CHAPTER 36: THE COASTAL WALK
Vince's POV
As the days pass malapit ko nang matapos yung editing ng one shots ko. I'm already editing the book cover and blurb nung book. Naisip ko na din yung title ng book tungkol sa kanya. "Hoy Vince, sobrang busy mo naman." Saad ni Louise dahil magkakasama kaming maglunch ngayon. "Hayaan mo siya, Louise. Gumagawa ata ng update. Isang buwan na ata siyang walang update." Sagot ni Ems. "Ay sorry. Update-update din. Inaamag na yang story mo." Sagot ni Louise. "Grabe hindi naman. Nasa long hiatus lang yung ideas ng utak ko kaya di ako makapag-update." Sagot ko. "Wow, pati pala ideas nagh-hiatus." Sagot ni Ems. "Syempre kung yung author nga may hiatus syempre yung ideas din." Sagot ko. "Sabihin mo na kasing tamad ka mag-update kaya ganiyan. Buti hindi ka iniiwan ng readers mo." Sagot ni Louise. "Syempre mahal nila ko eh." Sagot ko at nagpatuloy sa pag-edit ng book cover. Hindi naman napapansin ni Ems kasi sobrang busy niya din magtype. Naghahanda siya sa 8th anniversary niya sa wattpad. 8 chapters means 8 years kaya sobrang busy niya ngayon. Kasabay pa niyan yung mga ginagawa namin sa school na parang hindi na matapos sa dami. "Anong chapter ka na, Ems?" Tanong ko. "Chapter 4." Sagot niya. "Wow, bilis ah." Sagot ko. "Syempre ilang araw na lang meron ako. Buti nga naisisingit ko pang 'tong mga 'to eh." Sagot niya. "Sobrang dami niyo nang ginagawa pero nakuha niyo pa ring magsulat. Nakakabilib kayong dalawa." Saad ni Louise. "Time management is the key. Tsaka I always a lot 2 hours to write pagkatapos ko magreview." Sagot ni Ems. "Ako wala. Sa gabi nagsusulat lang ako hanggang sa ayaw na ng daliri ko magtype." Sagot ko. "Alam mo Ems, may something dito sa boy bestfriend mo na hindi ko alam kung ano kasi nakuha niyang makalampas ng isang sem ng hindi nagrereview." Sagot ni Louise. "Nagrereview pa din naman ako sa weekends tapos meron naman tayong app kaya dun ako nagbabasa ng lessons kapag bored ako. Tsaka hindi ko hinahayaang lumutang yung utak ko habang klase. As much as possible dapat may masulat akong lecture each subject." Sagot ko. "Wow talaga namang bilib ako sayong lalaki ka." Sagot niya. "Syempre si Vincent David Sawyer yan. Hindi yan tulad ng typical guys na pabaya sa pag-aaral." Sagot ni Ems. Napangiti naman ako sa tuwing naririnig ko siyang pinagmamalaki ako sa iba. "Uy iba yung ngiti ni Vince ah. Ang tanong ng bayan, kayo na ba? " Sagot ni Louise. "Hindi pa." Sagot ni Ems. "Weh? Sa ngiti pa lang nay an may sinasabi na eh." Sagot ni Louise. "Hindi pa promise. Pero soon kami na." Sagot ko. "Wow naman. Determined si kuya. Sana all magkakajowa ng writer. Makaalis na nga mukha kong third wheel sa inyo. Bye! Eatwell." Sagot niya. "Bye. Magpapakain ka nanaman sa mga libro ah." Sagot ni Ems. "Sige. Bye." Sagot ko. Inayos niya na ang mga gamit niya at umalis na. Kami naman ay pinagpapatuloy na ang ginagawa.
Pag-uwi galing school ay hinatid ko lang si Emily sa unit nila dahil magsusulat pa daw siya. Ako naman ay tatapusin ko yung blurb at printing ng one shot compilation ko. Nasa kalahati pa na ako at natapos ko kanina yung book cover. "Mamaya na lang dinner ulit. Chat mo ko kapag tapos ka na magluto." Paalam ko. "Yeah. Chat kita after ko magluto." Sagot niya. "Bye. Write well." Sagot ko at niyakap siya tsaka hinalikan sa noo. Sinarado ko na yung ng main door nila. Pumunta na ako sa sarili kong unit. Pagdating ko sa unit ko ay dumiretso ko sa fridge ko at kumuha ng tubig. Uminom muna ako ng tubig at umakyat na sa kwarto ko para magbihis ng pambahay. Bumaba ulit ako para magtimpla ng kape at gumawa ng favorite cheese wiz sandwich na favorite ko. Hobby ko na 'to dati pa. Kahit si Ems alam 'to kaya minsan siya na gumagawa nung sandwich ko. Pagkatapos gawin ang sandwich ay umakyat na ako sa kwarto ko. Binuksan ko na ang laptop ko at yyung file nung one shots ko. Bumili ko ng A4 paper kahapon pagkatapos ko ihatid sa unit nila si Ems. Nilagay ko na yung mga papel sa printer ko at binuksan ko yung drawer ko kung saan ko nilagay yung printed stories ng book ko. Bumili na din ako nung padding glue at ng clips para mapress yung book ko. Ginawa ko na 'to dati dahil gusto ko talagang mahawakan yung gawa ko pero ayoko gumastos. Inaral ko talaga kung paano magbook bind. Pinadala ko na lang dito yung book binder ko na galing sa bahay. Habang nage-edit ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tinanggal ko muna angg earphones ko at tiningnan kung bakit ito tumutunog. Si Mama pala tumatawag kaya agad koi tong sinagot. "Yes po, Ma?" Batik o. "Anak, kayo na ba ni Ems?" Sagot niya. "Ha? Saan niyo naman po nahagilap yan?" Sagot ko. "I heard from Liza. And I saw your posts." Sagot niya. "Hindi pa po, Ma. Masyado kayong excited." Sagot ko. "Ang bagal mo naman 'nak." Sagot niya. "I want to take it slow Ma. Alam mo naman yung past niya." Sagot ko. "But she already overcome it. Tsaka I think yung ex niya is happy naman with Liza." Sagot niya. "Yes Ma I know and I'm already planning my proposal for her." Sagot ko. "Oh kaya pala pinadala mo diyan sa condo mo yung book binder mo." Sagot niya. "Yes." Sagot ko. "I'm hoping for the better outcome, anak." Sagot niya. "Thank you, Ma." Sagot ko. "Sige na anak. I have to go. I'm on my way home na." Sagot niya. "Sige po, Ma. Stay safe." Sagot ko. Ibinaba niya na ang tawag pagkatapos namin mag-usap. Nakita ko naman yung recent chat ni Ems kaya binasa koi to.
Emily Savvanah:
Luto na yung dinner ikaw na lang hinihintay namin ni Ate Gab.
Me:
Sige pababa na ako.
Binulsa ko na ang cellphone ko at lumabas na ng kwarto ko para makapunta sa unit nila Ems. Pagdating ko dun ay nakahain na lahat at nakabihis na din si Ate Gab ng pamabahay. "Bakit late ka ngayon, husband material?" Saad ni Ate Gab. Simula kasi nung natikman niya yung luto ko yan na ang tawag niya sa akin. "Ate naman. Masyado pang maaga para mag-asawa. May ginawa pa po kasi ko." Sagot ko. "Halika na kumain na tayo. Kanina ka pa namin hinihintay." Reklamo ni Ems. "Sorry po. May inedit akong chapter eh." Sagot ko at umupo sa tabi niya. Nagsandok na ko ng kanin at ulam ko maging si Ate Gab at siya. "Kamusta pala yung books niyo? May ilang nurses na kilala kayo kasi nagbabasa din daw sila ng mga gawa niyo." Saad ni Ate Gab. Nanlaki naman ang mga mata ni Ems at napatili. "Talaga Ate?" Sagot niya. "Yes. Ang galing daw ng writing style niyong dalawa. Palagi daw nilang inaabangan yung mga updates niyo." Sagot niya. "Wow naman. World class na pala kaming dalawa." Sagot ko. "Can't wait na maging published author at makita sila sa book signing ko." Sagot ni Emily. "Hinihintay ko din yung araw nay un at yung araw na i-level up yung relationship niyo. Bagay kasi kayong dalawa eh." Sagot ni Ate. Natawa na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko si Ems na magurong ng mga plato. "Anong gagawin mo after this?" Tanong niya. "Ah babalik na ko sa unit ko kasi may tinatapos pa kong editing ng chapter. Bakit?" Sagot ko. "I'm craving for ice cream. Bili tayo. Libre ko." Sagot niya. "Sige. After that gusto mo tambay muna tayo sa rooftop?" Sagot ko. "Yep. Gusto ko tumambay ulit. Gusto ko mag-unwind." Sagot ko. "Sige. Kunin mo na yung hoodie mo ako na magpupunas nito." Sagot ko. "Okay lang?" Sagot niya. "Wow parang hindi natin 'to ginagawa on daily basis ah." Sagot ko. "Bisita ka pa rin namin eh." Sagot niya. "Sige na. Ako na bahala." Sagot ko. Alangan man ay umalis na din siya at pumunta sa kwarto niya. Pagkatapos kong itaob ang mga pinggan ay hinintay ko siyang makalabas ng kwarto niya. "Tara na. Wag na tayo magkotse sayang gasoline." Saad niya. "Okay." Sagot ko. "Nagpaalam ka ba kay Ate Gab?" Tanong ko. "Yes. Chinat ko siya dahil nandun na siya sa kwarto niya ayoko na makaistorbo sa kanya." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. Sabay na kaming lumabas ng unit nila. Hinawakan ko ang kamay niya. "Uy lamig ng kamay mo. Bakit?" Saad ko. "H-ha? Hindi. Malamig kasi simoy ng hangin." Sagot niya at umiwas ng tingin sa akin. Tumayo na kami sa tapat ng pinto ng elevator at hinintay itong magbukas. Meron namang convenience store sa baba ng condo building namin kaya hindi na malayo ang lalakarin namin.
While we're walking on the busy streets of Singapore I'm still holding her hands. It feels like I'm holding the world when I held her hand like this. I feel the butterflies on my tummy even though I'm a guy. Hindi ko alam pero kahit lalaki ko ganun yung nararamdaman ko habang hawak ang kamay niya. I always treasure this little moments in my life cause I know sooner or later Ken will be back on her life and it's time for me to let go of this hand when he's back. So I'll treasure every moment I have with her. Every moment that will become a wonderful memory of ours. I'll treasure every minute I'm with her cause no one holds tomorrow. I'm not afraid of getting hurt I'm afraid of having regrets in my life. At least even though I get hurt because of her I won't live with regrets. "Huy, Vince. Kanina pa kita tinatanong kung anong flavor gusto mo pero spaced out ka. Bakit?" Saad ni Ems. "Ay sorry. May naisip lang kasi kong bagong plot. Anyways, vanilla na lang." Sagot ko. "Okay." Sagot niya. Kumuha siya ng isang tub ng ice cream. Pagkatapos kumuha ng tub ng ice cream. Pagkatapos niyang magbayad ng ice cream ay bumalik na siya dala ang plastic ng ice cream at spoon. Buti na lang may nabili siyang per piece na spoon. Pumunta na kami sa rooftop. "I miss this time. Chill lang tayo dito. Tapos hindi nag-iisip ng future." Saad niya ng makaupo kami sa sun lounge. "Oo nga eh. I feel so pressured din kasi sa nursing since sobrang taas ng expectations sa akin." Sagot ko. "Paano pa kaya ako? Sobrang bigat knowing na may pamilya kang naghihintay sa success mo. You should never failed them kasi kapag nag-fail ka baka mawala ka sa kanila. At ayoko na mag-fail ako kasi siguradong e-eksena nanaman yung faily ng daddy ko. Pagod na ako sa ganun." Sagot niya. "Kaya natin 'to! Magiging registered nurse tayo at published author." Sagot ko. Ngumiti siya ng sobrang satisfied na ngiti. Yung ngiti na parang nalift up yung mood niya. Ng maubog namin yung ice cream ay bumalik na kami sa mga unit namin. Buti na lang hindi pa masyadong late kaya makakapag-edit pa ako. Konti na lang naman at matatapos ko na yung printing.
The next day the day went usual for us. Wala naman masyadong ginawa sa subjects dahil tapos na kaming magpasa ng mga requirements namin. Well ako naman ay grinab ko na yung opportunity nay un na tapusin yung editing ng stories na kasama dun sa book. Well thank go I finished it early. The night came at tuloy-tuloy lang ang printing ko ng chapters. Habang hinihintay matapos ang printing ay chinat ko na ang mga pinsan ko.
Me:
Guys, baka may suggestions kayo on how I can make my proposal more special.
June:
Simple. Make it unexpected and natural as possible.
Nathan:
Wow naman June. Saan galing yan?
Liam:
Wow ah. Saan galing yang natural natural nay an?
Jay:
Oo nga I agree with June. Wag ka na magplano pa ng surprise surprise kasi ginawa mo naman nay un nung bagong taon.
Lean:
Gusto ni Ems yung mga unexpected things kaya wag ka nang gumawa pa ng kung ano-anong nakakasayang ng pera.
Me:
Salamat sa matinong suggestion. Magre-research na lang ako.
Tinignan ko ang printer kung tapos na magprint ng makitang tapos na ay sinunod-sunod ko na ang pages. Halos 400 pages din ang inabot kaya prinint ko na yung book cover at blurb. Pagkatapos ay sinimulan ko nang gawin yung proseso ng book binding. Ilalagay ko siya sa binder overnight para talagang dumikit. Ng matapos ay umupo na ulit ako sa study chair ko. Nagsearch ako ng romantic places dito sa Singapore at nakatawagng pansin sa akin yung Changi Coast Walk. Parang ito na yung perfect place para magtanong kay Ems. Madali lang naman pala puntahan kaya mas convenient. Sa Saturday ko siya planong ayain sa coastal walk. Saktong gusto niya din pumunta dun at maexperience yung beach walk at manuod ng sunset dun.
Emily's POV
Ang dami kong ginagawa this past few days. Ang daing chapters ang kailangan kong isulat dahil malapit na yung 8th writing anniversary ko. Naka-anim na akong chapters dalawa na lang. Sabado at Linggo na lang meron ako para magsulat dahil Monday ang anniversary ko. Maaga kong gumising ngayong Sabado para maagang makapagsimula magsulat. Naghilamos muna ako bago ako lumabas ng kwarto ko. Paglabas ko ay agad akong nag-init ng tubig at nagtimpla ng kape. Pagkatapos ko magtimpla ng kape ay gumawa ako ng ham and cheese sandwich. Siguradong tulog pa si Ate Gab dahil puyat siya sa pakikipag-usap kila May. Habang pinalalamig ang kape ay bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang laptop at cellphone ko. Agad kong binuksan ang phone ko para macheck kung may chat si Vince.
Vincent David Sawyer:
Good morning Babe! Nagsusulat ka na ba?
Chat niya yun kaninang 5 am. 6 am ako nagising ngayon.
Me:
Yesss. Nagsusulat ako 7th chapter.
Vincent David Sawyer:
Prepare ka by 12 pm later ah. Punta tayo sa isa pang dream place mo dito sa Singapore.
Me:
Ha? Saan? Napuntahan naman na natin lahat diba?
Nakakapagtaka namang dream place yan. Hindi kaya sa Changi Coast Walk ang sinasabi niya? Pero ang usapan namin ay ako ang manlilibre sa kanya kapag nagpunta kami dun pero hindi pa sapat ang ipon ko.
Vincent David Sawyer:
Sa Changi Coast Walk.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa nabasa. Siya nanaman ang magdadala sa akin sa dream place ko. Ano naman kayang binabalak nitong gawin dun?
Me:
What?! Diba nag-usap na tayo na ako nama magt-treat sayo dun?
Vincent David Sawyer:
Trust me. May sasabihin kasi ko and I want that place to be my witness.
Naguguluhan man ako sa sinabi niya ay um-oo na lang ako. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Pinagsa-walang bahala ko na lang ang kaba ko at binuksan ang laptop ko. Nagsimula na akong magsulat habang kumakain ng breakfast. After thirty minutes ay bumukas ang pinto ng kwarto ni Ate Gab. "Good morning, Ate Gab." Bati ko. "Morning. Aga mong nagsusulat ah." Sagot niya. "Kailangan ko po makatapos ng isang chapter dahil 8th anniversary ko na sa wattpad ng Monday. 8 chapters po yung tinatapos ko." Sagot ko. "Wow ang sipag naman ng future published author namin. Pagbutihan mo pa para maging published author ka na." Sagot niya. "Opo Ate." Sagot ko. Nagpatuloy na ako sa pagsusulat ng mag 7:00 na ay sinave ko na ang draft na ginawa ko at nagsimula nang magligpit. Nagtimpla naman si Ate ng kape niya. "Alam mo ba na nagdadalaga na ang baby May natin?" Saad niya at umupo sa harap ko. "Weh? May crush na siya?" Sagot ko. "Oo. Mana sayo. Mataas mangarap si May." Sagot niya. "Naku, baka madali ng beauty ni May yung crush niya." Sagot ko. "Ito namang Kuya Mark mo hindi matanggap. Masyado pa daw siyang bata para dun." Sagot niya. "Tama naman po si Kuya Mark. Ang swerte nga ni May may taga-protekta siya sa heartbreaks ako wala." Sagot ko. "Everything will heal in the right time, Ems. All you need to do is accept. Accept na nandiyan sila anytime at darating ang araw na hindi mo na sila pwedeng taguan dahil ikaw lang din mahihirapan. You should accept the fact that they are coming for you. Accept that they are trying to get back on you." Sagot niya. "Sana nga po, Ate Gab. Sobrang napapagod na din po ako pero kailangan kong labanan yung pagod ko para hindi ko ma-fail sila mommy." Sagot ko. "There's nothing wrong of failing Ems. Hindi naging mali ang pagbagsak kasi dun ka matuto na tumayo mula sa pagkakalagapak mo. You're not born to please anyone tsaka kahit saan ka man makarating kahit mag-fail ka nandiyan pa rin si mommy mo. Nakaagapay sayo." Sagot niya. "You're the best mother I've known after my mom, Ate Gab. I never expected that we're gonna have talks like this." Sagot ko. "Yan ang natutunan ko simula nung dumating si May sa buhay namin. Naging mas understanding at mahaba ang pasensya ko. Mas nagbago ang tingin ko sa mundo. Magsulat ka na nga. Masyado na tayong nauuwi sa seryosong usapan." Sagot niya. Napangiti naman ako sa narinig. Natawa naman ako sa naging sagot niya. Pinagpatuloy ko na ang pagtatype at hindi ko akalain na kaya kong makatapos ng isang chapter ngayon. Pagkatapos ay sinave ko na ito at pinatay ang laptop ko. Niligpit ko na yung mga pinagkainan ko at hinugasan pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto ko. Iidlip muna ako dahil napagod yung mga mata ko kakatype kanina.
Nagising ako ng lunch time na.Naghilamos muna ako at nagayos ng sarili bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Vince sa kusina namin na nagluluto. "Oh kala ko ba mamaya pang 3 pm meet up natin. Bakit nandito ka na?" Saad ko. "Wala lang. Alam ko namang napagod ka kakasulat kanina eh. Tsaka on-call pala ngayon si Ate Gab kakaalis lang niya. Hindi na siya nagpaalam sayo kasi daw ayaw ka niyang maistorbo sa tulog mo." Sagot niya. "Ah sige. Magt-tooth brush lang ako nakakahiya naman sayo." Sagot ko. Tumango naman siya. Bumalik ako sa loob ng kwarto ko at nagtooth brush ng mabilisan. Lumabas na ulit ako para matulungan siyang maghain. "Anong ulam?" Tanong ko. "Adobo. Your favorite." Sagot niya. "Wow, namiss ko talaga yang adobo at kahapon pa ko nagc-crave diyan." Sagot ko. "Eat well my queen." Sagot niya at nilagyan ako ng pagkain sa plato ko. "Ang strange mo ngayon ah. Iba ngiti mo." Sagot ko. Kanina ko pa talaga napapansin yung kakaibang ngiti niya. Hindi ko alam pero may surprise ata siya sa akin.
2:30 pm came at nagprepare na ako dahil alam kong 30 minutes away lang dito yung Changi Coast. Magandang manuod ng sunset dun at may 2.2 kilometers board walk dun kaya gusto ko. Sobrang romantic ng place na yun kaya ginawa ko yung setting sa story ko. Pangarap ko talagang mapuntahan yun bago pa ako makarating dito sa Singapore at mag-aral. I wore my comfortable clothes. White oversized shirt, denim jacket and denim pants ang sinuot ko. Pinartneran ko 'to ng white sneakers. Paglabas ko naabutan ko si Vince na nagc-cellphone. "Let's go. Baka hindi natin maabutan yung sunset." Saad ko. "Let's go." Sagot niya. He held my hand tightly and got out of our condo unit. I feel like the world stop when he held my hand. Hindi lang paro-paro ang naramdaman ko sa tiyan ko buong zoo na ata. Ibang kilig yung nararamdaman ko ngayon. Parang tumakbo ko sa 100 meter mile dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Inalalayan niya akong sumakay sa kotse niya. Nagulat ako na nandun yung usual bag niya na dinadala sa school. Nakakapagtaka na nagdala siya ng bag ngayon pero kapag gumagala kami kadalasan cellphone lang dala niya. Ako palagi ang madaming kineme na dala. "May bag ka ata ngayon." Saad ko. "There's something special in that bag. Really-really special na ikaw lang ang meron. You'll see later what that special thing is." Sagot niya. "I'm really curious why all of days ngayon mo ako inaya magpunta dun." Sagot ko. "You'll see." Sagot niya at nagsimula nang paandarin ang kotse.
After 15 minutes ay nakarating na kami sa dream place ko. Sobrang ganda talaga sa personal. Dati sa pictures ko lang 'to nakikita pero ngayon live na. Mas maganda pala sa personal kesa sa pictures. Naglakad na kami papasok. Ang ganda nung board walk at beach. It's like I'm in a paradise. Ang ganda. Sana makabalik pa ulit kami dito kapag hindi na hectic ang schedule. "Ang ganda. Sana makabalik pa tayo dito." Saad ko. "Makakabalik tayo dito. Promise yan." Sagot niya. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at sabay kaming naglakad sa board walk. "I never imagined na makakarating tayo sa point na 'to. Sa point na mahahawakan ko yung kamay mo without thinking na baka magalit ka. I never imagined that we'll reach our dreams side by side. Cause before I was only loving you secretly but now I'm shouting it out to the world." Saad niya habang naglalakad kami. "Ako din. I never expected na magugustuhan kita more than friends. Kasi talagang nung first meet natin sobrang hangin mo. Yabang mo kasi exchange student ka. Tapos nung kinomfort mo ko nung araw na umuulan sa park. Dun ko nakilala yung totoong, Vince. Na hindi pala puro yabang si Vincent David Sawyer. Meron pala siyang soft boy side. Isa yun sa things na nagustuhan ko sayo. Matanong kita, when did you realize that you love me more than friends?" Sagot ko. "Siguro nung nag-aagaw buhay ka sa hospital. Hindi ko alam gagawin that time sa sobrang takot ko na baka hindi ka na bumalik. I literally bend on my knees sa chapel ng hospital namin begging him na wag kang kunin agad kasi mamahalin pa kita." Sagot niya. Napangiti naman ako habang naririnig ko yun sa kanya. "Ikaw, kailan mo na-realize na mahal mo na ako?" Saad niya. "Well,nung gabi na hindi mo ko iniwan nung nagbreak down ako. Yung hinayaan mo lang ako i-express lahat ng nararamdaman ko." Sagot ko. "Ayaw ko kasing nakikita kang hirap na hirap magpanggap na kaya mo yun naman pala hindi na. Ayaw kong nakikitang nahihirapan kang mag-express ng sarili mo. Gusto ko masaya ka lang at walang pake sa mundo." Sagot niya. Nagpicture lang kami sa gitna ng board walk dahil mags-sunset na.
Nagpunta na kami sa beach side nila. Ilalatag ko sana yung denim jacket ko pero nakita ko siyang binuksan ang bag niya at naglabas ng isang maliit na blanket. "Wow, readying-ready ata tayo ah." Saad ko. "Upo ka na." Sagot niya. Umupo na ako at umupo din siya sa tabi ko. Nilabas ko ang phone ko at pinicturan ang sunset. Nilagay ko sa front cam setting at inaya kong magpicture si Vince. Pagkatapos naming magpicture ay nagbalik ang paningin namin sa papalubog na araw. "The time has come, Ems. It's time for you to know what's the special thing I prepared for you." Saad niya kaya napalingon ako sa kanya. Nakatutok na sa akin ang camera ng cellphone niya at inabot sa akin yung isang makapal na bagay na nakabalot ng brown paper at may nakalagay na 'please open'. "Hala. Ano 'to?" Saad ko. "Open it." Sagot niya. Kinakabahan man ay binuksan ko na. 'That's why I love her written by DAVINCIOFWATTPAD' "Hala. Anong book 'to? Wala namang ganto sa wattpad mo." Sagot ko. "Check the blurb and give your opinion." Sagot niya.
Agad kong binaliktad ang libro para makita yung blurb.
"I know this is your dream. For someone to wrote a book about you. Well here it is. I made your dream come true. I wrote this everytime I suffer from writer's block and every friendversary we had. I'm a writer then why not use it confessing your feelings to someone. I wrote 100 one shots about you Ems and it's time for me to ask you this question." –DaVinciofwattpad
Will you be my girl? Will she answer yes or will she answer no? Let's find out.
"So Ems, is it a yes or a no?" Saad niya. Gulat na gulat pa din ako. I never see this coming. I never expected this today. I thought we're just going to have a date today and nothing more but this. Oh my ghad. My heart literally wants to melt right now. I never thought a man would do this to me. I never expected that a male writer would ask a girl to be his girlfriend through a book. Napatakip na lang ako sa bibig ko habang sinisnk in sa sarili ko ang mga nangyayari. "Ems?" Tawag niya. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang kaba sa mga mata niya. "I never expected that a man would confess to a girl this way nor a writer would confess through a book. Sobrang unexpected nito and still hindi pa nags-sink in sa akin. So that's why you ask me to have a date with you here huh. Syempre the answer is yes. Yes I'll be your girlfriend." Sagot ko. Kasabay ng pagsagot ko ng oo kay Vince ang paglaya ng nararamdaman ko kay Ken. I hope he's happy with his life now. "Yes! I can finally claim you mine!" Sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit. "Ang higpit naman, babe. Hindi ako makahinga." Reklamo ko. Babe ang tawag niya sa akin kaya nakigaya na lang ako. "Sorry." Sagot niya at humiwalay sa akin. Sabay kaming napatingin sa ngayo'y papalubog nang araw. "As the sun sets today, it's the start of our new beginning. Today at exactly 5:45 pm at Changi Beach Side, Singapore Emily Savvanah Howards become mine." Saad niya. "As the sun sets today, it's the start of our new beginning not as friends but as lovers. We finally write the first chapter of our love story." Sagot ko. Magkasabay naming pinanuod ang paglubog ng araw.
After ng sunset umuwi na kami sa condo. Dito sa condo unit namin kami dumiretso. "Magbibihis muna ko tapos tawagan natin si Mommy. Sabihin natin na official na tayo. Kailangan family muna makaalam bago natin ipublicize." Saad ko. "Yes. Sige bihis ka na. Set up ko sala." Sagot niya. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Pagkatapos ko magbihis ay nilabas ko na ang laptop ko sa sala. Nag-online ako sa facebook at tinawagan agad si Mommy. Habang nagriring ay hinawakan ko ang kamay ni Vince. Napakalamig. "Kalma. Para namang hindi mo hiningi yung blessing nila." Saad ko. "Iba na kasi ngayon eh." Sagot niya. "Ako na bahala kay Mommy basta ikaw bahala kay Tita." Sagot ko. "Sige." Sagot niya. Pagkatapos ng ilang rings ay sumagot na si Mommy. "Hello 'nak. Hello Vince. Kamusta?" Bati niya. "Mi, may sasabihin ako." Sagot ko at hinawakan ang kamay ni Vince. "Ano naman yun 'nak?" Sagot niya. "Kami na po ni Vince." Sagot ko at tinaas ang kamay naming magkahawak. "Finally! At last! Congrats anak! Akala ko hindi na kayo uusad eh." Sagot ni Mommy. "Si Tita naman. Tinapos ko lang po yung libro para kay Ems kaya medyo natagalan." Sagot ni Vince. "Anyways, sige na mukhang napagod kayong dalawa sa gala niyo. Magpahinga na kayo." Sagot ni Mommy. "Sige Mi. Ingat kayo diyan. Love you." Sagot ko. "Love you too. Ingat kayo." Sagot niya at binaba ang tawag. Sabay kaming napabuntong hininga ni Vince. "Tapos na kay Mommy. Kay Tita na lang at sa mga kaibigan natin. Tsaka na natin problemahin yung media at si Liza." Saad ko. "Oo nga. Init ko na lang yung adobo since nandiyan lang naman sa ref yun na lang muna dahil matatagalan kung magluluto pa tayo." Sagot niya. "Sige." Sagot ko. Siya ang naginit ng adobo at ako naman ang nagsaing. Habang hinihintay maluto yung sinaing ay umupo na kami sa dining area. "Alam mo pinilit kong matapos yung book na yun in two weeks? Ako nagbook bind nun eh." Saad niya. "Wow, over naman sa effort ng baby ko. Saan ka bumili ng book binder?" Sagot ko. "Meron ako. Nagbook bind ako ng sarili kong libro dati." Sagot niya. "Wow. Same pala tayo ng strategy." Sagot ko. "Syempre we're meant to be." Sagot niya. Natawa naman ako sa naging sagot niya. Ng maluto ang sinaing ay sabay na kaming kumain. Hinintay niya munang makarating dito si Ate Gab bago umalis ng unit namin. Hinatid ko na siya sa tapat ng pinto. "Good night, babe." Paalam niya at hinalikan ako sa noo. "Good night." Sagot ko at niyakap siya. Hinatid ko muna siya ng tingin bago ko sinara ang pinto. Sinarado ko na ang pinto at dumiretso na ako sa kwarto ko. Ginawa ko ang night routine ko at nahiga na sa kama. I never expected that after 8 years I finally have another someone special. Someone whose ready to listen to my rants. Someone who understands the difficulties of life and someone whom I can say I love you anytime. After a few minutes of thinking I close my eyes thinking of our future together.
A/N: Finally! May label na ang Vinly! Wuhooooooo! I'm so proud of myselfff! Nabigyan ko ng justice yung pagiging writer ni Vince. Inabot na ko ng 3 am sa update na 'to so please vote this chapter. Two milestones had came to me. Last night I reached 1.4K reads on book 1 Still You and 95 followers. Road to 100 followers na talaga tayo Bemskies! So enjoy reading! Vote, comment and recommend my story to your friends para mas marami pang makabasa ng story ni Emily. If you enjoy reading don't hesistate to follow me here on wattpad. Thank you and good morning my skies!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top