front. Nagulat ako pero nawala rin saglit nang mapagtanto ko kung sino.
"Nanggugulat ka naman d'yan e! Ginagawa mo dito?" Kunot noong sabi ko habang nakatingala sa kaniya. Hinatak niya ang upoan na nasa harapan ko bago siya umupo. "Wala akong panglibre, bumili ka ng sayo." Sabi ko pa kay Franklin, kablockmates ko. Para din 'tong si Lorenzo, madaldal!
"Bumili na'ko, akala mo sa'kin, walang pambili?" Sabi niya 'tsaka pinatong ang binti sa kabila niyang binti.
"Oo," Walang ganang sagot ko. "Bakit nandito ka? Paano mo nalaman na nandito ako?"
"Luh, hindi ko nga rin alam na nandito ka e, akala mo sa'kin, sinusundan ka?" This time, pinagkros naman niya ang mga braso niya.
"Puro ka akala bwesit ka! Seryoso kasi, bakit nandito ka?" Iritang sabi ko dito. Napapakamot nalang ako ng ulo.
May imemet na naman siguro ang lalaking 'to tapos kinabukasan, parang binagsakan ng langit at lupa. Hindi raw sinipot. Lagi naman e. Minamalas talaga siya pagdating sa 'pag-ibig'. Saglit kaming natahimik nang dumating na rin ang inorder niya. "Hoy ano na, bakit nandito ka?" Tanong ko ulit nang umalis na ang barista.
"Nandito ako kasi iinom ako ng kape, may nakita kasi akong post kanina." Lumapit siya sa'kin at bumulong. "Sabi, magkakalovelife raw mahilig sa kape!" Kung umakto ay parang mabigat na balita ang nalaman.
"Uto uto ka naman," Ismid na sagot ko sa kaniya.
"Kali, hindi masamang itry. Malay mo bukas magkagirlfriend na'ko!" Mayabang na sagot niya.
"Malay mo bukas mawalan kana ng malay, punyeta ka! 'Yon lang pala pinunta mo dito!" Uminom ako sa kape ko at binalik ang tingin sa cellphone. "Kala ko may ememet ka ulit na hangin!"
"Sama talaga nito! Sisipotin ako non," Parang hindi pa sure na sabi niya. Natawa tuloy ako.
"So, bakit wala pa siya kung ganon?" Pigil tawang tanong ko. Napatingin naman siya sa cellpone niya at kunwari may binabasa doon.
"Traffic raw, Oo tama!" Sagot niya kaya mas lalo akong natawa. Palagay ko'y palpak na naman 'to. "Ang sama, tuwang tuwa! Wala kalang jowa e," Ismid na sabi niya.
"Bakit ikaw, meron ba? 'Tsaka hindi ko kailangan ng jowa tanga!" Sagot ko. Nagnotif sa taas ang chat ni Traeh, tinatanong kung bakit wala pa ako sa condo. Hindi na'ko nagreply at tumayo na'ko hawak hawak ang kape. Nagulat si Franklin kaya naman tumayo na rin siya.
"Oh, uuwi kana?" Tanong niya.
"Ano sa tingin mo! Hinahanap na'ko ng mga roomates ko!" Sabi ko at naglakad na palabas ng coffee shop. Naririnig ko pa ang pagpigil sa'kin ni Franklin pero hindi ko na pinansin. Close kami non kaya wala lang sa'ming dalawa ang mga asta na pinapakita namin.
I arrived at condo around 8 PM, may dinaanan pa kasi ako sa convinence store. My friends already had their dinner so I was left eating alone. After my dinner, I took a quick shower and brush my teeth before going outside the bathroom. I then did my skincare.
"Hoy Kalixia, may hindi kapa sinasabi sa'kin!" Sabi ni Traeh, kakapasok niya lang sa kwarto ko. Nakasandal lang ako sa headboard ng kama ko habang nagiiscroll sa socmed ko.
"Ano na naman 'yon?" Kunot noong sagot ko habang nasa cellphone pa rin ang tingin.
"That night, sa party. I saw you and that Venson. You guys were talking! Tapos gumawa pa kayo ng eksena doon, Omg may something na ba sa inyo? May tinatago ka rin palang landi ah, napaamo mo na kaagad si Captain sa isang gabi lang!" Binatokan pa ako ni Traeh.
Bwesit, alam niya palang may eksena na nangyayari doon, hindi man lang ako tinulongan o hindi kaya nilapitan! Mas piniling lumandi!
"Bakit hindi mo'ko tinulongan?!" Tinapon ko sa kaniya 'yong unan na katabi ko lang kanina. Tinaman siya doon kaya dinukot niya rin 'yon sabay tapon pabalik sa'kin. "Aray ko hah!" Ang lakas ng pagkakatapon niya, bwesit siya!
"Syempre hindi na kita tinulongan, kasama mo naman si Venson e, yieee.." Humiga siya sa kama ko at niyakap ako. "I'm happy for you, after how many years na wala kang dilig, sa wakas__"
"Manahimik kanga! Anong dilig dilig pinagsasabi mo?!"
"Sus, as if hindi ko alam may something na sa inyo nong Kiel na 'yon!" So that was his name. Kiel.
"Anong something? Hindi nga kami nag uusap non e, 'tsaka hindi ko siya type, kaya tumigil ka!" Pinapalayo ko pa ang mukha niya gamit ang kamay ko. Si gaga, makulit kaya mas lalong umusog sa'kin.
"Ang tigas rin ng mukha mo noe? Bakit hindi mo siya type? Nasa kaniya na kaya ang lahat! Ang galing ng mga penalty kick niya sa soccer. Pogi, mayaman, mabango, masarap, tapos DL! Saan kapa tanga!" Mahabang sabi niya sabay hampas sa'kin.
Kung hindi ko lang kaibigan 'to, baka kanina ko pa 'to pinatulan! Ang sakit sakit ng mga hampas niya! Ang bigat ng kamay, dinaig pa ang isang kilo ng bigas!
"Edi jowain mo kung ganon! Ikaw ata may type doon e!"
"Naku, buti sana kung type din ako! Crush ko kaya 'yon, ang galing maglaro ng soccer ackk! Sige na, landiin mo beh!" Sambit niya.
"Hindi ko nga siya type, at alam kong hindi rin ako ang type niya! Kaya tigilan mo'ko!"
"Uy, hindi mo sure. Expert ako sa mga ganoong galawan ng lalaki!" Proud pang sabi niya.
"Edi ikaw na expert! Congrats!" Ismid na sabi ko. "Sige na, layas na't matutulog na'ko!" Hinatak ko na siya palabas ng kwarto at baka kung ano ano pa sabihin.
The next morning was a saturday, I woke up around noon. Wala kaming pasok ngayon kaya palagay ko'y tambay na naman kami dito sa condo. Pero sina Traeh at Tianna, malay ko lang, laging may gala ang dalawang 'yon e.
"Kali, kumain kana doon!" Rinig kong sigaw ni Traeh sa may pintuan. Naalala ko tuloy 'yong sinira niya kahapon, bwesit na kaibigan! Lumabas na'ko ng kwarto at nagpunta sa kitchen, diretso sa lababo para magmumog.
"Kung kailan sira na ang pintuan ko, saka ka naman hindi papasok sa kwarto! Ang ayos mo rin ano?" Sabi ko nang makita si Traeh na palabas ng bathroom.
Nakabili na kahapon ng bagong doorknob si Traeh, pera ko ang ginamit doon, hindi naman talaga siya ang pagbabayarin ko doon. Hindi nga lang naayos ngayon kasi wala pang pweding makapag ayos non sa'min.
"Parang tanga naman 'to, aga aga sinasapian kana kaagad!" Umupo ako sa sofa sabay tinaasan siya ng kilay.
"Tapos?" Sinusundan ko lang siya ng tingin. Naglalakad siya papunta sa kwarto nila ni Tianna. Mas pinili ni Tianna na kasama si Traeh sa iisang room, boring raw kasi si Savi, puro aral tas aga raw matulog.
"Tapos 'yon lang, salamat!" Nakangising sagot niya. Hindi ko nalang pinansin at tumayo na ulit ako para kumain.
Pagkatapos kong kumain, ako na rin ang naghugas ng mga pinggan. Kung sino nahuhuling gumising, siya ang maghuhugas ng pinggan, ganon ang rules namin dito. Naka assign sa pagluluto sina Traeh at Kezeah since mas magaling sila magluto. Ako naman ang nag gogrocery kapag naubosan kami ng pagkain dito. Si Tianna ang naghahatid ng mga labahin sa laundry shop at si Savi naman ang naglilinis sa buong condo, except sa mga kwarto namin kasi kami na ang naglilinis doon
"Saan sila?" Tanong ko kay Savi nang maabotan ko siya sa living room. Pansin ko kasing tahimik ang paligid.
"Lumabas," Tipid na sagot niya. Ang bilis naman ng mga babaeng 'yon. Kumain lang ako at naghugas ng pinggan, nakagala na kaagad?
"Saan raw?" Ang mga gagong 'yon, hindi man lang nila ako inaya.
"Malay," sagot niya. Ang tipid talaga sumagot, sanay na'ko dito. Naupo nalang ako sa couch at tumingin doon sa iniisketch niya. Hindi ko alam dito, laging nag eesketch e maganda naman lahat ng gawa niya.
"Umuwi si Kezeah?" Tanong ko ulit kahit na ramdam kong napipilitan lang siyang sumagot. Tumango lang naman siya. Umuuwi rin kasi sa bahay nila si Kezeah tuwing linggo. Halos lahat naman kami umuuwi din, pero minsan tinatamad kami kasi pagdating ng dominggo babalik rin dito.
Pumasok nalang muna ako sa kwarto ko kasi palagay ko'y mababaliw ako ng maaga kapag nakipag usap ako ng matagal dito kay Savianna. Kung anong tanong mo, 'yon lang din ang isasagot. Wala naman kaming ginawa ni Savi habang wala sina Traeh at Tianna.
Hindi rin kami nakapag usap kasi busy siya tapos wala rin siyang gana makipag usap, parang lagi naman. Nasa living room lang siya at nag iisketch. Ako naman, nasa kwarto ko lang at nag iiscroll lang sa socmed kahit ang boring ng mga nasa newsfeeds ko.
Lunctime nang maisipan kong lumabas na ng kwarto. Walang tao sa living room kaya pumasok ako sa kwarto ni Savi. Wala rin siya doon. What? Lumabas siya? Kailan? Ganon naba talaga ako katagal sa kwarto ko? Grabe ah, hindi man lang nagpaalam si gaga. Iniwan nila ako mga walang kwentang kaibigan! Kala ko walang iwanan!
Naupo ako sa couch at nag open sa messenger. Nagbackread lang ako ng unti sa gc namin.
PALAMUNISM
Kezeah: Nasa bahay na'ko!
Traeh: May nagtanong?
Kezeah: Sino ka?
Traeh: Namo!
Nagtype nalang ako para magchat doon.
Kalixia: Savi, Lumabas ka?
Savianna: Oum
Tatianna: Saan ka nagpunta? May kamet-up ka? Sumbong kita kay daddy, lumalandi kana ah!
Savianna: I bought brush and illustration, gawain mo 'yon kapatid.
Traeh: Boom! Louder!!!
Tatianna: @Traeh Epal! Nasaan kana? Gutom ako, daan tayo sa sturbs!
Hindi na'ko nagreply pa doon. Wala rin naman akong kasama sa condo, at wala rin akong magawa dito kaya lumabas nalang din ako at gumala mag isa. I was just wearing a pastel green sweater and washed jeans with white sneakers. Naglibot libot lang ako sa mall at kaunti lang naman ang napili kong bilhin. Dumaan ako sa isang restaurant nang maramdamang sumasakit ang t'yan ko, baka gutom lang ako.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang mahagip ng mga mata ko si Kiel at ang isang lalaking nasa mahigit kwarenta na ang edad. Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yong papa ni Kiel. Kunot ang noo ni niya nang maupo na sila. Nilapitan sila ng isang waitress, hindi man lang niya nilingon 'yong babae kaya ang papa na niya ang kumausap doon. Nang makaorder na sila, nakikita ko ng nakikipag usap na sa papa niya si Venson, parang napipilitan pa.
Nagmadali nalang akong kumain at baka makita niya pa ako dito. Ramdam ko na rin na ang puson ko na ang sumasakit. Fvck? May dalaw ata ako ngayon!
I already payed my bill kaya naglakad na'ko palabas. Mabilis ang bawat hakbang ko habang naglalakad papunta sa parking area ng restaurant. Bwesit, feeling ko talaga ay dinatnan ako ngayon! Kailangan kong magmadali at baka may tagos na'ko! Kamuntikan na'kong mapatalon nang may humawak sa braso ko. Kaagad akong humarap dito at nakita si Kiel na hinihingal. Hinabol niya ba ako? Nakita niya ako?
"Oh?" Kunot noong sabi ko. Lumingon siya sa bawat paligid at nagulat ako nang hatakin niya ako.
"Where's your car?" Tanong niya habang hinihila ako.
"Hinay hinay kanga kakahila sa'kin!" Reklamo ko. Tinuro ko sa kaniya kung nasaan ang kotse ko. Kinuha ko na rin ang susi sa bag ko. Nang marating na namin 'yon, kaagad niya akong pinagbuksan ng pintuan. Kotse niya?!
"Get in," Utos niya sa'kin. Ang kapal talaga ng mukhang utosan ako! Hindi na'ko nagreklamo at parang asong sinunod ang kaniyang gusto. Naglakad na rin siya papunta sa kabila.
"Bakit? 'Tsaka parang baliktad ata ah, kotse ko 'to, bakit nand'yan ka!" Turo ko sa dapat na pwesto ko.
"I think you're having your," Pinutol niya ang sasabihin. Pansin kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Para bang nakakahiya kapag sinabi niya 'yon. "You're having your.. thing. Something like that." Sabay iwas niya ng tingin. Ano raw? Hindi ko siya makuha?!
"Ano?! Umayos kanga!" Iritang sabi ko.
"Menstruation, ugh!" Napasapo siya sa kaniyang noo na para bang may nasabi na hindi dapat sinabi.
Nagulantang ako at napatingin sa pwetan ng jeans ko. Napaawang ang labi ko nang makitang may dugo doon. Shit! Sabi na e! Fvck, nakakahiya! Sa lahat pa ng pweding makakita non, siya pa talaga?! Dinantnan nga ako! Kaya pala ang sakit ng puson ko! Nakasweater naman ako pero kita pa rin 'yong tagos! Wala rin siyang kahit jacket na pangtakip lang sana!
"K-kanina pa ba 'to? I m-mean, uhm," Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa hiyang hiya na'ko. Paano kung kanina pa pala 'to? Edi marami ng nakakita nito?! Argh!
"I don't know, napansin ko lang kanina nong palabas ka." Sabi niya, hindi ako tinatapunan ng tingin. Bakit siya nahihiya? Diba dapat ako lang?
"T-talaga, ahm thankyou.," Nauutal pang sabi ko.
Sinabi ko kay Kiel na dadaan ako ng convinience store bago umuwi ng condo. Bibili ako ng napkin at doon na'ko sa condo magpapalit. Nagpresenta siyang ihahatid na'ko total wala rin naman siyang dalang kotse, nakisakay lang siya doon sa papa niya. Nagtalo pa kami sa kotse kasi ayokong sumama siya sa'kin pero ang loko, matigas ang ulo.
"Ah, makulit ka ah. Sige, mamaya ka sa'kin!" Inismiran ko siya at sinuot ang seatbelt ko. Kumunot ang noo niya, tumitig sa'kin saglit na para bang inaalam kung anong nasa isip ko pero kalaunan ay inistart na rin ang kotse.
Dahil makulit siya, bakit hindi nalang din siya ang utosan kong bumili ng napkin. Total feeling super hero! Hindi rin naman ako makalabas ng kotse dahil nakikita 'yon at mas rumami ang kumalat kaya siya nalang ang pabibilhin ko. Natatawa ako sa naisip kong plano kahit hindi ko pa naman pinapagawa sa kaniya.
"So, bakit mo pala ako sinundan at piniling iwan ang papa mo doon?" Basag ko sa katahimikan nang nasa byahe na kami.
"Why are we talking about him?" Tanong din niya.
"Kasi papa mo 'yon, bakit mo siya iniwan doon!" Parang may panghuhusga pang sabi ko. Kausap niya lang kanina 'yong papa niya, ni hindi panga ata niya nagagalaw 'yong inorder nila e tapos ngayon nandito, sumama sa'kin! Ang ayos niya naman maging isang anak!
"Kung hindi kita sinundan, hindi mo mapapansin na.. 'yon." Magulong sabi niya. Bakit kasi ayaw banggitin, nakakamatay ba pag binanggit 'yon?!
"Pero nalaman ko naman na, bakit sumama ka pa sa'kin? Kawawa naman ang papa mo doon, "
"We're done talking and please, stop asking about him." Tapos na sila mag usap? E parang kakaupo nga lang nila e.
Hindi na ulit ako nagtanong pagkatapos niyang sabihin 'yon. Baka sabihin matigas ulo ko. Tinanong ko lang naman siya tungkol sa acads niya habang nasa byahe kami. Hindi na'ko nagtaka nang sabihin niyang DL siya. Ang bilis kasi kumalat ng balita pagdating sa kaniya. I think wala siya girlfriend. Sa ngayon wala kasi wala pa naman akong nababalitaan. Or baka meron pero private?! Argh! Pakialam ko ba?!
"Oh siya, labas na!" Pambubugaw ko sa kaniya nang marating na namin ang store. Kaagad naman siyang napatingin sa'kin, nagulat sa sinabi ko.
"Why?" Inosenteng tanong niya. Napakagat nalang ako sa ibabang labi. Bibili ka ng napkin!
"Ikaw 'yong bibili diba?"
"What?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Makikita sa itsura niya ang pagkagulat. Umiiling pa na para bang pinapaalam sa'kin na wala siyang sinabing ganon.
"Dali na, ikaw na bumili, bayaran ko nalang sayo pagdating mo dito,"
"Oh god, I won't human, I swear to god I can't." Sunod sunod na iling ang binitawan niya. Tamo! Bakit pa siya sumama kung magpapaiwan lang din pala sa kotse?!
Mula noong sa party, human na talaga ang kinilala niyang pangalan ko, bwesit siya! Hindi pa rin niya alam kung anong pangalan ko? Sa bagay, sino ba naman ako para alamin niya ang pangalan ko. Iyak na siya, alam ko pangalan at apelyido niya!
"Edi sana hindi ka nalang sumama kung hindi mo rin pala ako matutulongan dito! Hindi ako pweding lumabad, makikita 'yong tagos!" Inirapan ko siya at tumingin sa labas ng bintana. Pinagkross ko pa ang mga braso ko. Napatingin ako sa kaniya nang hubarin niya ang kaniyang shirt. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo huh!" Sabi ko habang nasa labas ng bintana nakatingin.
"Wear this," Sabi niya, sabay iniabot sa'kin ang shirt niya. "Para matak.. pan?" Parang hindi pa sure sa sinabi.
"Masakit 'yong puson ko, hindi ako makalakad ng maayos!" Pagdadahilan ko ulit.
Pero totoo naman kasi, walang halong biro. Napasapo siya sa kaniyang noo at sinuot pabalik ang kaniyang shirt. Lumabas na siya ng kotse pero nakakadalawang hakbang palang siya nang bumalik ulit sa loob.
"Oh ano? May naiwan ka?" Tanong ko kaagad. Nagpipigil na'ko ng tawa. Pansin na pansin ko kasing naeestress siya, pinagpapawisan nanga e.
"I can't." Parang ang laki ng problemang sabi niya. Gustong gusto ko ng matawa pero pinigilan ko ang sarili.
"Sige huwag na, ako nalang." Magsisimula palang akong gumalaw nang pigilan niya ako.
"Ako na," Sabi niya at lumabas na ulit ng kotse.
Nakikita ko nalang siyang naglalakad papunta sa loob. Ilang minuto ang dumaan bago siya nakabalik. Wala siyang dala nang pumasok na siya sa kotse ko. Hingal na hingal pa siya at napapahimas sa kaniyang noo.
"It's stressing me out, " Panimulang sabi niya.
"Bakit? Parang 'yon lang e!" Kunot noong sabi ko.
"May pakpak ba 'yon?" Takang tanong niya. Humagalpak ako ng tawa dahil sa sobrang inosente ng itsura niya. Wala ata siyang kapatid na babae, bakit hindi niya alam 'yon? "Human, I'm dead serious, they're asking me if the one with wings or none,"
"Huwag na, ako na bibili," Pigil tawang sabi ko at lumabas ng kotse.
Dumating kami sa condo ko noong bandang 5 PM na. Inaya ko si Venson na pumasok sa loob kaya pumasok rin naman siya. Pagdating doon, bunganga nina Traeh at Tianna ang bumungad sa'min. Wala si Savi kaya walang makakausap si Venson na matino. Pinaupo ko muna si siya sa sofa pero kinulit na kaagad ng dalawa. Hindi ko nalang muna sila pinansin at nagmadaling pumasok sa kwarto ko para kumuha ng ibibihis.
"Omg, Kali ah! Nagdate ba kayo?!" Kinikilig na tanong ni Traeh. Hindi ko na pinansin at nagpatuloy sa pagbibihis.
Pagkatapos kong magbihis ay humiga muna ako sa kama. Masakit ang puson ko! Rinig na rinig ko pa rin sa loob ng kwarto ko ang ginawang interview nila kay Venson. Gusto kong lumabas para sana patigilin sina Traeh pero masakit pa ang puson ko. Papahinga muna ako ng kahit ilang segundo lang.
"Hoy Kalixia! Hindi mo man lang ba kakausapin 'tong bisita mo!" Rinig kong sigaw ni Traeh.
'It's okay, I'm fine." Sagot sa kaniya ni Venson.
"Anong bisita, manliligaw kasi tanga!" Sambit naman ni Tianna. Mga bwesit talaga.
Tumayo nalang ako para sana pumunta sa living room pero napatigil din nang makitang tinutulak na nila si Venson papasok sa kwarto ko. Hindi na'ko nagreklamo at wala akong gana makipagsigawan sa kanila. Naupo nalang ulit ako at inantay na lumapit si Venson.
"I'm sorry," Sabi niya sabay turo doon sa labas ng pintuan. Ibig niyang sabihin ay tinulak lang siya kaya nakapasok.
"Okay lang, pasensya kana sa kanila, ganon talaga ang mga 'yon." Pinanlakihan ko ng mata sina Traeh at Tianna na nakikisilip sa labas ng kwarto ko, umalis rin naman kaagad sila.
"It's okay," Sabi niya. Napapikit ako nang may parang tumusok sa puson ko. Pota, ang sakit ng puson ko! Napansin niya ang paghawak ko sa 'tyan ko kaya lumapit siya ng unti. "Does it hurt that much?"
"Hindi naman," Umiiling na sabi ko. "Btw hindi ka paba uuwi?" Tanong ko. Gusto kong mawala na siya dito, para hindi na'ko marihapan kakapanggap na wala akong dinadamang sakit! Sakit ng puson ko!
"Uuwi na, " Tipid na sagot niya.
"Sige, Ihahatid kita d'yan sa baba," Akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako. Hiniga niya ako sa kama at kinumotan. Nagsitambolan tuloy ang dibdib ko. Hindi ko na nagawang gumalaw habang inaayos niya ang kumot. Tumayo siya ng tuwid at pinasok sa kaniyang bulsa ang mga kamay.
"You should rest, I can handle myself." He smiled a bit then he walked out of my room.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top