CHAPTER 31: THE WRITER'S WAY

Vince's POV

Sobrang stressed na ako sa school.Hindi na ako nakakapagsulat at hindi na din ako nakakatulog ng mahaba dahil sa sobrang puyat. Buti na lang tapos na yung defense naming wala na kong po-problemahin sa school. Update ko na lang ang p-problemahin ko pero parang wala pa rin ako sa hulog at tinatamad mag-update kaya naisipan kong buksan ang laptop ko at gumawa na lang ng one shot story tungkol kay Ems. Marami na din akong nasulat na one shot story tungkol sa kanya. Simula nung magkakilala kami sa kanya ko natutunan ang magsulat ng one shot. Hindi ko alam pero may mga bagay na ang pag-ibig lang ang siyang makapagtuturo sayo. Yung mga bagay na hindi mo naman nakasanayan ay nagagawa mo para sa taong mahal mo. Hindi talaga ko nagsusulat ng one shot dahil nasanay akong magsulat ng novel. Sa tagal naming magkakilala ni Ems ay may halos isang daan o higit pa akong one shot tungkol sa kanya. Pwede na ngang makabuo ng isang libro. She doesn't know that I write one shots about her ever since. Writing buddy ko siya pero hindi niya alam 'tong habit ko na 'to. Hindi niya din nadiscover ito dahil hindi naman nakasave yung mga one shot sa laptop ko. Sa isang hard drive ko siya sinave pero meron din akong copy sa laptop ko pero hindi nakalagay sa desktop. Habang nag-iisip ako ng pwedeng maging scenario ay sumagi naman sa isip ko yung napag-usapan naming nung nakaraan.

Flashback

Nandito kami ngayon ni Emily sa park para magrelax at mag-unwind dahil katatapos lang ng defense namin. "Nakita ko yung ginawa mong Q&A sa twitter. I'm not confirming anything ka pa pero parang kinonfirm mo na ring nililigawan mo ko. Loko ka talaga. Sabi ko make it private pero naglowkey confirmation ka. Hindi tuloy ako tinantanan ng admins natin." Saad niya. "Edi mag Q&A ka rin." Sagot ko. "Soon na lang kapag marami nang free time. Tsaka kapag nagsigning in na ako." Sagot niya. "Sa bagay." Sagot ko. Habang nagmummuni-muni ay naisip ko ang magiging proposal ko sa kanya bilang boyfriend niya. "Ems, ano yung dream proposal mo hindi kasal ah? You know yung talagang dream mo hindi mo pa nakikilala si Ken. Hindi yung kung ano yung ginawa ni Ken sa proposal niya." Saad ko. "Hmmm. Gusto ko talaga ng boyfriend na writer. Kaso yung binigay sa akin eh player." Sagot niya. "Ito na nga sa harap mo oh. Soon to be your boyfriend ay writer. Buti na lang writer ako! Basta player talaga manloloko!" Sagot ko. "Ito naman seryoso ko eh." Sagot niya. "Seryoso na nga." Sagot ko. "Gusto ko magbigay siya ng love letters na bumubuo sa sentencna 'will you be my girlfriend?' o kaya bigyan niya ko ng compilation ng poems niya na tungkol sa akin kahit hindi book. Kahit compilation lang. Ok na ako. I just want to feel like someone is also writing for me. Hindi lang ako yung nagsusulat para sa kanya." Sagot niya. Nako paano ba yan? One shots yung akin. "Gusto mo gawan pa kita ng libro eh." Sagot ko. "Talaga? Hihintayin ko yan ah." Sagot niya. Wag mo na hintayin dahil sa dami ng one shots ko tungkol sayo pwede nang makabuo ng isang libro. "Gusto mo talaga? Basta sinabi mo gagawin ko." Sagot ko. "Oo nga. Gusto ko. Basta walang fireworks kapag nagpropose ka. Baka hindi din tayo magtagal eh." Sagot niya. "Hindi ako bandwagon wag ka magalala. Paghahandaan ko yung proposal ko sayo." Sagot ko. Nagkaidea na ako kahit paano kung anong gusto niyang proposal. "Aasahan ko yan ah!" Sagot niya. "Yeah. Wait for the writer's way." Sagot ko. Basta ang writer nagmahal hindi lang libro tungkol sa inyo ang ibibigay niya pati puso niya.

End of Flashback

Nakaisip na ako ng scenario na isusulat ko sa one shot na ito. Isusulat ko yung scenario na nangyari nung nakaraan. Balak ko magpropose sa kanya pagkatapos ng birthday niya ayokong mismo sa birthday niya kasi baka kapag nagbreak kami ayaw niya nang alalahanin yung birthday niya. Birthdays should be happy not sad. I'm still deciding on what date it will be. I'm thinking of the 28th or 31st. Or maybe May na lang dahil marami pa kaming inaasikaso sa school and marami ding editing na kailangan yun at maghahanap pa ko ng printing house dito na nagb-book bind. Sa sobrang dami nung sinulat ko syempre hindi ko naman maiiwasan na may mga typographical errors at wrong grammar. Pagkatapos ko i-save yung sinulat ko ay naisipan kong na bumaba na at kumain ng cereal para meryenda. Ewan ko kung bakit imbis na sa breakfast ko kinakain ang cereal ay sa meryenda ko kumakain. Habang kumakain ay naisip ko nanaman yung pagkalata ni Ems kaninang umaga. Tuwing tinatanong ko naman kung bakit wala naman sinasabi tapos palaging spaced out kahit tapos naman na yung defense. Pagkatapos kong hugasan yung pinagkainan ko ay naisipan kong bisitahin si Emily sa condo nila. Pagdatiing ko dun ay naabutan ko silang nagmemeryenda. "Uy si Vince pala 'to eh. Meryenda tayo." Saad ni Ate Gab. "Tapos na po Ate." Sagot ko at umupo sa tabi ni Ems. "Hay. Gusto ko na lang mamblock ng kamag-anak. Nakakabwisit. Hindi ko matapos-tapos yung outline ko kakatawag nila." Saad ni Ems. "Bakit? Kinukuit ka nanaman ba dun sa hospital." Sagot ko. "Oo. Papasundo daw ako tapos dadalin sa America kasi gusto daw ako makita nung lola. Sinabi ko kay Mommy yung tungkol dun pero nasa akin na daw ang desisyon." Sagot niya. "Eh ikaw ba? Pupuntahan mo ba?" Sagot ni Ate Gab. "Oo nga, Ems. Pupuntahan mo ba? Kasi pwede naman kita samahan. Magrequest na lang tayo ng form para sa online class. Ilang araw lang naman ilalagi natin dun." Sagot ko. "Ayoko. Hindi pa ako handang makita yung mga taong nanakit sa akin." Sagot niya. Parang double meaning yung sinabi niya. Dun din kasi nakatira si Ken. Lahat ng taong nanakit sa kanya ay dun nagmigrate kaya parang may galit siya sa USA. "May something sa sagot mo." Saad ni Ate Gab. "Parang... Double meaning." Segunda ko. "Double meaning? Para kayong mga detective. Hindi yun double meaning." Sagot niya. "Weh?" Sagot ko. "Oo nga. Alam naman namin na nandun si Ken kaya ayaw mo pumunta." Sagot ni Ate Gab. "Wala kong pake sa malandi na yun." Sagot niya. "Grabe ka naman sa malandi Ems." Sagot ko. "What? I'm just stating facts about him." Sagot niya. "Para namang di mo iniyakan ah." Sagot ni Ate Gab. "Isang nakakadiring pangyayari." Sagot ni Ems. "Nakakadiri ba talaga?" Sagot ko. "Isa ka pa Vince." Sagot niya. "Isa lang naman talaga ko ah. Kailan ba ko naging dalawa?" Pamimilosopo ko. "Alam mo hindi ako makapaniwala na maraming nagmamahal sayo. Sa kapilosopohan mo na yan. Major turn off yan." Sagot niya. "Turn off ba talaga?" Sagot ko. Natutuwa talaga ko kapag inaasar ko si Ems eh. Yung mukha niyang asar na asar yung favorite kong expression niya lalo akong naiinlove sa kanya kapag pinapakita niya yung expression na yun. "Ikaw talaga, Vince eh! Manong mag-update ka na lang kesa namimilosopo ka." Sagot niya. "Mag-u-update ako sa tamang panahon." Sagot ko. "Si Alden ka ba at nalalaman mo yang tamang panahon na yan?" Sagot niya. "Hindi pero mas gwapo ko sa kanya." Sagot ko. "Nakakarami ka na, Vince. Pacorny ng pacorny yung mga jokes mo." Sagot niya. Hindi na ako sumagot dahil alam ko na ang kasunod nito. Hahampasin niya na ako ng malakas. Habit niya na ata yun kapag iniinis ko siya. "Wala ba kayong gala na dalawa ngayon? Tapos na defense week niyo diba?" Saad ni Ate Gab. "Oo nga Ems. Gala tayo." Sagot ko. "Ayoko. Gusto ko magsulat peacefully." Sagot niya. "Hay. Hiatus ka na nga sa wattpad nagsusulat ka pa rin. Pahinga ka naman. Hindi puro libro ang iniisip." Sagot ko. "Oo nga, Ems. Baka mamaya makalimutan mo na yung reality." Sagot ni Ate Gab. Napaiwas naman siya ng tingin sa amin at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Emily's POV

Hindi naman na ako umimik sa sinabi ni Ate Gab. Nasapul ako dun sa sinabi niya. Mas gusto ko kasing magsulat para makalimutan ko yung home sick. Namimiss ko na kasi sila Mommy tapos gusto ko nang makita sila Lean. Dagdag mo pa yung walang habas na pagtawag nila ng paulit-ulit sa akin dahil dun sa lolang nahospital. Ano bang gusto nilang gawin ko? Pagod na pagod na ako sa pangungulit nila. Nabuhay na ako ng wala sila tapos ngayon bumabalik sila para naman guluhin yung buhay ko. Ayoko nang magkwento kay Vince dahil baka masyado ko na siyang inaabala sa buhay niya. May sariling buhay din naman siya kaya hindi na ako nakikigulo sa kanya. May sinusulat pa siyang nobela baka lalo siyang hindi makapag update kapag nag-open ako ng nararamdaman ko sa kanya. I'm exhausted yet I'm still fighting kasi kung hindi baka sumunod na ako kay Nanay. Gusto kong bumalik sa wattpad pero baka hindi ko mapunan yung demands ng readers ko. Hindi naman talaga ko nag-o-outline eh. Nagusulat ako ng one shots at poems. Ilang araw na kong ganito kahit sabihin ko sa katawan kong huminto sa pagsusulat hindi pa rin siya humihinto. I don't know why but there's something in writing that comforts me when I need comfort. May something sa pagsusulat na hindi ko nararamdaman sa tao. Yung tipong uupo ka lang sa harap ng laptop mo at hindi na mag-iisip ng kung ano-ano dahil nandun ka na sa sarili mong mundo. Hindi mo na kailangan magpanggap pa. Hindi na ako nagbubukas ng phone kasi palagi nila kong tinatawagan. Gumawa ako ng bago kong account na naka-private para dun ko makausap sila Mommy at mga kaibigan ko. Hindi ako nagso-soc med dahil baka kapag nakita nila kong online pagtatawagan nanaman ako. Pagpasok ko sa kwarto ay nahiga na lang ako sa kama ko. Nakakapagpahinga naman ako pero parang hindi pa rin kasi sobrang dami kong iniisip. Parang ayoko na pero tuwing naalala ko na may SavvFam at sila mommy nanaghihintay sa akin na maabot yung dreams ko dahil sa kanila hindi pa rin ako sumusuko. "Ems?" Saad ng kumakatok sa labas. "Yes?" Sagot ko ng hindi pa rin bumabangon. Tinatamad talaga ko. "Pwede pumasok?" Sagot niya. "Sige." Sagot ko. Hindi ko naman nilock kayamabubuksan niya na yun. "What's the problem, Ems?" Tanong ni Vince habang papalapit sa akin. "Wala naman. Napagod lang ako sa defense week natin." Sagot ko. "Hindi yan pagod, Ems. Kilala kita eh. Bakit ka malungkot?" Sagot niya. "Gusto ko nang umuwi." Sagot ko habang nakalagay sa mata ang aking braso upang di niya makita ang pagluha ng mga mata ko. Ayokong makita niyang ganito ako kasi palagi naman na akong ganito. Ayoko nang maapektuhan pa siya ng personal problems ko. I will deal with the pain alone this time because he's not always here to comfort me when I need one. "You don't need to hide the pain from me, Ems. If you cannot take it anymore you can talk to me. You can tell me the problem of yours and let's find solution together. Let's walk by the pain together. I will not let you deal with it alone. I can't stand to see the love of my life crying. It hurts to see you drowning in pain. Hindi ko kaya, Ems kaya hanggat maaari gusto kong sinasabihan mo ako ng mga problema mo." Sagot niya. Napatingin naman ako sa kanya. Mababakas mo talaga ang kaseryosohan sa boses niya. "I want to leave but I can't leave because I know there are people waiting for my success but I'm so tired. Pagod na akong pakisamahan sila. Sagutin ang mga tawag na iisa lang naman ang sinasabi. Hindi ko na alam kung anong dahilan pa ba ang kailangan kong sabihin para tigilan nila ako. Para maramdaman nilang nasasaktan ako sa ginawa nila sa akin noon. Iniwan nila ko na musmos pa lang tapos kung makabalik sila parang walang nangyari. Parang wala silang batang iniwan at pinabayaan." Sagot ko. Hindi ko na mapigilang lumuha sa harap niya. Sobrang bigat na talaga ng pakiramdam ko at gusto ko na lang umiyak hanggang sa maubos yung luha ko. Ilang araw ko itong dinala kaya siguro bigla na lang bumagsak ang mga luha ko. Lumapit naman siya sa akin at yinakap ako ng mahigpit. Yung yakap na mararamdaman mong hindi ka nag-iisa at safe ka kapag kasama mo siya. Kaya ako nahulog sa lalaki na 'to eh. Kasi hindi niya ako iniwanan nung panahon na tinalikuran ako ng mundong minahal ko. Siya lang yung nagtiis at nagmahal sa akin ng buong puso kahit alam niyang mababa lang yung tiyansang mahalin ko siya pabalik. Siya yung nagmahal sa akin nung panahong hindi ko na rin mahal yung sarili ko. Yung mga panhong gusto ko na rin isuko yung buhay ko. Hinayaan niya akong umiyak sa mga bisig niya, hindi na siya nagtanong kung bakit ako umiiyak.

Ng kumalma ako ay hiniga niya ako sa kama ko para makapahinga. "Wait lang kukuha ko ng tubig." Saad niya at lumabas na ng kwarto ko. Hinintay ko siyang makabalik para makainom ako ng tubig. Ilang saglit lang ay bumalik na siya sa kwarto ko na may dalang isang basong tubig. Inabot niya ito sa akin at pinainom. "Thank you, Vince. I love you." Saad ko. Tila namang huminto ang mundo niya at hindi nakasagot sa sinabi ko. Walang salitang lumabas sa bibig niya at niyakap lang ako ng mahigpit pagkatapos ay hinalikan ang aking noo. Napapikit naman ang aking mga mata upang namnamin ang pakiramdam. "I love you too. You are always loved. Remember that." Sagot niya at inalalayan akong humiga sa kama ko. "Magpahinga ka na. Papagising na ang kita kay Ate Gab kapag dinner na." Saad niya bago ko ipikit ang mga mata ko. Finally I can now have a peaceful sleep and a rest. 


A/N: 2.3K WORDS MUNA UPDATE KO SA NGAYON. BABAWI AKO SA NEXT CHAPTERS. ALAM NIYO NAMAN. 1 AM NA NAGSUSULAT AUTHOR NIYO. THANK YOU SA EARLY BIRTHDAY GIFT NIYOOOOOOO! HAPPY 56 FOLLOWERS!!!! KAHIT SHORT YUNG UPDATE MALAPIT NA MAGKALABEL ANG VINLYYYY!!! WUHOOOOO! UNTI UNTI NANG NASASAGOT YUNG MGA TANONG NIYOOOOO!!!! VOTE, COMMENT, AND RECOMMEND MY STORY TO YOUR FRIENDS!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top