CHAPTER 5: BUNSO
Ken's POV
Isang tao lang ang kinakausap ko mula sa Pilipinas bukod kay Ate at Kyle ay si Bunso. Siya lang ang kinakausap ko magmula ng dumating ako dito sa US. Siya lang yung nasa real account ko at si Ate. Matagal na rin kaming magkakilala ni Bunso. Bago ko pa makilala ang mga kaibigan ko dati ay kilala ko na siya. Mas close kami kesa sa iba naming kaibigan. Siya halos lahat nakakaalam ng sikreto ko at nararamdaman ko. Nauna pa nga niyang nalaman na gusto ko si Emily. Siya lang ang nakaalam ng pag-alis ko bukod sa pagkikita namin ni Emily sa airport. Sa kanya lang ako direktang nagpaalam. Matagal-tagal na rin kaming di nagkausap dahil mas tabay ako sa isa kong account dahil dun ko lang nakakausap si Ems kaya naisip ko ichat siya
Me:
Bunso, kamusta college life?
Bunso:
Ok lang Kuya. Ikaw kamusta ka diyan? Yung company niyo?
Me:
Nakakastress dito bunso. Namimiss na kita kaya lang di pa ko makakauwi ng Pinas dahil marami kong ginagawa dito at busy rin ako sa pag-aaral at training sa company.
Bunso:
Baka napapabayaan mo na yung sarili mo Kuya. Kumakain ka ba sa oras?
Me:
Oo nakakain pa naman ako pero kaunti na lang dahil mas madalas akong nagreresearch ng mga designs para dun sa pagaayos ng mga nasira sa building namin.
Bunso:
Kumain ka ng sapat Kuya. Baka mamaya hindi mo na inaalagaan ang sarili mo kakaayos ng gulo niyo. Ayaw ko naman ng ganun.
Me:
Oo naman bunso. Kakain ako ng sapat para hindi ka na mag-alala diyan sa Pinas. Marami ka pa namang inaasikaso sa pag-aaral mo kaya hindi na ako dadagdag pa sa mga isipin mo.
Bunso:
Pinag-aalala mo naman ako Kuya eh! May quiz pa naman kami bukas. Hindi tuloy ako makapag-focus kasi naiisip ko baka di ka pa kumakain.
Me:
Hindi ko pababayaan ang sarili ko bunso. Wag mo na ko masyado isipin. Ang isipin mo paano ka papasa sa quiz mo.
Bunso:
Sige na Kuya. Magpahinga ka na diyan. Gabi na rin diyan alam ko dahil umaga dito eh.
Me:
Mamaya na may ginagawa pa akong research para sa isang subject ko.
Bunso:
Sige Kuya. Mamaya na lang ulit. May klase na ako.
Me:
Sige. Ingat ka.
Bunso:
Bye Kuya! Ingat ka din.
Sineen ko lang siya at tinuloy na ang ginagawa ko. Hindi pa kami ulit nakakapag-usap ni Ems dun sa isa ko pang account dahil nabusy siguro sa school nila. Sigurado kasama niya mag-aral si Vince. Sa isipin pa lang na yun ay nilalamon na ng selos ang katawan ko pero wala kong magawa dahil malayo ako sa kanya. Wala na rin naman akong karapatang magselos dahil wala na kami. Pasado alas otso na ng gabi pero di pa rin ako kumakain ng tanghalian. Naka online class na rin ako dahil mas kailangan ko pagtuunan ng pansin ang problema kompanya dahil abala sila Mama sa pagpapalago ng iba pa naming business. Sobra nang kumakalam ang sikmura ko kaya bumaba na ako para tingnan kung may pagkain pa. Nakita ko sa dining area sila Ate Kass at Kuya Kenneth na abala pa rin sa mga computers nila. "Ken, tinatanong ni Papa kung nagawa mo na daw ba yung bagong blueprint." Ani Ate Kass. "Ate, pwede bang kumain muna ko? Di pa ko naglulunch." Sagot ko at kumuha na ng plato at kubyertos. May nakahain na chicken wings sa lamesa. Gutom na gutom na rin ako kaya agad akong umupo sa bakanteng upuan. "Alam mo bang lasing nanaman yung fiancee mo ng umuwi dito?" Saad ni Kuya Kenneth. "Tatawagan ko na nga di Mama na pauwiin na si Ana dun sa bahay ng parents niya. Baka mamaya magdrop out yan dito ng di natin alam dahil lahat tayo busy sa kompanya." Ani Ate Kass. "Wala na nga akong time sa pagkain pag pupuproblemahin niyo pa ko sa babaeng di ko naman mahal. May magulang naman siya at hindi ako nagkulang pagsabihan siya." Sagot ko. Agad na kinuha ni Ate Kass yung cellphone niya at may tinawagan. "Hello Ma. Can you take Ana out of Ken's condo. We are too busy in the company to deal with her shits." Sagot niya sa tawag. Grabe yung bibig ni Ate. Ako nga hindi ako makakapag salita ng ganyan sa kanila tapos siya ganun-ganun na lang. Bilib din ako sa kakayahan ni Ate na yun kasi siya malaya ako hindi. Ni minsan hindi ko nakausap ng matagal. Matapos ibaba ang tawag ay no napabuntong hininga si Ate. "Susunduin daw next week ni Tita Annalin. Hindi din naman daw nila pwede pagtrabahuhin yung anak nila dito sa company natin dahil ayaw daw nila ng nasstress ang anak nila." Saad niya. "Sana all." Sabay naming sagot ni Kuya Kenneth. "Huuuu! Wag kayo gumaganyan. Kala niyo namang mga may jowa kayo at stress na stress sa mga buhay niyo!" Sagot ni Ate. "Nagsalita ang may jowa." Sagot ko. "Naku Ken tigilan mo ko. Lilipad ka ng Canada next week para icheck yung progress ng nasirang building dun." Sagot niya. Naalala ko lilipad nga pala ko dun para iupdate naman sila about dun sa nasirang main building. "Kasama ka naamn Ate diba?" Sagot ko. "Oo. Pero di na ako sayo sasama pabalik dito kasi susunduin ko sa Pilipinas si Kyle. Tinawagan ko na yung school niya para maitransfer siya dito. Magreresign na din ako sa trabaho ko dun sa hospital. Kay Dr. Marquez ko na hahawak sa remaining patients ko." Sagot niya. "Sino magbabantay sa bahay?" Sagot ko. "Si Manang Precy." Sagot niya. "Ah okay. So maiiwan mag isa dito si Kuya HAHAHAHA." Sagot ko. "Wag ka mag-alala sa akin Ken. Mambabae ako habang wala kayo ni Ate." Sagot niya. Napailing na lang ako sa naging sagot ni Kuya. Mababae pa siya eh wala na ngang oras kumain at matulog ng sapat eh. This past few weeks kasi halos ala una na ng madaling araw kami natutulog. Mas madalas kaming nakaharap sa computers namin kesa sa isa't isa at ang kadalasang topic namin kapag nag uusap ay yung incidents na nangyari both countries. Kung hindi zoom call over the admins ng kompanya ay online classes ang meron ako sa laptop. "Ate, tinawagan mo na ba si Kyle?" Tanong ni Kuya. "Baka in game nanaman. Hindi sumasagot sa tawag eh." Sagot niya. "Ako na lang tatawag. Hindi yun makakatanggi saken kasi minsan na lang ako tumawag sa kanya." Sagot ko at kinuha ang phone ko. Minsan lang ako tatawagvsayo Kyle kaya sumagot ka na. "Bakit Kuya Ken? In game ako!" Sagot niya sa tawag. "Walang in game in game mag AFK ka muna. Kakausapin ka namin tapos ganyan sagot mo!" Sagot ko. "Ikaw Kyle ah. Baka nasosobrahan na yang utak mo kaka-ml! Baka mamaya isagot mo sa mga homework mo eh defeat at your turret has been destroyed ah!" Sermon ni Ate. "Hindi Ate. Teka diba magtatransfer naman na ako bakit kinakamusta mo pa yung grades ko dito?" Sagot niya. "Natural mente kailangan matino grades mo paglipat dito. Elite school pag-aaralan mo dito Kyle. Hindi basta private school. " Sagot ni Ate. "Ate wala kong palakol na grades 'no! Gwapong may utak 'to parang sila Kuya." Sagot niya. "Nako Kyle! Baka may girlfriend ka na diyan ah. Tigilan mo muna yan bata ka pa at walang alam sa love." Sagot naman ni Ate. "Kyle, wag mo pansinin si Ate. Mababae ka lang ng mambabae. Kami ni Ken bahala sayo." Singit naman ni Kuya Kenneth. "Nako Kenneth. Tigilan mo nga si Kyle. Baka mahawa pa yan sa kademonyohang sinasabi mo." Sagot naman ni Ate kay Kuya. "Nakapag impake ka na ba Kyle?" Tanong ko. "Kailangan na ba? Di pa ko nakakapagpaalam sa special someone ko eh." Sagot niya. "Nako! Magpaalam ka na at next week pagkagaling ni Ate sa Canada dederetso diyan sayo para sunduin ka. Kasi sa araw ng dating ni Ate diyan yun din ang alis mo." Sagot ko. "Ano ba yan Kuya wala man lang kayong consideration sa bunso niyo. Hindi niyo ba ko mahal?'' Madramang sagot niya. ''Drama mo naman Kyle. Next week pa naman yun eh.'' Sagot ko. Magdadrama akala mo naman bukas ang alis. ''Makakapagpaalam ka pa naman Kyle ang OA mo.'' Sagot ni Kuya. ''See you soon na lang mga Kuya at Ate. Maglalaro na ulit ako. Sayang credit score ko sa inyong tatlo." Sagot niya at binaba ang tawag. Nagpatuloy ako sa pagkain ng natitira kong kanin at ng maubos ay muli akong umakyat para naman maipagpatuloy ko ang research at ang activities ko sa school. Nagbukas ako ng isa ko pang account sa fb para makapagchat ako kay Ems.
Me:
Miss Emily, kamusta araw mo?
Emily Savvanah:
Cut the formality Achlys. Okay naman. Hindi ako makakapag update dahil maraming ginagawa sa school.
Me:
Okay lang yun Emily. Ang mahalaga nag-aaral kang mabuti. Saan ba ang school mo?
Emily Savvanah:
Basta dito sa Singapore.
Me:
Ahhh. Diyan ka pala sa Singapore nag-aaral. Maybe sometimes bisitahin kita.
Emily Savvanah:
Singapore is too small to not meet you kaya sana magkita tayo.
Makikipagkita ka pa rin kaya kapag nalaman mong ako si Achlys? Kung ako ang lalaking nanakit sayo.
Me:
This is a very private question. Pwede magtanong?
Emily Savvanah:
Anong private question ba yan?
Me:
What is the status of Vincent in your life? Kasi nakikita ko yung videos niyo and photos eh.
Emily Savvanah:
We're friends. Nothing more nothing less katulad ng sinasabi ko sa mga readers din namin na nashiship sa amin.
Me:
If I would ask you if can I court you. Are you going to say yes?
Emily Savvanah:
No. Hindi pa kasi ko handang pumasok sa relationship ulit dahil sa past relationship ko.
So hindi niya pa pinagbibigyan si Vince ng chance. Pero alam ko sooner or later magugulat na lang ang online world na sila na. Basta ano't anuman ang mangyari lagi ko siyang susuportahan sa mga gusto niya. As I've said before I will love her from afar and this is part of loving her from afar is to hide on this identity and to support her on her life decisions.
Me:
As your fan I'm just here to support you on your decisions and not interfere with it as long as your happy and having your genuine smile.
Matapos isend ay pinagpatuloy ko na ang ginagawa kong activity. Saglit na lang naman ito at gagawin ko na yung kinakamustang blueprint sa akin.
Emily's POV
Nawiwirduhan ako sa naging usapan namin ngayon ni Achlys. Hindi naman siya nagtanong ng ganoong bagay nung nagsisimula pa lang kami magchat. Ilang araw na rin kaming magkachat. Parang ang tagal na naming magkakilala hindi rin ako naiilang sa kanya. "Huy Ems mamaya ka na magcellphone nandiyan na si Prof." Tawag sa akin ni Louise. Tumango lang ako at binulsa na yung cellphone ko. Hindi ko na nireplyan si Achlys dahil di ko rin naman alam irereply. Nilabas ko na yung cattleya set ko. Katabi ko naman sa kanan si Vince na busy sa pagooutline ng update niya pero ng dumating ang prof ay huminto rin siya at nilabas ang cattleya notebook niya. ''Naalala mo pa ba yung mga inaral natin? O baka puro Achlys ang isagot mo riyan sa papel mo.'' Ani Vince. Sinamaan ko lang siya ng tingin at binuklat na ang cattleya ko para maghanda sa lecture ng prof. Hindi na ulit kami nakapag-usap dahil nagsimula nang maglecture ang prof. Matapos ang ilang oras ay nagbreak na kami. Hindi sumabay sa amin si Louise dahil may gagawin pa daw ito at tatambay sa library para mag-advance review. Typical nerd student na palaging nasa library para mag-advance review. Hindi na kami tumutol ni Vince dun dahil wala na rin naman kaming magagawa. "Ano gusto mong kainin?" Tanong ni Vince. "Kahit ano. Ikaw na lang pumila para sa akin dahil kailangan ko magsimula ng update dahil dalawang linggo nang nakatengga yung libro ko dun sa wattpad account ko." Sagot ko. "Sige. May drat ka?" Tanong niya. "Meron. Dalawang linggo nang tengga." Sagot ko. "Sana all. Ako outline lang meron. Kanina ko lang ginawa." Sagot niya. "Bilisan mo nang kumilos diyan. Gutom na ako. Babayaran na lang kita pagbalik mo." Sagot ko. Tumango lang siya at dumiretso na sa pila. Ako naman ay binuksan ko na ang laptop ko para maituloy na yung draft ko. Naglagay ako ng headset para makatulong sa pag-iisip ko ng idudugtong. Habang nagtatype ako ay may kumalabit sa akin. Tinanggal ko yung headset ko para tingnan kung sino. "Louise. Nandito ka na pala. Kumain ka na?'' Tanong ko. ''Oo. Tapos na. Kasabay ko yung iba natin classmates. Eh matanong lang kita. Nareview mo ba yung quiz natin sa anatomy?" Sagot niya. ''Oo.'' Sagot ko. ''Hmm. Anong topics yung nireview mo?'' Sagot niya. ''Yung nasa pages 134-140 ng book natin sa anatomy." Sagot ko. "Ahhh sige thank you. Balik na ko sa library. Natanong ko lang yun kasi baka namali ako ng review." Sagot niya at naglakad na palayo sa akin. Saktong pag-alis ni Louise ang siyang pagdating ni Vince. "Anong pinagusapan niyo ni Louise?" Tanong niya. "Wala naman. Yung quiz lang natin sa anatomy. Mamaya na yun diba?" Sagot ko. ''Oo. Ngayon mo lang naalala?'' Sagot niya. ''Hindi. May reminders ako dito sa phone.'' Sagot ko. ''Naalala mo pa mga nireview natin??'' Sagot niya. ''Oo naman. Hindi naman ako gagawa ng drafts kung hindi ako nagreview dun kaninang umaga.'' Sagot ko. Totoo yun na kaninang umaga ko nagrefresh ng utak para dun sa quiz namin mamaya. ''Good. Akala ko puro pakikipagchat lang kay Achlys ang ginawa mo eh.'' Sagot niya. ''Puro ka Achlys wala naman siyang kinalaman sa atin. Tsaka for pete's sake rp'ier si Achlys at hindi ko siya kilala kaya umayos ayos ka.'' Sagot ko at kinuha na yung pagkaing dala niya para makakain ako ng lunch. Eto pa isang weird ngayong araw. Lamig ng pakikitungo sa akin wala naman akong ginagawa. Parang nagseselos na ewan. Matapos kumain sa canteen ay lumipat kami sa students park para magrelax. Dito yung best place para gawin ang update. Sakto konti lang ang mga estudyante at tahimik. Hindi pa rin ako iniimikan ni Vince dahil siguro napansin niyang naiinis na ko sa ginagawa niya. ''Sorry Ems. Nagseselos lang ako kasi nasa kanya na lahat ng atensyon mo at nakalimutan mo na ako. This past few days kasi mas madalas mo siyang kausap kesa sa akin." Sagot niya. "Nako wag ka magselos dun. Kaibigan ko lang yun sa fb lamang ka pa rin. Kasi tayo nagkikita tapos siya sa fb lang." Sagot ko. "Ok na tayo?" Sagot niya. "Ok naman tayo ah. Nako wag ka nang dumaldal ng dumaldal diyan at magsimula ka nang magdraft. Bahala ka mauunahan kita magpublish. Diba sabi mo dapat sabay tayo magpublish ng chapters." Sagot ko. ''Sige na nga. Hindi ako makapagfocus kapag di tayo bati eh.'' Sagot niya. ''Di talaga dahil sinisingil ka ng konsensya mo.'' Sagot ko. Tinawanan niya lang ako at nagbukas na ng laptop niya. Nagheadset na ako para makapagfocus sa sinusuat ko at nagpatugtog ng mga love songs. Ng magtime na ay sabay na kaming pumunta sa next class namin. Di kami magkaklase dahil nutrition ito. May quiz din kami dito. Palaging late yung prof namin sa naturang subject dahil binibigyan niya kami ng time para mag-advance lesson para kapag nagrecitation ay lahat makasagot. Nilabas ko na yung reviewer ko para mabasa yung mga summarized topic na pinabasa sa amin. After fiv minutes ay dumating na siya kaya nilabas ko na yung cattleya ko para sa subject niya. Dito naman ay puro quiz ang sinusulat ko sa cattleya dahil mas madalas siya magpaquiz kesa magpalecture kaya gumagawa ako ng sarili kong lecture para kung sakaling hanapan niya kami ng lectures ay may maipapasa ako. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagelaborate na siya ng mga tanong para dun sa quiz. Matapos ng subject na yun ay vacant time dahil wala daw yung prof. Agad namataan ng paningin ko si Vince na nasa tapat ng pinto ng classroom at nakatingin sa gawi ko. Agad akong lumapit sa kanya. "Walang prof. Students park tayo para makapag-update." Ani ko. "Sige. Pero bago tayo pumunta dun bili muna tayo snacks sa canteen. Libre mo ah." Sagot niya. "Sige." Sagot ko. Naglakad na kami papunta sa canteen para bumili ng snacks. ''Dala mo yung mouse mo? Nakalimutan ko kasi yung sa akin eh.'' Tanong ko. ''Oo. Nandiyan sa bag ko.'' Sagot niya. Ng matapos bumili ng snacks and drinks ay pumunta na kami sa students park para magsulat. Nilabas na naming dalawa yung mga laptop namin. Pinapatuloy ko na ang pagtatype ng draft ko. Ng biglang magvibrate ang cellphone ko.
Class Head:
Classes are dismissed for the afternoon period due to the teacher's meeting.
Chat ng class head namin. Class head ang tinatawag namin sa parang presidente ng klase. "Magandang balita 'to. Walang quiz ang anatomy." Saad ko. "Di ka sure kasi may website. Dun siguro isesend yung quiz." Sagot ni Vince. Napabuntong hininga na lang ako at nagtuloy sa pagsusulat. Ng matapos ko ang sinusulat ay tinanggal ko na ang headset ko at nagunat-unat. Nangawit ako sa matagal na pagupo na yun. Ng bumalik ako sa pagkakaupo ay napatingin ako kay Vince na abala sa pagtatype at nakaheadset. Ngayon ko mas malayang natitigan ang seryoso niyang mukha dahil kadalasan ay lagi itong nakangisi o kaya ay mapang-asar. Ganito ang tipo kong lalaki. Manunulat at may mabuting puso kahit babaero marunong rumespeto. Hindi naman sa sinasabi kong di mabuti si Ken pero mas malumanay ang aura ni Vince. Mas malamig naman ang aura ni Ken at konting lamig lang ang mararamdaman mo kay Vince. May mahabang pilikmata katulad ng sa akin ang meron kay Vince at mapusyaw ang kulay at kahawig ni Kuya Mark. ''Wag mo ko masyado titigan Binibini baka mamaya halikan kita magsisi ka.'' Sagot niya. ''Ang tanong, kaya mo ba?'' Sagot ko. Kilala ko siya hindi niya ako hahalikan ng labag sa gusto ko. Ganun niya ako iginagalang. Agad siyang dumukwang palapit sa akin. Yung sobrang lapit na malapit nang magkadikit ang mga noo namin. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang nangangarera ito. Ito ang pakiramdam na matagal ko nang di naramdaman. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil di ko na nakayanan ang pagtitigan namin. ''Syempre joke lang! Alam mo namang di ko kayang gawin yun kahit gustong-gusto ko kasi ginagalang kita.'' Saad niya. ''Bwisit ka!'' Sagot ko. Arghh! Para kong aatakihin sa puso sa ginawa niya. Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ko na lang sa bag niya yung bluetooth mouse. Kailangan ko muna itong iproof read bago ko tuluyang icopy paste sa wattpad para maiwasan yung typhos and grammatical errors. Habang nagpproof read ako ay siya naman ang abala sa paglamon ng mga snacks namin. Hindi ko pa nga nahahawakan naubos niya na. "Hoy Vince! Kain ka ng kain diyan habang ako dito wala pang nailalagay na pagkain sa bibig ko." Saway ko dahil hindi pa talaga ko nakakain. ''Okay. Chill ka lang. Magproof read ka na.'' Sagot niya. Nagpatuloy ako sa pagproof read ng chapter ko. Nagsisimula na manubig yung mata ko pero pinipigilan ko tumulo dahil damang-dama ko yung sakit na nararamdaman nung character ko. ''Huy Ems. Bakit?'' Ani Vince na napansin siguro ang panunubig ng aking mata. Napababa ako ng tingin at pinahid ang mga ito. ''Wala. Nadala lang ako ng update ko.'' Sagot ko. ''Kaya ka pinaparatangan ng mga readers mo na tragic writer kasi ikaw mismo kaya mong paiyakin sa sarili mong gawa.'' Sagot niya. ''Yun naman talaga ang unang dapat nararamdaman ng writer ah. Ang emosyon ng kwentong sinusulat niya. Kasi kung di mo nararamdaman yung emosyon mo edi hindi rin yun nararamdaman ng readers mo.'' Sagot ko. Sa tatlong taon ng pagsusulat ko ng kwento yun yung natutunan ko. Magpapatuloy maging lame ang kwento kapag prinoof read mo ito at di nadarama ang emosyon. "Wow galing naman ni Miss Ems." Sagot niya. Kita mo 'to. Kung makapagsalita parang hindi writer. Parang di pa nakakatapos ng novel. Kinopy paste ko na sa wattpad dahil wala naman akong nakitang wrong spelling or grammatical errors. Matapos nun ay dinisconnect ko na ang mouse para naman siya na ang gumamit. "Iproof read mo na yang chapter mo at icopy paste. Sabay na natin ipublish." Ani ko. Tumango lang siya at sinet up na yung ipproof read niya. Nagcellphone na lang ako para makibalita sa ganapan sa Pinas. Nakita ko yung comment Ate Kass sa notifications ko. Nagbabasa pa rin kaya siya ng mga gawa ko? Tiningnan ko ito.
Kassandra Ellaine Lizardo:
Congrats Ems. I miss you and hope to see you soon. Keep writing!
Napangiti ako sa nabasa kong comment. Kahit wala na kami ni Ken nandiyan pa rin siya para suportahan ako. Agad ko siyang nireplyan sa comment section.
Emily Savvanah:
Thank you for still reading my works Ate Kass. I miss you too po and hope to see you soon!
Nagscroll na ulit ako para makabalita sa mga chismosa naming kapitbahay sa Pinas. Para kahit andito ko sa SG eh updated pa rin ako sa talk of town ng Pinas. Puro naman parinigan ng mga walang kwentang bagay ang meron s newsfeed ko at meron nanamang fan wars sa wattpad. Hindi hihinto ang araw ng wala akong nakikitang ganito sa NF ko. Manong magbasa na lang ng mapayapa kesa yung nagfafan wars pa ng walang katuturan. Hindi man lang nila inisip yung writer na naghihirap para mabigyan sila ng nobela na worth it basahin. Imbis na nagfofocus ang writer sa pagsusulat eh kailangan niya pa sawayin yung readers niya na nag-aaway away dahil lang dun sa nobela niya. ''Tapos na Ems. Publish na natin.'' Ani Vince. Sinarado ko na yung phone ko at binulsa tsaka inunlock yung laptop ko. ''1...2...3'' Bilang ni Vince at sabay naming pinindot ang publish button. ''Finally hindi na tengga yung readers ko. May mababasa na silang update ko.'' Ani ko at pinicturan yung notification sa laptop na nakapagpublis na ako. Pumunta ako sa facebook at nilagay sa story ko para updated yung readers ko Na tambay sa fb. Matapos nun ay niligpit na namin yung mga gamit namin. May isang bag pa naman ng chips na iniwan siya. Yun na lang yung kinain ko. ''Saan mo gusto pumunta after natin dito?'' Tanong niya habang kumakain ako. ''Mall tayo. Pero yung sa labas na ng school nakakatamad kung puro school surroundings na lang yun nakikita natin.'' Sagot ko. Tumango lang siya at tumingin sa malayo na parang ang daming iniisip. Matapos ko maubos ang bag ng chips ay inaya ko na siyang lumabas. Pwede naman na sigurong umuwi dahil wala namang prof. Mabuti na lang at pinalabas kami ng guard. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at agad naman akong sumakay. ''Ano gagawin natin sa mall?'' Tanong niya. ''Libot lang tapos arcade.'' Sagot ko. After fifteen minutes ay nakarating na kami sa mall. Naglibot libot muna kami at kumain sandali bago nagpunta sa arcade. Napahinto ako sa pagshoot ng bola ng maramdaman kong nagvivibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung bakit. Tumatawag pala Ate Gab kaya agad kong sinagot ito. ''Hello Ate Gab. Bakit po?'' Sagot ko. ''Late ako makakauwi ngayon kasi may emergency dito sa hospital. Baka pwedeng umuwi ka na sa condo para makapagprepare ng dinner.'' Aniya. ''Sige po.'' Sagot ko. Binaba niya na ang tawag. ''Uwi na tayo Vince. Kailangan ko na magprepare ng dinner namin ni Ate Gab.'' Ani ko. Tumango lang siya at nauna nang maglakad sa akin. Katulad ng nakagawian ay siya ulit ang nagbukas ng pinto ng kotse at ng makasakay ako ay pumunta na siya sa driver's seat. Masayang kwentuhan ang nangyari buong biyahe papunta sa condo. Ng nasa tapat na ako ng condo namin ay nagpaalam na ako. ''Thank you sa paghatid Vince. Chat chat na lang.'' Ani ko. ''Sige. Basta nagenjoy ka. Chat ka lang kapag kailangan mo ng tulong." Sagot niya. Tumango ako at pumasok na sa unit namin. Nagbihis ako ng pambahay at nagsimula nang ihanda ang hapunan namin. Matapos kong ihanda ang mga ito ay nagpunta ako sa sala para manuod ng tv. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko sa akng panunuod kundi dahil sa pagbukas ng pinto ni Ate Gab. "Andito ka na pala Ate Gab." Bati ko. "Sorry nagising ba kita?" Sagot niya. "Hindi po. Iinit ko lang yung pagkain. Magbihis ka na po." Sagot ko. Pumunta na ako sa kusina at ininit yung niluto kong ulam at kanin. Matapos nito ay naghain ako at sabay kaming kumain. Ng matapos kaming kumain ay naghugas ako ng pinggan na pinagkainan namin. Ng matapos ako mag urong ay pumunta na ako sa kwarto ko at nagtoothbrush. Ng makahiga ako ay nagbasa ako ng wattpad ng ilang saglit at nakatulog na rin.
A/N: Enjoy reading and Keep safeeee❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top