CHAPTER 4: ACHLYS NYX
Emily's POV
Kakagising ko lang at kasalukuyan akong nagpre-prepare para sa lakad namin ni Vince. Inaya niya ako mamasyal ngayong araw since wala namang klase. Nagtrending din yung video niya nung sinurprise niya ako para sa 200k reads ko. Kaya nagsisimula na din kaming iship ng mga readers namin. Palagi na nga rin ako inaasar nila Andy dahil dun eh. Sabi nila 'Vince is the new Ken' at hindi din daw magtatagal paniguradong magiging kami. Napapahilamos na lang ako sa mga pang-aasar nila. Ng matapos ako mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Nasa sala ngayon si Vince at nagcecellphone. Agad akong lumapit sa kanya. "Yow! Wassup!" Bati ko. "Sup! Ready ka na?" Sagot niya. "Yes." Sagot ko. "Have you heard the news?" Sagot niya. "Anong news? Na trending tayo?" Sagot ko. "Loko! Hindi HAHAHAHAH. Sinabotahe yung isa sa mga biggest project ng kompanya ng EX-BOYFRIEND MO!" Sagot niya. Natahimik ako at nabagsak ko ang cellphone kong hawak dahil sa gulat na pumuno sa aking pagkatao. "Hindi lang yan. Ang Ate pa niyang doctor ang umaasikaso sa gulo. Hindi ibinalita kung kasali yung EX mo sa mga mag-aayos nung building." Dagdag pa niya. "Kailan pa naging business woman si Ate Kass?" Sagot ko ng makabawi sa pagkagulat. "Yun ang sabi ng media. Siya din yung nasa interview. Tingnan mo." Sagot niya at hinarap sa akin yung cellphone niya. "I have nothing to say about the incident. We are currently fixing the mess." Saad ni Ate Kass sa mga reporter. "You are a doctor Miss Kassandra. Why are you fixing the mess of your company?" Sagot naman ng reporter. "Because I'm also a graduate of Business Management in De La Salle University. And I am the next CEO of the company." Sagot niya. "Ano na po mangyayari sa kasal ng kapatid mo at ang tagapag-mana ng mga Arthur?" Sagot naman nung reporter. "I have nothing to say about it. My brother and his fiancee is currently studying in US. That's all. Thank you." Sagot niya at dun nagpause ang video. Madami sigurong nangyari this past few years. Masaya ko dahil kahit paano ay natutulungan na rin ni Ate Kass ang mga kapatid niya. Pero ang hindi ko magets eh bakit sinabi pa sa akin ito ni Vince? Wala naman sa akin yung mga kagamitan para sa pag-aayos ng building. "Hay nako Vince. Ano gagawin ko kung nasabotahe kompanya nila? Nasa akin ba yung mga equipment para ayusin yung mga nasira?" Sagot ko. "Share ko lang naman eh. Baka gusto mo lang malaman. Tara na nga." Sagot niya. Pinulot ko muna ang nalaglag kong cellphone bago naunang maglakad sa kanya. Night shift kaghapon si Ate Gab kaya kaninang umaga lang siya dumating. Paniguradong natutulog na siya pero naisip ko pa rin na magpaalam muna. Kumatok ako sa kwarto niya. "Pasok!" Sagot niya. Binuksan ko na ang pintuan. "Ate alis na po ako. Mamasyal po muna kami ni Vince. Kaunti lang naman po ang gawain sa school." Paalam ko. "Sige. Ingat kayo." Sagot niya. Bumalik na ako sa sala. "Tara na?" Aya niya. "Okay. Saan ba tayo after sa mall?" Sagot ko. "Bahala na. Basta gala tayo today." Sagot niya. "Okay." Sagot niya. Naglakad na kami palabas ng condo. Ng makasakay sa kotse ay tiningnan ko ang messenger ko. Inuulan ng mga message request ang messenger ko dahil sa pagtrending nung video. Chineck ko ang mga ito. Agad na nakatawag ng pansin sa akin ang name na "Achlys Nyx". Agad ko itong pinindot para malaman kung ano ang message niya. I find it handsome. Ewan ko ano nangyayari sakin.
Achlys Nyx:
Congratulations Miss Emily! More readers to come and I hope to talk with you more. :)
Me:
Thank you! Enjoy reading my stories❤️
"Vince! May fanboy ako!" Ani ko. "Weh? Patingin?" Sagot niya. "Eto oh!" Sagot ko at hinarap sa kanya ang phone ko. "Sus baka babae din yan tapos gumagamit lang ng name ng lalaki eh. " Sagot niya. "I have this gut feeling lalaki siya. And I think gwapo siya." Sagot ko. "Hay Ems bawas-bawasan nga pagwawattpad at kung ano-ano na pinaniniwalaan mo."
Sagot ko. Sama naman nito grabe makacritique sa akin. Ganun kasi paniniwala ko sa mga greek god eh . Ganun kasi inspired yung mga names ng characters ko. "Grabe ka naman sakin Vince. Is it my fault that I believe that a guy named after a greek god is a handsome guy. Well para kasi sakin ganun yun. Alam mo naman mga names sa story ko." Sagot ko. "Well wag mo na nga isipin si Achlys Nyx. Maggala na lang tayo. " Sagot niya. "Okay. Tara na. " Sagot ko at nauna na sa loob ng mall. Ewan ko ano nangyayari nanaman sa lalaki na yun. May saltik ata at biglang naging ganun. Hindi naman niya ugali yun. Kapag naman pinapakita ko yung mga chat ng readers ko okay labg naman sa kanya. Pero nung si Achlys na hindi na agad okay. Hm! Iwasan ko na nga lang isipin yun at magenjoy na lang sa gala namin ngayong araw.
Vince's POV
May iba kong pakiramdam sa Achlys Nyx na yun. Hindi ko siya gusto. Aura pa lang nung nabasa ko mukhang mamfliflirt. Pero parang RPW account. Basta kung magmomove pa rin siya kay Ems eh talo na siya sa akin. Kami nagkikita, sila naman hindi. "Saan mo gusto kumain Ems?" Tanong ko habang naglalakad kami. "Kain nanaman? Kakadating lang natin dito sa mall Vince. Mag arcade na lang muna tayo. Tapos maglibot-libot tsaka para makapag-window shopping tayo." Sagot niya. "Okay. " Sagot ko. Nagpunta kami sa arcade at naglaro. Habang naglilibot kami dito sa mall naisipan kong sabihin sa kanya yung ginawa ko kagabi. "Ems. Diba sabi mo after graduation ka pa magpapasa bg manuscript mo. Bakit di na lang ngayon? " Tanong ko. Kagabi kasi nagresearch ako sa mga publishing house kung saan pwede magpasa ng manuscript. "Vince kita mong nagkakanda puyat-puyat na tayo sa mga ginagawa sa nursing school tapos may gana ka pang magdagdag ng isipin. Alam mo bang ilang weeks na kong walang update dahil halos araw gabi kong gumagawa ng school works! " Sagot niya. True to what she said hindi na nga namin nabukssn yung mga drafts namin dahil pati weekend nakakain ng pag-aaral. "Chill. Natanong ko lang dahil nagresearch ako ng mga publishing house kagabi. Eh yun nga nakwento ko lang. Baka lang naman naisip mo din." Sagot ko. "Bakit ba ang excited mo magpasa ng manuscript natin? Don't tell me na may connection ka sa writing industry?" Sagot niya. "Loko! Kitang hospital business namin tapos magkakaroon ako ng connection sa writing industry! Natural wala." Sagot ko. "Hay mabui na lang wala tayo sa Pinas ngayon kundi sigurado kong nasa fb na mga mukha natin." Aniya habang nglalakad at pamasid-masid sa paligid. "Sino ba hinahanap mo at pamasid-masid ka riyan?" Sagot ko. "Baka mamaya may nagpipicture sa atin dito eh." Sagot niya. "Hindi naman mga chismosa yung mga tao dito unlike sa Pilipinas na magugulat ka na lang may picture ka na sa internet. " Sagot ko. Kaya mas ginusto ko ditong mag-aral dahil mas peaceful ang paligid, less toxic people and mas maganda yung education system. Mas enhanced ang mga gamit na ginagamit nila. "Syempre hindi ka naman gaano kilala dito eh." Sagot ko. "Malay mo may reader tayo na nandito." Sagot niya. "Nasa Pilipinas silang lahat Ems." Sagot ko. Imposible naman na maging international yung libro namin dahil di pa naman ito ganun kakilala. "Hindi na talaga ko makapag-hintay makauwi ng Pinas para mameet natin yung iba nating readers. " Sagot ko. "Alam mo may suggestion ako." Sagot ko. "Ano?" Sagot niya. "Gumawa tayo ng gc na puro readers nating dalawa tapos ipahawak natin sa admins ko. May group page kasi ako. Gumawa na lang tayo ng isang gc ng SavvFam at Vinceters." Sagot ko. Alam ko na wala siyang time kung magdadagdag pa ko ng responsibilidad. "Wag na. Hindi rin natin sila makaka-bonding dahil ga-bundok na mga gawain ang meron tayo. Tsaka na." Sagot niya. "Okay. Update mo na lang ako kapag naisip mo na kung kailan." Sagot ko. "Oo. Tara kain na tayo. Libre ko naman. Ikaw na naglibre sakin sa arcade eh." Sagot niya. "May ipon ka?" Sagot ko. "Aba syempre meron. Inabutan ako ng extra ni Ate Gab nung isang araw." Sagot niya. "Okay. Mcdo na lang tayo. Ayoko ng namamahalan ka kasi mahal kita." Sagot ko. "HAHAHAHAHAHAH! Puro ka kalokohan Vince!" Sagot niya. "Totoo hindi ako nagsisinungaling. " Sagot ko. "Edi wow." Sagot niya. Naglakad na kami papunta sa Mcdonalds dito. "Regular mcburger and drinks. Then one chiken fillet, sundae, and drinks." Saad niya sa kahera at nagbayad ng nararapat na amount. Inayos ng kahera yung order namin. Mabilis lang na naayos ito at naghanap na kami ng mapwepwestuhan. Ng makahanap ay agad kaming nagsimulang kumain. "Nagreview ka na para sa quiz natin sa nutrition at anatomy?" Tanong niya. "Di pa. Mamaya pa. Gusto mo sa condo ko tayo magreview." Sagot ko. "Sige. Paalam na lang ako kay Ate Gab." Sagot niya. "Sige. Umuwi na rin tayo agad para mas mahaba yung time ng pagrereview natin." Sagot ko. Mahaba-haba din yung mga rereviewhin namin dahil human anatomy quiz yun at human nutrition. "Magpark naman tayo saglit para naman kahit paano marelax tayo." Sagot niya. Kita mo 'tong babae na 'to nakuha pang magrelax kahit marami nang ginagawa sa school. Isa ito sa nagustuhan ko sa kanya. Ang magparelax-relax kahit may quiz na. "Sige." Sagot ko. 15 minutes away lang naman ang park dito eh.
Emily's POV
Mabuti na lang naalala ko yung quiz namin. Pero gusto ko pa rin magpark para naman hindi buong araw nakaharap sa libro. Matapos kumain ay nagpunta na kami sa parking lot para makasakay na sa kotse. Ng makarating kami sa parang kapitolyo dito ay talagang napaka ganda. Nakakarelax at magandang place para magsulat kaso wala ako sa mood dahil naisip ko yung quiz. Hindi pwede na magsulat ako dahil mawawala ako sa focus sa quiz. Umupo kami sa isang bench dito sa park. Maraming tao din dito. May pamilya at may mga magkakaibigan din. Naalala ko tuloy sila Andy. Namimiss ko na sila. Hindi na rin kami nakakapag-usap ng matagal dahil mga busy na rin sa pag-aaral. Naiintindihan ko naman yun kaya okay lang kahit di kami palagi makapag-usap. "Ems." Tawag ni Vince sa atensyon ko. "Hm?" Sagot ko. "Almost 2-3 years na kayong hiwalay ni Ken diba? Kamusta na yang puso mo? Mahal mo pa rin ba siya?" Sagot niya. Para kong pinutulan ng dila dahil walang lumabas na salita sa bibig ko. Napaiwas na lang ako ng tingin at ibinaling sa mga batang naghahabulan. "Yung pagmamahal meron pa rin pero may tao akong pinag-aaralang mahalin. Okay naman yung puso ko. Mas matibay na." Sagot ko. Hindi ko na sasabihin sa kanya kung sino yung taong ito pero unti-unti kong tinuturuan ang puso ko na mahalin siya. Sa tuwing kasama ko siya palagi kong nararamdaman ang saya na higit pa sa sayang nararamdaman ko tuwing kasama ko si Ken. "Maari ko bang matanong ang taong yun?" Sagot niya. "Sa akin na lang yun kung sinong tao yun." Sagot ko. "Okay nirerespeto ko ang desisyon mo. Basta kapag handa ka na sabihin mo ah." Sagot niya. "Oo naman. Kapag naging handa na ako." Sagot ko. "Bili tayong ice cream!" Sagot niya. "Ikaw na alng bumili ng ice cream. Dito na lang ako." Sagot ko. Malapit lang naman yung ice cream truck dito eh. Ilang hakbang lang. "Sige. Intayin mo ko diyan." Sagot niya. Tumango lang ako at inilabas ang phone ko. Tadtad ng chats nila Andy ang notification ko.
Andy:
How's college life?
Sandra:
Nakakastress hindi ko na alam uunahin ko. Si @Ivan pa nakakastress din yan! Nambabae ata.
Lean:
Eto nakakabwisit mga prof ang hihigpit.
Ivan:
Hindi ako nambabae. Busy lang sa school works. Palagi pa nga tayo magkausap diba Sandra ko?
Sandra:
Hindi ka kasi nagchat buong araw kahapon!
Me:
Sandra wag ka mapraning. Masyado lang sigurong busy sa pag-aaral si Ivan tsaka remember diba nagt-training din siya sa company nila.
Sandra:
Oo nga. Pero may chika ko sa inyo guys. Alam niyo na ba?
Andy:
Ang alin? Yung kay Ems at Vince?
Lean:
Ano ba yun? Di ako nakakapag bukas ng fb madalas.
Sandra:
Sinabotage yung company nila Ken.
Lean:
Anong gagawin namin? Wala na kong pakialam sa tarantado na yun. Tinarantado niya kaibigan natin eh.
Andy:
I don't care on his shits. Mabuti nga na nasabotage sila. Masyado kasing panget ugali ng CEO kaya ganon.
Sandra:
Di lang yun. Alam niyo bang si Ate Kass ang next CEO ng kompanya nila!
Andy:
What? Diba doctor si Ate Kass?
Lean:
Sinalo nanaman si Ken.
Sandra:
Walang sinabi sa interview pero feeling ko nag-aral ulit siya.
Andy:
Syempre. Alangan namang isabak yun ng mga magulang niya ng hindi pinag-aaral.
Hindi na ulit ako nagseen sa gc namin. Dahil baka magtanong pa sila kung nabalitaan ko na ba ito. Tiningnan ko kung nagreply si Nyx sa message ko. At nagreply nga siya. Napangiti naman ako at agad itong sineen.
Achlys Nyx:
Always Miss Author. Keep writing.
Me:
Thank you. I hope to see you in person. Baka kamukha mo talaga yung greek god na si Achlys.
Achlys Nyx:
Me too. I'm also hoping to see your beautiful face in person. No hindi ko kamukha yung greek god na si Achlys pero meron kang character na kamukha ko.
Me:
Sino naman?
Achlys Nyx:
Kenth. Yung bida sa Still You.
Me:
Wow. High confidence level si Koya. Sorry may portrayer na siya.
Achlys Nyx:
Joke lang. Eh how's your day ba?
Me:
Okay lang. Busy sa school.
Ang bilis kong nakapalagayan ng loob itong si Achlys. Feeling ko matagal na kaming magkakilala kasi ang komportable ng pakiramdam ko sa kanya. Parang hindi siya internet friend. May mga nakakachat naman akong reader ko pero nandun pa rin yung hiya pero kay Achlys walang hiya-hiya. Ang komportable niya kausap. "Oh Ems eto na yung ice cream." Ani Vince ng makarating siya. Vanilla ice cream ang binili niya sa akin. Sa sobrang tagal naming magkasama nito alam niya na lahat ng gusto at ayaw ko. "Thanks." Sagot ko at ibinulsa na ang cellphone ko. Hindi na naman nagreply si Achlys eh. Tahimik lang naming pinanuod ang mga tao habang kumakain ng ice cream. "Nakakarelax dito. Parang nasa Pilipinas lang pero mas peaceful. " Saad ko. "Oo nga eh. Para tayong hindi umalis ng Pilipinas kapag nandito tayo. Halos kahawig din kasi ng kapitolyo diba?" Sagot niya. "Oo nga eh. Namimiss ko nga sila Andy eh. " Sagot ko. "Why don't we call them? Para din makita ko yung pinsan kong kapatid ata ni Satanas dahil palaging nandedemonyo magpabili ng mga pasalubong. Eh ang layo pa naman ng sembreak." Sagot niya. "Dami mo pang sinasabi eh! Tawagan mo na! Mahal load kapag ako tumawag." Sagot ko. Nagloload lang kasi ako dito. Hindi ko pa napapalipat sa postpaid ang sim ko. "Sige." Sagot niya at kinuha ang cellphone niya. Tinawagan niya sila Andy. "Oh si Ken number 2 tumawag. Kamusta ba Ken number 2?" Si Sandra ang unang sumagot. "Oh tumawag ang pinsan kong kapatid ni Kalandian. Kamusta ba? Nakakailang babae ka na ba ngayong linggo?" Napatawa naman ako sa bungad ni Lean. "What's up Vince? Are you with Ems?" Bati naman ni Andy. Hindi nila ako nakikita dahil medyo malayo ang pagitan namin ni Vince sa upuan. "Yes I'm with her." Sagot ni Vince at itinapat sa akin ang camera ng phone. "Ano kamusta? Kulang ata kayo? Nasan ang leader ng kulto? Si Ivan? "Bati ko. Napansin ko kasi na si Ivan lang ang wala sa call. "Malay ko sa lalaki na yun. Baka nandun sa kompanya nila nakikipaglandian sa mga empleyado." Sagot ni Sandra. "Grabe ka naman Sandra. Masyadong bata si Ivan para sa kanila at masyado naman silang matanda para kay Ivan." Sagot ni Lean. "Lean's right Sandra. Ivan's too young for them." Pagsang-ayon ni Andy sa sinabi ni Lean. "Wag ka nga magoverthink diyan Sandra. Sira ka ba? Hindi katulad ni Ken si Ivan 'no?" Sagot ni Vince. Natawa naman ako sa diskusyon nila. "Mas matino si Ivan kesa kay Ken, Sandra. Tandaan mo yan." Sagot ko. "Mas matino pala si Ivan eh. Bakit kay Ken ka pumatol?" Sagot ni Lean. "HAHAHAHAH. Love is blind nga diba? Pero sa tingin niyo kung si Ivan pinatulan ko edi nagselos naman sakin si Sandra. Indenial pa nung umpisa pero gusto rin naman pala. Ayoko ng kaaway na kaibigan pagdating sa usapang pag-ibig." Sagot ko. Yun ang pinakahuling bagay na gagawin ko. Ang makapanakit ng sarili kong kaibigan. "HAHAHAHAHAH. oo nga noh? Si Ems nga rin pala yung match maker nila." Sagot ni Andy. "Kung wala si Ems hindi mo mamimimeet si Ivan." Sagot ni Lean. "Kung hindi nalate siya nalate nung science time nung grade nine hindi kami makakapag usap." Sagot ko. "Tama. Kaya maging thankful ka na lang Sands na hindi nagustuhan ni Ems si Ivan. Dahil kung oo eh baka nagsabong na kayo." Sagot ni Lean. "Loko. Hindi ako nakikipag sabong. Idadaan ko na lang yan sa sulat. Alam niyo naman ako. Puro sulat ang laman ng utak kaya di ka masasaktan sakin. Maililibing ka lang ng buhay dahil mapapatay kita sa kwento ko." Sagot ko. Natawa naman sila sa naging sagot ko. "How's college diyan sa US? Ands?" Tanong ni Vince. "Its fine. I'm just always there watching people walk around and read some books on my free time." Sagot niya. "Sana all. Kami dito wala nang pahinga kakapasa at kaka advance review para kapag nagtanong mga prof may isasagot." Sagot ni Sandra. "Wala na nga kong update ng ilang weeks kasi may mga hinahabol din kaming deadlines dito. May quiz pa nga kami sa anatomy at nutrition eh. Daming terms na kailangan kabisaduhin." Sagot ni Vince. "Oo nga." Sang-ayon ko sa sinabi ni Vince. "Nasaan ba kayo ngayon?" Tanong ni Lean. "Nandito kami sa isang park. Medyo kahawig ng kapitolyo yung ambiance." Sagot ko. "Ahhh. Anong oras kayo uuwi?" Tanong ni Sandra. "Mamaya-maya pa." Sagot ni Vince. "Oh sige. Una na ko at kailangan ko pa mag-advance review para sa recitation namin." Paalam ni Sandra. "Sige aral well." Sagot ko. "Me too. Got to go. I have something to do." Paalam naman ni Andy. "Okay. Bye." Sagot ni Vince. "So what's the real score between you two? May advancement na ba sa feelings ng isa sa inyo?" Tanong ni Lean. "We're friends. Just normal friends." Sagot ni Vince. "Weh? Wala pa ring improvement huh Ems?" Sagot ni Lean. "Ha? Friends nga lang promise." Sagot ko. "Ok sige. Sabi niyo. Sige na. Tawag na lang ulit kayo mamaya. May gagawin pa ako. Ingat kayo diyan and aral well." Paalam niya tsaka binaba ang tawag. "Tara na?" Tanong ni Vince. "Tara na. Hapon na rin tsaka para makapag simula na tayo magreview." Sagot ko. "Oo nga." Sagot niya at tumayo na. Tumayo na rin ako.Sabay kaming naglakad papunta sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pintuan para makasakay ako. Ng makasakay ako ay umikot na siya papunta sa driver's seat. Kinuha ko naman sa bulsa ko yung phone ko. Daming notification ni Achlys kaya binuksan ko agad ito.
Achlys Nyx:
Ahh. Anong course mo?
Uyyyyy Miss Author
Maya na lang busy ka pa
Me:
Sorry Achlys mamaya na lang. Magrereview pa ko. Nursing course ko kaya sunod-sunod quiz.
Muli kong ibinulsa ang phone ko. Mabilis lang kaming nakarating sa condo. Hinatid niya ako hanggang sa pintuan ng condo namin ni Ate Gab. "Thank you Vince. Punta na lamg ako sa floor mo kapag nakapagbihis na ako at nakuha ko na yung mga books ko." Paalam ko. "Sige." Sagot niya. Binuksan ko na yung pintuan. Inabutan ko si Ate Gab na nasa sala at nagcecellphone. Lumapit agad ako sa kanya. "Ate Gab." Tawag ko. "Uy Ems nandito ka na pala. Kamusta lakad mo?" Sagot niya. "Okay naman po. Magrereview nga po pala kami ni Vince sa condo niya para sa quiz namin sa anatomy at nutrition." Sagot ko. "Okay sige. Night shift naman ako dun ka na muna magpalipas ng gabi para hindi ka nag iisa dito." Sagot niya. "Sige po." Sagot ko at pumasok na sa kwarto ko para maligo. Naligo muna ako at nagbihis ng desenteng pambahay dahil sa condo ni Vince ako matutulog. May guest room naman siya tsaka hindi naman ito ang unang pagtulog ko sa condo niya. Mga 2 weeks ago dun din ako natulog dahil night shift din si Ate Gab. Matapos magbihis ay inayos ko na yung mga dadalhin kong gamit dun. Kinuha ko at chinat si Vince.
Me:
Lipat condo muna ko. Night shift ulit si Ate Gab ngayon eh.
Vince:
Sige. Sunduin na lang kita diyan para di ka mahirapan magbitbit.
Isang set ng pambahay ang dala ko. Tuesday ang day off ni Ate sa hospital tapos weekends ay night shift niya pero depende pa rin dun sa head nurse kung saan siya ia-assign. Kaya siguradong mapapadalas ang pagtulog ko sa condo ni Vince dahil dun. Lumabas na ako ng kwarto bitbit ang mga gamit ko. Sling bag, laptop bag at books sa anatomy at nutrition ang dala ko. Nagulat ako na nasa sala na si Vince. "Eto na pala si Ems. Mag-aral kayo mabuti." Ani Ate Gab. "Opo Ate. Alis na po kami. Ingat ka sa pagpasok sa trabaho." Sagot ni Vince. "Sige. Lock niyo yung front door niyo ah." Sagot ni Ate Gab. "Opo Ate." Sagot ni Vince at kinuha ang mga bitbit kong libro at laptop bag. "See you bukas Ate Gab. Ingat ka sa pagpasok sa trabaho." Paalam ko. Tumango lang siya at tinanaw kaming lumabas ni Vince sa pintuan. "Mukhang mapaparami ang episode natin ng Doctor Romantic ah." Aniya. Sabay kasi kami nanunuod ng k-drama halos lahat ng mga pinanunuod namin ay puro may kinalaman sa doctor. May ilan din kasing mga nakakatulong sa amin. Nililista din namin yung mga informations na ginagamit nila sa ER at OR dahil siguradong yung iba sa mga ito ay makakatulong kapag nagrecitation kami. "Loko! Review muna tayo bago tayo manuod niyan." Sagot ko. "Oo nga. Ano nga palang gusto mong lutuin ko?" Sagot niya. "Hmmm gusto ko ng carbonarra at chicken." Sagot ko. "Okay. Order na alng tayo ng manok tapos pagluluto kita ng carbonarra. Meron naman akong ingredients nun sa ref ko dahil alam kong hahanapin mo yun kapag nagkasama tayo." Sagot niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Huminto na ang elevator sa tapat namin at sabay na kaming sumakay. Pinindot niya ang floor kung nasaan ang condo niya. Ng huminto ito dun ay agad siyang bumaba at hinintay ako. Nauna siyang tumapat sa pinto ng condo niya para mailagay yung code niya. Ng mabuksan niya ito ay pinauna niya na ako na pumasok. Napakalaki ng condo niya. Mas malaki pa sa condo namin ni Ate Gab. Pagbukas mo ng pinto ay bubungad sayo ang malaki niyang sala at tv. Dito kami madalas nag-aaral ng sabay. Tapos sa kaliwa nito ang dining area at kusina. Tapos sa kanan naman ay hagdan patungo sa dalawang kwarto sa taas. Ang kaliwa ay master's bedroom at ang kanan naman ay guest room. Inilagay ko na sa coffee table niya yung mga gamit ko na gagamitin sa pag-aaral namin mamaya at umakyat na sa taas para ilagay naman yung mga gamit ko na iba pa. Malaki ang guest room niya. May queen size bed at may malaking tv din katulad sa sala kapag gusto ng bisita manuod ng tv. Meron ding sala set dito at may malaking bintana na may city view. Matapos mailapag sa kama ang aking bag ay muli akong bumaba para naman matulungan siya na magluto dun. Kakain na muna kami ng meryenda para hindi kami gutumin habang nag-aaral. Inabutan ko siya sa kusina na naghihiwa ng mga ipang-gigisa. "Hiwain mo 'tong bawang. Papakuluan ko na yung pasta." Utos niya. Tumango ako at kinuha sa kanya yung kutsilyo at sangkalan. Hiniwa ko ang bawang at iba pang natitirang hihiwain para deretso sauce na siya. Habang niluluto niya ang mga ito ay hinahanda ko na ang lamesa. Kinalkal ko na rin ang ref niya at tiningnan kung may orange juice. Napangiti naman ako ng makitang meron. Kabisado niya na talaga ako kahit di ako madalas na nakatambay dito sa condo niya. Inilagay ko na yun sa lamesa. Matapos ang ilang minuto ay tapos na niyang iluto yung carbonarra. Nakalagay ang pasta sa isang plate na malaki at yung sauce ay nasa malaking bowl. Siguradong sinobrahan niya ito para sa dinner namin. "Mamayang gabi na lang yung manok ah!" Sagot niya. "Oo." Sagot ko at nagsimula nang lantakan yung niluto niya. Magaling siya magluto hindi man kasing sarap nung kay Tita Marie pero masarap din. Parang si Lean lang. "Dahan-dahan lang baka mahirinan ka." Saway niya dahil mabilis akong kumain. "Opo. Pasensya ka na. Sarap kasi ng luto mong carbonarra eh." Sagot ko. "A way through a woman's heart is through her stomach." Sagot niya. "Ah so lahat ng mga babae mo pinagluluto mo?" Sagot niya. "Hindi. Ikaw lang." Sagot niya. "Edi wow." Sagot ko at nagpatuloy na lang sa pagkain. Nakatatlong sandok din ako bago ako masatisfy. Ng matapos kumain ay siya na ang nag-urong dahil hihinga-hinga na ko sa sobrang busog. Matapos niya maghugas ay pumwesto na ako sa regular spot ko at binuklat na ang libro. Nagsimula na akong magbasa at gumawa ng reviewer. Sobrang effective nito para sa akin dahil mas natatandaan ko ang bawat terms. Ng matapos siya sa paghuhugas ng pinggan ay sinet-up niya naman yung smart tv niya sa chill songs. Ganyan kami mag-aral dahil mas nakakatulong sa amin na kabisaduhin ang mga terms. Parehas na kaming focused sa pagrereview at paminsan minsan ay nagtatanungan kami. Alas otso pasado na kami natapos na mag-aral. "Vince, order ka na ng chicken natin para sa dinner." Ani ko habang niligpit ang mga gamit ko. "Sige." Sagot niya at nagdial sa phone niya. Matapos ko masinop lahat ng gamit ay pumunta na ako sa kusina para initin yung carbonarra na niluto niya kanina. Naghain na rin ako para wala na siyang iintindihin. Matapos maghain ay umupo na ako sa pwesto ko. Nagbukas ako ng fb ko dahil baka may latest news about sa sabotage incident ng company nila Ken. Wala pa naman so far. Puro memes lang at mga appreciation post para sa akin at mga pang-iinis sa amin ni Vince. Puro haha reacts lang ang nirereact ko. Ng dumating yung chicken ay nagsimula na kami kumain. Matapos kumain ay inurungan ko na ang mga plato na pinagkainan namin. "Tooth brush lang ako sa taas. Iset up mo na yung Doctor Romantic Episode 11." Paalam ko. "Geh. Ako na bahala." Sagot niya. Umakyat na ako sa guest room at nagtooth brush na dahil may banyo naman ang guest room niya. Matapos magtooth brush ay bumaba na ulit ako. Nakahanda na yung mga snacks namin. Parang timang naman si Vince eh. Nagtoothbrush na ako tapos hahainan ako ng mga pagkain ulit. Hayaan mo na nga magtotooth brush na lang ulit ako. Naupo na ako sa sofa sa tabi niya at sinimulan nang iplay ang palabas. Kilig na kilig ako sa doctor na bida. Bukod sa nakakatulong ito sa nursing course namin ay natutulungan din ako nito magformulate ng mga scenes sa novel na isinusulat ko. Ilang episode na ang pinapanuod ko at nagsimula na rin mamigat ang talukap ng mga mata ko dahil sa antok. "Inaantok ka na no?" Ani Vince."Hindi noh!" Sagot ko na pilit tinatanggal ang antok sa boses.
Vince's POV
Matapos ang isang episode nakita kong nakahiga na siya sa kabilang side ng sofa at nakababa ang paa. Pinatay ko muna yung tv at inangat ang mga paa niya sa buong sofa bago ko naglinis ng mga kalat namin. Matapos kong maligpit ang mga kalat namin ay hinugasan ko ang mga basong pinag-inuman namin ng soda. Ng matapos ako ay bumalik ako sa sala at dahan-dahan siyang inangat sa sofa upang mailipat ko siya sa guest room. Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan. Ng makarating kami sa pinto ng guest room ay dahan-dahan kong pinihit pabukas ang pintuan para di ito gumawa ng ingay na makakapag-pagising sa kanya. Matapos nito ay dahan dahan ko siyang ibinaba sa higaan at kinumutan. Umupo muna ako sa may tabi niya at hinawi ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya. Hinaplos ko ang mukha niya na matagal ko nang gustong gawin ng gising siya. "Good night my queen. I love you." Bulong ko at tumayo na at lumabas ng kwarto niya.
A/N: Sorry sa matagal na update guys! Nagpahinga lang ako ng matagal na panahon kaya natagalan. Tsaka may writer's block din ako kaya bear with me kasi di naman palagi may ideas.❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top