CHAPTER 38: ROAD TO HAPPINESS
Vince's POV
Nandito kami ngayon ni Ems sa favorite naming tambayan every weekend. Hindi namin hawak ang laptops namin ngayon dahil rest day namin ngayon. Awa ng diyos nakapag-update naman ako ng dalawang chapters kahapon at konti na lang tapos na yung kwento. Samantalang si Ems ay nasa gitna na ng story niya dahil 10 chapters ang in-update niya. Halos two weeks siyang break sa writing. "Alam mo ba, babe. Hininto na ni Liza yung pagpopost ng mga pictures nila ni Ken. Dinelete niya na din yung pictures nila na sweet. Konti na lang yung pictures nila." Saad niya. It sounds like okay na siya and she got over with Ken, finally she is not bothered about it. "Bothered ka pa rin ba dun, babe? Since he's your ex I understand you." Sagot ko. Hindi naman ako bothered na pag-usapan yun dahil palagi naman namin napapag-usapan yun kahit nitong naging kami na. "Nope. Why I would be bothered? Tsaka he's engaged remember? Wala na siyang choice kundi pakasalan yung babae na pinili para sa kanya." Sagot niya. "You're right. I almost forgot it." Sagot ko. May pinili na nga palang babae para sa kanya. Hindi na ako threatened na babawiin niya pa sa'kin si Ems pero if that day comes I'll willingly give her to him. "By the way, anong expectations mo sa video call natin kasama ang readers natin?" Sagot niya. Naplano na kasi namin kung kailan yun magaganap. "I'm really excited for it because I got to experience this with you. I got to achived this things with you. I can't wait to meet our readers." Sagot ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko dahil noon ako lang mag-isa nangangarap nito dati ngayon kasama ko na siya sa mga pangarap ko. "Me too. I can't wait to meet them and see their faces." Sagot niya. "Sobrang sarap sa feeling na makita yung mga taong nakarecognize sa books natin. Kahit hindi pa silang lahat. Kung 20 people na yung gusto tayong makita paano pa kaya sa book signing natin?" Sagot ko. "Sigurado by that time mas madami na sila." Sagot niya. "Yeah at gusto ko nang mangyari yun." Sagot niya. "Makakarating din tayo diyan sa tamang oras at panahon. Sana kapag nakarating tayo dun magkasama pa rin tayo" Sagot ko. "Natural. Diba tayo na? Gusto mo ba maghiwalay tayong dalawa ng maaga? Sabihin mo lang." Sagot niya. "Wala namang ganiyanan kung pwede nga lang forever edi forever. Pero alam ko darating yung time na kailangan natin maghiwalay. Sana by that time kaya mo na ng wala ako." Sagot ko. Alam kong darating yung time na babalik si Ken at babawiin siya sa akin. At least I got to experience the milestones with her and I'm with her through her ups and downs. Unti-unti nang kumulimlim ang langit na parang nagbabadya ang ulan. "Hala dilim. Uwi na tayo baka abutan pa tayo ng ulan." Saad niya. "Let's go." Sagot ko at inalalayan siya na tumayo.Pumunta na kami sa parking para makasakay na ng kotse.
Habang nasa biyahe pauwi ay dun bumuhos ang malakas na ulan. "The rain and sunset reminds me of you. Cause I got to know you better in the rain and I answered you 'yes' at the sunset. That's my favorite time of the day." Saad niya. Napangiti naman ako sa narinig. She never mention it to me. She just tells me that every rainy day someone comes to her mind and I never thought it's me. "Talaga? Baka scam ka ah." Sagot ko. "Hindi. Totoo nga. Ito naman kala mong niloloko ka. Nagpapatugtog nga ko ng Wayo kapag ganun eh." Sagot niya. Wayo is a song of Bang Yedam asking why. "Talaga lang ah. Kinumpleto mo na pages-senti non." Sagot ko. "Ang sarap nga magsulat lalo na kapag umuulan." Sagot niya. "Syempre. Malamig kaya masarap tapatan ng kape. Tapos yung playlist chill songs." Sagot ko. "Oo. Tapos masakit na chapter yung sinusulat." Sagot niya. "Oo nga eh." Sagot ko. Saglit lang ang naging biyahe namin at nakarating agad kami sa condo building namin. Hinatid ko lang siya sa unit nila at ako naman ay bumalik sa sarili kong unit. Katulad ng nakasanayan ko kapag galing ako sa labas umiinom muna ako ng tubig bago umakyat sa kwarto ko. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay umakyat na ako sa kwarto ko at dumiretso sa walk in closet ko. Nagpalit na ako ng pambahay ng makita ko yung laundry ko. Madami-dami na din. Kailangan ko na maglaba bukas para hindi ako matambakan. Umupo na ako sa desk chair ko para magsimula na sanang magsulat ng tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Nakita ko ang number ni Liza. Bakit kaya 'to tumatawag? Para mang-asar? O para nanaman sa bwisit na engagement na yun? Sinagot ko na lang kahit labag sa kalooban ko. "What?" Saad ko. "Hi, Vince. I just called to tell you something." Sagot niya. "What? If that's about the engagement, how many times I told you that I can't. I have my own plans in life." Sagot ko. "No it's not about that. It's about our recent issue." Sagot niya. "Oh, what about it?" Sagot ko at napakunot ang noo kahit hindi niya nakikita. It's already done right? "Is there coming more? Sinasabi ko sayo, Liza. Isang issue pa humanda ka dahil babawiin ko sayo lahat ng meron ka. Kahit magbest friend tayo." Sagot ko. "Walang damayan ng business. Wala na akong planong guluhin pa kayo ni Ems. Live your life to the fullest tsaka I'm not dumb not to notice that you already love her. Everything was just a challenge. I never thought that I could hurt someones feelings for that childishness." Sagot niya. "See? Wala ka ding napala dun diba? Sakit ng ulo lang napala mo. Lesson learned na ba?" Sagot ko. "Oo. I'm really sorry sa sakit ng ulo na binigay ko sa inyo at sa distraction. Bored lang siguro ko sa buhay ko kaya ko nagawa yun." Sagot niya. "Wala yun. Pinalampas ko na lang yun dahil hindi naman malaking problema. Tsaka kapag bored ka magplot ka na lang wag kami balingan mo kasi ang hirap men. Dalawang bag ng dugo sinalin kay Emily sa sobrang baba ng platelet tapos muntik pang mawalan ng trabaho yung Ate niya." Sagot ko. "I'm so sorry. I didn't mean it. Promise last na talaga yun." Sagot niya. "Last na talaga dahil di ka na makakaulit." Sagot ko. "By the way he has something to say to you, Vince." Sagot niya. "Who?" Sagot ko. Sino namang tao yun?
"Hello?" Sagot ng kabilang linya. Nabobosesan ko 'to ah. "Who are you?" Sagot ko. Just to confirm if it's Ken. "I'm Ken. If you don't remember me." Sagot niya. "Oh, what do you want to say? If you're planning to call my girlfriend you're not allowed. Don't comeback cause she's already okay without you." Sagot ko. "I'm not planning to comeback. I just want to say thank you. Thank you for making her happy in the times I made her cry. Please don't leave her just like what I did. That's all." Sagot niya. "I also want to tell you something. She almost die when you left so if you're planning to comeback ayusin mo muna buhay mo. Balikan mo siya kapag maayos ka na." Sagot ko at binaba ang tawag. Simula na. Ito na ang simula ng pagbabalik niya. Gusto ko man sabihin kay Ems ang mga sinabi niya pero hindi pwede. Baka mawala ang focus niya at baka magtrigger nanaman ng emotional breakdown niya. Napailing na lang ako at binuksan ang laptop ko para makapagsulat na ng update.
Emily's POV
Busy ako sa pagsusulat ng biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung bakit at nakita kong unknown number. Hindi ko na lang sinagot dahil baka isa 'to sa number ng tatay ko. Ayoko na munang marinig yung mga boses nila dahil nanahimik na ako. Nanahimik na ang puso ko at buhay ko. Masaya na ako at magiging sakit lang sa ulo ang pagtawag nila. Nagpatuloy na lang ako ulit sa pagsusulat. Ilang minuto ang nakalipas ay tumunog ulit ang cellphone ko at nagulat ako na yun ulit yung number. Wala kong nagawa kundi sagutin ito para tigilan na ako. "Hello? Who's this?" Saad ko. "Hello, Emily. It's me Liza." Sagot niya. Nawala naman ang kaba sa puso ko ng marinig na si Liza ang tumawag. "Yes?" Sagot ko. "I just called because I have something to say." Sagot niya. "Oh, what is it?" Sagot ko. "I'm really sorry for the mess that I made in your life. Evrything I did was to test Vince if he can stay with you despite of the controversies. Despite of the issues. I never expected that I messed up with your life. I'm really sorry for what I did. I'll do everything so just you could forgive me." Sagot niya. Wow, magandang pagkakataon 'to para sabihin sa kanya yung collab. "I have one condition for you. Be part of our series collaboration." Sagot ko. "W-what? Y-you want me to write a book knowing that I used ghost writers in my works." Sagot niya. "Yes but you can't hire ghost writers now cause I want to see your potential as a writer. I want you to write your first draft with us. Wag ka mag-alala ako at si Vince lang ang kasama mo sa collab kaya hindi ka mahihiya sa other writers." Sagot ko. "But what if I write crap? Or what if no one wants to read my works?" Sagot niya. "Edi kami ni Vince. Babasahin namin yung gawa mo." Sagot ko. "Is that really enough?" Sagot niya. "Oo naman. Tsaka hindi mo naman na kailangan magsorry dahil bago ka pa magsorry napatawad na kita." Sagot ko. "You're really a genuine person and a good friend. No wonder why Vince fall for you and why he cried because of you." Sagot niya. "Huh? Sino umiyak?" Sagot ko dahil medyo naguluhan ako sa sagot niya. "Nothing. Sige na mukhang naabala pa kita. Thank you ulit. I'll get back on you for our collab. See you soon Emily. Bye!" Sagot niya. "S-see you soon." Sagot ko at binaba ang tawag.
Sinubukan kong bumalik sa writing zone ko pero hindi na ako makabalik dahil dun sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan yung ibigsabihin niya. May isang part sa utak ko na gusto kong malaman yun meron ding part sa utak ko na huwag na dahil makakagulo lang yun. Napailing na lang ako at lumabas ng kwarto. "Oh, bakit pinagsakluban ka ng langit at lupa?" Saad ni Ate Gab. Nakauwi na pala siya hindi ko man lang naramdaman. "Wala po Ate. Masyadong mabigat lang po yung scene." Sagot ko. "Wag kasi sulat ng sulat. Magpahinga ka din." Sagot niya. "Opo Ate." Sagot ko. Pumunta na ako sa kusina namin para uminom ng tubig.
Ken's POV
"Ken, tama na. Hinahanap ka na ng kuya mo." Saad ni Liza. Hanggang dito ba naman sa bar na 'to nasundan niya ako. "Hayaan mo siya." Sagot ko at nilagok ang natitirang alak sa baso. "Tama na, Ken. Pupulbusin mo ba yung atay mo kaya ka ganiyan ha?" Sagot niya. "Hayaan mo na ko. Tsaka ano naman kung mapulbos yung atay ko? Okay na yun para diretso libing na lang." Sagot ko. "Ken, anong sinabi ko sayo?" Sagot niya. "Hindi ko na matandaan." Sagot ko at nagsalin ulit ng alak sa baso ko. Inisang lagok ko lang ito at nagsalin muli. "Iuuwi na kita, Ken. Hindi ka na makakapagdrive sa lagay nay an. Yari ka nanaman sa Kuya at Ate mo. Ilang araw ka nang ganiyan tapos hindi ka pa nagpapasa ng requirements hinahanap ka na din ng prof natin." Sagot niya. "Anong gagawin ko? Hindi ko mapigilan yung emotions ko. Yung babaeng mahal ko may mahal nang iba. Tapos ako naman hindi ako makapili ng gusto kong gawin sa buhay. Ang sakit kaya na hindi mo mapili yung gusto mo. Hindi mo mapili kung sinong mamahalin mo. Para kong aso na kailangan sumunod sa amo." Sagot ko. Hindi ko maipaliwanag bakit nakaya kong i-kwento sa kanya yung mga problema ko. May gayuma ata 'to at nadali ako ng gayuma niya. "Hindi naman solusyon ang sirain ang buhay mo para lang magrebelde ka sa kanila. Tsaka kung malalaman ba yan ni Emily tingin mo matutuwa siya? Tingin mo papalkpakan ka niya kasi ganiyan ka ha? Akala ko ba babalikan mo siya? Bakit hindi mo umpisahan na ayusin sarili mo?" Sagot niya. "Huwag ka na magsermon nakakasawa nang makarinig niyan. Para kang si Ate." Sagot ko at nilagok na ang alak mula sa bote. Hinawakan niya ang pulsuhan ko at binaba sa lamesa yung alak. "Ano ba?" Reklamo ko. "Uuwi na tayo o tatawagan ko si Ate Kass para sunduin ka dito?" Sagot niya. "O-oo na. Tara na." Sagot ko at tumayo na. Umiikot na ang paningin ko. Agad namang dumalo sa akin si Liza. "Jusko, Ken. Ang bigat mo." Reklamo niya at inalalayan na niya ako na maglakad. Sinakay niya ako sa kotse ko at siya na ang nagdrive. Huli kong naalala ay dinala ko ni Ate at Kuya sa kwarto ko.
Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Hindi ko na maalala yung ginawa ko kagabi. Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina. Nakita kong kumakain sila Ate. "Gising na pala ang hari ng inuman. Seminar mo naman kami, Ken." Saad ni Kuya Kenneth. Tinapik naman siya ni Ate. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Magbiro ka na sa bagong gising wag lang sa lasing." Sagot ni Ate. "Ate, Kuya. What's lasing po?" Sagot ni Kyle. "Nothing Kyle. It's for adults." Sagot ni Ate. Matapos kong magtimpla ng kape ay tumabi na ako kay Kyle. "Kuya, you take a bath after we eat. You smell like beer." Reklamo ni Kyle. "Wag ka na muna magreklamo Kyle may hang over yang Kuya mo." Saway ni Ate. Mabilis ko lang tinapos ang pag-inom ng kape at umakyat na ako para makaligo. Wala kong gana pumasok kaya ichecheck ko na lang yung school website namin para malaman kung ano-ano ginawa nila nung mga nakaraang araw. Nabigay ko naman na yung intro ng research sila na bahala sa iba.
Gumagawa ako ng isang digital plate para sa isang subject ng may kumatok sa pinto ko. "Pasok." Saad ko. "Ken." Tawag ni Ate sa seryoso niyang boses. Umupo siya sa kama ko at ako naman ay humarap sa kanya. "Bakit? Anong problema Ate?" Sagot ko. "Ilang araw ka nang umuuwing nakainom o kaya lasing na lasing ano bang problema mo?" Sagot niya. "Wala po." Sagot ko. 'Ate, I'm so tired. Ayoko na.' Yan ang mga katagang gusto ko sabihin sa kanya pero hindi pwede. Kasi ayoko nang madagdagan ang problema niya. Kakayanin kong itago lahat ng sakit na nararamdaman ko as long as they are happy and if that's the only way to make them stay happy. "Sigurado ka?" Sagot niya. "Opo Ate. Wala po." Sagot ko. Tumango lang siya at lumabas na ng kwarto. Tinapos ko na ang digital plate ko at sinimulan ang mga naiwan kong trabaho para sa opisina. Ang dami ko na palanh trabaho na hindi ko nagawa dahil sa kakainom ko. Prinint ko na yung mga papeles na kailangan kong reviewhin at ginawa yung reports na hindi ko natapos. 2 pm na ako nakapaglunch sa dami ng ginawa ko na trabaho at school works. Sinabay ko na sa paggawa ng trabaho ang other half ng thesis namin dahil sinend sa akin ni Elyse yung file at sinabing tapusin ko daw dahil hindi na kaya ng time nila. Hindi naman na ako tumanggi dahil ang tagal kong absent at hindi sila natulungan sa thesis. Pagkatapos kong kumain bumalik na ako sa kwarto ko. Natapos ko naman na yung mga importanteng Gawain ko kaya binuksan ko na ang iPad ko at tinuloy ang webtoon na ginagawa ko. Ito ang ginagawa ko sa free time ko.
Lumipas ang ilang araw na ganun ang routine ko. Gigising para pumasok sa school at sa gabi naman para magcheck ng emails at gawin yung mga office reports. Minsan dumadaan sa opisina para ibigay yung mga plates na pinagawa nila. Nakikipag-meeting din sa ibang mga business partners. Habang nagdadrive pauwi ay tumunog ang phone ko. Sinagot koi to gamit ang Bluetooth ng kotse ko. "Hello, Ken." Bati ni Liza. "Oh bakit?" Sagot ko. "Samahan mo ko." Sagot niya. "Saan nanaman? Madami pa akong gagawin." Sagot ko. "Wow, para namang ako walang ginagawa. Madami din akong gagawin 'no." Sagot niya. "Saan ba kasi tayo pupunta?" Sagot ko at lumiko na papasok sa condo building namin. Nakita ko si Liza sa may lobby. "Nandito ko sa lobby puntahan mo na lang ako." Sagot niya at binaba ang tawag. Hindi ko na muna inakyat ang kotse ko at pinark na lang muna sa designated parking area para sa mga bisita. Pumasok ako sa lobby at nakita ko siya na nandun sa waiting area na may dalang mga bag. Parang may outing. Lumapit agad ako sa kanya. "Where are we going ba?" Saad ko. "Basta sumama ka na lang." Sagot niya at hinila ako papunta sa parking kung saan nakapark ang kotse ko. Siya ang sumakay sa driver seat samantalang ako ay sa passenger seat. Hinayaan ko na lang siya kahit ako mismo ay naguguluhan.
Liza's POV
Sa laki ng kasalanan ko sa lalaki na 'to ako naman ang babawi sa kanya. Susubukan kong tulungan siyang pasayahin ang sarili niya. Tutulungan ko siyang hanapin ang sarili niya. May nakita kasi akong magandang resort na pwedeng pagstay-an. Humingi ako ng ilang gamit niya sa mga kapatid niya kanina. Nagtaka naman yung kuya niya kaya sinabi ko na lang na magpapatulong ako sa ipapagawa kong bahay. Tinanong nila ako kung saan sabi ko dito pa rin pero ang totoo ay sa isang resort kami pupunta. "Saan ba tayo pupunta at bakit may dala kang mga bag? Maglalayas ka ba?" Saad niya. "Magtiwala ka lang sa'kin. Pagpapahingahin ka na nga umaangal ka pa diyan." Sagot ko. Minsan hindi maipaliwanag ang ugali ng lalaki na 'to. Hindi ko alam saan ako lulugar kapag kasama ko'to pero isa lang ang alam ko. Hindi talaga siya genuine na masaya. Base sa mga narinig ko sa kanya kagabi hindi pa siya nagiging masaya at huling naging masaya siya nung kasama niya si Emily. Alam ko ang pakiramdam ng hindi mo alam ang kasiyahan. Hindi mo kilala yung sarili mo at hindi mo alam paano mo mapapasaya yung sarili mo ng walang tulong ng ibang tao. Habang nagd-drive ay napagawi ang tingin ko kay Ken na nagcecellphone. Malaki ang pagkakahawig niya sa kuya niya ang kaibahan lang nila ay mas serious ang aura ni Ken at mas playful naman ang aura ni Kenneth. Hindi ko nakakitaan ng seriousness si Kenneth na katulad ng kay Ken. "Baka mabangga tayo sa sobrang titig mo ah. Crush mo siguro ko." Saad niya. "Yuck! Mahiya ka naman sa balat mo! At saka bangga lang walang tayo!" Sagot ko at binalik ang atensyon sa pagmamaneho. "Tayo as in tayong dalawa yung mababangga tangeks!" Sagot niya. "Kahit na. Tsaka wag mong pangarapin na magkakagusto ko sayo kasi I don't like engineers I like devils in business suits." Sagot ko. "Ah so si Kuya Kenneth pala gusto mo ah." Sagot niya. "Dami mong sinasabi." Sagot ko at binuksan na lang yung stereo ng kotse niya.
After 1 hour of driving ay nakarating na kami sa resort. It's already 3:30 pm enough for the sunset. "Nandito na tayo." Saad ko. "Bakit dinala mo ako dito? Anong gagawin natin dito? Liza may pasok bukas." Sagot niya. "Pasunog ko pa yung school eh. Ano naman kung may pasok? May website naman. Ikaw na nga pinagbakasyon ko pero nagrereklamo ka pa." Sagot ko. "Eh kasi di naman kasi time para magbakasyon ngayon. Tsaka may on-going thesis kami." Sagot niya. "Ako din naman may on-going thesis pero I keep in touch with them naman. Kalma lang hindi yan magagalit. Pag nagalit yang mga groupmates mo paalisin ko pa sila sa school eh. Tsaka isa pa hindi mo sila kailangan saluhin palagi." Sagot ko. Sinabi kasi sa akin ni Ate Kassandra nung humingi ako ng gamit niya ay nakita niya daw si Ken na maraming ginagawa at kasama daw dun yung thesis nila. "Ano pa bang magagawa ko eh nandito na tayo." Sagot niya. Tinulungan niya ako na dalhin yung mga bag.
"Room reservation under the name of Alliza Evangeline Ford." Saad ko sa receptionist. Nagtype ang receptionist sa computer na. "Two VIP rooms, Ma'am?" Sagot niya. "Yes." Sagot ko. "Okay. Here are the keys Ma'am." Sagot niya. Kinuha ko ang mga key card at inabot ang isa kay Ken. "Sayo yung black na Chanel diyan si Ate Kassandra nagbigay sa'kin niyan kasi hiningi ko kanina yung mga gamit mo. Akin na yung LV." Sagot ko at kinuha sa kanya yung LV. Pumunta na kami sa tapat ng elevator. "Ano ba kasing purpose nito?" Saad niya. "Alam mo malapit na kitang batukan." Sagot ko. Siya na nga pinagrerelax siya pa tanong ng tanong kung bakit kami nandito. Kita ko naman kasi sa mukha ng mga kapatid niya na nag-aalala sila para kay Ken. Pati yung nakababatang kapatid niya stressed din yung itsura dahil sa nangyayari sa kuya niya. Ng makarating kami sa floor namin ay dumiretso kami sa mga kwarto namin. I'm 4 doors away from his room it's his order to me. When I opened the door of the hotel room luxurious items welcome me. From the lights to the sofa, the beddings and the design. It screams luxury. I made the right choice. There's also a balcony beside the bed. There's coffee table on the balcony so you can have your coffee while watching the scenery because you can watch the sea and the sun from the balcony. Inayos ko na ang mga gamit ko sa couch ng kwarto. Binuksan ko ang phone ko at bumungad sa akin ang isang damakmak na messages galing sa kanya.
HIM:
Did you arrive on your hotel room?
Me:
Yes. We're going out to watch sunset and eat.
HIM:
Okay. Enjoy.
Me:
Thank you.
Pinatay ko na ulit ang phone ko at nilagay sa bulsa ng pantalon ko. Lumabas na ako ng kwarto ko. Kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni Ken para ayain siyang kumain at manuod ng sunset. "What?" Saad niya. "Kaya kita dinala dito para magrelax hindi para magkulong sa kwarto. Sayang three days mo dito kung ganiyan lang din gagawin mo." Sagot ko. "Saglit kukunin ko lang yung phone ko at wallet." Sagot niya at bumalik sa loob ng kwarto niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas din siya. "Let's go." Saad niya at nauna na sa paglalakad.
Nagpunta kami sa restaurant para kumain ng meryenda. "Who told you to bought me here?" Saad niya. "Nobody but me, myself and I." Sagot ko. Wala naman talagang nag utos sa akin kasi it's my free will to do so. "Sure ka?" Sagot niya. "Oo naman." Sagot ko. "Hindi ako naniniwala. Baka scam yan ah." Sagot niya. "Eh di wag ka maniwala." Sagot ko. Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa beach side. May mga free sun lounges para manuod ng sunset. "You know what sa dinami-dami ba naman ng pwede mong pagdalhan sa akin bakit sa beach side pa at sunset? Alam mo bang ganun niya din sinagot si Vince? Nang-aasar ka ba?" He said. "The first step of getting to know your self is acceptance and letting go. You should accept that she already found the one for her." Sagot ko. That's what I did when I knew Vince loved Emily. I started to accept everything cause I know he's with the right girl. He choose the right girl and I understand him for that. If that's not me then ok I know that he has his own decisions in life. He has his heart and if beats for someone who is not me then it's not me then it's ok. I'll accept the mere fact that it's not me then I'll just accept it. "I'm trying. I'm trying my best to accept it but nothing happened. I just ended up being sad and regrets eat me up." Sagot niya. "That's why you need to sink it in gradually, you don't need to force yourself of accepting that if your heart isn't ready yet. But always look forward for the day you already know you let go of her." Sagot ko. "Yeah. I'm still waiting for the day that I will accept that she has new now." Sagot niya. Napangiti ako. "I bought you here to relax so just chill yourself here and forget your office works and school works okay? For sure when you come home your siblings will be happy." Sagot ko. Pagkatapos ng paglubog ng araw ay napagdesisyonan na namin na kumain ng dinner. Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming hotel room. I took some time to look at the stars before I sleep.
A/N: Enjoy reading Bemskies! 2 more chapters and we're done. Thank you for supporting my story! Thank you Bemskies! If you enjoy please do recommend my story to your friends and follow me. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top