CHAPTER 3: PROBLEM STRIKES
Ken's POV
I was busy doing my research when my phone rings. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Ate Kass. Bakit kaya? Alam niya namang late na dito. Tsaka may trabaho pa siya sa hospital. Agad ko na lang sinagot at binaliwala ang mga tanong sa aking isipan. "Hello Ate Kass. Bakit? I am doing my research." Sagot ko. "May problema sa company natin." Sagot niya. "Anong problema?" Sagot ko. "Sinabotage daw yung isa sa mga biggest client natin." Sagot niya. "Sabotage? Bakit? Tsaka sino may pakana?" Sagot ko. "Di pa alam pero lilipad ako diyan next week para alamin." Sagot niya. "Nagtatrabaho ka na sa company?" Tanong ko. Parang last last year pa lang ata grumaduate ng business management si Ate sasabak na agad sa company. Buti na lang at nagengineering ako kung pati ako nag business course eh baka pare-pareho lang kaming maging bossy. "Nope. Pinapaayos lang sakin yung gulo ni Papa. I can handle it naman. I'm having my training there in my first semester pa lang ng school year. Diyan na lang ako sa condo niyo magsstay para tipid." Sagot niya. Kahit kailan umiiral pagka-kuripot niya. Agad pumasok sa isip ko si Kyle. "Paano si Kyle?" Sagot ko. "I'll take him with me. Matanda na si Kyle kaya niya na magbiyahe. For pete's sake Ken 11 years old na si Kyle. Binata na kaso di ko pwede iwan kila Manang dahil baka tumakas nanaman. Mabuti nang sure at baka mawala pa. Tsaka namimiss niya na kayo." Sagot niya. "For pete's sake Ate nag-aaral siya. Di ba pwedeng ikaw na lang ang magpunta dito?" Sagot ko. "Siya nagpumilit okay? Namimiss niya na daw ang Kuya Ken at Kenneth niya." Sagot niya. "Nice excuse Ate. Ginawa mo pang bakla si Kyle." Sagot ko. "Totoo nga Ken. Ayaw mo maniwala? Tawagan mo siya." Sagot niya. "Hay nako Ate. Busy ako bukas na. Palagi naman kami magkalaro nun sa ml." Sagot ko. "Ayan na nga bang sinasabi ko Ken eh! Tinuturuan mo pang magpuyat yun! Kung di pa papatayan ng Wifi hindi pa matutulog ng maaga. Natakasan pa nga ko at nagpapaload pala ang loko." Sagot niya. "Ganun talaga mga gamers. Hindi man kami BDO pero we find ways." Sagot niya. "We find ways daw pero balita ko may umaaligid na sa EX-GIRLFRIEND MO." Sagot niya na pinagdidiinan ang salitang 'EX'. Natahimik ako sa sinabi niya."Sino daw? Wala na akong balita eh." Sagot ko. "Well according to sources si Vince daw." Sagot niya. "Saan mo naman nakuha yang chismis na yan?" Sagot ko. "SavvFam tsaka Vinceters. Bro, sikat na EX mo." Sagot niya. "SavvFam?? Vinceters? Sino yon?" Sagot ko. Hindi ko alam kung sino yung mga sinasabi ni Ate. "Mga readers nila. Shiniship sila pareho dahil palaging magkasama si Vince at Emily kahit nasa Singapore na silang pareho." Sagot niya. "Natural Ate. Nursing students sila pareho eh." Sagot ko. "Part pa rin ba ng pagiging nursing students nila na isurprice ni Vince si Emily ng celebration para sa 200k reads ng first book niya wich is ikaw yung main character? Sa huling pagkakaalam ko sa nursing eh pag-aalaga ng tao ang itinuturo at pag-aasist ng mga doctor." Sagot niya. "Ate, stalker ka ba? Bakit updated ka sa buhay nila eh its been ages since we broke up. Hindi ko na nga rin nakakausap yung mga kaibigan namin eh. Tsaka Ate malay mo friends lang." Sagot ko. Di ko malaman kung stalker ba siya o loyal reader lang ni Ems. "Hindi ako stalker. Loyal reader lang ni Ems. Mas gumanda nga yung mga story niya nung nagbreak kayo eh. Naging brand niya talaga yung romance even though some of her stories didn't end in a happily ever after but there's always her second lead na na nakakatuluyan nung bida. May friends bang may pagmamahal sa mata kapag nagtitinginan?" Sagot niya. "Ede wow Ate. But honestly I'm proud of what she become after our break up." Sagot ko. "I heard bitterness through your voice? Bakit? Mahal mo pa?" Tanong niya. "Hindi na. Kakasal na ko one of these days Ate. Hinihintay ko lang yung go signal nila Mama para sa kasal." Sagot ko. Yun lang naman ang hinihintay ko kaya nandito ko sa NYC eh. Pinapatagal pa dun rin naman pupunta. "Ken, mouth can lie but your heart doesn't. I know deep inside you still love Emily. Hindi mo siya lalasingan at iiyakan kung di mo mahal. At the way you said earlier na proud ka it sounds bitter. Parang indirect mong sinasabi saking na dapat ako yung nagsusurprise sa kanya sa mga achievements niya at ako dapat yung kasama niya sa mga achivements niya ngayon." Sagot niya. True to what she said pagdating namin dito sa New York hindi ako nagpahinga dumiretso agad ako sa bar at naginom. Pinagsisihan ko agad yung nangyari sa amin ni Ems. "Oo na Ate. Sige na, itutuloy ko pa yung research ko. And Ate nakaduty ka ba? Nakikipagdaldalan ka kasi sakin eh." Sagot ko. Masyado na kasing matagal itong phone call. "Nasa company ako ngayon. Nandito ko sa office ko. Mamayang hapon pa ko sa hospital." Sagot niya. "Ate baka naman inoover-work mo na yang sarili mo. Magpahinga ka din ah. Stressful na nga sa hospital inaayos mo pa yung gulo ng company. Uso pahinga Ate, kung nandiyan lang ako binatukan na kita eh." Sagot ko. "Oo. Nagpapahinga naman ako. Ituloy mo na yang research mo. Mag-aral mabuti. Bye!" Sagot niya at binaba ang tawag. Tinuloy ko na ang research ko. Matapos kong makumpleto ang research ay ginawa ko na ang night routines ko. Ewan ko kung baklaan yung skin care pero meron ako nun para mawala yung pimples at eyebags ko. Ng matapos ako sa skincare ko ay natulog na ako. Kinaumagahan maaga ako gumising para makapagluto ng breakfast namin. Ng bumaba ako ay may amoy na mabango galing sa kusina. Siguro si Kuya na ang nagluluto ng breakfast. "Good morning bro! Ako nakatoka sa kusina ngayong week diba?" Sagot niya. "Ha? Friday pa lang Kuya kaya dapat ako. Nadisorient ka ata sa araw." Sagot ko. "Ay sorry. Pero ayaw mo nun? Mag-uurong ka na lang. Tsaka alam ko namang pagod ka sa research mo." Sagot niya. "Mabuti alam mo. Oo nga pala, alam mo ba yung problema sa company?" Tanong ko. "Ah yung nasabotage na project. Oo. Kami ni Ate Kass ang nautusan na mag-ayos." Sagot niya. "Eh side ba natin yung problema or sa side ng client?" Sagot ko. "Di pa namin alam ni Ate Kass. Pagdating nila dito ni Kyle next week pupuntahan namin yung sight." Sagot niya. "Kailan daw flight nila?" Tanong ko. Hindi ko kasi naitanong kung kailan flight niya. "Sunday daw." Sagot niya. "Ano? Eh paano si Kyle? Sino magbabantay dito sa condo? Hindi naman pwedeng si Ana kasi alam mo namang walang alam sa mundo yun." Sagot ko. "Si Ate Kass na bahala dun." Sagot niya. "Sige na nga. Kain na tayo." Sagot ko at naghain na. "Ken, pagsabihan mo nga si Ana. Late nanaman umuwi kagabi, lasing pa." Sagot niya. "Wala ata silang class kaya hayaan mo na. Choice niya naman yun eh. Pero pagsasabihan ko na. Baka napapabayan na yung studies." Sagot ko. Naputol ang pag-uusap namin dahil pumasok si Ana sa kusina. "Ken, can I have a favor?" Aniya. "Anong favor naman yan Ana?" Sagot ko. "Can I seat in with you in your classes?" Sagot niya. "Ha? Seat in with my class? For what?" Sagot ko. "For research purposes." Sagot niya. "Research? Eh diba kakatapos mo lang sa isang research niyo?" Sagot ko. Dami namang research nito. "Baka kasi research about you bro." Singit ni Kuya Kenneth sa usapan. "No. Kung ganun lang purpose mo Ana. And wala kayong class today diba?" Sagot ko. "Kaya nga, I want to go with you eh. I wanna know how engineers have their classes." Sagot niya. "Just like your classes but different topic." Sagot ko. "Eh I want to know nga kasi." Sagot niya. "Well I don't want you with me. I need to focus in my classes. I can't focus when you're around because you kept on asking things." Sagot ko. Alam ko na kapag pumayag ako sa gusto niya tatanungon niya ako ng tatanungin about each and every subject at mahihirapan ako makinig for sure. "Okay. Sabi mo eh. I'll hang out na lang with my friends." Sagot niya. "Sana all naghahang-out. Kami kasi madedrain na yung utak sa mga inaaral." Singit ni Kuya Kenneth. "Well us too. So many plates to do." Sagot ni Ana. "May plates ka palang gagawin, bakit di na lang yun ang gawin mo kesa makihang-out sa mga friends mo." Sagot ko. "I want to chill okay? And besides its weekends naman tomorrow. Pwede kong gawin bukas." Sagot niya. "Procrastinate pa Ana. Tapos mamaya uuwi ka nanamang lasing. Akala mo hindi ko alam na late kang umuwi kagabi? Bilang fiancee mo gusto ko ayusin mo yung buhay mo. Hindi lang naman ako yung magsusuffer kapag bumagsak ka eh. Ikaw naman yung mahihirapan. Hindi sa lahat ng oras nasa side mo ang fate ng mundo kaya dapat matuto ka." Sagot ko. "Okay. Stop it. You're sounding like Dad." Sagot niya. "I may sound like Tito but honestly I cared for your future." Sagot ko. Di ko alam kung ano nagtulak sa akin na sabihin yun pero totoo yun. Kasi hindi naman habang panahon nakadepende siya sa mga magulang niya. "Of course you care because you will be part of it." Sagot niya. "Nothing's sure in this world Ana." Sagot ko at niligpit na ang mga pinagkainan namin. Ako na lang ang mag-uurong dahil si Kuya na ang nagluto. Matapos ko urungan yung mga pinagkainan namin ay umakyat na para magtoothbrush at kunin ang mga gamit ko. Matapos ay bumaba na ako para makapasok na sa school. Pagkarating ko sa school ay dumiretso agad ako sa first class ko. Nakikinig ako at nagtetake down notes sa phone ko ng may nagnotify na message sa akin.
Kenneth Lizardo sent a photo.
Agad kong binuksan ang notification na sinend sa akin at nakita kong isa ito sa hotel project namin at malaki ang damage ng parang pagsabog.
Me:
Nandito na si Ate Kass?
Kenneth Lizardo:
Oo. Pinagrush siya nila Papa hindi niya na rin naisama si Kyle.
Me:
Puntahan ko siya after class.
Kenneth Lizardo:
Hindi ako nakapasok dahil kinailangan ko sunduin si Ate Kass at samahan siya sa sight.
Me:
Sige. Pupuntahan ko yung sight. I think malapit lang yan dito.
Kenneth Lizardo:
Okay.
"Mister Lizardo, why are you using your phone during my class?" Ani ngProf. "I'm sorry professor but I'm taking down my notes." Sagot ko. "Well I don't tolerate it in my class. You better use your laptop or notebooks." Sagot niya. "Okay. I'm sorry Prof." Sagot ko at inilabas na lang ang Ipad ko para dun na lang magtype ng notes. Hindi ko ginagamit ang laptop ko dito sa school dahil baka may makakita nung wallpaper ko. Si Ems kasi yung wallapper ko and baka sabihin pa ng mga galamay ni Ana sa kanya na si Ems pa rin ang nakalagay dun at ibalita pa kay Mama. After ng mga classes ko ngayong araw ay agad kong tinawagan si Ate Kass. "Hello Lil bro." Bati niya. "Nasaan kayo?" Sagot ko. "Nandito na kami sa condo. Wala dito yung fiancee mo." Sagot niya. "Sige uwi na ako." Sagot ko at naglakad na papunta sa parking lot. Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive pauwi. Pagkadating ko sa condo inabutan ko silang dalawa na naglilinis. Mukhang may nagparty dito sa condo at nagkalat ang mga used paper cups and canned beers. "Ano nangyari dito?" Tanong ko. "Well, obviously yor fiancee. Dumating kami dito and your condo's in a mess. Nakikipag make out pa si Ana dito." Sagot ni Ate. "What the? Seriously?" Sagot ko. "Yes. I also can't believe Mom that she set you on marriage with a girl like her." Sagot ni Ate. "Nasaan na si Ana ngayon?" Sagot ko. "I don't know. Sumama siya dun sa kamake out niya." Sagit ni Kuya. "What the fuck? Paano pag napahamak yun? Edi ako ang walang kwenta nanaman?!" Sagot ko at inilabas ang phone para tawagan siya. Agad niya namang sinagot ang tawag. "Ana! Where the fuck are you? Papagalitan nanaman ako sa ginagawa mo!" Sigaw ko. "I'm here at time square. Having fun with my friends." Sagot niya. "Uuwi ka o kailangan pa kitang sunduin?!" Sagot ko. "Just pick me up here at the same bar where I left my car last time." Sagot niya. "Okay." Sagot ko at binaba ang tawag. "Oh san ka pupunta?" Tanong ni Ate dahil tumalikod na ako at naglakad papunta sa pinto. "Saan pa ba? Sa bar na palaging tinatambayan ni Ana." Sagot ko. "Kung ayaw mo okay lang tawagan mo na lang yung driver niya para sunduin siya." Sagot ni Ate. "Ate, lasing si Ana baka pagsamantalahan pa siya nung driver niya edi lalo akong nawalan ng kwenta sa mata nila Mama. Kesyo hinayaan ko siya ganto ganyan kaya mabuting ako na ang sumundo." Sagot ko at lumabas na ng condo.
Kassandra's POV
For the past few years ganyan na si Ken simula nung mawala sa buhay niya si Emily. Naging sunud-sunuran na lang siya sa mga magulang namin. Ako naman ay kaya ako nag-aral ng business para matulungan ko din ang mga kapatid ko dahil tapos na ako maging maksarili. Nakuha ko na ang doctor's license na pinangarap ko simula teenage days ko. Nakita ko ang paghihirap ni Ken na ipaglaban si Emily sa pamilya namin pero nauwi pa din sa pagiging talunan. Hindi niya rin nakasama yung taong mahal niya kaya ito ang nagtulak sa akin na mag-aral ulit. Ayoko nang iparanas sa bunso namin yung impyernong nararanasan naming tatlo. Gusto ko magkaroon si Kyle ng karapatang pumili ng taong mamahalin at hindi siya kontrolin ng mga magulang namin katulad ng ginawa niya saming tatlo nila Ken. Nagpatuloy na lang ako sa paglilinis ng sala para masimulan na namin ni Kenneth ang paggawa ng report sa nangyaring insidente dito sa New York. Habang abala ako sa paglilinis ng coffee table ay bigla namang humahangos na lumapit sa akin si Kenneth. "Ate! Yung main office sa Canada nasusunog." Saad niya. "Ano?! Saan mo naman nalaman yan?" Natatarantang tanong ko. Hindi pa nga tapos yung dito sa New York dumagdag pa yung sa Canada. "Tumawag sa 'kin yung secretary ni Dad. Nasa business trip pa daw sila ni Mom." Sagot niya. "What the? Tayo nanaman aayos? Hindi ba nila alam na nasa second year ka pa lang?" Sagot ko. "Alam nila. Pero pinagtrain agad ako first year ko pa lang." Sagot niya. "Argh! Si Ken na isusunod nila!" Sagot ko. Alam ko na si Ken na ang kasunod dahil sa mga nangyayari na 'to. "Di ko na alam uunahin Ate. Kailangan ko na bang magpalipat ng online class?" Tanong ni Kenneth habang nagtatype. "Mabuti pa nga para makaya mong maipagsabay itong pag-aayos ng problema at pag-aaral." Sagot ko. Magandang paraan din yun para di na siya malito kung saan unang tutungo kapag nagsabay ang mga problema. Lalo pa't may nag-occur na problema sa Canada."Sige. Kakausapin ko na lang si Dean about dito." Sagot niya. Nagpatuloy na lang kami sa pagtatatype ng report dahil hihingiin 'to nila Mama three days from now. Napahawak na lang ako sa sentido ko dahil di ko na alam ang uunahin. "Kenneth order ka food. Nagugutom na ako." Utos ko. "Sige. Anong food ba gusto mo?" Tanong niya. "Kahit ano." Sagot ko. "Chicken wings na lang oorderin ko tsaka soda." Sagot niya at nagdial sa phone niya atako naman ay nagpatuloy na sa ginagawa. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng dorm at iniluwa nito si Ken at Ana. "Ken you're so handsome." Ani Ana na halatang wala na talaga sa sarili dahil sa kalasingan. "Matagal ko nang alam Ana. Hahatid na kita sa room mo." Sagot ni Ken. "Ken pagkatapos mo diyan mag-usap tayo." Saad ko. "Okay." Sagot niya at umakyat na. Habang abala kami ni Kenneth sa pagtatype ay bigla namang may nagdoorbell. "Kenneth yung inorder mo na atang pagakain yun." Ani ko. Agad naman siyang tumayo para kuninang inorder. Nilapag niya na yung mga order at nagsimula nang lantakan ang mga ito. "Kenneth! Dahan-dahan ka nga! Para kang sampung taong di nakakain!" Saway ko dahil masyado na siyang mabilis kumain. "Di tayo naglunch remember? Kasi sobrang tagal nung meeting natin dun sa mga engineers." Sagot niya. True to what he said halos dalawang oras nga kaming nasa conference room para mapag-usapan yung mga solusyon sa na-sabotage na hotel. Ng bumaba si Ken ay nakapambahay na ito. "Ano yung paguusapan natin Ate?" Tanong niya. "Make your advance research about engineering. Kailangan may malaman ka na dahil pwedeng isali ka nila Mama sa engineering team na aayos ng mga recent chaos ng kompanya." Sagot ko. Bumadha agad sa kanyang mukha ang gulat dahil sa aking pahayag. "Ano? Eh wala pa naman akong alam dun ah! Parang introduction pa lang naman ang first year eh!" Sagot niya. "Yun na nga eh. Kami din naman ni Kenneth eh humarap sa ganyan. Ikaw na ihaharap nila." Sagot ko. "Oo nga Ken. Research lang ang naging sandigan ko nung mga panahong first year ko." Sang-ayon naman ni Kenneth sa mga sinabi ko. Napahilamos na lang siya sa mukha at napangalumbaba. "Malapit pa naman yung long test namin sa isang subject." Ani Ken na parang nahihirapan magdesisyon. "Lilipat na nga ng online classes si Kenneth dahil dito eh." Sagot ko. "Ano? Bakit ako lang? Dapat idamay nila si Ana! Architecture kinukuha non eh!" Sagot ni Ken. "Ken, as if namang hahayaan nilang pagalawin si Ana." Sagot ni Kenneth. "Oo nga. Alam mo naman yun. Magaling mang hipnotize." Sagot ko naman. Lahat ata ng nasa paligid nahipnotize ako na lang hindi tsaka si Kenneth. "Bahala na. Magrereview muna ko." Sagot niya at umakyat na sa taas. Nakisalo naman ako sa mga kinakain ni Kenneth dahil nagugutom na rin ako. Habang kumakain ay tinuloy ko na ang pagtatype.
Ken's POV
Umakyat na ulit ako dito sa taas dahil kailangan ko magreview para sa long test sa isa naming subject. Habang npnagrereview ako ay binabagabag ako ng mga balitang sinabi sa akin ni Ate nung isang araw. Naka 200k reads na pala yung libro niya at sinurprise siya ni Vince. Naisip ko kung paano ko siya icocongratulate ng hindi niya nalalaman na ako yun. Sigurado ako na kapag nalaman niyang ako yung nagcongratulate sa kanya baka hindi niya naman pansinin. Bumuntong hininga na lang ako at nag-isip kung paano ko siya icocongratulate without knowing that I am Ken. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagrereview ay nakaisip na ako ng gagawin ko. Gagamit ako ng ibang name na malayo sa real name ko para di siya magsuspetsa na ako yun. Agad akong pumunta sa facebook para gumawa ng account. Matapos makuha ang confirmation code at iset up ang account ay agad kong sinearch ang pangalan ni Emily. Sana di pa siya nagpapalit ng account. Agad lumuwag ang pakiramdam ko ng active pa rin yung account niya. Inistalk ko muna siya para malaman ko ang whereabouts niya. Bio niya ay "Romance is my genre, Love story is my forte" at ang profile niya ay ang picture niya nakangiti at ang background niya ay isang prestigious school sa Singapore. Nagscroll pa ako, agad naman akong nakadama ng saya ng makita sa featured photo niya ang picture niya nung nagprom night kami nung grade nine. Naglaho naman agad ang kasiyahan ko ng makita kong nakalagay din si Vince sa featured photo niya. Picture nilang dalawa sa harap naman ng sikat na hospital sa Singapore din malamang. Ng makita ko ang recent post niya ay picture ng cake at katabi niya si Vince at Ate Gabrielle na may caption "Salamat Vincent❤️". Agad ko namang nabasa yung comments ng mga kaibigan namin.
Alesandra Divina Harrington: Someone had finally moved on!
Leanna Fedora Sawyer: Wow Vince sanaol sinusurprise! Nakakatampo ka kasi pinsan mo ko pero di mo man lang ako sinurprise
Ivan Daniel: Congrats Ems! Sanaol!
Andrea Lj Woods: Congrats Ems!
Emily Savvanah Howards: Thank you guys! Unexpected nga rin kasi buong araw ko kasama si Vince pero nakapag kasa pa siya ng ganitong surprise HAHAHAAHAHAHAH
Vincent David Sawyer: Syempre! Ganon kasi manligaw hindi yung dinadaan sa libro! Joke lang! Naalala ko writer nga pala ko😂
Tinigil ko na lang ang pagbabasa ng comments at nagscroll up na lang ako at pinindot ang message button.
Me:
Congratulations Miss Emily! More readers to come and I hope to talk with you more. :)
Matapos nito ay nagbalik na ako sa pagrereview. Pasado alas otso ng gabi na ako nakababa dahil sa research na rin na sinabi ni Ate. "Ken, kain na." Aya ni Ate. Kumpleto na sila sa hapag kainan kasama si Ana. Tumango lang ako at kumuha na ng plato at kanin. Chicken curry at mixed veggies ang nakahain. Sigurado kong si Ate ang nagluto nito dahil di naman sanay mag curry si Kuya. "How's your research?" Tanong niya. "Not okay." Sagot ko. Umaasa pa ba siya na 'OO' ang sagot ko?? I bet hindi na masyado kong kilala nito eh. "Ana, have you heard the problem?" Bigla ay tanong ni Kuya. "What problem? May nangyari ba sa company? Who's company ba? Us or yours??" Sagot niya. "Oh you know nothing about your fiacee's problems?" Sagot ni Kuya. "What happened?" Sagot niya. "Why don't you search it yourself?" Sagot naman ni Ate Kass. "Alam niyo kumain na lang kayo kesa kung ano-ano pang pinag-sasabi niyo. Kakagalitan pa tayo nila Tita sa ginagawa niyo eh!"Saway ko. Kahit naman gusto ko siyang idamay dito dahil fiancee ko siya pero sigurado ko magagalit sa amin sila Tita kapag nalaman nilang dinamay ko dito si Ana tsak sila na nga din nagsabi na magaling manghipnotize si Ana. "No Ken. Its fine. Mom also want me to know about sa nagaganap sa company niyo." Sagot niya. "Wag na. Hindi mo rin mabibigyan ng pansin dahil hindi ka ganun ka sanay sa pamumulti-task." Sagot ko. "Then I'll try." Sagot niya. Try-try ka pang nalalaman eh puro procrastinate ka nga sa mga plate mo. Bulong ng aking isipan. Panigurado di niya naman mabibigyan ng pansin ito dahil mas nagfofocus siya sa pagpapakasaya. Ako nga hindi na ulit ako nakapag bar buhat ng school year dahil ang daming ginagawa sa school. "Well you should Ana para naman may katulong si Ken in the future. Right?" Sagot ni Ate Kass. "Yeah. Tama si Ate Kass." Sang-ayon naman ni Kuya Kenneth. Napailing na lang ako sa ginagawa nila. Para nilang prinepressure si Ana. Daig pa nila sila Tito at Tita. "Oh. Someone sabotaged your current major project here in New York and someone burned your main headquarters in Canada." Biglang ani ni Ana sa gitna ng katahimikan. "What? Pati sa Canada meron?" Tanong ko. Hindi ako informed dito. "Yes. Kaya kita pinagreresearch dahil sigurado isa sa mga engineering teams ng dalawang kaganapan ang pwede mong masalihan. Alam mo naman sila Mama at Papa. Sobrang unexpected nila kung magbigay ng problema diba?" Sagot ni Ate. "HAHAHAHA. Oo nga pala. Para silang kabute na bigla bigla na lang sumusulpot." Sagot ko. "You're so mean kila Tita, Ken." Singit naman ni Ana sa usapan naming magkapatid. "I'm not mean. Its fact." Sagot ko. "I'll tell it to tita!" Sagot niya. "No! Or else I'll also tell to Tita that you are drinking too much. You're almost drinking everyday and you even maked out with some other guy. You want huh?" Sagot ko. Siya pa may lakas ng loob magsabi kila Mama ng ganun kung mas marami naman siyang baho kesa sa akin. Hindi mo sukat akalain na ang mukhang anghel sa mata ng mga magulang namin eh may kakayahan pa siyang makipag make out sa iba. Matapos kumain ay si Kuya Kenneth na nag nagurong ng mga kinainan. Umakyat na ako sa kwarto ko. Nagtooth brush at skin care na ako bago ko humiga sa kama. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang viber ko. Baka nagchat na si Mama about sa nangyaring insidente or si Papa para ipressure ako sa nangyayari. Hindi nga ako nagkamali meron ngang chat.
Mama:
Ken, I want you to join on the engineering team of both incidents on our company. This will serve as your training.
Me:
Okay.
Hindi na ko tumanggi pa dahil this time ay inabisuhan ako ni Ate. Nakipaglaro pa muna ako ng call of duty kay Kyle bago ko matulog. Kailangan ko ng sapat na tulog ngayong gabi dahil sigurado kong sa mga susunod na araw ay mapupuyat nanaman ako kakaresearch sa mga gagawin ko sa kompanya.
A/N: Short update ulit po Bemskies dahil may sakit ako hehe. Kung meron mang pagbabago sa formats ng update ko iyon ay dahil iPad ang gamit ko sa pag-update. Please bare with the slow updates dahil sa pabago-bagong panahon ay nagkasakit ako. As per my last author's note naniningil na nga din ang katawan ko about sa pagpupuyat ko kaya ganun. Don't worry kapag naging maayos na ulit takbo ng katawan ko magiging mabilis din ang update. So thank you for reading this update and enjoy. And if you do please vote this chapter and comment your insights about it so that I cam improve. Love you and stay safe Bemskies❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top