CHAPTER 35: HER CHALLENGE AND GOOD OLD DAYS
Ken's POV
To complete her plans she wants me to go back to school. So I decided to quit home schooling, nakaka-bored din kasing mag-aral infront of the computer. Mahirap din gumawa ng digital plates. "Oh Ken, aalis ka nanaman? Saan k aba naglalagi at alis ka ng alis?" Tanong ni Ate. "I'm dating someone and fixing some papers para makabalik na ko sa school." Sagot ko. "Oh really? You already have a blonde girl?" Sagot ni Kuya Kenneth. "No. She's not blonde. Got to go Ate. I have someone to pick up pa." Sagot ko dahil nagpapasundo si Liza sa mall. "By the way, Ken. Have you heard anything about Ana?" Sagot ni Ate. "Nothing. After niya umalis dito she never contacted me. Even Tita Annalin never contacted me about our engagement. Tuloy pa ba yun? Eh kung makakilos parang walang fiancée edi kung siya pwede lumandi ako din. Para quits kapag may dating news na lumabas. Di pwedeng ako lang, dapat siya rin." Sagot ko. "Meron na nga siya." Sagot ni Ate. "Oh talaga?" Sagot ko. I can't belive na meron na siyang dating news sa galling maglinis ng babae na yun. "Siya tapos isang model na hindi pinakilala kung sino." Sagot niya. "Wait for mine, Ate." Sagot ko at lumabas na. Kanina pa kasi nagv-vibrate yung cellphone ko sa bulsa ko. Habang nagd-drive papuntang mall ay nagring ang phone ko. Agad ko namang sinagot ito dahil connected ito sa stereo ng kotse ko. "Hello." Saad ko. "Where are you?" Sagot ni Liza sa naiinis na tono. "I'm on the way chill." Sagot ko. "Kaya ka siguro iniwan kasi ang bagal mo." Sagot niya. "Kaya ka siguro hindi pinili kasi ang arte mo!" Sagot ko. Masyado kasi siyang feeling close then might as well maging ganon na din ako sa kanya. "Bilisan mo na. Tagal." Sagot niya. "Malapit na ako. Kung mag-sesermon ka pa hindi ako makakarating." Sagot ko. "Sige na sige na. Maiinis mo pa ko." Sagot niya at binaba ang tawag. Nagpark na ako at pumasok sa mall para hanapin siya. Nakita ko siya sa public benches sa loob ng mall at nagcecellphone katabi ang sandamakmak na mamahaling brands ng mga bags at damit. "There you are. What took you so long?" Bati niya. "Excuse me. As far as I know fake boyfriend mo lang ako at hindi alalay. May personal life din ako 'no." Sagot ko. "Let's go. Send me home before you go to school to get your papers." Sagot niya. "Okay. So where's your home?" Sagot ko. "Highlands Conduminium." Sagot niya. "What? Dun din ako nakatira eh." Sagot ko. "Don't you like that? We're neighbors. It's easier to talk about our plans." Sagot niya. "Yeah." Sagot ko. Tinulungan ko na siyang magbuhat nung mgapinagbibili niya. "So where's your car?" Saad niya habang naglalakad kami. "It's there." Sagot ko at tinuro yung kotse ko. Nauna na siyang maglakad sa akin papunta sa kotse ko. Pinindot ko na ang car keys ko para mabuksan niya yung pinto. Nilagay ko sa backseat yung mga paper bag ng damit at bags na pinamili niya. Pinagbukas ko na rin siya ng pinto dahil ayoko namang magingungentleman sa kanya kahit fake boyfriend niya lang ako. "Thank you." Saad niya. "You're welcome." Sagot ko at umikot na papuntang driver's seat. Nagsimula na akong magmaneho paalis ng mall. Saglit lang ang naging biyahe namin dahil malapit lang yung condo building sa mall. Tinulungan ko siyang mag-akyat ng mga pinamili niya sa unit niya. "Hey. Diyan ka muna sa couch. May mga itatanong ako. Magtitimpla muna ko juice para sayo." Saad niya. "Okay." Sagot ko dahil ayoko namang maging bastos sa kanya. Pumunta na siya sa
"Hindi maganda first meet natin. Ang creepy ng aura ko." Saad niya para mabasag ang awkwardness na nakapalibot sa amin. "Oo nga eh. Ang creepy nung biglang may magtetext sa'kin na alam yung past ko." Sagot ko. Akala ko ka-ugali niya si Ana pero hindi. Hindi siya katulad ni Ana na ang daming arte sa buhay. Siya nasa lugar yung kaartehan niya. Hindi niya ipipilit yung sarili niya kapag ayaw mo talaga. Siguro defense mechanism niya lang yung pagiging maldita at malamig sa tao. "Sorry but may I ask about her? I'm still wondering why Vince is head over heels on her. Ano ba yung meron sa kanya na wala sa ibang babae? I know she's a amazing writer but other than that? Ano pa?" Sagot niya. Alam ko namang hindi maiiwasan ang pagtatanong niya pero nasasaktan pa rin ako tuwing inaalala ko yung ala-ala naming dalawa. "Well, I don't know. I met her because of a friend. She's a shy type girl. She got my heart on the day she joined a spoken word poetry competition. Tandang-tanda ko pa kung paano huminto ang pag-ikot ng mundo nung nagspoken word siya. Sobrang galing niya tumula. Nakakaspeechless. She got me through her talent. Through her words. Bigla ko na lang naramdaman na mahal ko na siya. She has her own uniqueness. Not evry girl you met can be a poet or a writer like her kaya ang swerte ko na isa ko sa nagawan niya ng poem." Sagot ko. "Yes I agree with you." Sagot niya. "Agree with me? Eh nung nakaraan parang gusto mo siyang patayin kasi inagaw niya si Vince sayo eh. Tsaka base na rin sa interviews mo." Sagot ko. Bipolar ata 'tong kausap ko na 'to eh. "Everything was just a challenge. Tinitignan ko lang kung hanggang saan lalaban si Vince. Kung hanggang saan niya ilalaban yung pag-ibig niya. Matagal ko nang tanggap na wala talaga kong pag-asa sa kanya. Matagal ko nang sinalpak yun sa kokote ko." Sagot niya. Hindi naman ako makasagot sa narinig ko sa kanya. So everything was just a challenge. Everything that she plans was a challenge for them. "Seriously? Dinamay mo pa ko ayoko nga makialam sa kanila kasi may fiancée ako." Sagot ko. "Yes. Seryoso ako. Wag ka mag-alala ako din maglilinis ng kalat ko as I've said last time. Hindi madadamay yung kompanya niyo. Tsaka takot ko lang sa war freak mong fiancée." Sagot niya. "Sabi mo yan ah. Yari ako sa ate at kuya ko pag nadamay nanaman yung kompanya." Sagot ko. "Oo. Wala ka bang tiwala sa'kin?" Sagot niya. "Wala. Kakakilala pa lang natin eh." Sagot ko. "Magtiwala ka sa'kin. Mapagkakatiwalaan naman ako. Hindi man kami magkasinganda ni Emily pero mapagkakatiwalaan naman ako, Mr. Ken." Sagot niya. "Talagang di kayo magkasing-ganda 'no? Long hair siya tapos matangkad. Ikaw short hair tapos pandak." Sagot ko. "Walang damayan ng height. Tsaka pandak man sa iyong paningin ako'y naniniwala na cute pa rin." Sagot niya. "Alam ko na kung bakit hindi ka nagustuhan ni Vince. Ang luma na kasi ng mga banat mo tapos corny pa." Sagot ko. "Ulit-ulit tayo, Ken? Alam ko naman eh!" Sagot niya. "Oh sige na. Alis na ako. Kailangan ko pang magfill out ng form para makabalik ako sa school at magpasa ng grades ko para maalis ako sa home schooling." Sagot ko. "Geh. Ingat." Sagot niya. Lumabas na ako ng unit niya at dumiretso na sa parking lot para makapunta ng school.
Pagdating ko ng unit naming ay sinalubong ako ng mapanuring tingin ni Ate Kass at Kuya Kenneth. Agad namang gumapang ang kaba sa akin dahil sa mga tingin nila. Alam ko ang mga ganiyang tingin. Siguradong alam na nila ang tungkol sa amin ni Liza. "Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Tanong ni Ate. "Anong relasyon niyo ni Alliza Evangeline Ford? Siya ba yung bagong flirt mo? Binabalaan na kita ngayon pa lang Ken. Tigilan mo na yan." Saad naman ni Kuya Kenneth. "What? We're just friends. May plinaplano lang siya para sa ikatatatag ng relasyon ni Emily at Vince yun na yun. Tsaka Kuya bakit parang nagseselos ka ata? Magkakilala ba kayo?" Sagot ko. Dama ko ang selos at pagbabanta sa boses niya. "No. Why would I be jealous of a girl I met in a bar huh? And remember Ken I don't do girlfriends." Sagot ni Kuya. "Anong plano naman yan ha Ken? Baka masali nanaman pangalan ng kompanya natin. Alam mo naman na kadikit lagi ng pangalan mo ang kompanya." Sagot niya. "Oo Ate. Nag-iingat ako." Sagot ko. "Sige na umakyat ka na dun at magbihis. Kakain na." Sagot niya. Kaya umakayat na ako sa kwarto ko at nagbihis nan g pambahay. Pagbaba ko ay nakita kong nakahain na lahat ng pagkain. Ang dami at bakit parang handaan ata. "Bakit ang daming pagkain? Wala namang may birthday sa atin ah." Tanong ko. "May cinecelebrate tayong panibago today." Sagot ni Ate. "Ano?" Sagot ko. "Binata na si Kyle." Sagot ni Kuya Kenneth. Sinamaan naman ng tingin ni Kyle si Kuya Kenneth. "Hindi ko kayo gets today. Para kayong others." Sagot ko at umupo na sa pwesto ko. "Ayan alis pa more. Umalis ka pa araw-araw ha. Ang dami mo tuloy namiss." Sagot ni Ate. Napailing na lang ako at kumuha ng carbonarra at chicken. "Ano ba kasi yun, Ate? Don't tell me na nainlove na 'tong si Kuya kaya may pahandang ganito?" Sagot ko. "Hindi ang Kuya mo ang inlove. Si Kyle ang inlove." Sagot ni Ate. "Ano?!" Sagot ko at tumingin kay Kyle na nakangiti na ngayon sa harap ng plato niya. "Kahapon nahuli ko yan. Babae wallpaper ng cellphone, iPad at laptop. Tapos sa desk niya may picture sila ng babae. Hindi ko kilala kung sino yung babae eh pero mukhang nadali na ng puppy love 'tong bunso natin." Sagot ni Ate. "Nako, kaya naman pala kung makangiti sa plato eh wagas." Sagot ko. "Hindi niyo siya kilala pero kilala niyo yung isang member ng family niya." Sagot ni Kyle. "Payong kapatid lang ah. Wag ka manliligaw ng grade nine kayong dalawa. Maaga kayong maghihiwalay. Proven and tested yan." Sagot ko. "Oo Kyle. Sa ganiyan nadali Kuya Ken mo eh." Sagot ni Kuya Kenneth. "Hindi pa naman ako manliligaw sa kanya at that time. I want her to focus on her studies first before entering in a relationship. Baka magaya pa k okay Kuya na hindi makafocus sa school dahil sa babae." Sagot ni Kyle. "Yan tama yan. Let her chase her dreams first before you enter the picture." Sagot ni Ate. Nagpatuloy ang asaran at kwentuhan sa hapag kainan namin. Ng matapos kami kumain ay napagdesisyonan namin na magpunta sa sala upang ituloy ang kwentuhan.
"I have a question for you Kuya Ken." Saad ni Kyle ng makaupo kami sa sofa. "What is it?" Sagot ko. "How did you make ligaw to Ate Emily?" Sagot niya. Another hot seat. "Hmmm. Since she loves wattpad books I always give her bouquet of wattpad books and since she also loves chocolates I alse gave her a bouquet of chocolates." Sagot ko. "That's so sweet." Sagot niya. "Oo nga, Kyle eh. Ang sweet kaso after a few weeks naging bitter kasi nagbreak sila."Sagot ni Ate. "Ken oh. Inaasar ka ni Ate." Saad ni Kuya. Tinawanan ko lang sila at hindi na sumagot.
This morning I received a text from Liza na sunduin ko daw siya sa unit niya at sabay kaming pumasok. Napailing na lang ako at naligo na. Pagkatapos maligo ay nagpaalam na ako kila Ate na aalis na ako dahil sabay kaming papasok ni Liza. Grabe ang talim ng tingin ni Kuya Kenneth sa akin. Hindi ko alam bakit ganun siya makatingin kung hindi niya gusto si Liza. Habang papunta sa school ay naisipan kong tanungin si Liza. "Hoy babae." Saad ko. "Oh bakit lalaki?" Sagot niya. "Do you know my older brother?" Sagot ko. "Who is your older brother? Hindi ako nagfamily check sayo eh." Sagot niya. "Kenneth Peter Lizardo." Sagot ko. Agad naman siyang napaiwas ng tingin sa akin at tumingin na lang sa daan. "Y-yes. Why?" Sagot niya na sa daan pa rin nakatingin. "Gusto mo ba siya?" Sagot ko. "What? Are you crazy? Hindi ko magugustuhan ang ggss na yun! Ikaw manapa pero siya no! Never! Hindi ko siya gugustuhin kahit siya na lang yung lalaki sa mundo." Sagot niya. "Oh easy. Tinanong ko lang naman kung gusto mo siya ang dami mo nang sinabi." Sagot ko. Rumors spread like wild fire. KAlat na kalat sa buong school na kami ni Liza. Hinayaan ko na lang dahil sanay naman ako sa ganito.
Emily's POV
A week had passed at halos buong instagram feed ko ay picture ni Liza at Ken. So ito pala ang gusto niya? Damayan ng ex. Sa dinami-dami ba naman ng tao bakit si Ken pa? Jusmeyo marimar naman, Liza. "Hoy Vince, akala ko ba high standards si Liza?" Tanong ko. "Oo bakit?" Sagot niya habang nagsusulat sa notebook niya ng outline. Nandito kami sa favorite naming park. "Eh bakit si Ken yung napili niyang kabit? Sa dinami-dami ng lalaki yun pang si Ken. Napaka-daming arte ng pamilya ng lalaki na yun." Sagot ko. "Hindi ko din alam, Ems. Baka kasi yun yung way niya na pagkuha ng attention mo." Sagot niya. "Tara picture tayo. Tapos post ko din sa instagram ko para mainis siya." Sagot ko. "Loko. Game na game ka sa laro niya ah." Sagot niya. "Seryoso ko. Kung gusto niya ng laro then I can be her playmate." Sagot ko. "Sige. Let's play her game." Sagot niya. Nagpicture kaming dalawa na sobrang lapit sa isa't isa. Heto nanaman yung kuryenteng nararamdaman ko tuwing magkadikit kami. Pagkatapos namin magpicture dalawa ay pinicturan niya naman ako ng stolen habang magkahawak kami ng kamay. "Ganda talaga ng babe ko." Saad niya. Agad namang pinamulahan ng mukha at umiwas ng tingin sa kanya at nagkunwaring binabasa ang outline ko. "Can't wait to call you mine." Pahabol pa niya bago ibinalik sa tenag niya ang headset at nagsulat na ulit. Heto nanaman kami ng puso ko. Bumibilis ang tibok kapag bumabanat si Vince. Kalma heart. Hindi ako makakatapos ng outline nito. Nagbalik na ako sa pagsusulat ng outline na parang walang narinig.
Ng matapos ako mag-outline ay nagbukas na ako ng instagram. Bumungad sa akin ang stolen picture ko na nakahawak ng kamay kay Vince at may caption na 'She's mine'. Napasulyap naman ako sa kanya na nakatingin din sa akin. "Are you hungry?" Saad niya. "H-ha?" Sagot ko. "Gutom ka na ba kako? Bibili ko pagkain natin." Sagot niya. "Ah oo. Dito na lang ako. Magpopost pa ko sa instagram." Sagot ko. "Okay. Anong gusto mong kainin?" Sagot niya. "Sandwich na lang." Sagot ko. Tumango naman siya at umalis na. Nagbukas ulit ako ng phone ko at pumunta ng instagram. Pinost ko din ang picture namin ni Vince na nilagyan ko ng caption na 'He's mine'. Akala niya siya lang ah. Sorry siya pero ako rin marunong.
Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na siya dala ang sandwich. "Kanina nung nasa sandwich store ako tunog ng tunog phone ko dahil sa gc natin." Saad niya. "Ako nga rin eh. Tinatamad ako magseen." Sagot ko. "Pati din yung mga pinsan ko nakikiusyoso na dahil dun sa caption ng post ko." Sagot niya. "Masyado ka daw kasing secretive sa kanila." Sagot ko. Tumawa lang siya at inabot sa akin yung sandwich at bottled water. "Grabe sa pagkachismoso ng mga yun wala na akong maitatago lalo na kay Lean." Sagot niya. "Nahiya naman si Sandra sayo. Sa sobrang pagkachismosa niya nalaman pa natin plano ni Liza." Sagot ko. "Ayon naman good influence ng pagiging chismosa ni Sandra. Nalalaman natin yung plano ni Liza. Pero hindi pa rin ako makapaniwala kung saan niya nakuha yung voice recording." Sagot niya. "Maski ako eh. Kahapon tinanong ko siya about dun pero wala eh. Ayaw niya talaga sabihin. Sabi niya concerned citizen lang daw." Sagot ko. "Bait namang concerned citizen yun. Tsaka hindi ka naman ganun ka-famous para makarating ng US yung pangalan mo." Sagot niya. "Baka ikaw ang kilala." Sagot ko. Tumawa lang siya sa sinagot ko. "Makatawa ka pa kaya kapag nakita mo yung post ko." Sagot ko at nagsimula nang kumain.
Pagkatapos ko maligo ay binuksan ko ang phone ko at ang daming missed calls ni Mommy kaya tumawag ako sa kanya. "Hello Mi. Sorry naliligo ako kaya hindi ko nasagot yung mga tawag mo." Saad ko. "Ano yung nakita ko sa instagram? Kayo na ba ni Vince?" Sagot niya. "Si Mommy naman. Hindi pa po." Sagot ko. "Eh bakit ganun yung caption mo?" Sagot niya. "Pinagt-tripan ko yung bestfriend niya na may gusto sa kanya." Sagot ko. "Mabuti yung malinaw tayo." Sagot niya. "Opo Mi. Kapag naging kami ni Vince ako mismo magsasabi sayo." Sagot ko. "Sige na anak. Kinamusta lang kita. Chinat ako ni Andy na tatawag daw sila sayo eh." Sagot niya. "Sige po." Sagot ko. Binaba niya na ang tawag. Napailing na lang ako sa sinabi ni Mommy. Yari ako nit okay Andy. Hindi ko siya nabalitaan ng mga nangyayari sa buhay ko.
Minabuti kong magonline sa laptop para mas malaki yung screen. After 30 minutes ay tumawag na si Andy kaya sinagot koi to. Sunod-sunod naman silang nagjoin sa call kasama si Vince na nasa condo niya dahil may tatapusin pa daw siya. "Hi." Bati ko. Sabay-sabay naman silang nagpalit ng expression. Naging malamig at mapanuri ang mga tingin nila maliban kay Vince na may mapanlokong ngiti Pinakamalamig ang tingin ni Andy. "Why didn't you tell us that you two are already together?" Saad ni Andy. "Oo nga. Nakakasama ng loob, Vince. Pinsan pa man din kita." Sagot ni Lean. "Kayong dalawa ang talk of town sa Franklin U. Nanalo na daw ang kabit." Sagot naman ni Sandra. "Kayo na pala. Ang tagal ko lang di nagparamdam sa inyo tapos kayo na agad." Sagot ni Zoe. "Let me explain, guys." Sagot ko. "Oo nga naman. Let her explain." Sagot ni Vince sa mapang-asar na tono. "So first of all hindi pa kami ni Vince okay? Second nakikipaglaro kami kay Liza. Masyado kayong advance mag-isip." Sagot ko. "So I woke up this early just to know that you both are still in the courting stage. Bakit ang bagal mo, Vince?" Sagot ni Andy. "Oo nga Vince. Bakit pinaglihi ka sa pagong? Yung pinsan mo napakabilis. Nadali agad si Zoe." Sagot ni Sandra. "Pasensya na kayo guys. Masyadong tradisyonal yang si Vince kaya kasing bagal ng pagong yung usad ng panliligaw niya." Sagot ni Lean. "Chill guys. I'm preparing the most romantic proposal for Ems. Wag kayong excited. Inaasikaso ko na kaya wag kayong ano." Sagot ni Vince. "Just let us know if some progress happen. And Sandra I thought your talking to Ken didn't he mention about this?" Sagot ni Andy. "Wala. Wala siyang nasabi sa akin. Hindi na kami madalas mag-usap dahil bumalik na siya sa school. Hindi na siya home school." Sagot ni Sandra. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pagngiti ni Lean at Zoe sa mga cellphone nila. "May nadali ata ng internet love sa atin. Si Lean oh pangiti-ngiti sa cellphone. Pati yang si Zoe." Saad ko. "Hindi internet love yung kay Zoe. Playboy's love." Sagot ni Sandra. "Talaga namang napakabilis ni Nathaniel Gabriel Sawyer." Sagot ni Lean. "Grabe naman maka-playboy Sandra. Parang si Ivan hindi naging ganun ah." Sagot ni Vince. "Edi wow Vince. Parang ikaw hindi mo naexperience yung one sided love. Sampung taon mo ata yun naexperience eh. Rant ka pa ng rant sa'min dati na 'bakit kasi ang lakas ng tama ni Ems kay Ken? Hindi niya tuloy ako napapansin.' Ganiyan na ganiyan yung dialogue mo nun." Sagot ni Sandra. "Walang balikan ng nakaraan Sands." Sagot ni Vince. "Naglasing ka pa nun tapos nung hinatid kita sa dorm mo hinahanap mo si Ems." Sagot naman ni Lean. Nagugulat ako sa mga naririnig ko. "I remember one night Vince knocked at our dorm and he accidentally kissed the floor because he's too drunk and kept saying 'nasaan si Ems?'. That time Ems is not on the dorm because she has family errands." Sagot naman ni Andy. "Meron pa, meron pa. Naalala niyo yung marriage booth? Imbes na si Ems yung madala dun ibang babae yung nadala kaya no choice si Vince kundi ituloy." Sagot naman ni Zoe. Nakakagulat ang mga naririnig ko ngayon dahil never kwinento sa akin yan ni Vince. Para lang silang casual na nag-uusap na hindi ako kasama. Napatingin naman ako kay Vince na hindi mawari kung i-e-end call ba o magppapatay ng camera. "Walang ungkatan ng nakaraan guys." Sagot ni Vince. "Uh hello guys. Nandito ko oh." Saad ko dahil nakalimutan ata nila ako. "Yan Vince magbanggit ka pa ng ex ha." Sagot ni Sandra. Napangiti naman ako habang pinapanood sila. I never thought we would last this long. That we would last this long. Sabay-sabay kaming nangarap ngayon sabay-sabay din naming inaabot yung mga pangarap namin "You know what guys hearing your story about our highschool days made me realize something." Saad ko. Lumipat naman ang mga tingin nila sa akin. "What?" Sagot ni Andy. "That we last long. Ang tagal na nating magkakaibigan. Parang dati sabay-sabay lang tayong nagdedecide kung anong course kukunin natin. Kung anong plans after highschool tapos ngayon ito na tayo. Sabay-sabay na tayong umaangat sa mga pangarap natin. Yung heartbreaks natin sabay-sabay natin hinarap tapos yung mga achivements natin sabay-sabay din nating cinelebrate. Wala lang. Na-reminisce ko lang yung good old days natin. Tsaka namimiss ko na din kayo." Sagot ko. "Yeah. I miss you too." Sagot ni Andy. "Oo nga eh. Miss ko na din kayo. Wala nang maingay sa dorm. Wala nang sumisigaw ng 'Ano ba yan?! Nagsusulat ako ang ingay niyo!' kapag sobrang ingay na namin." Sagot ni Zoe. "Wala kong ka-street food date." Sagot ni Lean. "There's no more serious talks and overnight every Friday." Sagot ni Andy. "I can't wait na makagraduate tayo tapos mag-aambagan tayo tas magpapagawa ng bahay natin. Yung bahay na pupuntahan natin everytime we need a break from our family's houses. Yung bahay na kung saan tayo yung magkakasama nagkakaingay at masaya lang. Walang stress at tamang chill lang because that's what we planned in our days back then." Sagot ko."Oo nga eh. Since may engineer naman tayo dalawa pa nga eh. Tapos dalawa business woman natin at isang business man. Tapos tatlo sa medical field. Ano kaya kakalabasan ng bahay na yun?" Sagot ni Sandra. "Excited ako para dun pero mas excited ako sa label ni Vince at Emily." Sagot ni Lean. "Syempre unahin niyo muna label niyo bago yung mine mine na yan." Sagot ni Zoe. "Bumalik nanaman sa'min susmaryosep." Sagot ni Vince. Madaming kulitan at asaran ang naganap sa buong call.Binaba lang nila yung tawag nung sinaway sila ni Vince na baka daw mapuyat ako kaya sila na rin ang kusang nagsialis sa call. Ng kaming dalawa na lang ang natira ni Vince ay bigla namang sumeryoso ang tingin niya. "After this call matulog ka na ah." Saad niya. Humikab muna ko bago sumagot. "Yes. Inaantok na din ako. Good night. Sleep well. Love you." Sagot ko. "Good night my queen. Sleep well. I love you too." Sagot niya at binaba ang tawag. Shinut down ko muna ang laptop ko bago ako nagpunta sa banyo at nagtoothbrush. Pagkatapos magtoothbrush ay nahiga na ako at natulog na.
A/N: Good morning Bemskies! Short update lang muna dahil masyado nang malalim ang umaga at kailangan ko nang matulog. Babawi ako sa next chapters. 3 am na guys but I managed to finish one chapter ng hindi sabaw so please vote kayo. I updated this to show my gratitude to you guys who supported me especially doon sa mga nagfollow sa akin. Happy 90 followers guys! Unti-unti na kayong dumadami kaya kailangang mas sipagan ko pa. So yun sana nag-enjoy kayong basahin yung update ko. If you do please vote, comment and recommend my story to your friends para mas marami pang makabasa ng story ni Emily. Thank you for choosing to be my sky! I love you Bemskies till our next chapter. Malapit na magkalabel Vinly so stay tuned. Thank you and love lots. Please continue to love and support Bemstories!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top