CHAPTER 33: AFTER CHAOS
Sandra's POV
Sinisingil na ako ng konsensya ko. Hindi maatim ng kalooban ko na hindi kausapin si Emily. Ako ang nasasaktan sa binabansag sa kanya.
"Gold Digger." "Pambansang kabit." "Maninira ng relasyon." "Malandi." Ilan lang yan sa naririnig kong bansag sa kanya sa campus. Napaaway pa nga si Zoe dahil dun at muntik na akong mapaaway dahil sa pinagsasabi nila. Kahit may hindi kami pagkakaintindihan ni Emily ay patago ko pa rin siyang sinusuportahan. Nandito nanaman ako sa canteen ng mga college students at sabay kaming kumakain ni Zoe. "Kamusta na ba si Ems? Nakakausap mo ba?" Tanong ko kay Zoe na abala sa phone niya. "Ha?" Sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako sa sagot na narinig ko. "Sabi ko, kamusta na si Ems pero mukhang hindi mo alam kasi palagi kang may ka-chat. Minsan nawiwirduhan ako sayo kasi bigla ka na lang ngumingiti. Walang forever sa internet love. Tandaan mo yan." Sagot ko. Minsan nga sa gabi naririnig ko pa siyang may kausap sa cellphone. "Okay naman daw si Ems hindi nga lang nagpaparamdam sa mga socmed platforms dahil dun sa mga walang magawang bashers niya. Kakagaling lang daw nila ni Vince sa hospital pero okay naman na si Ems, bumaba lang platelet. Wag ka mag-alala. Alam mo parang si Emily yung ex mo kesa si Ivan eh. Kasi kung makapagtanong ka ng kamusta si Emily parang araw-araw habang si Ivan hindi mo man lang matanong." Sagot niya."Kita mo? Nasa hospital pala si Ems tapos mas inuna mo pang mag-rant tungkol sa ex kong bulok." Sagot ko. "Wow, makabulok ka parang hindi mo iniyakan. Ayan pa nga oh namamaga pa mata mo!" Sagot niya. Natahimik naman ako sa sinabi niya at nagpatuloy na lang sa pagkain. Habang kumakain ay may naririnig akong bulungan malapit sa'min.
"Diba sila yung kaibigan nung kabit ni Vince?" Bulong nung isa. "Oo. Mga mukhang cheap. Tapos yung isang kaibigan nung kabit balita ko president ng school organization natin eh. Mga kapit sa sikat para sila din maging sikat." Sagot ng isa. Nakaramdam naman ako ng galit dahil sa narinig. Parang ang sarap ikaskas sa lupa yung bibig ng mga babae na 'to. "Kalma, Sandra. Kalma. Wag mong pinagpapansin yang mga cheap na yan! Palibhasa kasi hindi sila napansin ni Vince nung nandito pa siya! Tsaka Vince won't lie low as what they think. Hindi siya tulad ng ibang mga lalaki na pumapatol sa cheap! Mga makapagsalita parang mga nakatapos ng nobela katulad ni Ems pero di naman! Research nga hindi magawa nobela pa kaya!" Sigaw ni Zoe na pinagdidiinan pa yung salitang 'cheap'. "Oo nga eh. Kahit nandito si Vince ngayon di pa rin sila papansinin kasi ayaw ni Vince ng mga ugaling pang basurahan. Parang si Ana kaya di siya magustuhan ni Ken kasi pang basurahan din yung ugali." Sagot ko. Alam kong mga fan girl din 'to ni Ana kaya siguradong maiinis sila. "Excuse me, what did you say about Ana?" Saad nung isa. "Sabi ko kaugali mo si Ana. Parehas kayong basura." Sagot ko. Sasampalin niya sana ako pero agad namang dumating si Zack at sinalag ang kamay niya. "Lay your finger on her and you won't easily get away from me." Malamig niyang saad. Agad namang sumalamin ang takot sa mata nung babae na lumapit sa akin. "S-sorry, Zack." Sagot nung babae at inirapan ako. Nagkibit balikat lang ako. "Ayos ka lang? Nasaktan ka ba niya?" Tanong ni Zack. "Yes. Okay lang ako. Kapag sinampal niya ko ingungod ko siya sa sahig with matching kaskas ng nguso kasi ang dami niyang sinasabi tungkol sa kaibigan ko." Sagot ko. "Lods, bakit nandito ka? Diba engineering department ka? Tsaka paano mo nakilala si Sandra eh sa nursing department 'to?" Sagot ni Zoe. "Di ba pwedeng napadaan lang Miss President. Tsaka bakit ba kailangan mong alamin kung paano ko nakilala si Sandra? Nanay ka ba niya?" Sagot ni Zack. "Aba, daming sinasabi nitong kaibigan mo Sands. Gusto ata ng sapak." Sagot naman ni Zoe. "Tama na yan guys. Baka magkasapakan pa. Thank you pala Zack." Sagot ko. "No worries, Divina." Sagot niya. Agad ko siyang binatukan dahil ayoko ng tinatawag akong 'Divina'. "Sabi ko ayoko ng tinatawag akong Divina diba?!" Sagot ko. Kumaripas na siya ng takbo dahil alam niya na ang kasunod na mangyayari. Umupo na uit kami ni Zoe sa kinauupuan namin. "So ano na plano mo? Malapit na mag-two months na hindi nag-uusap ni Ems. Kailan mo siya kakausapin?" Saad ni Zoe. "Pagkatapos namin mag-usap ni Kuya. Kailangan ko munangalamin yung side niya bago ko makipag-usap sa kanila. Tapos kakausapin ko na rin si Vince para malaman yung totoong nangyari dahil siya lang makakasagot ng katotohanan." Sagot ko. "That's good. Eh ano namang plano mo kay Ivan?" Sagot niya. "Tsaka na si Ivan. Si Ems muna. Friends comes first before love." Sagot ko. "Okay. Hindi ko na nakakausap yung mokong na yun eh. Mag-i-isang buwan na ata." Sagot niya. "Sige na una na ko. Kita na lang tayo sa dorm later. May klase pa ko." Sagot ko. Inayos ko na ang mga gamit ko at pumunta na sa building namin para sa klase.
Pagdating ko sa dorm ay katulad ng nakasanayan ay nagluluto na ako para may kainin kami ni Zoe. Simula nung naging college kami ganito na ang routine ko pag-uwi. Pagkatapos ko magluto ay pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan kung online si Kuya. Ng makitang online ay agad akong nagmessage sa kanya. 6 pm na dito siguradong umaga na sa kanila.
Me:
Good morning Kuya. Anong oras first class mo?
Kuya Ken:
8 am pa bunso. Bakit?
Me:
Anong oras tapos ng klase mo?
Kuya Ken:
11 am bunso. Bakit?
Me:
Usap tayo Kuya. I want to kow why that happened again.
Kuya Ken:
Okay. Let's talk after class.
Me:
Ok.
Habang hinihintay si Kuya ay ginawa ko muna yung kailangan namin sa school. Hindi ko pa natatapos thesis ko. Ng makaramdam ng gutom ay napagdesisyonan kong kumain na lang muna. Mukhang matatagalan pa si Kuya kaya mas minabuti ko na lang i-chat si Vince.
Me:
Vince, are you free tonight?
Vincent David Sawyer:
Yes, why?
Me:
Pwede tayo mag-usap through call? I just want to know how Emily is doing.
Vincent David Sawyer:
Sure. I'll call you by 8 pm. After we eat dinner.
Me:
That's good thanks.
Vincent David Sawyer:
No worries.
Habang kumakain ako mag-isa ay bumukas ang pinto naming. Nakita kong iniluwa nito si Zoe at yung pinsan ni Vince. Sino nga ba yun? "Hey! Bakit kasama mo si Zoe? Tsaka sino ka?" Saad ko. "Hi. I'm Nathaniel Gabriel Sawyer. I'm Zoe's suitor and you are?" Sagot ng lalaking kasama ni Zoe. "Suitor? Wala kong nababalitaang manliligaw niya ah." Sagot ko. "Kumain lang kami." Sagot ni Zoe. "What? Curfew mo na ah. Hoy ikaw Mr. Nathaniel Gabriel, paano mo nakilala si Zoe at tsaka Gabriel pangalan mo pero mukha kang playboy." Sagot ko. "Simple. Messenger." Sagot ni Nathaniel. "Lumayas ka na dito bago magdilim paningin ko." Sagot ko. "Mauna na ko Zoe, baka mabangasan yung gwapo kong mukha. Good night. Chat na lang kita kapag nakauwi na ko." Saad ni Nathaniel. "Ok na? Tapos na kayo maglandian? Pwede ka nang umalis Nathaniel?" Sagot ko. "Sige. Drive safely." Sagot ni Zoe. Pagkatapos nun ay umalis na si Nathaniel. "Hey Sands, bukas ka na magsermon. I know naman na kakausapin mo si Vince eh. Good night!" Saad ni Zoe at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto niya. Siguradong yun yung palagi niyang ka-chat. Napabuntong hininga na lang ako at bumalik sa dining area namin at pinagpatuloy na lang ang pagkain.
Pagkatapos ko kumain aypumunta na ako sa kwarto ko at nagbukas ng laptop para ituloy yung thesis part ko. Mamaya-maya pa naan tatawag si Vince eh kaya marami pa akong magagawa. Nagpatugtog na lang ako ng songs ng BTS at nagsimula na sa paggawa. After thirty minutes ay tumunog na ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at ng makitang si Vince ay agad ko itong sinagot.
"Hello, Sandra. Long time no talk.How are you?" Bati niya. "Hello. Long time no talk. First of all hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I'm sorry sa nagawa ko sa works ni Ems. If you're wondering why sayo ko nagsosorry alam kong affected ka din sa ginawa ko. Sobrang sinisingil ako ng konsensiya ko sa nagawa ko. I didn't expet that I would come that far just to satisfy my feelings. Sobrang mali ng ginawa ko at pinagsisihan ko yun." Sagot ko. "Alam mo, hindi ka dapat sa akin nags-speech ng ganyan eh. Dapat kay Ems mo sinasabi yan. Alam mo sabi niya, napatawad ka na niya hindi ka pa nagsosorry. Mahal na mahal ka ni Ems. Dinaig mo pa si Ken." Sagot niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa narinig. "T-talaga? B-baka hindi naman. Baka hindi pa." Sagot ko. "Sira ka ba? Isang buwan lang kayong di nag-usap ni Ems tapos hindi mo na siya kilala. You know Ems more than me." Sagot niya. "P-pero sa laki ng kasalanan ko sa kanya p-parang impossible." Sagot ko. "Kung tatay nga niya na iniwan siya ng mahigit 2 decades napatawad niya. Ikaw pa kaya?" Sagot niya. Para kong nabunutan ng tinik sa puso sa narinig kong sagot niya. "K-kamusta na ba siya?" Sagot ko. "Okay na siya. Bumaba lang yung platelet niya dahil sa dami ng ginagawa at stress na naibigay ko sa kanya dahil sa recent issue. Dagdag mo pa yung pag-uulit ni Ken ng pagkakamali niya." Sagot niya."Wag ka mag-alala kakausapin ko si Kuya about dun." Sagot ko. "Ikaw, kamusta ka na? Kamusta kayo ni Zoe?" Sagot niya. "Ayun si Zoe? Kasama yung pinsan mo na Nathaniel yung pangalan." Sagot ko. "Ah kaya naman pala kapag nag-uusap kaming mag-pipinsan palaging di makasabay sa topic kasi may sarili palang ka chat. Wag ka mag-alala kapag niloko niya si Zoe ako mismo babasag sa mukha niya." Sagot niya. "Pwede ko bang kausapin si Ems mamaya? Hindi ba siya busy?" Sagot ko. "Nako Sandra, bukas na lang. Pinatulog ko na kasi siya eh. Alam mo naman." Sagot niya. "Ah sige. By the way hindi naman sa chismosa ako or what pero, ano ba talagang tunay na nangyari dun sa headlines?" Sagot ko. "Well, about dun lahat ng yun tatay ko may pakana. Hindi naman gagawin ni Liza yun kung hindi siya pinagbantaan ng tatay ko na pababagsakin yung business nila. That's not what she really wanted to do." Sagot niya. Iba talaga yung pakiramdam ko sa kanya. Parang ginawa niya yun because she want's it not because someone told her to do so. "Sure ka? Baka yan lang yung sinasabi niya sayo pero deep inside siya pala may gusto." Sagot ko. "Yan ang inaalam ko sa ngayon. Hindi din ako kampante eh." Sagot niya. "Sige na. Mukhang marami ka pa atang gagawin. Thank you sa time sa pagkausap sa akin. Mag-aral kayong mabuti ah." Sagot ko. "Sige. Hoping for a better results sa pakikipag-usap m okay Ems." Sagot niya. "Thank you. Ingat kayo diyan. Stay strong sa inyo." Sagot ko at pinatay ang tawag. Masaya ko para sa kanila dahil finally nahanap na nila ang kasiyahan nila sa isa't isa.
Ng sumapit ang 11 pm ay tumawag na ako kay Kuya. Habang naghihintay ay minabuti kong ituloy muna ang ginagawa kong thesis part. "Hello Sandra?" Bati ni Kuya. "Hello Kuya. Kamusta klase?" Sagot ko. "Nakakasunog ng utak. Ano nga pala yung mga tanong mo sa'kin?" Sagot niya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Kuya. Bakit kahit hanggang wala na kayo tinanggi mo pa rin siya? Yes Kuya wala na kayo. Nandun na tayo sa fact na wala na kayo. Pero Kuya naman. Minahal mo ba talaga si Ems?" Sagot ko. Nagtataka na rin ako sa sarili ko kung paano ko nasasabi ang lahat ng 'to sa lalaking minahal ko. Oo, minahal kasi siya rin mismo ang nagpaggising sa katotohanan na wala talaga kaming pag-asa. "Oo, tinatanggi ko siya sa buong mundo pero alam ko sa sarili kong mahal ko siya. Alam ko sa sarili ko na siya pa rin, pero anong magagawa ko? Anong magagawa ko kung kalayaan ng kapatid ko yung nakasalalay dito? Kung kalayaan ng kapatid ko ang ilalagay ko sa dulo masabi ko lang sa mundo na mahal ko si Ems. Please, Sandra, please don't doubt my love for her. Kahit wala na kami siya pa rin Sands. Walang nagbago. If ever you can talk to her please tell her that I'm sorry. I'm so sorry for repeating the same mistake I did. Please tell her that I love her. I really love her." Sagot niya. Mababakas sa boses niya ang kaseryosohan. "Alam mo kuya real talk lang ah. Ang duwag mo. Napaka-duwag mo! Kasi sabi ka ng sabi na mahal mo siya pero di mo magawang ipaglaban. Hindi mo magawang mapaglaban yung gusto mo. Hindi mo magawang sabihin sa mundo na mahal mo siya. Kung ang dahilan mo eh si Kyle? Kuya naman, nandiyan si Ate Kass tapos si Kuya Kenneth! Sa tingin mo pababayaan nila si Kyle ha? Sa tingin mo hahayaan lang nila na mangyari yun?" Sagot ko. "Just give me time. Give me time to prove myself to them and to her. Habang wala pa akong napapatunayan sa kanila hindi ko siya pwedeng balikan. Hindi ko siya mababalikan." Sagot niya. "Okay. Sabi mo eh." Sagot ko. "Sige na Sands. Alam kong marami ka pang gagawin kaya bye na." Sagot niya at binaba ang tawag. Pagkatapos naming mag-usap ay nagpatuloy na ako sa paggawa ng thesis part ko.
Emily's POV
Ilang araw na din matapos ang pag-uusap namin ni Yohan. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap. Unti-unti na ding bumabalik sa normal yung buhay ko. Nakabalik na rin ako sa pagsusulat sa wattpad dahil pinatahimik na ng mga bashers ko yung message board ko. Alam ko namang parte ng pagsusulat yun. Ang magkabasher pero syempre mas marami pa rin akong supporters. Hindi na lang ako nagpapaapekto sa mangilan-ngilang bashers na nagmemention sa twitter. Hindi rin ako makapagsulat sa gabi dahil bantay sarado ako ni Vince. Hindi siya umaalis hanggat hindi ako tulog. Halos araw-araw siyang kumakanta para lang makatulog ako. Buti nga hindi pa siya namamaos eh. "Ems, what if one of this days kausapin ka ni Sandra?" Saad ni Vince habang kumakain kami ng lunch dito sa school. "Weird naman ng tanong mo." Sagot ko. "Nakausap ko kasi siya kagabi. Hinahanap ka niya." Sagot niya. "Oh talaga?" Sagot ko. Parang bigla akong sumigla sa narinig. Hindi ko alam bakit pero ibang saya ang naramdaman ko nung narinig yun kay Vince. Parang hindi ako makapaniwala na hinahanap ako ni Sandra. "Uyyyy. Iba ngiti nung narinig niya pangalan ni Sandra." Sagot niya. "Natural mente, isang buwan kaming hindi nag-uusap tapos sasabihin mo yan. Para kang tanga." Sagot ko. "Dinaig pa ni Sandra ang iKON at Treasure sa ngiti mo na yan." Sagot niya. "Huuuu. Nainlove ka nanaman kasi sa ngiti ko kaya ganiyan sinasabi mo." Sagot ko. "Edi wow Ems. Kinakalawang na ata yung mga banat mo. Parang di man lang ako maapektuhan ngayon." Sagot niya. "Isa lang payo ko sayo, hanap kang ibang liligawan." Sagot ko. "Walang ganyanan." Sagot niya. "Pero seryoso nga. Ano un among sasabihin kay Sandra kapag nag-usap kayo?" Sagot niya. "Edi hello. Ano ba naman yan, Vince logic." Sagot ko. "Oo nga naman Ems. Nagiging pilosopo ka na ah." Sagot niya. "Walang AP sa nursing Vince kaya wag kang magparinig sa favorite subject ko." Sagot ko. Tinawanan niya lang ako sa naging sagot ko. Inirapan ko lang siya. "Tara na nga. Pasok na tayo. Pag na-late nanaman tayo siguradong sesermonan nanaman tayo nung prof. Nakakadugo ngilong at tenga kapag nagsesermon yun." Saad niya. Tumango lang ako sa kanya at niligpit na yung pinagkainan ko. Dito kasi sa school naming hindi pwedeng eat and go. Dapat linisin mo din para kapag lumapit yung school staff ay konti na lang ang liligpitin.
Kinagabihan katulad ng nakasanayan sabay kaming nag-aaral ni Vince. Habang nasa kalagitnaan ng pagbabasa ng anatomy book ko ay tumunog ang phone ko.
Sandra:
Hi Ems,its been a long time. Are you free tonight? Can I call you?
Nanlaki ang mga mata ko sa nababasang mensahe. Totoo ba 'to? Chinat ako ni Sandra. Oh my ghad. Talaga ba? Walang pagdadalawang isip ay agad akong nagreply.
Me:
Sure. Call me anytime.
Pagkatapos ng ilang minuto ay tumnog ang cellphone ko. Nakita kong si Sandra ang tumatawag. "Hello?" Batik o. "Hello Ems, it's been a long time." Sagot niya. Naririnig ko ang kaunting paghikbi niya. "Uy Sandra. Umiiyak ka ba?" Sagot ko. Hindi ko na rin mapigilan ang pagtulo ng luha ko ng tuluyan nang tumakas ang paghikbi niya. "H-hindi. Masaya lang ako kasi nag-uusap na tayo ulit. Miss na miss na kita." Sagot niya. "Miss na miss na rin kita." Sagot ko. "Sorry, Ems. Sorry talaga." Sagot niya. "Shhhh. Wag ka magsorry. Naiintindihan kita. Kamusta ka na ha? Tagal nating hindi nag-usap." Sagot ko. "Okay naman ako. Palagi kitang pinagtatanggol sa mga bashers mo. Muntik pa nga ako maguidance dahil sa mga bashers mo." Sagot niya. "Wag naman ganun Sands. Baka mamaya mawala scholarship mo. Hindi ka makatuloy sa medschool niyan." Sagot ko. Tumawa naman siya. "Hindi ka pa rin nagbago. Ayaw mo ng pinagtatanggol ka." Sagot niya. "Syempre. Distansya lang ang nagbago hindi ang ugali ko." Sagot ko. Bigla namang sumagi sa isip ko ang nangyari noon. "Hindi ba naapektuhan yung everyday life mo sa bashing? Pagpasensyahan mo na ang SavvFam at Vinceters. Pero kami na mismo ang nagsabi sa kanila na ihinto na dahil hindi healthy." Saad ko. "Hindi. You raised your fandom so well. They never mentioned me in any of their hate comments. They never tagged me of words that I know will hurt me. I'm so proud of you, Ems." Sagot niya. Napangiti naman ako kahit di niya nakikita. "T-thank you. Kulang ang SavvFam kapag wala president nila kaya I'm waiting for the day that you'll come back to me. To SavvFam." Sagot ko. "I never left, Ems. I never left. I'm still your number one fan. I'm still supporting you silently. Kami ni Zoe." Sagot niya. "Wow, thank you. Distance is just numbers for Seeners Squad." Sagot ko. "Girls, wag na kayo umiyak. Para kayong mga timang." Saad ni Vince. "Oo nga Sands. Ang drama natin." Sagot ko at pinunasan ang luha ko. "Ito talagang si Vince eh kahit kailan talagang panira ng trip." Sagot ni Sandra. "Hoy, ayoko lang umiiyak si Ems kasi halos ilang araw na siyang umiiyak." Sagot ni Vince. "Oh tama na yan. Magkalayo na nga kayo nagbabangayan pa rin kayo." Sagot ko. "By the way, Ems and Vince wag kang magselos." Saad ni Sandra. Agad naman akong kinabahan sa narinig. "Ano?" Sagot ko. "Someone from the other side of the world wants you to know that he loves you even though he denies you." Sagot niya. "Okay. So ano gagawin ko? Dapat na ba kong matuwa?" Sagot ko. Hindi ko talaga mahanap sa emotions ko yung tuwa o saya na dala niya katulad ng dati. "What do you want us to do Sands? Because honestly, gusto kong pumunta ng US right now at isampal sa kanya yang sinasabi niyang mahal mahal na yan. Kasi kung talagang mahal niya si Ems una pa lang nilaban niya. Una pa lang pinaramdam niyang mahalaga si Ems. Pero hindi eh! Anong ginawa niya? Diba mas inuna niya pang iligtas sarili niya kesa kay Ems? Alam mo ito sabihin mo sa kanya, hindi na siya kailangan ni Ems. Hindi na siya kailangan ni Ems kasi nandito na ako. Ako na gagawa ng mga hindi niya nagawa." Sagot ni Vince. "Yeah Vince is right. Kung talagang mahal niya ko gagawa at gagawa siya ng paraan para mapaglaban ako. Gagawa at gagawa siya ng paraan para maipaglaban ako sa magulang niya. Hindi yung pagmumukhain akong tanga sa harap ng mga magulang niya at sa mga tao." Sagot ko. Alam naman na namin pareho ni Vince kung sino ang tinutukoy niya. "I know. I understand you both. I just informed you." Sagot niya. "Wag mo na siyang i-k-kwento sa'min Sands please." Sagot ni Vince. "Anyways Vince, yung mga dati mong fan girls dito sa school natin eh lakas makatawag ng kabit kay Ems." Sagot niya. "Mga sabay sa uso lang yun. Hayaan mo na." Sagot ni Vince. "Napainit nila ulo ni Zoe eh." Sagot niya. "Hayaan mo na. Buti na lang wala ako diyan kundi nakahalik na sila sa lupa ngayon. Tigilan na nga natin pag-uusap tungkol sa mga mukhang palaka na yun. So it has been a month or so. Kamusta yung pag-ibig mo?" Sagot ko. "Hmm. Still missing him but what can I do? Ako humingi eh." Sagot niya. "Natauhan ka na ba?" Sagot ko. "Oo. Natauhan na." Sagot niya. "Alam mo bang nasa New Zealand na siya?" Sagot ko. "Oo. Follower ako nung jowa niya eh." Sagot niya. "Cheer up Sands! Mahal ka nun but let him heal first. Kapag tinadhana kayo sa isa't isa kayo talaga." Sagot ko. "Maiintindihan ko naman kapag hindi niya na ako mahal eh. Ako kasi humingi na maghiwalay kami." Sagot niya. "Magtiwala ka sa pangako niya. He said diba ikakasal pa kayong dalawa? Kilala ko si Ivan. May isang salita siya, nasasaktan lang siya sa ngayon." Sagot ko. "Ems naman, kakausap lang natin tapos siya pa napili mong topic." Sagot niya. "Baliw, sinasabi ko lang sayo." Sagot ko. "Hmmm. 8 pm na. Kailangan ko nang magpaalam. Sabi kasi ni Vince dapat by 8 pm patulog ka na. Magpagaling ka ah. Para marami ka nang update. Wag ka na magkakasakit ulit kasi mahirap magkasakit lalo na't malayo ka pa kila tita." Sagot niya. "Nako, wag mong pinagpapansin si Vince. Sige na, ingat kayo diyan ah. Sabihin mo kay Zoe miss ko na siya." Sagot ko. "Yes. Makakarating. Good night." Sagot niya. "Good night." Sagot ko at binaba ang tawag.
"So how was it? Kahit nabuksan yung topic about sa ex mong bulok." Saad ni Vince. "It made my night. Wala na kong pake dun. Ikaw naman. Hindi ako nagsasabi ng salitang 'Mahal kita' kung di ako sigurado sa sarili ko. Kasi ang natutunan ko sa nangyari sa akin, 'Mahal kita' ang salitang pinakamakapangyarihan dahil yun yung salitang sumisimbolo na totoo ka sa taong yun. Na totoo yung feelings mo. Kasi kapag pineke mo ang salita na yun, makakasakit ka ng damdamin ng ibang tao." Sagot ko. "Wow naman. Haba ng words of wisdom natin ngayon ah. I love you too." Sagot niya. Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko at parang bumagal ang pag-ikot ng mundo ng marinig ko ang salita na yun mula sa bibig niya. "Uy, sabi ko I love you too tapos tumulala ka lang diyan. Mag-ayos ka na ng mga gamit mo ng makatulog ka na at makauwi na ko." Saad niya. "I love you." Mabilis kong sagot tsaka inabala ang sarili ko na ayusin yung mga gamit ko. Pagkatapos kong ayusin ay mabilis akong pumasok sa kwarto ko.
Agad naman siyang nakasunod sa akin dala ang mga gamit na iniwan ko. "Trip mo talagang bawian ako kapag natutulala ako ah. Hindi kita kakantahan." Saad niya. "Heyyy! Wag ganon! Ikaw na nga sinabihan ng I love you tapos di mo pa ko kakantahan." Sagot ko at sumimangot. Nasanay na kasi ko sa boses niya. "You really know how to get me huh." Sagot niya. Pumunta na lang ako sac rat nagtooth brush na. Paglabas ko ay nagulat akong nandun na siya sa higaan ko at nauna pang makatulog sa akin. Siguro ang tagal niya nang puyat dahil sa akin. Halata sa mga mata niya eh. Ang lalim ng eyebags niya. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ng mabuti ang mukha niya. He really loose sleep a lot. Ang lalim ng eyebags niya pero gwapo pa din. Ano kayang sabon nito kaya ganito yung mukha niya? Pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa kagwapuhan niya ay napagdesisyonan kong tumabi na lang sa kanya at pilitin ang sarili na makatulog. Nakakailang ikot na ako at hindi pa rin ako makatulog, "Don't turn around, babe. I can't sleep peacefully." Saad ni Vince sa husky na boses at niyakap ako patalikod. "There. Better. Sleep now my queen. May klase pa bukas." Bulong niya at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya hanggang sa makatulog ako.
A/N: So good morning Bemskies! Another update mula sa maganda niyong author na si Bemstories charrrr. So anyways ito na yung next update. We're down to our last 7 chapters and we'll be on our last book. We're getting close to the end Bemskies. Ngayon pa lang nagt-thank you na ako sa mga nakaabot sa chapter na ito. At sa mga aabot pa lang. Sana nag-eenjoy kayong basahin ang story ni Emily at Ken. Happy 80 followers nga pala sa atin. Dumadami na kayo Bemskies ah. Thank you. So please vote, comment and recommend my story to your friends and if talagang nagustuhan niyo yung story ko don't hesitate to follow my wattpad account for more updates and more books. Till the next chapter Bemsky!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top