CHAPTER 30: HIS DECISION

Ken's POV

It's been a week since we talk about the deal and I'm still thinking about it. Hindi ko pa nakakausap si Ate tungkol dito dahil naging busy sa trabaho at sa school. Hindi ko naman masabi kay Kuya Kennneth kasi baka hindi niya maintindihan. Hindi pa naman kasi tinamaan ng love yung mokong na yun kaya mahirap sa kanya ang magbigay ng advice. After ng online class ko na 'to ay magpupunta naman ako sa opisina para umattend sa isang meeting ng engineering team tapos ay ihahatid ko si Kyle sa bahay nila Mama dito. Pagkatapos ko sa bahay nila Mama ay kailangan ko nang gumawa ng digital plate due for tomorrow and for the next day ay kailangan kong makipagkita sa groupmates ko para makuha ko yung part ko sa thesis. Ang dami kong gagawin yet naisip ko pa rin yung deal na yun. Nagsimula nang magleave yung mga kaklase ko sa class kaya nagleave na rin ako. Marami din naman kaming nakaonline class dahil naka-ojt din sila sa kani-kanilang company pero kabilang pa rin kami sa section kung saan kami pumasok nung first day.

Bumaba na ako para magbreakfast. "Good mrning Kuya Ken!" Bati ni Kyle. "Morning, Kyle! Masaya ata ang bunso naming." Sagot ko. "You forgot about it na ba Kuya?" Sagot niya. "Wow. You're so conyo today ah. Saan mo yan natutunan?" Sagot ko. "Tinatanong pa ba yan Kuya Ken?" Sagot niya. "Syempre. Malay ko bang baka may kausap ka nang alien or baka may ibang kasama na tayo dito sa bahay." Sagot ko. "Sayo." Sagot niya. "Sa'kin? Kailan ako nagsalita ng conyo?" Sagot ko. "Hmmmm. 8 years ago? 7? I don't know. I just know that your character on Ate Emily's novel is speaking in conyo." Sagot niya. Narinig ko nanaman ang pangalan niya. Napapaisip nanaman ako kung kumusta na siya at kung hindi ko pa pagsisihan kapag pumayag ako sa deal ni Sandra. "Kyle, do you still talk to her?" Sagot ko. "Why? Why do you want to know if I'm still talking to her?" Sagot niya. "I just want to know. Bawal na bang magtanong tungkol sa whereabouts ng isang taong minsan nang naging part ng buhay mo?" Sagot ko. As far as I remember hindi pa naman kasalanan ang magtanong tungkol sa taong minsan nang naging parte ng buhay ko. "Well, sorry Kuya but hindi na. Hindi ko na siya nakakausap since last year. But I'm still on track on her social media. Recently no not recently, uhhh about 3-4 months ago she reached 100 thousand reads on the first book of hers. Still You and about 10 thousand followers on wattpad. Hindi siya active sa socmed ngayon dahil hiatus siya." Sagot niya. "Tinanong ko lang kung nakakausap mo ba siya. Ang dami mo nang sinabi." Sagot ko. "Eh for sure naman dudugtungan mo din yung tanong mo na yun. Inunahan na kita ng sagot." Sagot niya. "Ikaw talagang bat aka ang dami mong alam. Oo nga pala bakit wala sila Ate?" Sagot ko. "Maaga yung meeting ni Ate. Si Kuya naman nasa online class." Sagot niya. "Sino nagprepare niyan?" Tanong ko. May ham kasi at fried rice dun sa hapag kainan eh. "Ako." Sagot niya. "What? How?" Sagot ko. "Kuya Ken naman common sense. Edi niluto ko tapos nagsangag ako." Sagot niya. "Alam mo yun lahat?" Sagot ko. "Syempre. Ano kala mo sa akin? May golden spoon? Tinuruan ako ni Manang Precy ten years old pa lang ako." Sagot niya. Minsan nagugulat ako sa kapatid ko eh. Nung 10 years old ako puro pogs at turumpo lang alam ko gawin. "Matikman nga kung masarap. Baka sunog naman yung niluto mo ah." Sagot ko. "Believe me Kuya. Makakain mo yan. Sa 3 years of experience ko ba naman sa kusina eh." Sagot niya. Binigyan ko lang siya ng mapanuring tingin at kumuha na ng pinggan. Kumuha ko ng konting fried rice at dalawang hiwa ng ham pagkatapos ay tinikman ko na. Masarap nga at saktong-sakto ang lasa. Aakalain mong matanda ang nagluto dahil tama yung measurements ng mga condiments. "Wow Kyle. Iba. Ang galling mo na magluto. Dinaig mo pa ko." Saad ko. "Thank you Kuya.Oo nga pala.Can you take me to the mansion before your meeting?" Sagot niya. "Oh hindi na after ng meeting ko? Bakit naman?" Sagot ko. "Uh. I just want to see mama and papa agad." Sagot niya. Mahihimigan mo sa kanyang boses ang excitement. Bigla kong naalala na si dad pala yung nagpatawag ng meeting. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. "Why Kuya? Cancelled ba ulit? Are they going to fly to Singapore again?" Saad niya. "No. Kasi bunso si papa yung nagpatawag ng meeting kaya I need to be there. Saglit lang naman ako. O kaya si Kuya Kenneth yung ayain mong maghatid sayo." Sagot ko. "Okay, Kuya." Sagot niya. Kumain nakami. Pagkatapos ko kumain ay naligo na ako at nagprepare para sa meeting. Pagkatapos ko magprepare ay bumaba na ako. Naabutan ko si Kuya sa sala na nagkakape. "Kuya, ikaw na maghatid kay Kyle sa mansion. May meeting ako kasama si Papa." Saad ko. "Sige-sige. Ingat ka." Sagot niya. Lumabas na ako ng condo unit naming at dumiretso sa parking lot. Sumakay ako sa Lamborghini ko na matagal ko nang hindi nagamit dahil palagi akong nakastuck sa kwarto ko at gumagawa ng plates. Pagdating ko sa kompanya ay minintain ko na ang cold image ko sa mga empleyado "Good morning Sir Ken." Bati ng isang empleyado. Tumango lang ako sa kanya. Pagdating ko sa engineering department ay dumiretso na ako sa conference room. Hindi ako nagdala ng plates dahil nasend ko na yung digital copy kay Papa. Unti-unting napuno ang mga upuan sa conference room. Engineering head at si Papa na lang ang hinihintay. Nagphone na lang ako habang naghihintay.

Elyse:

Ken, are you available this afternoon? They planned that we can take parts of the thesis and brainstorm later.

Me:

Sure. What time? Hapon pa naman yung due nung digital plate ko.

Elyse:

3 pm. Sa Coffee and Sweets Café yung malapit lang sa school.

Me:

Sige. See you there.

Binulsa ko na ang phone ko ng magbukas ang pinto. Unang pumasok ang engineering head at sumunod naman ay si Papa. Nagtayuan naman kami para magbigay galang. "Good morning." Bati ni Papa. "Good morning, Sir." Sagot naming. Umupo na kami ng makaupo na siya. "So what is this meeting about?" Saad ni Papa. "The meeting is about the progress in our Singapore office. Headed by Sir Ken." Sagot ng engineering head. "I already sent the updates on your email Sir. I will just summarize it for this meeting." Sagot ko. Ako pa hahanapan nila ng butas eh kahit ganto ko inaalam ko lahat ng pinatatrabaho sa akin. "The building is 90% done. Earthquake resistant concrete is used to build the building. The architectural team suggested to use an earthquake proof resistant concrete to build the walls to make our office earthquake resistant. So I agree to use it as concrete because it will not just make our office earthquake proof but also strengthen the walls to last longer. The interior design team already prepared for the internal design." Sagot ko. "Is that it?" Sagot ni Papa. "The office that got burned in Canada is already done. They just finished the renovation of the building two weeks ago it is now under the interior designs. That's it for me." Sagot ko. "Thank you, Ken." Sagot ni Papa. Hindi na ako kumibo pagkatapos ko magsalita. After the meeting ay bumaba na ako at pumunta sa opisina ni Ate. Pagbukas ko ng opisina niya ay nandun lang siya at nagtatype habang naka-earphones. "Yung Ate kong dating doctor office girl na ngayon." Saad ko. Bumaling naman ang tingin niya sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" Sagot niya. "Wala lang. Maaga daw yung meeting mo sabi ni Kyle eh." Sagot ko. "Yes. 8 am nandito na ako at nakikipagmeeting. Ikaw kumusta yung meeting mo with papa and the engineering team?" Sagot niya. "Ayos naman. Napasalita ako ng wala sa oras kasi sa akin inilipat nung enigineering team yung reporting. Buti na lang alam ko yung agenda nung meeting na yun at nakapagreport ako. Kundi katakot-takot na sermon nanaman aabutin ko kay Papa sa harap pa ng mga yun." Sagot ko. "Eh diba through email ka nagrereport sa kanya?" Sagot niya. "Oo. Pero trip ako nung engineering head kaya ako pinagreport niya." Sagot ko. "Mister Smith is always like that masanay ka na. Basta alam niyang ikaw ang head ng isang project ay talagang ikaw ang pagsasalitain niya. Hindi siya magbobother magsalita para sayo." Sagot niya. "How did you know? Nakasama mo na ba siya sa isang meeting?" Sagot ko. "Tuwing evaluation ng projects ganun siya. Teka nga, bakit nandito ka pa/ Diba ikaw ang maghahatid kay Kyle sa mansion?" Sagot niya. "Si Kuya Kenneth na, wala naman ata siyang meetings eh." Sagot ko. "Meron. Dinidiss niya lang. Nakuha pa nga niyan magbar nung nakaraan eh." Sagot niya. "Ahh. Tawagan mo na. Tanong mo kung naihatid niya na si Kyle." Sagot ko. Dito ko na lang sa office sasabihin para hindi na kami magbangayan sa bahay at maabutan ni Kyle na nag-aaway. "Is there something you want to say Ken?" Sagot niya. Mukhang natutunugan na ni Ate na may gusto akong sabihin kaya gumawa na siya ng move. Nagkibit balikat na lang ako.

Tinawagan na ni Ate si Kuya Kenneth. "Sa'n ka na?" Tanong ni Ate sa kausap sa cellphone. "Sige. Dumiretso ka dito sa opisina ko sa kompanya. May sasabihin ata si Ken. Dala ka pizza tsaka spaghetti. Nagc-crave kasi ko nun eh." Sagot ni Ate. Pagkatapos ng ilang minuto ay binaba niya na yung phone. Habang naghihintay kay Kuya ay nagpasya ko na magbukas na lang ng phone.Nagbrowse ako sa social media ko at nakita ko ang ilan sa mga nakita ko ay ang screenshots ng Q&A ni Vince sa mga readers niya. Kaya binasa ko na lang ito, baka sakaling may malaman pa ko about sa relationship nila.

The caption says Q&A with @DaVinciofwattpad aka David Writes

'SOMEONE: Are you courting Emily Writes? #ASKDAVID'

'@DaVinciofwattpad I'm not confirming anything but she's special to me. So special that I don't want to see her with another man.'

'SOMEONE: Kailan yung collaboration mo with Emily Writes? #ASKDAVID'

'@DaVinciofwattpad Soon... She's currently at hiatus and she's also outlining her upcoming series so soon. I don't want to mess up with her works right now.'

'SOMEONE: Do you know who plagiarized Emily's work?'

'@DaVinciofwattpad I do know but I will not comment anything about that issue cause it's a private matter.'

'SOMEONE: Who's your study buddy and what's your study hobby?'

'@DaVInciofwattpad you know who it is. We both listen to the songs of the k-pop groups we stan'

'SOMEONE: What is your ideal type of girl? Does she need to be a writer?'

'@DaVinciofwattpad it doesn't matter if she's a writer or not but I want a girlfriend who's working in a hospital.'

'SOMEONE: What is the hardest part of your writing journey?'

'@DaVinciofwattpad That is when I saw my buddy crying a river because her work got plagiarized it's like you're in the middle of the ER and almost all of the patients is dieing and you don't know what to do.'

As I read all the questions that have been asked to Vince I'm now at peace that she's with a guy who really loves her genuinely. Who listens to her rants and ready to shout her out at the world. Unlike me, I can't do it because my life is a mess. At least naounta siya sa taong alam kong aalagaan siya at papahalagahan. Siguro nga ito na yung binigay niyang sign na i-let go ko na siya kasi maayos na yung buhay niya at kung babalik pa ako ay makakagulo lang ako sa buhay niya. She got the better version of herself with Vince and that's enough for me to know that she already got over me while me I'm still stock here in the USA looking at our old photos together and still admiring her beauty. I miss so much but there's no room for me to feel that cause I drag her to my mess. Masakit makitang may kasama siyang iba pero mas masakit kung ikaw mismo ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.

Pagkatapos ng isang oras ay dumating na si Kuya Kenneth. Inayos niya sa coffee table yung mga pagkaing dala niya. "Ano ba yung plano niyo at tinawag niyo ko dito? Mawawalan na ba tayo ng mana?" Saad niya. "Tanga hindi! Si Ken ata yung may sasabihin." Sagot ni Ate habang kumukuha ng plato sa maliit niyang panrty dito sa opisina niya. "Kumain muna kayo." Sagot ko at kumuha ng pizza. Bumibwelo pa ko kung paano ko sasabihin. "What? May blonde girl ka nang dinedate? Or payag ka na sa engagement mo with Ana?" Saad ni Kuya. "No! Hindi ako papayag dun sa kasal na yun 'no! Tsaka wala kong blonde hair na dinedate. Baliw ka ba Kuya?" Sagot ko. "Sa gwapo kong 'to mukha ba kong baliw?" Sagot niya. "Hindi nga baliw. Psycopath lang." Sagot ni Ate. "Number one basher ko talaga kayo. Buti pa si Kyle palagi akong kinocompliment." Sagot niya. "Syempre ginayuma mo." Sagot ko. "Wag mo nilalayo yung topic, Ken. Ano yung gusto mong sabihin?" Sagot naman ni Ate. "Don't judge me of what I am going to tell you." Sagot niya. "Oo naman. Kung ano pa man yan papakinggan ka namin. Kami yung nakakatanda sayo eh. Bilang mas matanda sayo bibigay naming yung pinakamakabuluhang payo na alam naming." Sagot ni Ate. Umandar nanaman yung Nanay instinct niya. Minsan nalilito na ako kung sino nanay ko eh. Kung si Kassandra Ellaine ba o si Andrea eh. "Basta ako makikinig na lang ako sa guidance counseling niyong dalawa dahil wala naman akong maituturo sayo kundi pambabae you should learn from the pro." Sagot naman ni Kuya Kenneth. Hindi ko magawang matawa sa joke niya dahil seryoso na si Ate. "Ate, do you remember the night that I talked to you about the plagiarism issues of Emily and Sandra?" Sagot ko. "Yes. What about that?" Sagot niya. "Days after that Sandra told me a deal. That I should give her 1 month to make me fall. I'm at the middle of saying yes because it's the first step that I could do to make myself forget Emily and no because she's her best friend." Sagot ko. Hindi naman sila nakasagot agad. Naibaba na lang ni Ate yung pizzang kinakain niya sa sahig dahil sa sobrang gulat samantalang si Kuya Kenneth naman ay nabagsak ang phone niya.

"What?" Sagot ni Kuya. "Ulit-ulit tayo Kuya?" Sagot niya. "Alam kong babaero ko, Ken at kakasabi ko lang na pambabae lang ang maituturo ko sayo pero ang gumamit ng ibang babae para makalimot ay hinding-hindi ko gagawin. Kasi may kapatid akong babae at ayaw kong mangyari yun kay Ate. Isa pa hindi magandang halimbawa yan kay Kyle? Gusto mo ba na ang matutunan ni Kyle ay ang pilitin ang sarili niyang magmahal ng babaeng di niya mahal? Gusto mo bang manakit siya ng ibang babae para lang makalimot? Para na lang din nagpakasal kay Ana kapag um-oo ka kay Sandra. Yes, andun na tayo sa point na desperado na talaga si Sandra para sayo but you shouldn't take advantage of it. Hindi palaging kung sino yung nauna siya ang pinipili. Ganun kasi ang paniniwala niya eh. Kasi diba kayo ni Sandra ang unang nagkakilala bago kayo ni Emily? Isa pa Ken! Magkaibigan sila! Tuluyan mo na ba talagang sisirain yung friendship nila? Ken, kahit kalian hindi babae ang sagot para makalimot. Magfocus ka sa pag-aaral at yung webtoon mo ba yung pinagd-drawing mo? Magfocus ka sa mga yun! At maging better ka sa sarili mo para kapag nagkita ulit kayo ni Emily kung magkakabalikan man kayo mapapanindigan mo na. Pakita mo kila Mama na kaya mong umunlad ng hindi kasama si Ana. Kung ang gusto mo eh gawing option si Ate ng lalaking mahal niya at kung gusto mong tularan ka ni Kyle then sige! Um-oo ka kay Sandra. Hindi man tayo naging perpektong kapatid kay Kyle maging role model man lang tayo sa kanya kahit sa larangan na lang ng pag-ibig." Sagot ni Kuya. Marunong pala magadvice ang mokong na 'to na akala mong pro na sa pag-ibig. "Oo nga, Ken. It can influence Kyle if you will say yes. Siguro nalilito lang si Sandra kasi as you said nainvolve ka sa break up nila ng ex niya. Baka he found the comfort in you at inakala niyang nahulog na siya sayo yun pala nalilito lang siya sa feelings niya. Yung feelings na para sa ex niya sayo niya naibuhos kaya akala niya mahal ka niya kaya naging desperada siyang makuha ka in a romantic way. You shouldn't let her be blinded by that thought. Wag mo na dagdagan yung pagkabulag niya sa thought na yun. Kasi once na pumayag ka sa gusto niya tatanim na sa utak niya na gusto mo din siya wich is hindi naman. At wag mo ding lokohin ang sarili mo na kaya mo nang magmahal kahit hindi pa naman kaya. Tandaan mahirap mahalin ang taong hindi pa tapos magmahal ng iba. Parehas lang kayong mahihirapan at maglolokohan kapag pinush niyo yang deal na yan." Sagot naman ni Ate. "Pero Ate, baka siya na yung isang way para makalimutan ko si Ems." Sagot ko. "Ken, hindi sagot ang jowain ang kaibigan ng ex mo para makalimutan siya." Sagot ni Ate. "Pero Ate, ayokong makasakit ng feelings niya." Sagot ko. "Sige bulagin mo pa sarili mo sa ganyan, Ken. Wag mong paniwalain yung sarili mo na kaya mo siyang mahalin kasi ang pag-ibig hindi pinipilit yan. Kusang binibigay yan at hindi hinihingi. Hindi ka pwedeng mamuhay na lang sa motto na give chance to others kasi kung ganun lang naman ang thinking mo paulit-ulit ka lang maloloko." Sagot niya. "Oo Ken. Ate's right. Sana natauhan ka sa mga sinabi namin sayo." Sagot naman ni Kuya. "Sana makapagdesisyon ka ng tama sa tulong ng mga advice naming." Saad ni Ate habang kumakain ng pizza. Nilinis naman ni Kuya yung nahulog na pizza ni Ate kanina. "I didn't imagine that you'll advice me like a mother and father. Thank you for listening to me when I need someone to listen to." Sagot ko. "Tandaan mo Ken, babaero lang 'tong kuya mo pero kapag kailangan mo ng seryosong advice tungkol sa pag-ibig sabihan mo lang ako. We can have a guy talk." Sagot ni Kuya. "Hindi ko nga expected na mag-aadvice ka ng ganun eh." Sagot ko. I never expected that Kuya will be as mature as that kasi nasanay ako na palagi siyang nagjojoke o kaya palaging happy lang yung vibes. Yung magkapatid kayo pero parang tropa lang, ganun yung turingan naming sa isa't isa. Tama yung desisyon ko na wag muna magdesisyon ng hindi sila kinakausap.

Pagkatapos ng pag-uusap namin nila Ate ay umuwi na muna ako sa condo para magpahinga at ituloy yung remaining digital plates ko. Matagal pa naman bago yung 3 pm kaya ginawa ko muna yung iba kong deadline. Nang mag 3 pm na ay naghanda na ako ng sarili ko para magpunta sa meeting place nung brainstorming namin. Casual clothes lang ang sinuot ko dahil brainstorming lang naman. Simpleng black shirt lang at jeans ang sinuot ko. Nlagay ko sa back pack na dala yung laptop at ipad ko. Pagbaba ko ay nakita ko si Ate at Kuya na nagtatrabaho. Napalingon naman sa akin si Kuya at sinuri ang suot ko. "Saang libing punta mo, Ken? Mukha kang namatayan sa outfit na yan." Saad niya. "Sa libing ng utak ko kasi may brainstorming kami ngayon para sa thesis. Malapit na mag-end yung first semester eh." Sagot ko. "RIP sa brain mo." Sagot niya. "Wag mo papadala sa bagyo ha." Sagot naman ni Ate. "Sige na baka malate ako." Sagot ko. Pagdating ko dun ay nandun na silang lahat kaya nagsimula na kami. Nilabas ko na yung laptop at ipad ko. "What is our thesis about?" Tanong ko. "Buckling analysis of isotrophic rectangle plates using Ritz Method." Sagot ni Annie. "Okay." Sagot ko at nagsearch na sa google tungkol dun. Nagsimula na din kaming magbrainstorm. Paminsan-minsan ay nagsheshare din ako ng ideas ko. Pagkatapos ng dalawang oras na brainstorming ay naghatian na kami sa parts at intro ang napunta sa akin. "Yeah. I'll do our introduction. When is the deadline?" Sagot ko. "About 2 weeks from now." Sagot ni Elyse. "Okay. I just can't send it right away because I'm also under training of our company." Sagot ko. "Yeah it's fine. We can just talk about it through chat. Just message us if you can't think of ideas on it." Sagot ni Jenny. Tumango lang ako at nagligpit na ng mga gamit. "I got to go guys. I have some pending plates to do." Paalam ko. "Yeah you can go. Thank you." Sagot ni Elyse. Tumango lang ako at umalis na ng café.

Pagdating ko sa condo ay nakita ko si Kyle na nakaupo sa sala at may ginagawa sa laptop niya. "May school works ka?" Tanong ko. "Yes, Kuya. Alam mo ba 'to?" Sagot niya at hinarap sa akin yung laptop. Radius lang pala 'to eh. Madali lang. "Madali lang yan. Ganito..." Sagot ko at tinuro na yung operation sa kanya. "Thank you, Kuya. Mas naintindihan ko na." Sagot niya. "Welcome. Teka nga bakit ka nandito eh diba dapat nas mansion ka?" Sagot ko. "Ayoko dun. Nagpasundo na ako kay Kuya Kenneth kasi busy din naman sila." Sagot niya. Mararamdaman mo ang pagkabigo sa boses niya. "Ano ba gusto gawin ng bunso namin? Saan mo gusto magpunta?" Sagot ko. "Wala naman akong gustong puntahan Kuya. I just want a little bit of their time. You know. Ever since I was in the Philippines I always ditch the family day because I don't have a family with me. Every issuance of cards my teachers sometimes ask me why Manang Precy always gets my card or sometimes one of our maids. Every time I go to school I always see my classmates send to school by their parents while me I'm alaways sent by the driver alone. Some of my classmates bullied me because I don't have my parents even my siblings with me." Sagot niya. Nalulungkot ako para sa kapatid ko dahil sa murang edad nararanasan niya ang mga ito. "Sorry Kyle. We left you at a very young age. I didn't know you are having a hard time because that time I'm also going through something. I always thought about myself that I forgot that I have a younger sibling. Sorry Kyle nagkulang si Kuya sayo." Sagot ko. Hindi ko inisip na ganito na pala yung nararamdaman ng kapatid ko habang ako nagpapakalango sa alak at hindi na inaalala na may kapatid ako. "Ok lang ako Kuya. I understand you because you are also hurting. Magbihis ka na nga Kuya. Ang drama natin para tayong bading." Sagot niya. Tinawanan ko lang siya at umakayat na sa kwarto ko. Habang nagbibihis ay sumagi naman sa utak ko ang rejection ko kay Sandra. Hindi ko alam paano sisimulan na sasabihin ko sa kanya. Pagkatapos kong magbihis ay humiga na muna ako sa kama ko at tumingin sa ceiling ng kwarto ko. Iniisip kung ano nga bang sasabihin ko. Kinuha ko ang phone ko sa side table ko at tiningnan kung active na ba si Sandra. Nang makitang active siya ay agad ko siyang chinat.

Me:

Morning Sandra.

Sandra:

Morning Kuya. Do you have a decision na ba?

Me:

Do you have class today?

Sandra:

Hmmm. Wala naman. Cancelled yung classes naming today. Why?

Me:

Call me after lunch. I will tell you my decision.

Pagkatapos naming mag-usap ay bumaba na ako para magluto. Matagal na akong hindi nakakapagluto eh. Nasa sala pa rin si Kyle at naglalaptop. "Kyle, ano gusto mong kainin? Magluluto ako." Tanong ko. "Tama ba yang naririnig ko? Magluluto ka, Ken?" Saad naman ni Ate. "Oo, Ate. Ano ba gusto niyo kainin?" Sagot ko. "I want some carbonarra." Sagot ni Kyle. "Yeah. Ako din.Nagc-crave ako sa carbonarra." Sagot ni Ate. "Carbonarra then. Mag-grocery na ako." Sagot ko. "Sama ko." Sagot ni Ate. "Walang kasama si Kyle." Sagot niya. "Problema ba yun? Edi sama natin siya. Siguradong buryong-buryo na siya dito." Sagot niya. "Nope. Ayoko. May school works pa ako." Sagot naman ni Kyle. "Sure ka bang dito ka lang? Pwede ka naman sumama sa amin." Sagot ko. "Okay lang Kuya. Marami pa talaga kong gagawin." Sagot niya. Tumango na lang ako. Lumabas na kami ni Ate ng condo unit namin. "Have you decide na ba?" Saad ni Ate habang nasa elevator kami. "Yes." Sagot ko. "Sana tama yang decision mo." Sagot niya. "Thank you Ate." Sagot ko. "Thank you? Bakit ka nagt-thank you?" Sagot niya. "You helped me a lot in my decision making." Sagot ko. "Of course. It's my duty to advice you as your older sister." Sagot niya. Tumunog na ang elevator kaya bumaba na kami sa parking lot. Sumakay na kami sa kotse ko. Habang nagd-drive ay naalala ko nanaman yung sinabi ni Kyle sa akin. "Buti na lang kinuha na natin si Kyle, Ate." Saad ko. "Plano naman na natin yun bago ka grumaduate ng Senior high diba?" Sagot niya. "Oo nga pero may nasabi siya sa akin kanina." Sagot ko. "Ano?" Sagot niya. "I asked him why he's already there. He should be with Mama and Papa right now. Pero ang sabi niya ay busy pa rin daw sila. He just wants some of their time. Nung nasa Pilipinas pa daw siya nabubully daw siya dahil hindi niya kasama yung parents niya at yung mga kapatid niya. Tapos tuwing kuhanan daw ng card tinatanong siya ng mga teachers niya kung bakit si Manang Precy o kaya ibang maids ang kumukuha ng card niya." Sagot ko. Hindi naman agad nakasagot si Ate dahil sa gulat. "H-hindi ko napansin na ganun na pala ang nararamdaman niya kasi he rarely talk to me about that. He never shared that to me." Sagot niya. "I think we should have a break from everything and bond with him more. Para mabawi yung ilang years na hindi natin siya nakasama." Sagot ko. "Oo nga. Ang dami nating pagkukulag bilang kapatid sa kanya." Sagot niya. Pagdating naming sa supermarket ay kinuha lang namin yung mga ingredients ng carbonarra at ilang gamit ni Ate. Bumili na din kami ng ice cream. Pagkatapos namin magbayad ay bumalik na kami sa condo unit namin. "Ate, pakilagay na lang muna sa ref yung ice cream." Saad ko. "Sige. Kyle! Tulungan mo si Kuya Ken mo magluto!" Tawag ni Ate kay Kyle na nasa sala at nanunuod ng anime. Pinause niya muna yung pinapanuod at pumunta na sa akin sa kusina. "Nasan na yung mga hihiwain Ate?" Sagot ni Kyle. Tinuro naman ni Ate yung plastic bag kung saan nakalagay yung mga pinamili naming sangkap. Kinuha naman ni Kyle yung kutsilyo at sangkalan. "Sigurado ka bang alam mo maghiwa Kyle? Baka kamay mo ang mahiwa mo ah." Saad ko. "Marunong ako Kuya. Paano ka magluluto ng fried rice kung walang minced garlic?" Sagot niya na akala mong pro na sa pagluluto. "Magtiwala ka kay Kyle, Ken. He learned from the pro." Sagot naman ni Ate. "Nako sinasabi ko sayo Ate. Pag yan nahiwa ikaw na magdala sa hospital. Alam mo namang ayoko dun eh." Sagot ko. "Dami mong sinasabi Kuya. Magsalang ka na lang ng pasta." Sagot ni Kyle. Wala akong nagawa kundi ihanda na lang yung paglulutuan ng pasta. Pagkatapos kong maihanda yung pagpapakuluan ng pasta ay hinanda ko naman ung oan kung saan ko igigisa yung sauce. Pumunta na ulit ako sa dining area kung saan naghihiwa si Kyle. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Sobrang focus niyang naghihiwa ng sibuyas. Nahiwa niya na nga yung ham at garlic. Matapos niyang maghiwa ay nilagay niya na sa plato yung mga hiwang sibuyas. "Ayan na Kuya. Tapos na. pwede mo na igisa. Balik na ko dun. Manunuod na ako anime." Saad niya. "Thank you. Tatawagin na lang kita kapag tapos na." Sagot ko. "Sige Kuya." Sagot niya. Matapos kong magluto ay tinawag ko na si Kyle para maghain at kakatukin ko na lang sila Ate at Kuya. Una kong kumatok sa kwarto ni Ate. "Ate, kain na." Saad ko. "Sige! Sunod na ako!" Sagot niya. Sumunod naman akong kumatok sa kwarto ni Kuya. "Kuya, kain na! Bumangon ka na diyan!" Tawag ko. "Geh! Susunod na lang ako!" Sagot niya. "Hindi pwedeng pinaghihintay ang pagkain! Magsilabas na kayo diyan!" Sagot ko at bumaba na. "Kuya, tapos na ako maghain." Saad ni Kyle. "Sige. Hintayin na lang natin si Ate at Kuya." Sagot ko. Hindi rin nagtagal ay bumaba na si Ate at Kuya. Umupo na sila sa kanya-kanya nilang pwesto. Nagsimula na kaming kumain.Habang kumakain ay naisipan kong buksan ang topic tungkol sa bakasyon. "Saan niyo gusto magbakasyon this year?" Tanong ko. "Libre mo?" Sagot ni Kuya. Kahit kalian talaga 'tong si Kuya. Mukhang libre ang loko. "Oo. Libre ko bakasyon this year wag ka mag-alala Kuya." Sagot ko. "I'm thinking of Japan or Korea. Or maybe let's go back to Philippines." Sagot ni Ate. "Ikaw Kyle? Any suggestions?" Sagot ko. "Hmmm. Thailand or Japan." Sagot niya. "Japan na lang." Sagot ni Ate. "Yeah Kuya. Japan na lang. Bibili ko madaming figurines ng anime." Sagot ni Kyle. "Lagasin mo bank account ng Kuya Ken mo, Kyle. Masyado na siyang matipid eh." Sagot ni Kuya Kenneth. "Japan then." Sagot ko. "After first sem mo na lang Ken. Halos sabay lang naman yung bakasyon niyo ni Kyle eh." Sagot ni Ate. "Eh kailangan ng parents consent ni Kyle. Ayusin niyo na lang." Sagot ko. "Sige. Ako na bahala sa parents consent ni Kyle." Sagot ni Ate. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na sila Ate at Kuya. "Kuya Ken, nood tayo anime." Saad ni Kyle. "Sige. Saglit lang. May kakausapin lang ako." Sagot ko. "Baba ka ulit Kuya ah." Sagot niya. "Oo." Sagot ko. Umakyat na ako sa kwarto ko.

11 pm na siguradong lunch time na sa Pilipinas kaya hinihintay ko na lang yung tawag sa akin ni Sandra. Habang naghihintay ay kinuha ko yung ipad ko para magdrawing ng webtoon ko. After a few minutes ay nagring na nag phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Sandra na pala. Sinagot ko na ito. "Hello Kuya. Kumusta?" Bati niya. "I'm fine. You? How's your day?" Sagot ko. Chill muna ang simula ng usapan para hindi siya mabigla sa sasabihin ko. "Okay naman. Have you decide na ba?" Sagot niya. Buumuntonghininga muna ako bago sumagot. "Yes. Nakapagdesisyon na ako." Sagot ko. "So? Ano yung decision mo?" Sagot niya. "I'm sorry, Sandra but I can't. Hindi ko kaya yung deal mo. Ayokong gumamit ng ibang tao para makapag-move on ako." Sagot ko. Hindi ko na 'to pwedeng isugar coat dahil lalo lang siyang masasaktan kung hindi ko pa dederetsohin sa kanya. "P-pero b-bakit? Mahal naman kita. O-okay lang naman ako k-kahit ako l-lang y-yung n-nagmamahal eh." Sagot niya. Nagsimula nang tumulo ang luha niya. Hindi ako nakasagot sa kanya. "Kuya, masaya naman siya kay Vince. She's happy without you." Saad niya. "I know... But that doesn't mean that I will use you to forget her." Sagot ko. "W-why? A-am I not enough for you to love me? D-do I need t-to write poems about y-you? D-do I need t-to b-be a writer for you to accept m-me?" Sagot niya. "You don't need to be her for me to accept you because I already accept you for who you are. You don't need to change for me. I accept you as my friend. No one can change her from my heart." Sagot ko. "But she already replaced you." Sagot niya. "I'm fine with that as long as she's happy with the one she replaced for me." Sagot ko. "She's happy without you." Sagot niya. "Yes I know. I'm happy that she's happy with Vince." Sagot ko. "Please Kuya. I really love you." Sagot niya. "No you don't love me Sandra. You're just confused. You still love Ivan but you're forcing yourself to make you belive that you love me. Hindi kayo tatagal ni Ivan ng halos 5 years kung hindi mo siya mahal. Sigurado ako mahal na mahal ka pa rin ni Ivan kaya nagkusa siyang umalis dahil alam niyang mas sasaya ka sa iba. Pero ikaw ba? Kapag nakita mo siyang may kasamang iba sasaya ka ba? Kasi ako hindi eh. Ang swerte niyo nga ni Ivan nakaabot kayo ng 5 years. Kami ni Ems, 2 or 3 weeks lang ata." Sagot ko. Napatingin na lang siya sa baba sa narinig niyang sagot sa akin. "You can fool your mind but you can't fool your heart. I can see it through your eyes. You still love him. You only found the comfort in me." Saad ko. Alam kong mahal pa niya si Ivan kahit hindi niya sabihin sa akin. "I'm too late Kuya. Sumuko na siya sa amin." Sagot niya. "Kung sa tingin mo sumuko na siya sa inyo ikaw naman ang kumapit. Subukan mo siya kausapin." Sagot ko. "Nakablock na ako sa lahat ng accounts niya." Sagot niya. "Humanap ka ng ibang paraan para makausap siya." Sagot ko. "Hindi ko na alam Kuya. Napapagod na ako." Sagot niya. "Magpahinga ka na bukas na lang tayo mag-usap." Sagot ko. "Bye Kuya. Ingat ka. Thank you sa sermon." Sagot niya. "Welcome. Good morning???" Sagot ko. "Good night Kuya." Sagot niya at binaba ang tawag.

Bumaba na ako ulit sa sala. Kumakain na ng ice cream si Kyle. "Kuya, tagal mo naman. Nagutom na ko." Saad niya. "Sorry. Kinausap ko pa kasi yung classmates ko tungkol sa thesis naming. Ano ba papanoorin natin?" Sagot ko. "Attack on Titan Season One." Sagot niya. "Okay." Sagot ko at nilagay na sa Netflix. "Anong episode ka na ba?" Sagot ko. "Episode one. Di ko pa nasimulan kasi ang daming ginagawa sa school." Sagot niya. "Ahhh. Sige. Kukuha muna ko kutsara ng makakain din ako ng ice cream. Dapat dessert yan kanina eh nakalimutan na namin ni Ate." Sagot ko. Kumuha na ako ng kutsara at bumalik na sa sala. Nakita kong inaayos ni Kyle yung sofa bed namin. Nakapause pa yung pinapanood naming. Pagkatapos niya magayos ay umupo na ulit siya hawak ang tub ng ice cream. Nanuod na kami buong gabi hanggang sa makatulog kami.


A/N: Good morning Bemskies! Rise and shineee! This is just one POV cause it's meant to be a chapter for Ken and Sandra. Happy 48 followers sa akin! Unti-unti na kayong dumadami Bemskies! Thank you for reading and supporting me! Please vote, comment, and recommend my story to your friends. We're down to our last 10 chapters and we're saying good bye to our book 2. You're Still The One is coming soon! So stay tune! Thank youuuu! Love you Bemskies! Wag magpupuyat katulad ng ginagawa ko HAHAHAHAHA. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top