CHAPTER 6: UPSET

Ken's POV
Kanina pa ako abala sa pagtatype ng research ko ng tumawag si Ate Kass. Nakalapag na siguro siya sa Pilipinas ngayon. "Dito na ko Ken. In a few hours babalik na ko diyan sa NYC. Expect me there tommorow morning." Saad niya. "Okay. Kamusta ang Canada office natin. Gumugulong na ba ang rehabilitation?" Tanong ko. "Oo nagsimula na sila." Sagot niya. "Okay. Ikamusta mo na lang ako kay Kyle at kila Manang. Ingat kayo papunta dito." Sagot ko. "Magpahinga ka muna diyan. Pwede ka naman bukas na lang umuwi." Sagot ko. "Hindi. Marami pa kong gagawin. Sa eroplano na lang ako matutulog." Sagot niya. "Sige. Paano yung mga patients mo?'' Sagot ko. ''I'll take care of it next week.  Tatapusin ko muna yung errands diyan sa US bago ko ayusin yung errands ko dito.'' Sagot niya.  ''Okay. Aantayin ko na lang kayo. Ako na susundo sa inyo sa airport.  7 am pa naman klase ko bukas. Samahan mo na rin ako sa pagpasa nung blueprint nung isang building na kasalukuyang under construction.'' Sagot ko.  ''Okay sige.  Tawagan ulit kita kapag papunta na kami Kyle sa airport.'' Sagot niya.  ''Sige Ate. Stay safe. Love you.'' Sagot ko.  ''Love you too lil bro. Bye.'' Sagot niya at binaba ang tawag.  Nagpatuloy ako sa ginagawa. Ng matapos ko ang research ay itinuloy ko naman ang blueprint nung isang building na inaayos  namin.  Napatingin ako sa orasan pasado alas dose na pala ng gabi marami pa kong kailangan gawin. Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagdradrawing. Nagpabili na nga rin ako ng drafting table para hindi na ako magpapakahirap kapag gumagawa ako ng blueprints. Pagkatapos nito ay tinuloy ko naman yung isa kong activity sa school. Kahit naman naka online class na ako ay marami pa ding ginagawa. Ng matapos ko yung blueprint ay bumalik ako sa laptop  ko para naman ituloy yung nahinto kong activity. Sumasakit na ulo ko sa dami ng ginagawa. Para kong machine na hindi nagpapahinga. Kailangan ko naman ito gawin dahil kung hindi ako nanaman ang walang kwenta. Mabuti na lang wala na Ana. Nabawasan yung stress ko sa buhay. Hindi na ako masstress kakaisip ng mga solusyon sa kalasingan ng babae na yun at hindi na rin ako madidistorbo dahil hindi siya makakauwi. Alas kwatro na ng madaling araw ng makahiga ako. Matutulog muna ko kahit saglit para naman may lakas ako sa pagsundo kila Ate. Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. ''Hello?'' Bati ko. ''Hoy Ken! Ano na? Nasan ka na?'' Sagot naman ni Ate. ''Saglit Ate. Umidlip lang ako." Sagot ko. "Si Kenneth na lang papagsunduin ko samin. Matulog ka na muna. Wag ka na umattend sa class mo ngayong araw. Marami ka sigurong ginawa kagabi." Sagot niya. "Okay Ate." Sagot ko at bumalik sa pagkakatulog. Bandang ala una na ng hapon ng magising ako. Naligo at nagayos na muna ako ng sarili ko bago bumaba. Mamayang 3 pm na ako pupunta sa office ng company namin dito sa New York para ipasa yung ginawa kong blueprint. Sana naman matuwa si Papa para naman kahit paano eh mabawasan naman yung pagod ko. Pagod na pagod na talaga ko kaso hindi ako pwede huminto. Iniisip ko na lang yung mga taong mahihirapan kapag huminto ako. Ng makababa ako abala silang lahat sa computers  at phone. ''Kamusta flight niyo Ate?'' Bati ko. ''Okay naman. Si Kyle ang dapat kinakamusta mo. Aba parang first time nag-eroplano.  Suka ng suka.'' Sagot ni Ate.  Pumalahaw naman ng tawa si Kuya Kenneth. Binigyan naman siya Kyle ng masamang tiningin. ''Ano Kyle? How was your 16 hour flight?'' Baling ko kay Kyle. Agad naman siyang  lumapit sa akin at nakipag bro hug. ''Nakakasuka Kuya.  Hindi na ko uuwi sa Pilipinas. Dito na lang ako.'' Sagot niya. ''Weh?? Eh nakwento sakin ni Manang nakipagdate ka pa daw bago ko dumating!'' Sagot ni Ate. ''Fake news si Manang. Magsusumbong nanga lang sayo mali pa yung time slot.'' Sagot ni Kyle.  ''Bakit? Ano ba talaga yung totoo??'' Sagot ko. "Yung totoo? Nung isang araw. Nagmall kami ng special  someone ko kasama  yung iba pa naming friends." Sagot niya. "Ano?! Kay bata-bata mo pa Kyle!" Sagot ni Ate. "Pabayaan mo na siya Ate. Para namang ginanyan-ganyan mo kami ni Ken dati." Sagot ni Kuya Kenneth kay Ate. Hindi na lang ako nagsalita at dumiretso na sa kusina. Ano kayang existing na pagkain sa fridge? May nakita akong pasta. Ininit ko na lang ito para maging tanghalian ko. Madali lang naman makacope up sa classes dahil sinesend naman sa website namin yung past lesson. Habang kumakain ako ay biglang nagring ang phone ko.  ''Hello?'' Bati ko sa kung sino mang tumawag.  ''Ken.  Go to the office later at 3. Mister Lizardo will be waiting on your blueprint of the recent rehabilitation program of the burned buildings.'' Saad nung secretary ni Papa. ''Okay.  I'll be there.'' Sagot ko at binaba ang tawag.  Napabuntong hininga na lang ako dahil wala pa man din at naprepressure na ako. ''Ate!'' Tawag ko. Agad naman na lumapit si Ate sa akin. ''Bakit? Para kang nakawala sa coran sa sigaw mo na  yun.'' Sagot niya. ''Samahan mo ko sa company. Hinihingi na ni Papa yung blueprint.'' Sagot ko. ''Okay sige.  Dadalin ko din si Kyle kay Mama eh.  Nandun ata sa company.  Matagal na ring di nagkikita si Mama tsaka si Kyle.'' Sagot niya. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Ng mabos ko ang pasta ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at umakyat na sa kwarto para magtoothbrush at magbihis para makapaghanda ako sa pagpunta sa company.  Hinanda ko na rin yung mga blueprint na halos dalawang linggo ko ginawa at pinaghandaan. Ng matapos na ako ay bumaba na ako at sinilip sila Ate kung handa na sila.  ''Maiwan ka dito sa condo Kenneth.  Wag ka muna mambabae ngayong araw.'' Rinig kong bilin ni Ate kay Kuya. ''Ate naman. Alam mo ba kung gaano kadami ginagawako para magkaoras pa sa pambabae. Halos tatlong oras na nga lang tulog ko mambabae pa ko edi sana yung oras na pinambabae ko eh tinulog ko na lang.'' Sagot niya. "Pinagsasabihan lang kita. Baka mamaya magbar hoping ka eh marami pang trabaho." Sagot ni Ate. "Tama na yan Ate. Tawagin mo na si Kyle ng makaalis na tayo." Singit ko sa usapan nila. "Kyle! Anong petsa na? Baba na!" Sigaw ni Ate. Nakailang sigaw na si Ate pero hindi pa rin bumababa si Kyle.  ''Hayaan mo na siya Ate.  Baka nagpapahinga. Papuntahin mo na lang dito sila Mama sa weekend.'' Saad ko. "Samahan mo si Kyle dito ah!" Ani Ate kay Kuya Kenneth. Tumango lang si Kuya Kenneth na nakabaling pa rin sa laptop. Naglakad na kami palabas ng condo. Ako ang nagdrive papunta sa company. ''Handa ka na ba Ken?'' Tanong ni Ate. Di na lang ako sumagot para hindi mahalata yung kaba ko.  Hindi ko alam kung ano kakalabasan nito pero hoping for the  better ako. Hindi na ako aasa na hindi ako makakatikim ng sermon sa kanila. Kahit ito lang sana maappreciate nila. Tagal kong pinagpuyatan yung mga blueprint na 'to. Pagdating namin ni Ate ay agad kaming pumunta sa last floor nitong building. Dun kasi yung office ni Papa. Huminga  muna ako ng malalim para kahit paano ay maibsan ang kaba ko. Pinihit ko na ang door knob papasok sa office ni Papa. "Good afternoon Pa. I'm here to submit the blueprint of our projects under the rehabilitation due to the fire occured." Ani ko. Tumango lang siya. Inabot ko na ang blueprint ko.  Nakaupo lang si Ate sa couch ng opisina at nakikinig sa amin. Agad namang sumama ang timpla ng mukhani Papa.  Lumamig ang tingin niya sa akin.  Agad naman akong binalot ng pangamba. ''Ano 'to? Engineer ba talaga gumawa nito? Bakit kamukha lang 'to ng mga sample sa internet?'' Saad ni Papa. ''Hindi Pa. Ako gumawa niyan. Two weeks ko yang ginawa." Sagot ko. "Two weeks pala? Bakit mukhang sample lang? Nasa training ka kasama ng magagaling na engineers ng kompanya. Nagaaral ka pa ng engineering bakit ito lang?" Sagot niya. Bumuntong hininga na lang ako at hindi na nagkomento. "Ano Ken? Hindi 'to papasa sa board." Saad niya pa. "Alam mo hindi ko alam kung bakit nag engineering ka pa kung hindi mo naman pala magagawa ang trabaho ng totoong engineer." Dagdag niya pa. Parang pinipiraso ang puso ko sa nararamdaman. Sarili kong ama ginaganyan ako. Hindi man lang nagbigay ng kahit na anong compliment. "Sayang lang yung tuition fee na binabayad ko kung di mo naman ginagamit yung inaaral niyo." Usal niya pa. Hindi na lang ako umimik dahil mapapasama nanaman ako nito. "Pa alis na po kami. Kailangan na po namin bumalik ng condo dahil nandun si Kyle." Singit ni Ate sa usapan namin upang mapagaan ang atmosphere. Bumibigat na rin eh. Mabuti na lang at sinama ko si Ate. ''Dalhin mo siya sa mansyon sa weekend. Aantayin namin kayo ng Mama niyo. Tsaka kailangan ko ng reports reagrding our Canada incident.'' Sagot niya. ''Opo.  Dadalhin ko na si Kyle by weekend. Susunduin ko na lang by Sunday night dahil alam kong may business trip going to Singapore kayo.'' Sagot ni Ate. Nauna na akong lumabas dahil ayoko nang pakinggan paang usapan nila.  Lalo ko lang nararamdaman ang pagod at sakit ng mga sinabi ni Papa. Hindi pa ba ako nasanay? Ever since ganun na naman sila eh.  Hindi na ko nagsasalita kahit ang sakit na. Sasaluhin ko na lang lahat para hindi na ito maranasan ni Kyle. Ayokong magsuffer siya dahil sa mga words  ng sarili naming magulang. Hayaan mo nang ako na ang humarap sa mga salita nilang parang balang papatay sa sarili nilang anak.  Tatagan ko na lang ang puso ko para hindi bumigay. Sumakay na ako sa kotse at inistart ito. Hinintay ko na lang dito si Ate dahil di naman kalayuan ang parking area sa building. Bumukas ang pinto ng shot gun seat at sumakay si Ate. "Hindi na kita tatanungin kung okay ka lang kasi alam ko namang hindi. Pagpasensyahan mo na lang sila dahil dun. Proud pa rin ako kasi  kahit nasasaktan ka na sa mga naririnig mo hindi ka pa rin nagsalita. Pinanatili mo pa rin ang paggalang." Saad niya. Ngumiti na lan ako ng pilit sa kanya at nagsimula nang madrive. "Dumaan muna tayo ng mall dahil kailangan natin bilan ng beddings si Kyle." Aniya ng nasa daan na kami. Tumango lang ako. "May gusto ka bang sabihin? Kilala kita Ken." Tanong niya dahil nakakahalata na siguro siya dahil sa nakakabinging katahimikan. "Ate, bakit hindi pa rin sapat? Bakit hindi pa rin ako sapat? Hindi pa ba sapat na iniwan ko yung babaeng mahal ko dahil mahal ko sila? Hindi pa ba sapat na halos hindi na ako matulog bawat araw dahil pinagsasabay ko ang pag-aaral at pag-aasikaso ng kompanya? Ano pa bang kulang Ate? Gusto ko lang naman na mahalin nila ko katulad ng sa inyo. Kinakaya ko naman lahat Ate eh. Kinakaya ko namang masaktan habang pinapanuod yung babaeng mahal ko na magmahal ng iba para makapagpakasal ako sa babaeng gusto nila.  Kinakaya ko naman na maging bato para mapagtiisan ko yung mga sinasabi nila na masasakit. Pero bakit di pa rin nakikita yung efforts ko?'' Sagot ko. ''Alam mo Ken hindi man nila nakikita sa ngayon pero magtiwala ka na balang araw makikita din nila. Magsipag ka lang at pakita mo sa kanila na kaya mo lagpasan yung expectations nila  sayo. Parte ng buhay yan. Tsaka kung kayo talaga para sa isa't isa tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para magtagpo ulit kayo. Kung hindi kayo para sa isa't isa maging masaya ka na lang para sa kanya at magpatuloy sa buhay kahit mahirap na.''Sagot niya. "Ate palagi na lang bang ganun? Kailan ba ko magiging masaya?" Sagot ko. Hindi ko na alam kung paano maging masaya eh. Gusto ko maramdaman na maging masaya ulit katulad nung nasa Pilipinas pa ako. Gusto ko maramdaman yung saya na hindi ko na maramdaman ngayon. Isa lang ang taong makakagawa nun kaso hindi na rin niya magagawa dahil may pinagkakaabalahan na siya sa buhay at masaya na ang buhay niya na wala ako. Sana ako din maging masaya ng wala siya.  Sana kaya ko din ngumiti ng kasing-saya ng sa kanya at mabuhay ng walang problema. ''Magiging masaya ka din Ken. Magtiwala ka lang sa sarili mo na makakalimutan mo siya. Kasi kapag natutunan mo na tanggapin na masaya siya ng wala ka. Kaya dapat ikaw din tanggapin mo na hindi na siya parte ng buhay mo. Sa tingin mo ba kaya niya na makitang nagkakaganyan ka? Sa tingin mo ba magiging masaya siya kapag nakita ka niyang ganyan?" Sagot ni Ate. "Hindi. Pero hindi ko magaawang kalimutan siya. Pag natapos na talaga itong problema natin babalikan ko siya. Sana lang wala pa siyang ibang mahal kapag bumalik ako." Sagot ko. Nakarating na pala kami sa department store pero di namin naramdaman. "Masyado tayong serious. Nandito na pala tayo. Buti di  tayo bumangga." Sagot ni Ate. "Hindi ko naman ibabangga yung kotse. Kasama kita eh. Pwede pa kung ako lang mag-isa." Sagot ko. Hindi ko naman kayang ibangga yung Ate ko syempre. Siya ang unang babaeng pinakakaingatan ko. Hindi ko hahayaan mapahamak siya dahil sa akin. ''Dami mong alam Ken. Tara na nga.'' Sagot ni Ate na nauna nang bumaba. Nilock ko na ang kotse at sumunod na sa kanya.  Bumili kami ng bed sheets at curtains tapos bukas ay sasamahan naman ni Ate si Kyle sa apple store para bumili ng laptop, Ipad at apple pen para sa home schooling niya. Katulad namin ay pinag-home school na lang namin siya tapos ay tutulungan na lang namin sa activities dahil walang mag-aasikaso sa kanya. Ng dumating kami ay hinagis Ate kay Kuya Kenneth yung mga binili namin. ''Ayusin mo yung kwarto ni Kyle. Pagpahingahin natin si Ken ngayong araw dahil may nangyari. Wag mo nang tanungin kung ano.'' Saad ni Ate. Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nagbihis. Nahiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Di ko na alam gagawin ko para tanggapin ako ng pamilya ko.  Ginawa ko naman lahat eh.  Lahat-lahat ng meron ako kahit pagod na pagod na ako. Napaigtad ako ng biglang mag ring ang cellphone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag. "Hello bunso. Kamusta?" Bati ko na pilit pinapasigla ang boses. "Wag mo na pilitin Kuya. Kilala kita. Ano nangyari?" Sagot niya. "Wala. Pagod lang ako kasi ang daming ginagawa." Sagot ko. "Alam kong hindi lang yan yung physical na pagod Kuya. Pagod ka na rin sa emotional aspect. Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap. I'm always one call away. Pero kung hindi ka handang magkwento okay lang. Wag o lang subukan ipahamak yung sarili mo. Di ako mangingiming puntahan ka diyan sa Amerika at dagukan." Sagot niya. Napangiti naman ako sa narinig ko. "Thank you bunso. Oo nga pala, kamusta si Ems? Hindi pa kasi ako nakakaonline dun sa isang account ko at marami kong ginagawa eh." Sagot ko. "Okay naman siya Kuya. Galing sila ni Vince sa date kahapon. Masaya siya Kuya kaya sana ikaw din maging masaya na para sa kanya." Sagot niya. Nabura ang mga ngiti ko sa labi at hindi ko magawang sumagot dahil hindi ko na rin alam ang isasagot ko. "A-ah g-ganun ba. Oo naman masaya ko para sa kanya. At least masaya si Ems diba? Sige na. Mamaya na lang ulit or bukas may kailangan kasi kong gawin." Sagot ko. "Kuya kahit anong OO mo kilala kita. Hindi ganyan ang Kuya Ken na kilala ko. Stay strong Kuya, matatanggap mo rin yun soon at matutunan mo din magmahal ng iba." Sagot niya. Napailing na lang ako at binaba ang tawag. Hindi ko alam kung capable pa ba ako magmahal ng iba. Ikakasal na ako pero yung puso ko nasa kanya pa rin. Iidlip na lang muna siguro ko tapos mamayang gabi ko na lang itutuloy yung mga gawain ko sa school at office. Kahit ngayong araw man lang makatikim ako ng tulog. Kahit yun lang okay na ako. Nagising ako ng 6pm. Nagtoothbrush muna ako at naghilamos bago bumaba. "Ken you have a zoom call with the engineering team tomorrow at 8. Aayusin niyo daw yung final blueprint nung building." Ani Ate. Tumango lang ako at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Kakagising ko pa lang trabaho agad sasalubong. Ano ba namangbuhay 'to? Bumalik na ako sa sala. Pare-pareho silang abala sa kanya-kanyang gawain. Lahat may hawak na gadget at pawang mga nakatuon duon. Kahit si Kyle ay abala sa phone nito. Hindi na ako nagkomento at inabala na lang din ang sarili ko sa phone.  Ichecheck ko yung website namin sa school kung ano yung mga gagawin.  ''Ano gusto niyong dinner?'' Tanong ni Ate.  'Anything will do Ate.  Basta ikaw magluluto.  I really miss your dishes.'' Sagot ni Kyle.  ''Oo ako magluluto basta ikaw maguurong.  I really miss you washing the dishes." Sagot ni Ate. Natawa naman ako sa kanila. Kilalang-kilala namin si Kyle at ayaw na ayaw nun ang mag urong kahit marunong naman siya.  ''Ate naman.  We all know na mauubos ko ang plato dito kakabasag. Tsaka nandiyan naman si Kuya Ken at Kenneth para hugasan yung mga plato.'' Sagot niya.  ''Dinamay pa talaga ko sa katamaran.  For all I know simula nung umalis kami sa bahay eh tinuruan ka ng mga ganyan nila Manang. '' Sagot ni Kuya. Ganun kasi ang tradisyon namin.  Kaya lahat kami marunong mag-gawaing bahay kahit mga anak mayaman. Nito lang ako natuto magluto dahil nga hindi sanay si Ana at si Kuya naman ay masyadong abala sa mga gawain sa school at wala nang oras para umorder or magluto para sa amin. Self thought lang lahat ng kaalaman ko sa pagluluto. "I have a good idea. Ikaw na lang kaya ang magluto Ken. Balita ko sanay ka na magluto ng iba't ibang putahe eh." Saad ni Ate. "Ayoko. Wala ako sa mood dahil may nalaman ako. Tsaka marami pa kong gagawin mamayang gabi." Sagot ko. I don't feel like cooking kaya tumanggi ako para bang tinatamad akong mabuhay ngayong araw. "Okay. Sabi mo eh. Ako na lang ang magluluto." Sagot ni Ate. Tumango ;ang ako at nagpunta na sa kwarto ko para magbukas ng laptop at gawin ang gawain ko sa school. Kinuha ko na din yung  ipad ko para makapag notes. Habang sinusulat ko  ang formula para sa sinosolve ko ay may biglang kumatok. "Ken. Kain na. Mamaya mo na tapusin yan." Ani Ate. "Sige Ate. Sunod na lang ako tapusin  ko lang tong sinsolve ko." Sagot ko. Nagpatuly ako sa pagsosolve at ng matapos ko ang sinosolve ay bumaba na rin ako at nakisalo sa hapag. Habang kumakain ay bigla na lang nagring yung cellphone ni Ate. "Yes Dr. Marquez?" Malambing na tanong ni Ate. Nagkatinginan kami ni Kuya at nagkibit balikat. Pati si Kyle ay  binalot ng pagtataka at tiningnan ng kakaiba si Ate. "I'll be there next week for my last check up for my patients. Yes. Thank you. Nado Saranghae (I LOVE YOU TOO)." Sagot ni Ate at binaba ang phone. "Ehem! Sana all may jowa." Saad ni Kuya. Nagpatay malisya na lang ako at hindi na nagsalita. Pero alam kong something is going on between Ate Kass and Dr. Marquez. Hindi ko pa ito namemeet pero natutunugan ko nang may nagaganap sila sa pagitan ng Ate ko. Kaya naman pala kay Dr. Marquez niya pinagkatiwala ang mga pasyente niya dahil may namamagitan sa kanila. Pero parang hindi ko naman nahimigan na ganun si Ate eh. "We're just friends, Kenneth. Apaka maissue mo. Kapatid pa naman kita pero isa ka sa nagpapakalat ng fake news." Sagot ni Ate. "Nado Saranghae. Akala mo hindi ko namin nagegets yun. Ate nanunuod din kami ng k-drama para di namin yun maintindihan. Pag talaga niloko ka ng lalaki na yun uuwi ako sa Pinas ako na mismo sasapak dun."  Sagot ni Kuya. Maging ako ay naintindihan din ang sinasabi ni Ate kanina dahil isa ang korean sa mga langguage na inaaral ko dahil looking forward ako na pagaralan ang major imfrastractures nila at kung susuwertihin eh magkaroon ng project sa bansang yun. Mas madali ang makipagcommunicate kapag sanay ka ng langguage nila. "Di kami talo ni Dr. Marquez! Bading yun siraulo ba kayo? Ikaw Ken alam kong tumatakbo sa isip mo. Tigil mo na yan. Pakitaan ko pa kayo ng photo niya." Sagot ni Ate. "Bakit ang defensive mo? Siguro meron talaga eh. Siguro kayo na noh? Matagal akong wala sa Pinas kaya siguro meron nang namamagitan sa inyo." Sagot ko. "Wala nga. Kayo naman eh!" Sagot niya. Napansin kong namumula ang pisngi niya. "Bakit nagblublush ka Ate? Ibig sabihin lang nun meron talaga!"  Asar naman ni Kyle. "Sus maryosep kayo! Bahala na nga kayo diyan!" Sagot niya. Natawa naman kami sa tinuran ni Ate na parang teenager kung makapagtampo. 28 years old na siya at si Kuya Kenneth naman ay 21 years old. "Parang teenager naman si Ate eh malapit nang mawala sa kalendaryo niya yung edad niya. Tsaka hindi rin naman yun magtutuloy-tuloy dahil siya ang unang ikakasal saming dalawa. Unless ipaglaban siya ung Dr. Marquez na yun kila Mama." Saad ni Kuya. "Pabayaan mo na si Ate. Kahit  man lang siya maging masaya. Ayoko na siyang nakikitang malungkot. Ayos na yung sakripisyo niya sa atin. Hindi na ako tatanggi sa kasal Kuya. Sasaluhin ko na yung kasal ni Ate." Sagot ko. Wala na naman akong babalikan eh. Masaya na siya sa iba kaya pipilitin ko na lang na maging masaya para sa kanya. Baka ito na lang yung kailangan kong gawin para mahalin din ako ng mga magulang namin. "Ano? Hindi pwede! Kung may mahal na si Ate ako na lang magpapatali sa di ko mahal. Di baleng di ako magkaroon ng chance magmahal at least kayo nagawa niyo na. Baka sakaling matutunan kong mahalin yung babaeng gusto nila." Sagot ni Kuya. "Wala na akong babalikan Kuya. May mahal na siyang iba." Sagot ko. "Wala ka na talagang babalikan Kuya Ken unless susubukan mo. Kung puro ka ganyan walang mangyayari sa inyo ni Ate Ems." Sagot naman ni Kyle. Makapagsalita 'tong batang 'to kala mong ang daming experience. "Wow Kyle. Coming from you. As if namang may experience ka na sa love." Sagot ko. "Wala nga Kuya pero yun yung natutunan ko sa  novels ni Ate Ems. Na walang mangyayari kung di mo susubukan. Katulad ng ginawa ni Kenth sa last book. He did everything for Meree yet they ended up not being together dahil kinailangan ni Kenth  magpakasal sa ibang babae. What I mean is at least nakasama niya yung babaeng mahal niya sa huling pagkakataon bago siya ikasal. He took the risk even though alam niyang may mahal nang iba yung babae." Sagot ni Kyle. That's how our love story ended. ''Sana nga Kyle kasing tapang ko si Kenth para subukan.'' Sagot ko. Siguro nga ganun na lang mag-eend ang love story namin katulad ng characters sa novel niya. Masaya na si Ems kaya hindi ko na dapat pang guluhin. Nakaawang naman ang mga labi ni Kuya Kenneth sa narinig na paliwanag ni Kyle. ''Kuya close your mouth. Baka pasukan yan ng langaw.'' Saad ni Kyle. Napabaling naman ako sa may dulo ng dining area at nakita ko si Ate na tinitingnan kami ng may ngiti sa labi. Pakiramdam ko narinig lahat ni Ate yung mga pinag-usapan namin. Si Kuya na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Umakyat na ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop at ipad ko para makapagsimula na ako ng gawain sa school.  Dito ako sa sala gagawa ng mga trabaho dahil parang feeling ko nakakarelax yung city lights.  Kaya siguro mas pinipili ni Kuya na dito magtrabaho dahil talagang nakakarelax ang city lights.  Nilog in ko na yung account ko sa school at nagsimula nang magnotes ng mga nakasend na lessons. Habang nagnonotes ako ay tumabi sa akin si Ate Kass. ''Narinig ko yung sinabi mo kanina. Handa kang magpakasal sa taong di mo naman mahal kesa malungkot ako.  Thank you Ken.  Hindi ko alam bakit di pa rin nakikita nila Mama yung halaga mo.  Basta kapag nahihirapan ka na Ken nandito lang ako handang makinig sayo palagi. Wag  ka mag-alala hindi ko hahayaan na makasal ka  sa hindi mo mahal. Tsaka nagpaniwala naman kayo sa akin eh hindi naman ako type Dr.  Marquez. Magkaibigan lang talaga kami kahit nag-ii love you kami sa isa't isa.'' Sagot niya.  ''Ah friends with benefits.'' Sagot ko. ''Sira hindi ah! Ganun lang talaga kami kasi ever since med school magkakilala na kami tsaka ganun kami magpaalam sa isa't isa.'' Sagot niya.  ''If ever magustuhan mo siya or may kayo na Ate update us ah. Kasi sa nakikita kong kislap ng mata mo hindi lang basta kaibigan ang tingin mo sa kanya. Mahal mo siya ng higit pa dun. Wag mo na isipin ang kasiyahan ko ang mahalaga masaya ka. Handa na ko sa kahahantungan ng buhay ko.'' Sagot ko. Hindi man handa pero kailangan ko na maging handa para sa Ate ko. Ngumiti lang si Ate sa sinagot ko sa kanya.

Kassandra's POV
Hindi ako pwedeng maging makasarili sa mga oras na ito.  Nandun na tayo sa part na mahal ko nga yung kaibigan ko pero hindi ko naman syempre hahayaan si Ken na saluhin yung consequences nito. Kahit ilang buwan lang pagbibigyan ko na ang sarili ko na magmahal pero sa oras na makahanap na sila Mama ng ipakakasal sa akin ay handa akong iwan ang lalaking mahal ko para sa mga kapatid ko. Nakikita ko sa mga mata ni Ken na hirap na hirap na siyang magadjust para sa pamilya namin. Ginagawa niya na lahat ng makakaya niya para mahalin siya ng mga magulang namin at nalulungkot ako dahil ako ang Ate niya pero wala akong magawa para sa kanya. Umakyat na ako sa kwarto ko para kunin ang laptop ko at samahan siya sa sala habang gumagawa ng report about sa Canada incident. Kailangan ko matapos ang report na ito mamaya dahil presentation ko ng Saturday. Kailangan ko na din magbook ng flight going to Manila para matapos na ang mga errands ko sa Pilipinas.  Masyado ko nang nagugulo yung buhay ng kaibigan ko.  Alam kong may nahanap na silang kapalit ko kailangan ko na lang ibriefing yung kapalit ko sa cases ng mga pasyente ko.  Ng makababa ako ay nakita kong nakahiga na si Ken sa sofa hawak ang ipad niya. Bumuntong hininga ako at tinanggal sa pagkakahawak niya ang ipad at apple pen. ''Ken. Akyat na. Ako nang bahala sa mga gamit mo.'' Saad ko.  Tumango lang siya at umakyat na sa taas. Umupo naman ako sa sofa at ishushut down na sana ang laptop niya ng makita ko ang nakabukas na tab dito. Nagreresearh talaga siya para sa kompanya kung paano mapapalago ito at kung paano maging isang better engineer. Minimize ko na lang ito at shinot down na ang laptop. Ang ipad naman niya ang binalingan ko.  Nagulat ako sa lockscreen nito dahil ang mukha ni Ems na nakangiti ang nakalagay. ''Kahit anong tanggi mo mahal mo pa rin talaga siya.'' Usal ko.  ''Alam mo Ate mangha ako kay Ken. Kasi kaya niyang gawin lahat para sayo.'' Saad naman ni Kenneth. ''Nakakamangha nga kasi kahit ikakasakit niya gagawin niya makita niya lang akong masaya.'' Sagot ko.  ''Kailangan mapag-usap man lang natin sila ni Ems.'' Sagot niya. ''Nag-uusap na sila sa ibang account ni Ken.'' Sagot ko. ''Dapat hindi matuloy ang kasal nila ni Ana. Maging ang mga kasal natin. Gumawa na tayo ng paraan para hindi ito matuloy.'' Sagot niya. ''Paano naman aber?'' Sagot ko. Kahit nga akong nagrebelde dati hindi ko magawang magisip ng paraan ito pa kayang unggo na 'to. ''Mahal nila ang kompanya diba? Iyon ang gamitin natin para sa kanila. Magplano tayo ng isang malaking project na talagang makakapag benefit sa kompanya kapalit ng pagtigil ng kasal natin sa taong di natin mahal.'' Sagot niya. ''Sira. Hindi gagana yan. May kompanya na ba tayong sarili natin ha?'' Sagot ko at inirapan siya. Niligpit ko na ang mga gamit ni Ken at inakyat sa kwarto niya. Kinuha ko na din yung mga gamit ko para sa kwarto ko na ituloy ang ginagawa. Pasado 12 am na ako natapos sa report. Ginawa ko na ang skin care routine ko at nahiga na. Mabilis lang ako nakatulog dahil sa pagod.



A/N: Enjoy reading guys. Sorry ngayon lang ulit nakapag update dahil hindi nakikisama yung utak ko. Tsaka nanuod pa kasi ako ng hospital ship para mapahinga naman kahit konti yung utak ko dahil ang daming iniisip HAHAHAHAHAHA. Sana magustuhan niyo yung update kahit lame. Mahal kayo ni Bem❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top